You are on page 1of 1

2023 Christmas League, iginanap sa Barangay San Carlos

Balita mula kay Cris Jay Oray at Andrei Jeremy Alsado

Noong ika-25 Disyembre 2023, idinaos ang paligsahan sa larong basketball sa


baranggay San Carlos. Ang ginawang Christmas League ay one-day league. Ito ay
ipinasagawa ng punong baranggay na si Glen Rodriguez at ng kagawad sa esport na si
Arnel Ayop. Sinuportahan din ito ng sangguniang kabataan sa San Carlos at iba pang
mga kagawad.

Sa laro ay sinalihan ito ng pitong purok at nag laban ito hanggang sa dalawa
nalang ang natirang purok. Ang dalawang grupo na natira ay Purok 7 “The Defenders”
at Purok 1 “Hyper Team”. Sila ang naglaban sa championship at naging maganda
naman ang kanilang laban sa 1st quarter hanggang sa 3rd quarter. Subalit sa pang-apat
na quarter ay tinambakan na ang Purok 1 “Hyper Team” ng tatlompu’t isang puntos
hanggang sa hindi na makabawi ang Hyper Team. Sa kalaunan nanalo na ang The
Defenders sa puntos na 92- 61 naman sa Purok 1 Hyper Team ang nag-uwing
champion ay Purok 7 The Defenders. Ang idineklara na MVP sa laro ay si Fredie
Simogan na nag puntos ng 36 at nagbigay sya ng tips kung paano manalo sa larong
basketball “matutong mag tiwala sa kakampi”.

You might also like