You are on page 1of 2

LIHAM PAHINTULOT

Sta. Rosa, Mulanay


Lalawigan ng Quezon
Rehiyon IV-A, CALABARZON

Ika-15 ng Pebrero,2023

NORBERTO M. PENAREDONDA
Ulong-guro I
JHS Koordineytor

ELAINE M. MEDINA
Tanggapan ng Paaralan
Opisina ng Ulong-guro IV / OIC
Bondoc Peninsula Agricultural High School

Minamahal naming Tagapamuno ng Paaralan:

Pagbati po ng Kapayapaan lakip ang hiling ng paligiang kaligtasan! Bilang isang gurong-tagapayo mula sa ikasiyam na
baitang –pangkat Rose. Ninanais po ng liham na ito na humingi ng permiso para sa gaganaping pagpupulong ng
Homeroom PTA sa ika-18 ng Pebrero taong 2023 ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.

Narito po ang mga adyenda ng pagpupulong;

a. Ilang karagdagang paalala at ulat ng gurong tagapayo.


b. Paglilinaw sa mga bagay na dapat gawin ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.
c. Pag-alam sa mga nais linawin o katanungan ng mga magulang / tagapag-alaga ukol sa patuloy na pag-unlad ng
kanilang mga anak.
d. Pagkilala sa mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng kakayahan at pagsisikap sa buong kwarter.
e. Presentasyon ng Kard para sa Ikalawang Markahan.
f. Paglagda ng mga magulangin / tagapag-alaga sa kard.

Gayundin naman po kung may libre po kayong oras upang madalaw kami habang isinasagawa ang pagpupulong ay labis
po naming ikalulugod.

Pagpapaabot po ng maagang pasasalamat sa iyong positibong tugon sa mahalagang bagay na ito. Kami,sampu ng mga
magulangin sa antas at pangkat na nabanggit ay patuloy na gagampan kasama ng paaralan sa layuning pagtataguyod,
pagmamalasakit at pagpapaunlad nito.

Sumasainyo,

Zuyen I. Natividad
Guro II-Tagapayo
LIHAM PABATID

Sta. Rosa, Mulanay


Lalawigan ng Quezon
Rehiyon IV-A, CALABARZON

Ika-15 ng Pebrero,2023

Minamahal naming mga magulang / tagapag-alaga:

Pagbati po ng Kapayapaan lakip ang hiling ng paligiang kaligtasan! Bilang inyong gurong-tagapayo mula sa ikasiyam na
baitang –pangkat Rose. Ninanais po ng liham na ito na ipaalam at anyayahan kayo sa gaganaping pagpupulong ng
Homeroom PTA sa ika-18 ng Pebrero taong 2023 ganap ng ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.

Narito po ang mga adyenda ng pagpupulong;

a.Ilang karagdagang paalala at ulat ng gurong tagapayo.


b.Pagbabalik-tanaw at paalala sa mga bagay na dapat gawin ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.
c.Pag-alam sa mga nais linawin o katanungan ng mga magulang / tagapag-alaga ukol sa patuloy na pag-unlad ng
kanilang mga anak.
d.Pagkilala sa mga natatanging mag-aaral na nagpamalas ng kakayahan at pagsisikap sa buong kwarter.
e.Presentasyon ng Kard para sa Ikalawang Markahan.
f.Paglagda ng mga magulangin / tagapag-alaga sa kard.

Gayundin naman po ang paglalaan ninyo ng panahon o oras upang makadalo isasagawang pagpupulong ay labis pong
ikalulugod ng inyong lingkod, mabisang paraan rin po ito upang mapaigting pa po natin ang pagsisikap at pagsisipag sa
pag-aaral ng ating mga anak.

Pagpapaabot po ng maagang pasasalamat sa iyong positibong tugon sa mahalagang bagay na ito. Kami, sampu ng mga
guro at tagapamuno ng paaralan ay patuloy na magsisikap magampanan kasama ang layuning pagtataguyod,
pagmamalasakit at pagpapaunlad ng mga mag-aaral.

Sumasainyo,

ZUYEN I. NATIVIDAD
Guro II-Tagapayo

Nabatid ni:

NORBERTO M. PENAREDONDA
Ulong-guro I
JHS Koordineytor

Pinatunayan ni:

ELAINE M. MEDINA
Ulong-guro IV-OIC

You might also like