You are on page 1of 1

Nanaig ang De La Salle University (DLSU) Spikers kontra National University (NU) Bulldogs, 3-2, sa semi-

final match ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball season 79,
Philsports Arena noong nakaraang Lunes.

Magkasunod na atake mula kay Keana Dee ng Spikers ang tumunaw sa depensa at bumigo sa pangarap
ng Bulldogs na makapasok sa finals, 15-13.

Umpisa pa lang ng laban, ipinakita na ng Spikers ang determinasyon at inangkin ang unang set, 25-21.

Binawaian naman ng Bulldogs ang Spikers sa ikalawang set, 25-22 at nagpatuloy hanggang sa ikatlong
set, 25-23.

Muling umarangkada ang DLSU sa ika-apat na set, 25-25, upang mai-tabla ang set points sa 2-2.

Samantala, nakapagtala si Ara Galang ng 12 attacks, 3 aces, at 5 blocks, at si Keana Dee ng 10, 4, 3, ayon
sa pagkakabanggit.

You might also like