You are on page 1of 3

Pagpupulong sa Liga

December 3, 2023
3:00 PM
Hangga Day Care Center

PROVISIONAL AGENDA

A. Panimula
● Panalangin

B. Discussion
● Bakit naging intercolor?
● Paano ang magiging siste ng liga?
1. 12 teams per division.
2. Maximum of 15 players per team.
3. Bunutan ang kulay ng uniform.
● Mahahalagang araw
1. December 3 - Meeting
2. December 5 - Submission of Lineup
3. December 16 - Opening (Tentative)
● Awards
1. Opening
- Best in Muse (Gay)
- Best Tiktok Dance Challenge
- Best in Uniform (Sundin ang kulay na nabunot)
2. Finals
- Finals MVP
- Season MVP
- Mythical Awards
- First, Second, Third (5,3,2)
● Payment
1. Entrance Fee - 1,500
2. Referee - SK Funds
3. Uniform - Players
● Location at Bracketing (To be announced)
● Requirements
1. Official Forms
2. 1,500
3. ID (Philsys, student and voters)
MEMORANDUM OF AGREEMENT
(Intercolor Basketball League)

Ang sulat-kasunduan na ito ay naglalaman ng mga alituntunin at patakaran ng


Sangguniang Kabataan sa inorganisa nilang liga na kailangan sundin ng bawat
manlalaro. Ang hindi susunod sa mga mapagkakasunduan ay maaaring alisin ang
kupunan o magtanggal ng miyembro depende sa ginawang paglabag.

Ang magkabilang panig ay nagkasundo sa mga sumusunod na termino:


1. Ang makapagpapasa lamang ng line-up sa December 5 na may kumpletong
manlalaro ang makakasali.
2. Ang pahihintulutan lamang na maglaro ay ang lehitimong naninirahan sa
Barangay San Isidro II at nakalista sa opsiyal na tala na ipinasa sa
Sangguniang Kabataan.
3. Ang lahat ng manlalaro ay dapat na makapagpasa ng mga hinihinging
requirements sa itinalagang araw ng pasahan at pasado sa kwalipikasyon.
4. Ang hindi makapagbabayad ng 1,500 bago ang pagbubukas ng liga ay hindi
makakasali.
5. Kinakailangan na sundin ang kulay na mabubunot sa pagpapatahi ng
uniporme, ang hindi susunod ay hindi makakasali sa pamimilian sa Best in
Uniform.
6. Bawal umatras ang team na nagpasa na ng line-up, kung sakali na hindi talaga
makakalaro ngunit nagbayad na ng entrance fee hindi ito maaaring bawiin.
7. Ang gagawing iskedyul ng laro sa buong liga ay ipakikita sa mismong opening
nito. Hindi pahihintulutan ang magpalipat ng iskedyul kung hindi makakalaro
ang team.
8. Ang team na hindi dadating sa itinakdang oras ng laro ay bibigyan lamang ng
15 minutong palugit, kapag lumagpas ang oras awtomatikong default ang
team.
9. Anumang maling aksyon na ginawa ng manlalaro na hindi umaakma sa
wastong pag-uugali ay maaaring tanggalin ng Sangguniang Kabataan matapos
isagawa ang botohan.

Bilang katunayan, ang magkabilang panig ay nakalagda ngayong ika-____ ng


Disyembre, 2023 kaharap ang kanilang mga saksi.
LAGDA NG KINATAWAN NG BAWAT TEAM

You might also like