You are on page 1of 5

Grocery, inihandog ng mga Rosalimans para sa mga guro

Inihandog ng mga Rosalimans ang grocery para sa mga


guro bilang munting regalo sa pagdiriwang ng World Teachers
Day sa St. Rose Catholic School, Inc. (SRCS) na may temang
"Together 4 Teachers" noong ika-anim ng Oktubre 2023 sa Dona
Lualhati Gym.
Pinangunahan ng mga Supreme Student Government (SSG)
ang selebrasyon bilang pagpapakita ng pasasalamat at
pagbibigay pugay sa dedikasyon ng mga guro ng SRCS.
“Napili po namin na ibigay sa mga guro natin is groceries
because our retiring teachers want something that can be useful
for them, so we think of something that can be convenient for
our dear teachers, that’s why we choose groceries” Wika ni
Louhanne Taygon, Presidente ng SSG (Junior High School
Department)
Dagdag ni Earl Vincent Punzalan, Presidente ng SSG
(Senior High School Department) “Nung una kasi tote bag balak
namin and mas mura yon, pero sabi ng mga advisers namin, to
be PRACTICAL mas maaappreciate ng mga teachers na
nanay/tatay na and mga matatanda na, yung groceries. eh mas
madami ung population ng mga matatanda at nanay/tatay na
teachers’ kaya nag stick na kami sa groceries”
Bukod sa grocery, binigyan din ng mga Rosalimans ang
kanilang mga guro ng iba’t ibang regalo tulad ng bulaklak,
tsokolate at cake.
Binigyang parangal naman ang dalawang guro na sina
Ma’am Juvy Natura at Sir Roi Jose Estacio dahil sa ilang dekada
nilang pagtuturo at paglilingkod sa SRCS at sila rin ang naging
sentro ng selebrasyon.
Mensahe ni Ma’am Natura para sa mga kapwa niya guro sa
SRCS “Just trust God, lalo na nandito tayo sa Catholic School
hindi kayo papabayaan ni Lord, basta ibigay lang natin kung ano
yung nararapat na para sa mga estudyante natin”

Mr. and Ms. Intramurals 2023 SHS department top 5


finalists, sumabak sa Q and A portion
Sumabak sa question and answer (Q and A) portion
ang mga kandidata at kandidato ng St. Rose Catholic
School, Inc. (SRCS) Mr. and Ms. Intramurals 2023 Senior
High School (SHS) department matapos ianunsiyo ang
pasok sa top 5 ng kompetisyon.
Idinaraos ang kompetisyon sa Eduardo Cojuangco
Gym nitong Oktubre 24, 2023 kung saan napuno ng
hiyawan at palakpakan ang Gym matapos irampa ng mga
kandidata at kandidato ang kanilang sports attire.
Pasok sa top 5 ng Mr. Intramurals 2023 sina Joen
Garcia, Ghieon Matthew Sambo, Derick Gyro Mendoza,
James Hennrich Delos Reyes at Shan Balmocena
Habang sa Ms. Intramurals 2023 naman ay sina
Jillian Macaraeg, Angelica Feliz Yasay, Kryzalyn De
Guzman, Jean Grace Quibael at Reianne Ayisha Tacmo
Kasunod ng anunsyo, bumunot ang mga top 5
finalists sa isang garapon na naglalaman ng mga hashtags
na kanilang sasagutin sa loob lamang ng dalawampung
segundo.
Hiyawan at palakpakan ang madla matapos sagutin
ng mga kandidato at kandidatang kanilang sinusuportahan
ang hashtags na kanilang nabunot.
Sa huli, kinoronahan bilang Mr. Intramurals 2023 si
Ghieon Matthew Sambo at Ms. Intramurals 2023 si
Reianne Ayisha Tacmo kung saan nasungkit niya rin ang
Best in Sportswear at Best in Production Number.

Grade 12 STEM- St. Hyacinth, Nasungkit ang Overall


Champion
Tumalon sa tuwa ang mga mag-aaral mula sa Grade
12 STEM- St. Hyacinth matapos nilang masungkit ang
Overall Champion sa Idinaraos na SRCS Intramurals
2023 nitong Oktubre 24-27, 2023 na may temang
SRCS@60: STRONGER. BRAVER. WISER
Nakakuha ng …. puntos ang St. Hyacinth kung saan
sila ang nanguna sa buong grade 12 kasunod ang St. Pius
na may … puntos at St. Jerome na may …. puntos
Nasungkit nila ang kampeonato sa

Laro ng lahi, bahagi ng SRCS Intramurals 2023


Nakilahok ang mga Rosalimans sa idinaraos na ‘laro
ng lahi’ sa St. Rose Catholic School, Inc. (SRCS) bilang
bahagi ng pagdiriwang ng SRCS Intramurals 2023 na may
temang SRCS@60: STRONGER. BRAVER. WISER
nitong Oktubre 23-27, 2023.
Ipinamalas ng mga Rosalimans ang kanilang husay sa
paglalaro ng ‘laro ng lahi’ kabilang ang tug of war,
batuhang bola, bunong braso at kadang-kadang.
Ayon kay Ma’am Jennifer Baldivino, Vice Principal
ng SRCS, Layunin

Quote

Abot tenga ang ngiti ng mga Rosalimans matapos


malaman na bahagi ng Intramurals ang laro ng lahi.
“Masaya ako nang malaman kong kasama pala ang
mga laro ng lahi sa Intramurals dahil ang kadalasang
sinasama lamang ay basketball, volleyball, badminton,
table tennis at hindi ang mga laro ng lahi” wika ni Jolo
Donato, kalahok sa tug of war
Bukod sa mga laro ng lahi, nagtagisan din ang mga
Rosalimans sa E-games at iba’t ibang sports kabilang ang
mga indoor at outdoor games.

You might also like