You are on page 1of 8

Ang

GCTCC’S
_____________________________________BALITA________________________________

PAGBABALIK NG INTRAMURAL MEET 2023 SA NARRA


INTEGRATED SCHOOL
Sa pagbabalik ng Narra Integrated School ng Intramural Meet
2023, ito ay sinimulan ng parada galing sa ibat ibang pangkat ng
mga manlalaro. Ang parada ay sinimulan ng Pangkat 1 kulay pulang
kumpol, kasunod namaN ay Pangkat 2 kulay dilaw na kumpol,
Pangkat 3 kulay rosas na kumpol, Pangkat 4 kulay asul na kumpol,
Pangkat 5 kulay lila na kumpol at ang Pangkat 6 kulay berdeng
kumpol, kasunod naman nito ang maglalaban para sa G. at Bb.
Intramural Meet na sina Yujin Micca L. Llaniguez at Prince Gabriel
D. Salvacion ng Pangkat 1, Jossainie Claire B. Bacabac at John
Griffaith C. Regalado ng Pangkat 2, Akia Cyrene A. Heria at Justine Julwat ng Pangkat 3, Lovely Jane Abiera
at Jamshed Fahad Zobair ng Pangkat 4, Jennevie A. Abrea at Ronald C. Aplacador ng Pangkat 5, Roselt Noren
Margarejo Quintero at John Roy Francisco Diaz ng Pangkat 6 at ang pang huli ay ang mga guro ng Narra
Integrated School. Habang nag paparada ay todo ang ngiti ang lahat habang ipinagmamalaki nilan
pinapakita na nakabilang sila sa kanilang pangkat na kinabibilangan sa kanilang mga isports.
Noong makarating na sila sa Narra Gymnasium pumila na ang bawat Pangkat sa kanilang na assign na
upuan at ng maayos na ito ditto na sinimulan ang pag bubukas ng Narra Integrated School Intramural Meet
2023 na ginanap sa Narra Gymnasium, ika-1 ng Pebrero 2023, na may tema na “ Igniting the Fire for Better
Lifestyle” – a Post-Pandemic Fitness and Sports. Sa pag bukas ng programa ito ay seremonyal na hinagis ang
bola na pinangunahan ni Principal Benjamin J. Lamitar. Pagkatapos, ito ay sinundan ng opening message
nila Provincial Board Member Ryan D. Maminta, Division Sports Coordinator Manuel Cruzat, PTA President
John De Asis, At Punong Guro Benjamin J. Lamitar Jr. , at panghuli naman ay sinindihan na ang sulo ni
Provincial Meet Player, Kurt Kelvin Cahilig.

(Camille Jane R. Cacao)

ADMISSION TEST SA ESPESYAL NA PROGRAMA NG SCIENCE


TECHNOLOGY ENGINEERING, NAGANAP NA!
Tunghayan natin ngayong araw ang nangyari sa
admission test ng mga baitang anim sa bawat klasrum
sa Science Technology Engineering (STE) Building o
pangatlong gusali na naganap noong ika-20 ng Marso
taong 2023. Kung saan daang-daang estudyante ang
nanggaling sa iba't ibang paalaran sa bayan ng Narra,
kagaya na lamang malatgao elementary school at narra
pilot school, ilan sa mga ito ang nag exam. Bago pa nasimulan ang nasabing exam ay nakilala
nila ang kanilang examiner sa bawat klasrum at mga proctors na mag ga-guide sa kanilang
exam.

2 Marso 2023
______________________________________BALITA__________________________________________

Ang mga naging examiner at proctors ay sina Sir Denmar Ramos, Ma'am Trinidad Bayot,
Ma'am Joshylyn Gulane-Janiva, Sir Ralph Pasion, Ma'am Sheryl Rose P Manzano, Sir Amor
Ramirez, Ma'am Marisol Garcellano, Sir Wilkingson Gilongos. Ilan sa mga nag exam ay
nahihirapan sa mga tanong ngunit kaya parin nila itong pag sikapang tapusin dahil gusto
nilang sikapin na makapasa at maging isang tunay na estudyante sa espesyal na programa ng
Science Technology Engineering.

Katulad na lamang ng aking nakausap sa social media na si Reynalyn Constantino na nag


mula sa paaralan ng Malatgao Elementary School, ayun sakanya gusto niya talagang
makapasa sa exam dahil gusto niya talaga maging isang ganap na estudyante sa Science
Technology Engineering, ilan sa mga naitanong niya saakin na "mahirap po ba mga tanong sa
exam?" at ilan din sa mga nasabi niya kung pwede ko siya turuan sa mga topic na lumalabas
sa kanilang magiging exam, tunay nga namang kapansin pansin na pursigido siyang
makapasa sa exam. Hindi natin mapapag kaila na halos lahat ng mga estudyante na galing sa
bayan ng Narra ay gustong mapabilang sa programa ng Science Technology Engineering,
Narra Integrated School.

ARNISADOR NA GALING SA SCIENCE TECHNOLOGY


ENGINEERING, KAYA NGA BANG PAG KASYAHIN ANG
ORAS SA AKADEMYA AT SA ISPORTS?
Dalawang estudyante ang nag mumula sa Science Technology
Engineering ang napabilang na manlalaro para maglaban sa
district meet na magaganap sa ika-31 ng Marso hanggang ika-2
ng Abril 2023. Ang napabilang na manlalaro sa district meet ay
sina Camille Jane Cacao at Ramon Kristoffer Palma, baitang walo
na estudyante sa Science Technology Engineering.

Bago pa natin natunghayan ang kanilang journey sa pag eensayo


para sa nalalapit na district meet, natunghayan natin na hirap
silang mag ayos ng oras para sa kanilang praktis at akademya noong Intramural Meet 2023
kaya ito ay nag dulot na nag papraktis parin sila kahit na nag simula na ang mismong
Intrams. Makikita natin na pursigido silang makuha ang gintong medalya , ngunit si Camille
Jane Cacao lamang ang nakakuha ng tatlong gintong medalya, isang gintong medalya para sa
Synchronized Solo Baston, isang ginto rin sa Synchronized Double Baston at pang huli isang
ginto rin para sa Synchronized Espada Y Daga dahil nakamit nya ng kanilang cluster ang pang
unang rank at si Ramon Kristoffer Palma naman ay pang apat lamang sa lalaking nag laban
ng Individual Solo Baston. Ilan sa mga naging dahilan kung bakit hindi nila naayos ang laban
dahil nakulangan sila sa kanilang praktis.

Ngayong napapalapit na ang district meet pinag pupursigiduhan nila na kaya nilang ipag
sabay ang akademya at ang kanilang isports, na kung saan tuwing ika-4 ng hapon hanggang
ika-5 ng hapon ay bago pa lamang sila makakapraktis ng kanilang anyo at laban para sa
combative. Pero hindi naging hadlang sakanila ang isports na arnis sapagkat pinag papatuloy
parin nila ang kanilang praktis para sa nalalapit na district meet.
3 Marso 2023
_________________________________EDITORYAL________________________________

GMRC Napapanahon na

Napapanahon
ang muling
pagtuturo ng
good manners
and right
conduct, isang
magandang
pagkakataon ito
para bigyang
pansin ang
pagpapahalaga
ng mga
kabataang
Pilipino sa
pagiging matapat, magalang, at masunurin sa batas. Isang malungkot na katotohanan na
marami sa ating mga kabataan sa ngayon ang bastos, walang modo, at walang paggalang
sa iba.Sa datos ng DepEd Child Protection noong 2016 hanggang 2017 ay nasa mahigit
22,000 ang naitalang kaso ng bullying kasama na ang pisikal na pananakit, resulta eto ng
kawalanggalang sa iba.

Kitang kita natin sa ngayon sa ating mga kabataan ang kulang sa paggalang. Halimbawa
na lamang ang hindi paggamit ng salitang “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa mas
nakatatanda sa atin. Kapansin pansin rin na marami sa atin ang hindi humihinto sa tuwing
maririnig ang pambansang Awit. Ang muling pagtuturo ng GMRC ay Napapanahon dahil
binibigyang diin ang mga pamantayan sa pagiging makatao, makabayan at makadiyos,
kailangan natin ito para malinang ang tamang pag-uugali.

Sa kabilang dako, ang pagkakaroon ng GMRC ay magpapahaba ng oras naming mag-


aaral sa paaralan, gayundin mababawasan ang panahon namin sa ibang asignatura at mga
takdang-aralin. Ngunit dapat nating tandaan na higit na mahalaga ang pagbuo ng
mabuting pagkatao at tiyak na hindi sayang ang ating panahon para rito.

Bagaman mababawasan ang ating panahon para sa ibang gawain sa paaralan,


makatutulong naman ito upang hubogin tayo na maging mas mabuting kabataan at
mamamayan ng ating komunidad. Sa tulong ng GMRC maaari tayong magkaroon ng
mabuting kaugnayan sa iba.

Bilang kongklusyon, mahalaga ang gagampanang papel ng asignaturang ito, ng mga


guro, at mga magulang sa paghubog sa ating karakter o pagkatao at upang taglayin ang
tamang pananaw at paggawi.

4 Marso 2023
_________________________________EDITORYAL________________________________

Problemang basura paano nga ba natin


lulutasin?
Ang basura ay isa sa
malaking problema
ng eskuwelahan natin
kahit saan ay
mayroon kang
makikitang basura,
magpunta kaman sa
loob ng klasrum o
kaya sa school
grounds ay may
basura ka paring
makikita na
nakakalat, kapag tayo
ay bumili ng pagkain
dahil tayo ay nagugutom saan nga ba natin nilalagay ang lalagyan nito o ang pinagkainan
natin? Nilalagay mo ba ito sa tama na lalagyan o ito ay iyong kinakalat lang? Ito ang isa
sa pangunahing dahilan ng pakalat-kalat na basura sa ating eskuwelahan ang hindi
tamang pamamahala ng basura,ngayon ano nga ba ang pwede nating gawin para
malunasan ang ating problema na ito? Hindi kaya na mas maganda kung tayo ay
magkaisa maging responsable at disiplinadong mag-aaral? Tara at simulang ugaliing
itapon ang basura sa tamang basurahan ng maayos, ugaliin din natin na kung walang
basurahan ay ilagay nalang ang iyong kalat sa bulsa at kung wala namang bulsa ay ilagay
nalang ito sa bag, ugaliin na din natin na itapon sa tamang basurahan ang kalat na iyong
nakita upang mapanatiling malinis ang ating pinakakamahal na eskuwelahan.

5 Marso 2023

______________________________LATHALAIN________________________________
_
ISA SA MGA PABOTITONG DISTINASYION
NG MGA TURISTA
Hindi katakatahang isa rin sa
paboritong distinasiyon ng mga tao ang
estrella falls sapagkat isa ito sa mga
pinaka malinid na falls sa ating bansa.

Ang Estrella falls ay magandang lugar


upang makapag bonding tayo.
Mayroon itong dalawang talon na ang
tubig ay napakalamig na nag mumula sa Viktoria Peak.

Makikita niyo ang estrella falls sa paanan ng Mt. Viktoria peak. Humigit kumulang
dalawang oras na byahe mula sa lungsod ng Puerto Princesa. Mararating mo ang
lugar na ito sa pamamagitan ng ilan sa halagang 150 pesos.

Katulad ng ibang tourist destination, kailangan mo rin tignan at sundin ang mga
pinapatupad sa bata ng kanilang management, upang maiwasan ang anumang
sakuna at pag kasira ng kalikasan.

ISLA NG BALABAC, PALAWAN


Ang isla ng Balabac ay matatagpuan sa dulo ng Palawan, ito ay dinarayo ng
maraming turista araw-araw dahil sa putting buhangin ng islang ito at
napakalinaw na tubig dito, malapit sa isla ang snorkeling site kaya maari kang
makakita ng mga isda na tila naglalaro sa makukulay na korales. Isa na sa
dumarayo ay sina Geo Ong at ang kanyang pamilya, masaya sa islang ito dahil
pwedeng tumira, mangisda, mag kayak at lumangoy malapit sa mga bahay dito.

6 Marso 2023

___________________________-
__________LATHALAIN__________________________________
PAGBISITA NG MGA TURISTA SA
LALAWIGAN NG PALAWAN
ni: Alexander V. Castaneda
Libo libong tao ang
bumibisitasa isla ng
palawan kada taon
upang mag libang sa
mga magagandang
puting bunganing
dagat at mga talon.
Isa narin sa mga
binisita ay ang
magandang
kabundukan, na
halos lahat ng
adventurers at
gustong akyatun ang trek papunta sa bundok ng Viktoria, na kung saan dito mo
makikita ang ganda ng bayab ng Narra.

Ang pag akyat sa bundok ng Viktoria qy magandang adbentura para sa mga


tagabundok. Ang Viktoria peak ay isa sa mga hindi pa gaanong natutuklas. Sa pag
akyat sa bundok na ito makakakita ka ng rat-eating pitcher plant, ito ay isang uri
ng halaman na bihira lamang makita at ito ay pinangalanang Nepenthes
attenboroughii. Isa rin ito sa mga species ng halaman na nabubuhay sa bundok ng
Viktoria.

Kinakailangan mag trek ng apat ma araw bago pa makarating sa tuktok ng Bundok


Viktoria. Kailangan din ng gabay ng tourism office sa pag akyat sa bundok na ito
dahil mahirap ang ruta papunta sa tuktok nito.

7 Marso 2023

_________________________________ISPORTS__________________________________
Baitang Pito Magkakampi sa Badminton Women
Doubles Competition, Nagwagi

Disiplinado, pursigido, at
mahusay na mga kabataan na
tunay ngang nakakabilib ang
mga kakayahan. Ang
magkakamping sina Precious
Agatha Laab at Nebeth Chiara
Ybera mula Klaster 3 ay
nagwagi sa Palarong
Pampaaralan ng Narra Integrated
School sa kategoryang Women’s
Doubles sa isports na
Badminton. Ginanap ito noong
Pebrero 1-3 sa Narra Gym ng
Narra Sports Complex.

Ito ang kanilang unang Intramurals simula ng sila ay matutong maglaro ng isports na badminton
at humantong ng Junior High school. Nagmula ang mga estudyanteng ito sa programang STE
(Science Technology and Engineering) na tingin ng halos lahat ay puro aral lamang ngunit
maari ding magamit ang katalinuhan upang magwagi sa larangan ng palakasan. Ayon sa kanila,
sila ay nagagalak na maipakita ang kanilang talento sa paglalaro ng badminton pati na rin ang
pag presenta sa kanilang Baitang at Section. Ang isports na badminton ay hindi lamang tungkol
sa kung sino ang mas magaling at magwawagi sa bawat kompetisyon. Ito rin ay tungkol sa
pagkakaibigan, pakikipag isa, at pagpapakumbaba. Kailangan din magkaroon ng pagkakaisa sa
kakampi at ang dalawang atletang ito ang isang magandang halimbawa.

Patuloy ang kanilang pag eensayo’t paghahanda para sa darating na Palarong Pandistrito na
gaganapin sa katapusan ng Marso hanggang sa unang linggo ng abril kasama na ang suporta ng
kanilang mga Magulang at Coach na si Ma’am Connie Quinzon Maulion na siyang may hawak
din sa Club ng Badminton sa paaralan ng NIS.

(Audrey Yzabel Gulane)

8 Marso 2023

__________________________________ISPORTS____________________________________

CLUSTER 1 AT CLUSTER 3
MAHIGPIT ANG LABANAN SA
ARNIS NOONG INTRAMURAL
MEET
Mahigpit ang laban ng cluster 1 at cluster 3 sa individual solo baston at doble baston
sapagkat parehong magagaling ang panig na nag laban na sina Yscel Pacada ng cluster 1 at
Rayza Mendoza ng cluster 3. Ang kanilang laban sa anyo ay ginanap sa Narra Gymnasium
noong ika-2 ng Pebrero.

Pagkatapos ng Synchronized solo baston, doble baston, at Espada Y Daga Boys at Girls at ang
individual solo baston ng boys, nag laban sa pagalingan ng anyo at mga skills sina Yscel
Pacada at Rayza Mendoza ang unang sumalang sa exhibition ay si Yscel Pacada na nakakuha
ng 20 puntos sa dalawang hurado at ang sumunod naman ay ang isa pang kalaban na si
Jemima Lim ng cluster 4 na may 18 puntos at ang sumunod ay ang cluster 3 na si Rayza
Mendoza na may puntos na 19 puntos.

Talaga ngang napaka higpit ng laban nilang dalawa sapagkat isang puntos lang ang pagitan
ng kanilang mga iskor. Hindi naman natin mapag kakaila na magaling din ang cluster 3 sa
anyo sa arnis ngunit nahigitan din ito ng provincial meet player na si Yscel Pacada. Sa
kabilang banda, ang nag wagi ng gintong medalya ay si Yscel Pacada

(Camille Jane R. Cacao)

You might also like