You are on page 1of 3

SB SUMMER BASKETBALL LEAGUE 2014

Brgy. Lamot 2 Calauan, Laguna

MGA PATAKARAN AT ALITUNTUNIN NG PALARO

ARTICLE 1

Section1 – Division

Mosquito 13 years old below


Midget 14-17 yrs old
Junior 18-23 yrs old
Senior 24 yrs old and above

Section 2- Kalahok

Lahat ng kalalakihang nais lumaro, na dito naninirahan at kapaloob sa census ng Brgy. Lamot 2
ang makakasali lamang sa liga. Ang lahat ng line-up ng bawat koponan na naisumite na ay final at dina
babaguhin. Ang manlalaro na mapatunayang sobra sa edad na itinakda lalo sa Midget at Junior ay
tatanggalin at idedeklarang talo ang koponan at idedeklarang panalo ang kalaban.Kailangan hindi lalagpas
ang edad sa simula ng opening ng naturingang paliga. Ang lahat ng line-up ay mabuting susuriin.

Section 3- Koponan

3.1 Labing pito (17) lamang ang bumubuo ng isang koponan at labing dalwa lamang ang maaring
makalaro sa oras ng laban (Midget, Junior, Senior). Subalit sa Mosquito Division ay walang limit ang
bumubuo sa isang koponan at bilang ng maaring makalaro.

3.2 Ang koponan ay kinabibilangan ng coach, asst coach at captainball na nakatala sa “Official Roster of
team official”. Ang koponan ay may takdang kulay na uniporme na di nahahawig sa ibang koponan. Ang
hindi sumunod sa naitalagang kulay ng uniporme ay hindi makakapaglaro.

3.3 Ang pangitaas na suot ang mahalagang kasuotan na mayroong numero.

3.4 Kung walang sariling uniporme ang ilang kalahok sa grupo,kailingang magsuot ng damit na kulay ng
kanilang koponan.

3.5 Ang manlalaro sa koponan ay kailangang nakasapatos at nakamedyas.

3.6 Mahigpit na pinagbabawal ang anu mang suot na (accessories) habang naglalaro tulad ng
kwintas.bracelet,hikaw,relos at ilang bagay na maaring makasakit habang naglalaro.

3.7 Hindi pahihintulutan ang sinumang manlalaro sa koponan ang hihiwalay o aalis sa nakatakdang
puwesto maliban kung halftime o tawag ng pangangailangan.

3.8 Hindi papayagan na magkaroon ng representative ang magkabilang koponan sa table committee sa
bawat team na maglalaro.

3.9 Coach at Asst. Coach lamang ang maaring tumawag ng time out kada laro.

Section 4- Default
Ang Koponang di sumipot matapos ang labinlimang (15) minutong palugit sa takdang laro ay
papatawan ng DEFAULT at magbabayad ng multang P100.00, kailangang dumating ang bawat team 20
minutes bago magsimula ang laro.

Section 5- Paliban (Postponement)

5.1 Ang larong di natuloy o nahinto dahil sa sama ng panahon o brownout ay ipagpapaliban sa araw na
itatakda.
5.2 Kapag nasimulan na ang laban at nahinto sa dahilang nasasaad sa itaas (5.1) ang natitirangng minute/
oras lamang ang lalaruin sa susunod na schedule maliban kung 2 minuto na lamang ang natitira at lamang
ang kalaban ng 20 puntos.
Section 6- Manlalaro

6.1 Bawal maglaro ang nakainom o amoy alak o gumagamit ng anumang pinagbabawal na gamot. Ang
kaparusahan ay pagtanggal at hindi palalaruin sa actual na laro.

6.2 Kung pwede ay maligo muna bago maglaro para fresh ang katawan.

6.3 Hindi papayagang lumapit ang sinumang manlalaro sa Table Official maliban sa coach, Asst. Coach
at Captain ball. Bibigyan ng warning at kung uulitin ay iteteknikal.

6.4 Hindi papayagang magsigarilyo ang sinumang manlalaro lalo na sa kanilang bench habang tuloy ang
laro.
6.5 Hindi pinapayagan ang manlalaro na maghubad ng uniporme lalo na kung na fouled out habang
nakaupo sa bench ng kanilang koponan.
6.6 Mahigpit na ipinagbabawal ang pagmumura at pagsasalita ng masama habang naglalaro at higit sa
mga referee.
6.7 Ang sino mang manlalaro na ginawaran ng (unsportmanship) sinasadya o hindi ay hindi na
pababalikin sa laro.
6.8 Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdura o paghagis ng anumang bagay sa palaruan habang naglalaro

Section 7 – Parehas sa Standing

Quotient System ang paiiralin kung magkakaroon ng higit sa tatlong pareho ang standing sa
elimination round. Win over the other kung 2 lang ang pareho ang standing. Kung apat na team ang
kukunin at nagkapareho ang pang apat, panglima at pang anim ang pinakamalaki ang lamang sa mga
nagdaang laban ang papasok

Section 8- Laro

8.1 Ang laro ay kapapalooban ng apat (4) na quarter na 10 minuto kada quarter(midget, Junior, Senior).
Subalit 8 minuto lamang para sa Mosquito Division.
8.2 8 Second Violation ay ipapataw kung hindi naitawid ang bola mula back court to front court.
8.3 24 second violation ay ipinatutupad kung hindi naitira ang bola sa loob ng 24 na Segundo na hindi
tumama sa ring.
8.4 Isang timeout kada quarter at 2 timeout sa 4th quarter.
8.5 Ang torneong ito ay kapapalooban ng FIBA RULES as adopted by PBA.

ARTICLE 2- PAGSALI

Section 1- Entrance Fee/ bond

Mosquito 400 = P400.00


Mediate 500+500 = P1,000.00
Junior 1,000+500 =P 1,500.00
Senior 2,000+1,000 =P 3,000.00

Ang Entrance Fee ay gugugulin sa anumang gastusin ng liga. Ang bond ay sagot sa mga multa
na ipapataw sa anumang pagkakamali o pagtataliwas sa patakaran.

Section 2
Ang koponan na hindi pa bayad ng EF at BOND ay hindi papalaruin. Kinakailangan bayad ito bago
magsimula ang opening parade. Hindi maaring kulang ang bayad. May karapatan ang may paliga na alisin
sa torneo ang team na hindi makakabayad o makakatugon sa kanilang obligasyon.

Section 3

Ang sinumang manlalaro na napatunayang nagkaroon ng bad record ngayong taon sa barangay gaya ng
panggugulo ay hindi makakapaglaro sa susunod na taunang paliga.

Section 4
Ang sinumang napatunayang nanguna sa pagkakahinto ng laro o nanggulo mula sa naglalaro o grupo ay
hindi na paglalaruin hanggang matapos ang paliga at automatic na tanggal na ang bond.
Section 5

Ang dalawang koponan na di-sumipot sa takdang araw at oras ng laro ay ipapahayag na parehong talo sa
score na 0-0,

Section 6

Ang isang koponan na tumanggi maglaro matapos ihayag ang pagsisimula ay deklaradong talo.

Section 7

Ang Captain ball/ Coach ng koponan ay lalagda sa SCORE BOOK pagkatapos ng bawat laro bilang
pagpapatunay na ang laro ay malinis at walang paghahabol.

Section 8 – Bond Fees/ Penalties

Section 8.1 Hindi pagparada ng koponan – ay hindi makakasama sa bunutan ng makakalaro.


Section 8.2 Hindi kumpleto sa parada – 200 pesos/bond
Section 8.3 Teknikal – 50 pesos
Section 8.4 hindi pagtatuck-in- 50 pesos
Section 8.5 paghuhubad ng uniporme habang naglalaro ang koponan- 50 pesos
Section 8.6 pagsusuot ng mga accessories habang naglalaro- 50 pesos
Section 8.7 pagalis o paghiwalay sa pwesto o koponan maliban kung kailangan- 50 pesos
Section 8.8 pakikialam sa table committee- 50 pesos
Section 8.9 mahuhuli na nagsisigarilyo habang naglalaro ang koponan- 50 pesos
Section 8.10 napatunayang nkainom at nkagamit ng ipinagbabawal na gamut-100 peso
Section 8.11 Default- 100 pesos
Section 8.12 Unsportmanship- 100 pesos

You might also like