You are on page 1of 5

1 panalo na lang, kampeon na!

Ginebra, gumanti sa Bay Area sa


Game 5

 by Rommel Tabbad
 
 January 8, 2023
 
in Balita, Basketball, Sports
 0

Share on FacebookShare on Twitter

Isang panalo na lamang ang hinihintay ng Ginebra San Miguel upang maiuwi nito ang
kampeonato laban sa guest team Bay Area Dragons.

Ito ay matapos biguin ng Gin Kings ang Dragons, 101-91, sa Game 5 ng kanilang PBA
Commissioner’s Cup Finals series sa Mall of Asia Arena sa Pasay City na dinumog ng halos
22,000 fans nitong Linggo ng gabi.
Dinala ni Stanley Pringle sa panalo ang Ginebra sa pamamagitan ng sunud-sunod na tres nito sa
fourth period na nagpreserba sa 97-86 na bentahe ng koponan.

ADVERTISEMENT

Kumana si Pringle ng 20 puntos, tampok ang anim na tres nito.

Napilitang kumayod si Pringle matapos magkaroon ng injury si LA Tenorio sa third period.

Bukod kay Pringle, naka-double digit din si Justin Brownlee sa nahakot na 37 puntos, dagdag pa
ang 12 ni Japeth Aguilar.

Tatapusin na ng Gin Kings ang serye sa kanilang Game 6 sa Araneta Coliseum sa Miyerkules,
Enero 11, upang tuluyang masikwat ang kampeonato.

KBL: Seoul SK, itinumba ng


Anyang–Rhenz Abando,
kumubra ng 15 pts.

 by Rommel Tabbad
 
 January 8, 2023
 
in Balita, Basketball, Sports
 0
Share on FacebookShare on Twitter
ADVERTISEMENT

Iginiya ni Rhenz Abando sa panalo ang Anyang KGC laban sa Seoul Sk Knights, 83-80, sa
pagpapatuloy ng Korean Basketball League sa Anyang Gymnasium nitong Linggo.

Kumana si Abando ng 15 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists.

Gayunman, na-foul out ito, 9:41 na lang ang natitira sa final period.

ADVERTISEMENT

Sa kabila nito, rumatsada ang kakampi niyang si Omari Spellman sa nahakot na 29 puntos,
bukod pa ang 17 rebounds, apat na assists at dalawang steals.

Huling umiskor ng double digit na 30 puntos si Abando noong Disyembre 18, 2022 kung saan
kalaban din nila ang Seoul SK Knights.

Hawak na ng Anyang KGC ang kartadang 21-9, panalo at talo.

Si Pringle ang ‘secret weapon’ ng Ginebra


Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon 
January 9, 2023 | 10:39pm

Iniskoran ni Stanley Pringle ng Ginebra sina Duncan Reid at Zheng Qilong ng Bay Area sa Game 5 ng PBA
Finals.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Itinuturing ni head coach Tim Cone na isang ‘secret weapon’
ng Barangay Ginebra si Fil-Am guard Stanley Pringle.

Humataw si Pringle ng 20 points tampok ang anim na three-point shots sa 101-91


panalo ng Gin Kings sa guest team na Bay Area Dragons sa Game Five ng 2022-2023
PBA Commissioner’s Cup Finals noong Linggo.

Ang dalawang krusyal na triples ng 2015 PBA Rookie of the Year sa dulo ng fourth
quarter ang nag-akay sa Ginebra ng 3-2 lead sa kanilang best-of-seven championship
series ng Bay Area.
“He’s definitely a weapon out there, and he’s a weapon that really,” ani Cone sa 35-
anyos na eight-year veteran guard. “Bay Area has not seen, because he hasn’t been
playing heavy, heavy minutes.”

Sa 86-94 talo ng Gin Kings sa Game Four ay nagtala si Pringle ng 9 points mula sa
perpektong 3-of-3 shooting sa 3-point range.

“They don’t know the history of Stanley a year ago or two or three, and how dynamic
he can be. So, he’s almost like a little secret weapon off the bench for us against Bay
Area,” ani Cone sa three-time PBA champion at 2020 Philippine Cup Best Player of
the Conference.

Dahil sa knee injury ay hindi nakapaglaro si Pringle sa paghahari ng Ginebra sa


nakaraang PBA Governors’ Cup.

“I was just glad to be out there and competing, got a glimpse of getting moving and
how I kinda used to move,” sabi ni Pringle.

Kung hindi makakalaro si LA Tenorio sa Game Six bukas ay inaasahang si Pringle muli
ang makakatuwang ni Best Import Justin Brownlee sa pagkopo sa ika-15 korona ng
Gin Kings.

“It was good to help out the team, do what I can do to help the team get a
championship,” ani Pringle.

You might also like