You are on page 1of 2

59th Fisheries Conservation Week

By: Rea Angelika Condez

Fun Run sa bangusan. Bilang tradition ng mga bagong mag aaral ng Departamentong fisheries ay
isinasagawa ang paglusong sa pond o ang tinatawag na punong at paunahan na makaabot sa kabilang
dako pabalik sa pinanggalingan. Ito ay isinasagawa ng mga bagong mag aaral na nakapasok sa kursong
Bachelor of Science in Fisheries upang iparanas na sa tatahakin nilang kurso ay ito ang isang parteng
kinakailangan nilang gawin at hinding hindi maiiwasan lalo na kung magiging propesyonal na ito sa
buhay.
Bagong simula ay itinatayo, bagong pundasyon ay pinapatibay, bagamat ramdam parin ang
pandemya, ngunit dahil sa determinasyong ang ipinapakita ng bawat mag aaral kung kaya ang impossible
ay nagiging possible. At ang bunga ay isang matagumpay na selebrasyon ng departamentong Fisheries sa
pagsalubong sa 56th Fisheries conservation o sa pinaikli na FishCon, noong Setyembre 22-23, 2023 sa
CapSU Dayao covered Gym. Ito ay dalawang araw na selebrasyon na nag dadala ng Temang "𝑃𝑎𝑔𝑘𝑎𝑖𝑛
𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑛𝑠𝑎 𝐿𝑖𝑘𝑎𝑠-𝐾𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑟𝑜𝑑𝑢𝑘𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑔 𝐼𝑠𝑑𝑎 𝐼𝑠𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑁𝑎𝑡𝑖𝑛". Sa pamumuno at pangunguna ng
Department Student Council Governor na si Doris Ann Once at FLP Sub-Chapter President na si Rante
Lozano ito ay tagumpay at masayang naidaos.
Unang araw ng selebrasyon ay naganap ang opening ceremony sa umaga sa pangunguna ng
Department Dean of Fisheries na si Dr. Joselito Sitjar, DFT. nasundan ng mensahe ng Satellite College
Director na si Dr. Sebastian C. Caduco Jr. PhD. Sa pagpapatuloy, ipinakilala ni Prof. Nowena Solidum.
MSc. And tatlong resource speaker na sina Mr. Eljohn Manuel, Special Science Teacher I, Ms. Jean Carla
Ibañez, Forest Technician II, at si Mr. Pascasio C. Reyes, Jr., Retired Faculty in BS Fisheries.
“Isda, Isda lang na” (isda isda lang yan) tinig ng isang resource speaker na syang kinaaliwan ng
lahat sa kadahilanang iyon nga ang kaisipan ng nakararami at pagaakala ng kursong BS in Fisheries ay
isda isda lamang kung baga madaling kurso dahil isda lamang ngunit kasalungat pala sa kanilang pag
aakala. Maraming aral ang naibahagi ng tatlong tagapagsalita kasali na roon ang kanilang mga karanasan,
hamon at pakikibasa sa nakuhang kurso noong sila ay estudyante pa lamang. Nakakaaliw at
nakakamangha ang mga kaalaman ang mga naibahagi ng mga tagapgsalita na tiyak na magiging
insperasyon sa lahat ng mga nakarinig.
Pag sapit ng hapon ay nagkaroon ng aktibidad na dinaluhan ng mga mag aaral sa fisheries may
roong nanonood lamang at may roon namang sumali at nakigawa sa nasabing aktibidad at ito ay katulad
na lamang ng Bangus Deboning, Net Making at Net Patching. Nakakaaliw pag masdan ang proceso ng
pag kuha ng tinik ng Bangus tiyak na kapag ikaw ay natuto hindi mo na kailangan pang bumili ng
boneless bangus dahil kayang kaya mo ng gumawa sa iyong sarili. Kung ating pagmasdan ang ating mga
mangingisda ang mga materyales na ginagamit nila sa panghuhuli ng mga isda ay ang lambat, sa net
making at net patching isinagawa at itinuro kung paano ngaba ang pag gawa nito o pasa ayos ng nasirang
lambat. Ikinagagalak ng lahat na may mga propesyunal na handang magturo at magbahagi ng kanilang
kaalaman para sa mga mag aaral na nais matuto at nais na magkaroon ng bagong kaalaman
Sa ikalawang araw ng selebrasyon naganap sa umaga ang patagisan ng galling o iba ibang talento
ng mga mag aaral. Bawat antas ng taon ng mag aaral ay may roong isa o dalawang nag rerepresenta sa
bawat paligsahan. Itong aktibidad ay tinatawag na Fisheries Skills Olympic, at nahahati sa limang
patimpalak na may pianamagatang, Fish Identification, Fish Pond Lay-outing, Bangus Deboning, Net
Making and Net Patching.
Sa pagpapatuloy, sa pagsapit ng hapon nagkaroon ng masayang laro pangkalahatan na tinatawag
na Amazing Race. Ang larong ito ay maihahalintulad sa napapanood nating amazing race sa telebisyon,
kung saan bubuo ng group at mayroong istasyon na dapat na daanan, ang kailangan lamang ay mabuo ang
lahat ng flags sa pamamagintan ng pagtapos ng bawat aktibidad sa bawat istasyon.
Lahat ay natuwa, at naging buhay na buhay sa laro, kanya kanyang palakpak at sigawan sa bawat
manlalaro at panonood sa bawat kaganapan at tila may kaba sa bawat groupo dahil kinakailangan
paunahang matapos. Ito ay isang masayang parte ng selebrasyon na kahit maliit ang bilang ng Fisheries
ay masasaya at nakakatuwa ang kanilang pagkakaisa at pagsasama sama.
Matapos ang lahat, katulad ng pag anunsyo sa lahat ng nanalo sa bawat patimpalak ay sumunod
ang inaabangan at pinakahihintay na pagsagawa ng tradisyon at yun ay ang paglusong sa putik ng pond o
punong papunta sa kabilang dako pabalik sa kanilang pinanggalingan. Lahat ng first year at pati na rin
ang second year na hindi nakaranas noon ng dahil sa pandemya ay isinagawa ang tradisyon. Ang pond sa
Capsu Dayao na makikita sa tabi ng Department of Education building ang nilusong ng mga mag aaral.
Mabaho man at marumi ito ang magsisilbing pang bukas mata sa kanilang tatahakin sa susunod na
henerasyon o season ng kanilang buhay.
Sa pagtatapos ng selebrasyon na ito ay tiyak na mayroong bitbit na aral at bagong memoryang
hinding hindi malilimutang karanasan ng bawat mag aaral, at maging sabik sa muling mararanasan sa
susunod na pag dadaos ng Fisheries Conservation week.

You might also like