You are on page 1of 2

Kauna-unahang kampeonato ng Lagro, iwinagayway.

Ibinaon ng Lagro High School Men’s Basketball ang Santa Lucia High School matapos mapatumba ng
dalawang beses ang SLHS sa Finals na Twice to beat advantage para maiwagayway ang kauna-unahang
kampeonato na nakamit ng LHS sa naganap District Meet Basketball Category na ginanap sa loob ng
Multi-Purpose Activity Center of Lagro High School sa score 69-67,68-61.

Nagpakitang gilas na ang LHS na gutom na gutom sa kampeonato sa pagbubukas ng District 5 Meet
2019 na pumana ng back to back win kontra sa Novaliches High School at North Fairview High School
para makakuha ng ng slot sa finals game kontra sa pumapayagpag na St. Lucia.

Sinindak ng LHS Basketball ang karamihan sa ipinakita nilang teamwork para baguhin ang
kasaysayan ng Lagro High School pagdating sa pampalakasan.

"Unang una masaya kami, nagpapasalamat kami sa Panginoon, binigyan kami ng matamis na
tagumpay... Masayang masaya kami na nakuha namin ang pagka-champion ngayon ng District 5... then
hopefully maging maganda ang performance namin sa darating na Division Meet, kami naman ngayon
ang representative ng District 5 sa Quezon City." Pahayag ni LHS Head Coach Angelico Araja.

Hindi pinaporma ng LHS ang SLHS sa pamamagitan ng kanilang depensa para hindi tuluyang
makalapit ang SLHS na pumupukol ng sunod- sunod na 3-point shot upang makagawa ng puntos ang LHS
na pinangunahan nina JC Canapi, Marvin Coronado, John Seniedo , Marc Camaro at Jhonrey Fabricante
para mapabalik ang sigla ng LHS.

Hinabol ng St. Lucia ang 20 points na kalamangan ng Lagro sa kanilang pamatay na full-court
defense at 3-point shot para makuha ang isang puntos na lamang kontra sa Lagro sa pangatlong yugto
ng laro sa score na 39-38.

Lumaban ang SLHS para pilit na makahabol sa kalamangan ng LHS ngunit hindi naging sapat ang
kanilang lakas dahil sa labis na ipinakita ng LHS sa Finals Game.

"Wala kong masabi, siguro, talagang gutom na gutom kami sa ano (championship) , kasi balita eh,
ang Lagro (High School) daw po hindi pa nagchachampion, talagang all out kami sa training, talagang
wala kaming pinapalampas, team work po talaga, at maraming salamat kay coach (Mr. Araja) lalo na po
kay God" pahayag ni John Seniedo.

Pinaliit ng SLHS ang kalamangan ng LHS sa pitong puntos dahil sa back to back 3-point shot na
binato nila para makalapit sa Lagro at sa pamatay na free throws na nagpainit ng laban.

Sa pagsisikap at determinasyon na ipinamalas ng mga Basketbolistang Lagronians nagiwan sila ng


kasaysayan sa Lagro High School na ikinatuwa ng karamihan at sumusuporta sa LHS matapos nilang
talunin ang NHS, NFHS at SLHS na gumawa ng ingay sa pagbubukas ng District 5 meet 2019 upang
makamit ang kampeonato na matagal na inaasam ng Lagro High School.

Nagbigay-pugay ang mga sumusuportang Lagronians sa LHS Basketball sa kanilang kauna-unahang


kampeonato sa Distrrict 5.

Paghahandaan ng Lagro High School Basketball ang paparating na Division Meet para
makipagsabayan sa mga iba’t ibang distrito na may mga malalakas na pambato at maguwi muli ng
kampeonato sa LHS.

You might also like