You are on page 1of 1

Jylle Sherine F.

Bermudez
10 - Love

“LAKERS, PANALO!”
Ilang taon na ang lumipas ng muling matasama ng MNHS-MALAYA ang Intramurals,
ngunit nitong Setyembre 28, 2023 ay nasagawang muli sa pangunguna ng presidente ng MAPEH
Club sa nasabing paaralan na si Franz Jerick R. Alilao. Ang Intramurals ay isang kaganapan kung
saan may ginaganap na mga palaro tulad ng volleyball, badminton, basketball, lawn tennis at
iba pa sa iba’t ibang mga pangkat. Bawat manlalaro sa ibat ibang sports ay nagpapakita ng
kanikanyang kakayahan sa kanilang napiling sport upang manalo. Ipinakita nila ang
determinasyon sa bawat laro. Ngunit ang aking sinubaybayan at binalik-balikan ay ang
Championship ng Badminton Doubles noong October 4, 2023 ikatlong araw ng Intramurals; sina
Kathylen Rana at Jerome Sapad ang pambato ng Grade 10 Lakers, at ang kanilang kalaban
naman ay sina Ashley Corpuz at Christian Jay Balingit mula sa Grade 9 State Warriors.

Si Christian Jay ang nasimula ng kanilang laro, ang shuttlecock ay nagpalipat-lipat sa direksyon
ng dalawang grupong manlalaro hanggang sa hindi nasalag ng manlalaro mula Grade 9 State
Warriors ay paghampas ng shuttlecock ni Kathylen. Nagsisimula pa nga lang ang laro ay lumapit
sina Kathylen at Jerome sa committee dahil mali ang nag recieve ng kanilang serve na dapat si
Ashley ang sumalo ng shuttlecock ay si Christian ang sumalo na fault sa Badminton. Hindi
nagtagal ang kanilang pag-uusap tungkol sa hindi pagkakaunawaan ay nagtuloy ang laro. Muling
nagpalipat-lipat ang shuttlecock na tinapos naman ni Christian Jay. Nagsimulang maginit ang
kanilang laban nang sunod-sunod na hindi nasalo o nasalag ng Grade 10 Lakers ang galling sa
Grade 9 State Warriors, ngunit bumawi naman sina Kathylen at Jerome noong magpalit sila ng
pwesto.

Natigil ng ilang minuto ang laro dahil sa biglang lakas ng pagbuhos ng ulan – nabasa ang mga
nanonood ganon din ang mga manlalaro. Nang humina ay nagpatuloy ang laro, pasahan muli ng
shuttlecock nang dumating ang isang guro ng Grade 9 na si Ma’am Nerissa Bornilla na
nakipagkwentuhan sa ibang nanonood doon. “Dapat kayong mga marurunong na ay hindi na
kasali sa ganyan, e,” sabi pa nito sa mga manlalaro ng Grade 10 Lakers. Hindi nagtagal ang
panonood at pakikipagkwentuhan ni Ma’am Bornilla roon dahil kalaunan ay umalis din ito dahil
madami pang aasikasuhin. Ganoon din ang laban ng Grade 9 State Warriors at Grade 10 Lakers
na hindi na rin nagtagal dahil tinapos na ito ni Kathylen Rana mula sa Grade 10 Lakers; inuwing
ngiti ay abot tainga nina Kathylen Rana at Jerome Sapad ang titulo na kampeon.
Lakers, Panalo!

You might also like