You are on page 1of 2

MARVIN, NILANGOY ANG IKATLONG PWESTO SA FREE STYLE DIVISION LEVEL ‘24

Nakamit ni Marvin Atong ang ikatlong pwesto sa swimming competition Division Level, noong ika-30 ng
Enero, 2024 sa Sindangan Sports Complex,Sindangan Zamboanga del Norte.

Sumabak sa kompetisyon sa paglangoy ang batang si Marvin Atong mula sa paaralan ng Osukan
Elementary School.Siya ay nasa ika-anim na baitang sa advisory ni Ginoong Benigno P. Sabijon Jr.
Ang paaralang Osukan ay mahigit kumulang isandaang metro lamang ang layo nito mula sa
dalampasigan.Kung kaya’t halos lahat ng mga mag-aaral dito ay nakatira malapit sa baybaying dagat.Ang
dagat na ito ay nagsisilbing kanyang libangan lalo na’t kapag wala ng pasok. Hindi niya inakala na ito ang
magdadala sa kanya upang masali sa kompetisyon.

Una siyang sumali sa kompetisyon sa paglangoy noong December 5, 2023, District level. Dinaluhan ito ng
mga manlalaro mula sa iba’t-ibang paaralan. Nasungkit nito ang unang pwesto kaya dineklara at
ginawarang kampeon sa Distrito ng Labason. Ngunit hindi dito nagtatapos ang labanan dahil kailangan na
naman nitong paghandaan ang susunod na kompetisyon.

Malaki ang kumpiyansa nito sa sarli na hindi siya mabibigo.Kasama ang kanyang mga supportive coaches
na si Ginoong Benigno P. Sabijon at Ellen G. Lapinig.Mas pinalakas pa nito ang kanyang loob dahil kasama
din ang mga coaches mula sa ibang category.

Naganap ang takdang araw ng kompetisyon sa Sindangan Sports Complex,Sindangan Zamboanga del
Norte. Nakamit nito ang ikatlong pwesto sa 100 meter free style swimming competition noong ika-30 ng
Enero, 2024 sa Sindangan Sports Complex,Sindangan Zamboanga del Norte.

Hindi man nasungkit ni Marvin sa ikalawang pagkakataon ang pagiging kampeon pero panalo pa rin siya
sa puso ng mga taong nakapaligid at nakasuporta sa kanya.Lalo na ang mga coaches at mga guro na mula
sa paaralan.Pinatunayan ni Marvin na ang kompetisyon ay hindi lamang ito tungkol sa pagiging kampeon
kundi ito ay tungkol din kung paano mo tatanggapin ang iyong pagkatalo.
“Ma la ka s ma n a ng ha mpa s ng a lon pero hindi siya uma a hon.I sa ng ba ta ng na ka hiliga n a ng
pa gla ngoy sa da ga t,hindi niya a ka la ing ito a ng ma gda da la sa ka nya pa tungo sa ma pa ngha mong
pa nga ra p.”
King and Queen of Hearts '24, isinagawa;

Domopoy, Tarang, kinoronahan

Bilang pagsalubong sa nalalapit na Araw ng mga Puso, isinagawa ang kinaugaliang King and Queen of
Hearts sa Osukan Elementary School nito lamang ika-12 ng Pebrero, 2024.

Bumida ang napiling anim na pares ng mga mag-aaral mula sa lahat ng mga baitang. Inuwi ng tambalang
Deiosdre Caio O. Domopoy–Ayisha Zhyn O. Tarang mula sa ikatlong baitang ang korona.

Itinanghal na 1st runner up sina Sean Angelo M. Olimpo at Deniell Marthin E. Layson, habang sina Perzos
Joe E. Salarda at Jacedel S. Tano naman ang nagkopo ng 2nd runner up. Nasungkit naman ni Mohammad
Danish P. Damsik at Michaella Faith G. Genabe ang 3rd runner up, sina Ayman L. Tarang at Liza Tanade
ang sa 4th runner up, at sa 5th runner up naman ay sina Zeuz Mathew Dagooc at Fartina L. Tarang.

Ang paghahatol sa mga nanalo ay naaayon sa kung sino ang may pinakamalaking nalikom na pera bilang
kontribusyon sa pagpapagawa ng lunch shed sa mga bata at sa pagpabubuti ng paaralan. Nakalikom ng
sumatutal na P86,000.00 ang paaralan.

Sama-sama at tulong tulong ang mga guro sa puspusang paghahanda sa nasabing gawain. Lubos na
ikinatuwa nila ang mabuting kinahinatnan nito.

Ani ni Ginang Cherry C. Ampalyo, punongguro, "Ito ang unang pagkakataon na naisagawa ang gawain
simula noong sumapit ang pandemya, kung kaya ikinalulugod ko ang kinahantungan ng King and Queen
of Hearts ngayong taon. Tiyak na makatutulong ito sa pagpapaunlad ng ating paaralan."

You might also like