You are on page 1of 1

Hunyo 10, 2024

KGG. ARANTLEE ARROYO


Punumbayan
Cavinti, Laguna

Kagalang-galang na Punumbayan,

Ako po, si Gng. Carina Ilogon, guro sa Lumot National High School,
na may layuning makipag-ugnayan sa inyo para humingi ng inyong tulong
at mapabuti ang pagganap at espiritu ng aming mga manlalaro sa nalalapit
na Unit Meet.

Sa pagtutulungan ng inyong tanggapan at ang aming paaralan, nais


naming iparating sa inyo ang aming pangangailangan para sa karagdagang
pondo upang makapagpagawa ng mga jersey para sa aming mga manlalaro.
Ang mga jersey na ito ay hindi lamang simbolo ng kanilang pagiging bahagi
ng koponan kundi pati na rin ng kanilang pagmamalasakit at pagmamahal
sa paaralan at bayan. Kami po ay humihiling ng tulong pinansyal upang
mabigyan ng dignidad at kahalagahan ang aming mga manlalaro sa
kompetisyon.

Ang inyong suporta ay magiging malaking ambag sa tagumpay ng


aming proyekto at magbibigay inspirasyon sa aming mga mag-aaral na
magtagumpay sa kanilang mga larangan.

Maraming salamat po sa inyong oras at pag-unawa.

Nakikiisa sa inyong mga adhikain,

CARINA ILOGON
Guro II, Lumot NHS

MILAGROS B. PUON, PhD


Punungguro II, Lumot NHS

You might also like