You are on page 1of 1

Jasmine Grace I.

Gallentes

(Sports News)

PVL: Creamline Cool Smashers nakuha ang ika-7 na kampeonato

Ayon sa Premiere Volleyball League, nakuha ng CCS (Creamline Cool Smashers) ang ika-7 na kampeonato
sa ikalawang laro sa kanilang ika-10 na "finals appearance" laban sa CMF(Choco Mucho Flying Titans)
matapos itong makuha and unang puntos sa unang laro. Ginanap padin ang naging ikalawang laro sa
Smart Araneta Coliseum. Sa Unang set ng laro, nagkaroon ng 22 puntos ang Creamline laban sa 25 na
puntos ng Choco Mucho. Sa ikalawang set mayroon namang 25 na puntos laban sa 20 na puntos ng
Choco Mucho ang Creamline. 29 na puntos laban sa 27 na puntos naman sa ikatlong set, at 24 na
puntos laban sa 26 na puntos ng Choco Mucho naman ito.

Nasimulan naman ng CCS ang laro sa huling set. Sa kalagitnaan nagkaroon naman ng labanan sa bawat
isang puntos na lagpas ang magkabilang panig. Naging kabilang naman ang naging hamon na net touch
ni coach Sherwin Meneses. Hanggang sa nasa CCS ang huling kampeon kanilang team leader na si Alyzza
Valdez, ang huling dalawang punto sa puntos na 15-12 na mula sa championship point hanggang sa
tinapos at naipanalo sa isang spike.

Aniya nga ng Creamline Cool Smashers, "One Point at a time" at ayon sa isa sa magaling na spikers na si
Jema Galanza sa isang interview, "Hindi naging madali ang naging labanan at hindi rin ito nakukuha nang
pabilisan ang bawat puntos". Dagdag din ni Galanza ang pagkahanga sa pamumuno ng laro ni Valdez.
Pahayag naman ng isa sa center ng Cool Smashers na si Kyle Negrito ang kaibahan ng laro matapos ng
limang taon bago nakabalik ito sa laro. Kakaibang motibasyon naman sa naging sa laro ang naging
pahayag ni Valdez, lalo na’t naging kalaban nito ang kanilang sisters team ng Choco Mucho na matapos
ay nakuha parin ang panalo sa huli. Ang tatlo ay nagbigay pasasalamat sa kanilang mga minamahal at
lahat ng sumosuporta sa kanila lalo na ang 25,000 na tao sa araneta at sa kanilang grupo.

You might also like