You are on page 1of 2

LAFI Mens Basketball Team, nanguna sa

kampeonato
Christian F. Navarrete

Nagpamalas muli ng husay at determinmasyon ang kupunan ng


LAFI Mens Basketball Team nang manguna ito sa District Meet
sa taong dalawang libot dalawang pu’t dalawa, laban sa dalawa
pang malalakas na basketball team’s ng mga paaralan sa
Libagon District na ginanap sa lugar ng Jubas Libagon Southern
Leyte noong Enero 13, 2024.

Ang LNHS Mens Basketball Team ang unang nabunot nang


pangkat ng Lafi Valiants upang maging kanilang unang kalaban.
Sa unang bahagi ng laro, namayagpag ang husay ng Lafi
Valiants laban sa LNHS Green Falcons. Nag simula ang Lafi
Valiants sa pagiging organisado at kalmado sa unang parte pa
lamang ng laro, na kalauna’y naging agresibo, dahilan upng
makuha nila ang kanilang unang panalo.

Sa ikalawang laro ay muling nagpakitang gilas ang Lafi Valiants


laban sa RMSMNNHS Mens Basketball Team. Hindi naging
madali ang kanilang matinding sagupaan sa pagkuha ng
kampeonato at upang makuhang muli ang gintong parangal sa
Basketball Division. Ngunit, sa tulong ng isa't-isa at sa
determinasyong makuha muli ang kampeonato ay
napagtagumpayan nilang matalo ang RMSMNNHS Mens
Basketball Team, na pinangunahan ng kanilang Team Captain
na si Joseph F. Navarrete

"Hindi naging madali para sa amin na makuha muli ang


kampeonato sapagkat napakahirap ng ginawa naming
paghahanda at pagsasanay upang mas lumakas kami at
maipakita sa lahat na kaya naming ipagtanggol ang aming titulo.
Determinasyon lang at pagkakaisa sa loob ng court upang
magawa namin ang aming mga pinagsanayan at makita kung
paano namin ito pinaghandaan," Ani ni Joseph, ang team captain
ng Lafi Valiants.

Hindi naging madali ang kanilang mga pagsasanay sa mga


nagdaang buwan, ngunit kung sila ang tatanungin, ay hindi nila
ito iniinda sapagkat ang kapalit naman nito ay ang magandang
bunga ng pagkapanalo.Ito ang mentalidad na kanilang
pinanghahawakan upang malagpasan ang ibat-ibang hamon na
dumating sa kanila bilang isang pangkat.

You might also like