You are on page 1of 1

Tulong-Dunong sa Bgy.

San Jose, Rodriguez, Rizal


Isang Scholarship Program ng UP Sigma Alpha Sorority Alumnae Assn. Inc.
( For SY 2023-2024)

Ang scholarship program na ito ay bahagi ng proyektong Women Empowerment sa Barangay


San Jose, Rodriguez, Rizal. Apat na full-time scholarship grants ang ipamamahagi ng Kapatirang
Sigma Alpha sa mga karapat-dapat na mga mag-aaral sa mga pampublikong kolehiyo o
pamantasan. Ang nilalayon ng scholarships na ito ay matulungang iangat ang buhay ng
pamilyang taga San Jose sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong makapag-aral na
mabuti ang mga kabataan tungo sa mas magandang kinabukasan.

Ang Puedeng Mag-apply


 Kabataang residente ng Barangay San Jose na graduate ng High School at may general
average na 85%
 Mayroong good moral character at leadership potential, masipag at mapagkakatiwalaan
 Tanggap sa pampublikong kolehiyo o pamantasan sa napiling kurso

Requirements para sa Aplikasyon


 Pagsa-submit ng aplikasyon form
 Photocopy ng card na walang bahid ng may mga pinalitang marka
 Rekomendasyon galing sa huling Classroom Teacher or Barangay Captain na
sumusuporta sa pagiging karapat-dapat maging isang iskolar
 Medical Certificate

Proseso ng Pag-aaply
 Interview sa aplikante at magulang
 Mag-aattend ang magulang at aplikante ng orientation meeting na itatakda ng sorority
 Ilalabas ang resulta sa Bahay Madre at sa Barangay Hall

Responsibilidad ng mga Mapipiling Iskolars


 Mag-attend sa mga itatakdang aktibidades ng sorority/Bahay Madre
 Walang bagsak na subject
 Magkaroon ng General Average na 85% sa katapusan ng semestre
 Magsubmit ng card within one month pagkatapos ng semestre
 Sumunod sa lahat ng mga alituntunin ng paaralan
 Mag-submit ng mga resibo at liquidation forms ng tama sa oras
 Mag-attend ang magulang sa mga itatakdang meeting ng sorority
 Manatili sa napiling iskwelahan at huwag mag-transfer sa ibang kurso

Benepisyo ng Iskolar
 P 15,000 para sa miscellaneous/school fees per semester
 P 15,000 para sa board and lodging or transpo every day
 P 5,000 para sa uniform, workbooks, school projects and supplies

You might also like