Sa darating na Pagdiriwang ng ika-4 na taong Pagkakatatag ng VICTORIA
NANIONAL HIGH SCHOOL na nakatakdang ganapin sa ika-6 ng Mayo, 2023, malugod naming pinaaabot na ang paaralan ay magkakaroon ng programa at mga gawain para sa mag-aaral at mga magulang bilang bahagi ng pagpapahalaga sa pagkakatayo ng paaralan, kaugnay nito ay magkakaroon ng Paligsahan para sa Gandang Ginang ng VNHS mula sa hanay ng mga magulang. Kami po ay malugod na lumalapit sa inyong mabuting kalooban para sa pinansyal na ambag bilang suporta sa aming kandidata. Anomang malilikom ng paaralan mula sa nasabing proyekto ay ilalaan bilang suporta sa pagpapabakod ng paaralan upang higit na maging ligtas ang aming mga mag-aaral. Ang inyong buong pusong suporta ay lubos po naming pinasasalamatan. Nawa ang inyong kabutihan ay ibalik ng Diyos sa marami pang pagpapala sa inyong buhay. Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Maykapal.