You are on page 1of 1

Pontilla ng SHS, humakot ng medalya sa Cluster Meet Swimming

ni Azel D. Banihit at Christian Isaac D. Batralo

Nag-uwi ng karangalan para sa Laguna State Polytechnic University - San Pablo City Campus
(LSPU-SPCC) Senior High School ang lone swimmer na si Jaesel Pontilla sa muling pagbabalik
ng Palarong Panlungsod 2023 Swimming Competition sa Col. Lauro D. Dizon Memorial
Integrated High School (CLDDMIHS), San Pablo City noong Pebro 17-19, 25 at 26.

Sa pangunguna ng Bachelor of Physical Education (BPED) instructor at coach na si Alyza Mari


Landig, nasungkit ni Pontilla ang dalawang ginto sa 800m Freestyle at 100m Butterfly at isang
pilak sa 400m Butterfly sa kabila ng kaunting oras ng paghahanda para sa kompetisyon.

“Limited ang time, five days compare sa training for STRASUC which is 1 month so malaki yung
difference, but the good thing is, si Jaesel ay kasali sa swimming club (Royal Dolphins) so tuloy-
tuloy ang naging training kaya ‘di na rin nahirapan”, wika ni Landig.

Maliban sa training ni Pontalla sa unibersidad, parte siya ng isang swimming club kaya hindi
naging mahirap para kay Landig ang pag-eensayo na siyang nakapagpasaya sa kanya bilang
isang coach.

‘’Effective ang nagawa natin as a coach, as a teacher, so ako ay very happy kapag nananalo
even if hindi nananalo. Malaking accomplishment na rin ito [sa akin]”, aniya.

Bukod kay Landig, kasama rin Pontilla sa kompetisyon ang kanilang trainer na si Ferdie Reyes,
LSPU Sports Director Darwin Ofrin, at ang iba pang SHS athletes ng LSPU.

Sa pagkapanalo ni Pontilla, naghahanda naman siya para sa kaniyang mga club competitions
at sa darating na Regional Athletic Association Meet (RAAM) na gaganapin sa De La Salle
University - Dasmariñas, ika-25 at 26 ng Marso at ika-1 at 2 ng Abril.

You might also like