You are on page 1of 7

Tatum dinagit ang panalo kontra 76ers

PHILADLPHIA - Nagbaon ng 3 pointer ang Superstar Celtics forward Jayson Tatum sa mga huling
segundo ng bakbakan upang pabagsakin ang nag-iinit na 76ers sa 110-107 karatada nitong pebrero 26
sa Wells Fargo Center Arena sa Philadelphia, Pennsylvania.

Uminit ang laban pagtapos magpaulan ng sunod sunod na tres ni veteran forward Al Horford na
nagdikit sa dalawang koponan matapos ang 56-50 lead ng 76ers sa halftime.

Binawi ni sharpshooter James Harden ang tambak upang habulin ang laban sa mga huling minuto ng
laro.

Nagdraw din ng foul si Embiid upang makakuha ng dalawang freethrow mula sa 107-105 na
pagkalugi sa puntos laban kay Brown sa nahuhuling 10.8 na segundo ng laban.

Natapos ang laban sa iskor na 110-107, wagi ang Celtics, na dumagdag sa kanilang 43 na panalo
bilang 1st seed.

Nagtala ang superstar forward na si Tatum ng 18 points, 13 rebounds, at 6 assists sa loob ng 36


minuto na play time.

Pinangunahan naman ni NBA 2023 all-star Jaylen Brown ang Celtics sa bilang ng puntos na nagtala
din ng 26 points kasama na ang 4 rebounds at 3 assists.

Dismayado ang superstar center na si Joel Embiid matapos ang pagkatalo sa kabila ng isang kagilas-
gilas na performance.

Nakapagkamit ng 41 points, 12 rebounds, at 5 assists ang naturang center.

Ito ang unang laban ng Boston Celtics matapos ang all-star break habang galing naman ang 76ers
mula sa isang 110-105 na panalo laban sa Memphis Grizzlies.

Matatandaang idineklara din na NBA 2023 All-star Game MVP si Tatum nitong ika-20 ng Pebrero
kontra sa koponan na pinangunahan ng NBA Legend na si LeBron James.
Lakers nagtala ng record ngayong season

DALLAS - Sinungkit ng Los Angeles Lakers ang tagumpay matapos ang 27 puntos na pagkalugi
laban sa Dallas Mavericks nitong lunes sa regular season match ng National Basketball Association
sa American Airlines Center.

Nagnindig ang Lakers sa isang dikit na bakbakan laban sa tumitinding Mavericks na


pinangungunahan ng allstar at superstar duo na sina Luka Doncíc at Kyrie Irving sa iskor na 111-108.

Sinamantala ng Mavericks ang butas na depensa ng Lakers sa unang half ng laban at tinambakan ito
sa scoreline na 48-21 nang may natitirang 6:52 sa ikalawang kwarter.

Lumamig ang nag-iinit na opensa ng Mavericks sa ikalawang half ng laban na sinamantala ni Lakers
Forward Jarred Vanderbilt upang Mabawi ang tambak sa unang half.

Nagtala si Vanderbilt ng 15 points at kahanga-hangang 17 rebounds kasama na ang 4 steals.

Binasag naman ni Anthony Davis ang frontcourt defense ng Dallas Mavericks kabalikat ng nagliliyab
na laro ng Lakers Forward.

Nagtamo ng 30 puntos at 15 rebounds sa loob ng 37 minutes game time si Davis at idineklarang


match MVP ng labanan.

Matatandaang nanggaling sa isang Foot Injury ang Lakers Forward bago ang laban ngunit hinila pa
rin nito ang koponan sa isang panalo.

Ikinababahala naman ngayon ng Superstar at NBA Legend na si LeBron James ang kanyang kanang
paa dahil nakarinig umano ito ng "Pop" matapos ang isang mintis na lay-up sa 3:16 sa ikatlong
kwarter.

Pinagpatuloy pa rin ni James ang laro nang may iniindang sakit sa paa at tinulungan ang Lakers na
makamit ang panalo kontra Mavericks.

Binanggit ni James na naging mabuti na ang kaniyang kalagayan at hinirit na Hindi ito magiging
hadlang sa kaniya upang ipagpatuloy ang pagbulsa ng mga panalo.

Kakaharapin ng Los Angeles Lakers ang 2nd Seed ng Western Conference na Memphis Grizzlies sa
Miyerkules sa FedExForum ng Memphis.
Chiefs turned the AC On against Cardinals

MANILA - Arellano Chiefs turned the AC on to cool off the scorching-hot Mapua Cardinals last
Saturday's Match of NCAA Season 98 in San Andres Sports complex.

The chiefs and cardinals came from a 3-1 scoreline before the match with both teams coming from a
3-0 win against the LPU Pirates.

Mapua Cardinals stormed their way through the defenses of Arellano Chiefs in the first quarter,
proving their epithet as the best-serving team in the league as they had 5 service aces with Middle
Blocker Peter Sañado claiming 4 of them.

Arellano Chiefs awaken after a disappointing first quarter with Outside Hitters Carl Berdal and AC
Guinto demolishing the walls put to them by the Mapua Cardinals.

Cardinals were cooled down after the intense first quarter piling up 8 errors in the second quarter.

Chiefs triumphed as both teams threw back-to-back punches at each other in the third round.

A yellow card was given to Barbie San Andres by 1st referee Ely De Jesus after San Andres challenge
a 4-touch miscall from the Chiefs.

Chiefs shattered the hopes of the Cardinals of coming back as they turned the game around after the
disappointing first round.

AC Guinto was hailed as the Best Player of the Game having 12 points, 22 excellent receptions, and 8
excellent digs.

Barbie San Andres becomes the first player to score 100 points in the NCAA Men’s Volleyball
division.

Arellano Chiefs nabs victory despite Mapua Cardinals’ First Quarter masterclass claiming the 3-1
Victory. 15-25 25-19 25-23 25-19.
D’lo wagi sa pagbabalik

LOS ANGELES - Sinilyaban ni Lakers Guard D’Angelo Russel ang Crypto Arena sa Huling kwarter
ng laban ng Lakers (33-34) kontra Raptors (32-36) sa kartadang 122-112.

Binomba ni Russel ng sunod sunod na tres ang Raptors upang mabawi ang tambak at nagtala ng 100%
Field Goal Attempt at 16 points sa Huling kwarter ng bakbakan.

Sinayawan naman Guard Austin Reaves ang nanlalamig na Raptors tampok ang kaniyang dakdak sa
butas na depensa ng Raptors sa natitirang 7:04 minuto ng ikaapat na kwarter.

Nagkaroon ng 28 points at 18 points sina Russel at Reaves, ayon sa pagkakasunod.

Dinala ng mga Power Forward na sina Jarred Vanderbilt at Rui Hachimura ang Lakers sa unang mga
kalahati ng labanan at parehong nagbigay ng 16 points.

Dumagdag din ng 23 points ang German Guard na si Dennis Schröder.

Umiskor naman ng 32 points si Sophomore Scottie Barnes at 31 points si OG Anunoby para sa


koponan ng Toronto Raptors.

Umakyat na sa 33 na panalo ang Lakers at mayroong 6-2 run matapos ang All-star break.

Ito ang unang laro ni D’Angelo Russell matapos ang Right Ankle Sprain na kanyang nakuha sa laban
kontra Warriors noong ika-23 ng Pebrero.

Sa Washington, Pinatahimik ni star Trae Young ang Capital One Arena at nagbigay ng 28 points at 9
assists sa 114-107 paggupo ng Atlanta Hawks (34-33) sa Washington Wizards (31-36).

Sa Philadelphia, Hinablot ni Joel Embiid ang panalo sa harap ng home crowd sa huling segundo ng
laban ng 76ers (44-22) kontra Trail Blazers (31-36) sa kartadang 120-119.

Sa Minnesota, Nanindig ang Nets (38-29) kontra Timberwolves (34-34) sa 124-123 Overtime win.

Sa Miami, tumipa si Jimmy Butler ng 33 points sa 75% FGT sa panalo ng Heat (36-32) laban sa
Cavaliers (42-27).

Sa San Antonio, nilupig ng Spurs (17-49) at forward Keldon Johnson sa barahang 23 points, 8
rebounds, at 6 assists ang unang pamato ng Western Conference na Nuggets (46-21).
Japan pinahiya ang Australia

TOKYO - Winasak ng Japan ang mga pangarap ng Australia na makatungtong sa Quarterfinals ng


World Baseball Classic matapos ang dominant victory nito sa kartadang 7-1 sa Tokyo Dome nitong
ika-12 ng Marso.

Tapos na agad ang laban sa simula pa lang matapos magbigay ng 3 run homerun ni Japanese baseball
legend Shohei Ohtani sa Australian pitcher na si Will Sheriff.

Nagtala ng 4 RBI sa 1.684 na On-base plus slugging percentage ang Japanese Designated Hitter,
dahilan kung bakit binigyan si Ohtani ng libreng pasada sa mga susunod na inning.

Tinuloy naman ng koponan ng Japan ang pagtambak sa Australia sa mga kasunod na inning.

Kumamada sina Takumu Nakano, Lars Nootbaar, Yuhei Nakamura, at Kazuma Okamoto ng 1 run
matapos ang 3 point lead sa unang inning.

Hindi nagpahuli ang Japanese Pitcher na si Yoshinobu Yamamoto na nagsalpak ng 8 strikeouts sa


Australia.

Nagpakawala ng solo home-run Alex Hall para sa koponan ng Australia sa huling inning ngunit wala
itong naging epekto sa laro.

Umangat na ang Japan sa barahang 4-0 na wala pang bahid ng pagkatalo sa Pool B at pasok na sa
Quarterfinals ng World Baseball Classic.

Bumaba naman sa 2-1 ang record ng Australia matapos ang pagkapalpak.

Nasa kamay na ng Australia ang kanilang kapalaran matapos ang kanilang pagkatalo at kakaharapin
ang Czech Reublic na nasa 1-2 baraha upang masiguro ang kanilang pwesto sa quarterfinals.
Australia banishes Czech Republic from WBC Contention

TOKYO - All hopes are restored as Team Australia overthrew the Czech Republic 8-3 on Monday in
the Tokyo Dome to secure a position in the quarterfinals.

Australia suffered a humiliating loss to the Japanese baseball team prior to the game; Japan defeated
Australia 7-1.

Australia's Alex Hall hits a solo home run off of the Czech pitcher Martin Schneider to open the
team's offense.

Eric Sogard's fastball hit to the center fielder, which prompted Petr Zyma to make a run for the
Czechs, causes the game to tie at third.

After Logan Wade doubles to right field in the seventh inning and Alex Hall triples to right field in
the top of the eighth, the Australians lead the game 5-1.

A further hit by Robbie Glendinning brought the score to 6-1 heading into the bottom of the eighth
inning.

As part of his comeback effort, Marek Schlup knocks a fastball to the left field, gaining his team an
extra two points.

A double play on batter Jakub Kubica brought the game to an end in the ninth inning.

Australia finished second in pool B to Japan thanks to the victory over the Czech Republic. Australia
will now play the pool A winner, Cuba, in the quarterfinal encounter on March 15 in the City of
Tokyo.

South Korea will no longer be able to advance to the quarterfinals thanks to the victory.
South Korea nilabas ang galit kontra Tsina sa WBC

TOKYO - Ginulantang ng nag-aalab na South Korea ang buong mundo matapos nilang magtakda ng
record na 20 runs difference sa laban kontra Tsina sa kanilang huling laban sa World Baseball Classic
2023 sa Tokyo Dome nitong ika-13 ng Marso.

Hindi na binigyan ng South Korea ang kalabang koponan na huminga matapos ang first inning.

Nagpaulan ang South Korea ng eight runs sa top ng third inning at pinalaki ang lead sa 12-2.

Dumagdag pa ng six runs sa kasunod na inning tampok ang Grand slam ni outfielder Kunwoo Park.

Binigyan pa ni infielder Ha-Seung Kim ng isa pang Grand Slam sa top ng 5th inning para opisyal
nang tapusin ang laro sa kartadang 22-2.

Ang dominasyon ng larong ito ay nagbigay daan upang ipagalaw ang Early Termination Rule na
pinapagana lamang kapag lagpas 15 runs na ang lamang ng isang koponan sa 5th inning.

Kumamada ng two runs at five RBI si Kunwoo Park sa 1.225 on-base plus slugging percentage
at .375 average sa kabuuan ng laro.

Binasag ng South Korea ang record na itinala ng Canada kontra Great Britain na 18 runs in a single
game sa parehong paligsahan.

Natapos ang run ng Tsina sa World Baseball Classic ng walang panalong nakuha sa Pool B.

Kahit sa kabila ng demolisyong ito, bigo pa rin ang South Korea na makalagpas sa group B.

You might also like