You are on page 1of 4

SEPAK TAKRAW

Blue Eagles nasungkit ang tagumpay sa Men's Sepak Takraw

Isinulat ni: Kylie Masmela

Naglalagablab na sipa ang pinakawalan ng gitgitang labanan sa pagitan ng Blue Eagles Grade 10 at Red Hawks Grade 9
sa School Intramurals Championship Men’s Sepak Takraw noong Oktubre 19, 2023 sa Towerville Highschool.

Nagpakawala ng isang dumadagundong na sipa si Kian Amado at Rhylee Garlan mula sa koponan ng grade 10 nang
magsimula ang laro at dahilan upang angkinin nito nang tuluyan ang unang set sa iskor na 21-17.

Sinundan ito ng sunod sunod na atake ni Jonel Rodriguez mula sa ko.ponan ng grade 9 na nagbigay daan sa iskor na 12-21
sa kalahati ng laban. Sa pagtatapos ng 2nd set ay inagaw ng g9 ang korona ng g10.

Hindi na hinayaan ng g10 na makaiskor pa ang g9. Sa pamamagitan ng mahigpit na depensa, at isang nagliliyab na bola
ng tagumpay na ibinigay ni Amado, dahilan para maiuwi nila ang kampeonato sa iskor na 2-1.

" Biglaan man at hindi kami nakapaghanda masaya kami na maipanalo yung grade 10. Prayers lang talaga. Para sa mga
aspiring sepak players riyan, sipagan niyo lang mag training mag raid kayo ng ano araw araw." wika ni Rhylee Garlan.

Blue Eagles Namayagpag Sa Women's Sepak Takraw

Isinulat ni: Glenan Gonzales

Red Hawks wagi kontra kupunan ng Green Falcon sa ginanap na Women's Sepak Takraw noong Huwebes, Oktubre
19,2023 sa THS Covered Court.

Sa unang set pa lamang ay nagpasiklab na Blue Eagles sa pagbibigay ng mga maaangas na sipa sa kabilang panig at
pagpapakita ng kanilang diskarte dahilan upang sila ang tanghalin na panalo sa unang set sa score na 21-16.

Pagpasok ng sunod na set ay pinilit ng Green Falcon na bawiin ang natambak nilang score mula sa Red Hawks, ngunit
nagawa pa ring umarangkada ng mga manlalaro ng ika-siyam na baitang sa score na 21-15.

BADMINTON BOYS ( DOUBLES)

Red Hawks giba sa Blue Eagles men’s double badminton

Isinulat ni: Kylie Masmela

Pinatunayan ng Blue Eagles na sila ang hari ng men’s double badminton matapos nilang magpakawala ng matitinding
smash upang durugin ang Red Hawks(Grade 9), 2-0, at angkinin ang kampeonato sa 2023 Towerville Highschool
Intramurals, Oktubre 19 2023.

Nagpamalas ng mala pader na opensa ang Blue Eagles nang magpakawala si Zoren Lamo at Michael Sales ng mabibilis
na power services sa unang set na nahirapang ibalik ng Red Hawks kung kaya’t nadiskaril ang diskarte ng kabilang
koponan na Red Hawks, 21-2.

Gustong bumawi, hindi nagtulug-tulugan ang Red Hawks at pinagbuti ang pag- recieve at naka iskor ngunit tambak pa rin
ito ng Blue Eagles.Tuluyang tinambakan ng Blue Eagles ang Red Hawks sa huling set nang sunod-sunod na paulanan ang
huli ng mga solidong drop shot at selyuhan ang laro, 21-7.
Ayon kay Lamo ay liksi at lakas ang puhunan, “Masaya ako kasi makakalaro ulit kami sa PSAA at mas ma- iimprove pa
‘yung paglalaro namin. Iyong mga strategies na ginawa namin ng kasama ko ay hindi namin binabalik sa kalaban yung
bola at pinapahabol lang sila at para maka puntos”.

Red Hawks, umarangkada sa Badminton Doubles Women’s Championship

Isinulat ni: Kylie Masmela

Matamis na inangkin ng Red Hawks ang kampionato sa Badminton Women’s Championship laban sa Blue Eagles
matapos ang dumadagundong nitong sagupaan sa Towerville Highschool noong ika-19 ng Oktubre, ikalawang araw ng
Intramurals 2023.

Tinambakan nina Abrasaldo at Yulde ang kabilang koponan nang tumirada ang mga ito ng mala bulalakaw na service
dahilan para maiuwi ang unang set sa iskor na 21-9.

Hindi naman nagpaduhagi ang Blue Eagles na namayani at sinubukang humabol. Nakabangon ito mula sa malaking
lamang ng Red Hawks. Ngunit kaagad itong nabanatan nina Yulde sa sunod-sunod na shot sa iskor na 21-18 na ikina
subsob ng Blue Eagles.

Masaya at nagpapasalamat ang Red Hawks mula sa kaibuturan ng kanilang puso dahil naitayo nila ang bandera ng Grade
9, gayundin dahil naibigay nila ang kanilang pinakamahusay na kakayahan bilang isang grupo.

ARNIS(BOYS)

Blue eagles, nangibabaw at nabingwit ang Overall Secondary Boys Arnis

Isinulat ni: Rhoda Tutas

Muling itinayo ang bandera ng mga batang manlalaban mula sa Blue Eagles sa larangan ng Arnis sa Sports Intramurals
nitong Oktubre 19, 2023 sa Towerville Highschool.

Sa anyo event, naipakita nila ang tapang at angas ng isang Pilipinong mandirigma gamit ang baston at espada sa
pamamagitan ng performance kung saan tila ay nakikipaglaban sila na ikinabilib ng mga manonood.

Unang napasakamay ng datihang arnisador na si Kaizer Sangrines mula sa baitang sampu pangkat Capernaum na siyang
nangibabaw sa kategoryang Pin Weight.

Nakamit rin ni Aeron Castro mula pa rin sa nasabing baitang at pangkat ang kategoryang Bantam Weight.

Dumagit rin ng medalya ang mga baguhang si John Paul Briones na sinungkit ang panalo sa kategoryang Feather Weight
na ginamitan ng maliliksing footwork, at si Mark Angelo Ajon naman sa Light Pin Weight na pareho ring mula sa
pangkat Capernaum.

. Walang kahirap-hirap at mala-kidlat na napabagsak ng Blue Eagles ang ibang kalahok, nasungkit nila ang Overall
Champion Men’s Arnis.

Arnis (Girls)

Baitang Pito, Wagi sa Overall Secondary Girls Arnis

Isinulat ni Aplenieze Cano


Inuwi ng green falcon ang karangalan sa overall secondary girls Arnis, matapos ang taunang palaro ng towerville
highschool, school year 2023-2024

Kinilala ang mga nag wagi na si Jomarie Bedrigo ng baitang pito para sa pin weight, Norlyn A. Prientes ng baitang walo
sa bantan weight, nanaig naman si Khian Kamsali ng baitang siyam sa feather weight at nagpakita rin ng lakas si Rollen
Regeros ng baitang pito para sa extra light weight.

Bakas sa mga manlalaro ang pagod at oras na ibinigay nila upang makamit ang kani kanilang mga karangalan na
inigawad noong Miyerkules dalawampu’t lima ng alas-kwatro ng hapon.

Chess (Girls)

Grade 7 student,nagpakitang gilas sa Intramurals chess girls match

Isinulat ni: Ma Cristina Miranda

Si Precious Alcoseba na isang mag aaral na mula sa baitang 7,ang siyang nagwagi sa Instramurals chess girls match na sa
puntos na 4 na ginanap sa harap ng silid aklatan ng mataas na paaralan ng Towerville noong oktubre 25,2023

Unang round pa lamang ay makikita na ang pagiging mahusay ni Alcoseba laban kay Manzano na mula sa baitang
9 ,nanalo sa unang round si Alcoseba at kinalaban nya naman si Brojas sa ikalawang round kung saan natalo nya ito gamit
ang kanyang reyna sa loob ng 4 na minuto at 15 seconds .

"Magaling sya, tsaka naka focus , feeling ko mas magiging magaling pa sya pag tumagal" ayon kay Thinkerbell Brojas isa
ring kalahok sa Intramurals chess girls match.

Sa kabuon nakakuha ng apat na puntos si Alcoseba mula sa lahat ng kanyang laban pagitan sa mga piling mag aaral ng
bawat baitang ng mataas na paaralan ng Towerville .Habang pumangalawa naman sa kanya si Thinkerbell Brojas sa
puntos na 3 at si Paula Patriarca na kapuwa mag aaral nya mula sa baitang 7 na mayroong puntos na 3.

Dahil dito ay si Alcoseba na ang itinanghal na kampeon sa Intramurals chess girls match . "Opo nag enjoy po namay
halong kaba po at baka po magaling ang kalaban at po baka matalo or manalo" pag amin ni Alcoseba.Nagpaabot rin ng
taos pusong pagbati si Alcoseba sa kanyang mga nakalaban.Siya rin ay pasok na sa mga maglalaro sa darating na City
Meet ngayong taon.

Chess (Boys)

Valloso ,nanguna sa pagkuha ng medalya sa Intramurals chess boys match

Isinulat ni: Ma Cristina Miranda

Isa na namang mag aaral ng baitang 10 ang nakasungkit ng medalya sa Intramurals 2023 sa isports na chess sa puntos na 5
na ginanap noong oktubre 25 2023 sa mataas na paaralan ng Towerville.

Kinilala na ang mag aaral na ito ay si Jiro Andrei Valloso matatandaan din na siyang itinanghal na kampeon sa nakaraang
SportFest chess boys match na naganap noong nakaraang taon laban sa kapuwa niyang mag aaral mula sa baitang 9.

Unang laban pa lamang ni Valloso ay nagparamdam kaagad sya nang humataw sya ng isang puntos laban kay Bradlee
Eduria na kapuwa niyang manlalaro mula sa baitang 10,unang una pa lamang makikita na ang pagiging mabagsik nito sa
laban ng nanalo sya sa laban nila ni Eduria.

Sa pangalawang round naman ay nakalaban nya si Hamfig na kung saan sya ulit ang nagwagi.Makikita sa mga susunod na
mga laban nito ang pagiging silyado nito sa puwesto ng kampeon dahil sa mga galaw nito na swak na sa finals.
Nakakuha ng kabuoang 5 ba puntos si Valloso(5-0) laban sa kanyang mga kalaban na mula sa iba't ibang
baitang,pumangalawa naman si Glenn Jr. Gonzales na mula sa baitang 7 na may puntos na 4 (4-1)at pumangatlo naman si
Manuel na mula rin sa baitang 7 na may puntos na 4 (4-1).Dahil dito ay pasok na si Valloso sa mga maglalaro sa darating
na City Meet ngayong taon.

You might also like