You are on page 1of 2

Gilas Pilipinas wagi kontra Indonesia; gold medal nasungkit

By: Rhommel Balasbas

Muling namayagpag ang mga pinoy sa Basketball court.

Ito ay matapos masungkit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa katatapos lamang na laban nito
kontra Indonesia.

Tinambakan ng Pilipinas ang Indonesia sa iskor na 94-55.

Mistulan pa ngang hindi pa ginaganahan ang Gilas sa unang bahagi ng laro at pinalitan pa ang player na
si Christian Standhardinger.

Ngunit nag-init ang Gilas mula sa 2nd quarter at tuloy-tuloy nang tinambakan ang kalabang bansa.

Ito na ang ikalawang beses na tinalo ng Gilas ang Indonesia at pang-18 beses na dinomina ng koponan
basketball court sa buong South-East Asia.

Pinangunahan nina Mike Tolomia at Kobe Paras ang Pilipinas matapos magtala ng 20 at 14 na puntos.

Ito na ang ika-18 gintong medalya ng Pilipinas sa 2017 Sea Games.

Gilas pinawisan laban sa Singapore

(Pang-Masa) | Updated August 26, 2017 - 12:00am

KUALA LUMPUR - Dumaan muna sa butas ng karayom ang Gilas Cadets bago nadispatsa ang Singapore,
68-60, sa semifinal match kahapon sa men’s basketball event ng 29th Southeast Asian Games sa MABA
gymnasium dito.

Nag-init sina Fil-German Christian Standhardinger at Mike Tolomia sa huling limang minuto para
maisalba ang kampanya ng national men’s basketball team.

Sa kanilang pang-apat na sunod na panalo, umabanse na ang Gilas sa finals laban sa mananalo sa
Thailand at Indonesia sa isa pa semis battle na nag-lalaro pa habang sinusulat ang istoryang ito.

Gilas Pilipinas, umabante sa finals sa SEA Games matapos talunin ang Singapore

Tiyak nang pasok sa finals ng men’s basketball sa Southeast Asian Games ang Gilas Pilipinas.

Ito ay makaraang talunin ng Gilas ang Singapore sa score na 68-60 sa kanilang laban sa semi finals.

Hihintayin na lamang ng Gilas kung sino ang mananalo sa paghaharap ng Thailand at Indonesia.

Lamang ang Pilipinas simula nang mag-umpisa ang laban pero bumaba sa lima lang ang abanteng puntos
nito dahilan para magsanib pwersa sina Christian Standhardinger at Mike Tolomia sa huling limang
minuto ng laban.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng basketball team ng Pilipinas sa SEA Games.

Dahil sa panalo, nagkaroon ang tsansa ang Gilas na makapag-uwi ng gintong medalya.
Gilas vs. Malaysia muntik mag-riot

By Ramil Cruz August 24, 2017 12:00:51 am

KUALA LUMPUR — Ejected sina Baser Amer at Carl Bryan Cruz sa 5:41 ng third period, pero tinambakan
pa rin ng Gilas Pilipinas ang Malaysia, 98-66, at dumiretso sa third straight win kagabi sa 29th Southeast
Asian Games 2017 men’s basketball prelims sa MABA Stadium dito.

Abante ang Philippines ng 52-40 nang muntik magka-riot dahil sa pag-lock ng isang Malaysian sa mga
braso ni Kevin Ferrer sa mid-court play. Umawat lang si Cruz habang nag-react si Baser Amer na
kinatalsik nila sa laro sa rekomendasyon ng mga refrees.

Si naturalized player Fil-German Christian Standhardinger ang bumuhat sa Nationals nang sa pangatlong
sunod na game ay magtatak ng double-double na 18 points at 18 rebounds para sa sweep ng bansa sa
Group A.

Makakasalpukan ng Gilas ang Group B No. 2 team alinman sa Singapore (2-1) o Vietnam (1-1) sa siklab
ng Final Four bukas. Wala pang talo ang Indonesia (2-0) na maaring mag-no. 1

Pinagbabalasa rin ng mga Pinoy ang Myanmar, 129-34 at Thailand, 81-74.

Nakikipagbuno pa ang Perlas Pilipinas (2-1) sa Thais (2-0) kagabi sa women’s division habang sinusulat
ito.

Gilas Pilipinas, wagi kontra Myanmar sa SEA Games 2017

By: Patrisse Villanueva

Muli na namang pinabilib ng Gilas Pilipinas ang mga fans matapos nitong talunin ang Myanmar sa
nakaraang laban nito sa 2017 Southeast Asian Games.

Sa score na 129-34, tinambakan ng Gilas ang kampo ng Myanmar sa nakaraang laban nila na ginanap sa
MABA Stadium sa Kuala Lumpur. Sa kasalukuyan mayroon nang record na 2-0 ang koponan sa Group A
play.

Matapos ang mahigpit na tapatan laban sa Thailand noong Linggo na nagtapos sa score na 81-74, hindi
nagpatinag ang Gilas sa Myanmar at nakapagtala ng 15 points sa umpisa ng laban.

Umarangkada si Raymar Jose sa pagtatala ng mga puntos para sa koponan na mayroong 22 points.

Kapansin-pansin din ang perfomance ni Kobe Paras na nakapagtala ng 20 points, 8 renounds, 78 steals, 4
blocks, at mga dunks.

Hindi rin nagpahuli ang iba pang miyembro ng Gilas na sila Troy Rosario na may 14 markers, Mike
Tolomia na may 13 points at 6 assists, Carl Bryan Cruz na may 12 points at 4 rebounds, at Christian
Standhardinger na may 12 points ar 11 boards.

You might also like