You are on page 1of 18

1

KADAHILANAN KUNG BAKIT MARAMING ENROLLEE SA BS MARITIME

EDUCATION

_____________

Pananaliksik na Iniharap kay Gng. Marianne P. Santiago

sa Asignaturang Filipino II sa Philsin College Foundation INC, Rizal

___________________

Aljhon A. Velasquez

Russel P. Polinar

December 07, 2023


2

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Kadahilanan kung bakit maraming

enrollee sa BS maritime Education” ay iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula

sa Bachelor of Science in Marine Transportation na binuubuo ni:

Aljhon A. Velasquez Russel P. Polinar

Gng. Marianne P. Santiago

Guro
3

LISTAHAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I, Ang suliranin at kaligiran nito……………………………………….4

1. Introduksyon……………………………………………………………….. 5
2. Pangkayariang
Konseptual/Theoritikal…………………………………………………......5
3. Layunin ng Pag-aaral……………………………………………………....8
4. Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………......8
5. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral……………………………………....9
6. Depinisyon ng mga salitang ginamit………………………………………9

Kabanata II, Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura…………………………..10

Kabanata III, Disenyo at paraan ng Pananaliksik…………………………………13

1. Disenyo ng Pananaliksik………………………………………………….. 13
2. Respondente………………………………………………………….……. 13
3. Instrumento ng Pampananaliksik………………………...………………. 14
4. Tritment ng mga Datos………………………………………...……………14
4

Kabanata 1

ABSTRAK

Ang pag-aaral ng Bachelor of Science in Marine Transportation ay isang kritikal

at mahalagang bahagi ng edukasyon ng mga nag-aasam na maging seafarer o marino.

Ang pagsusuri sa mga kadahilanan kung bakit maraming mag-aaral ang nag-eenroll sa

nasabing kurso ay nagbibigay daan sa masusing pag-unawa sa pangangailangan at

motibasyon ng mga mag-aaral na ito. Ang pagsusuri na ito ay naglalaman ng

mahahalagang impormasyon na maaaring maging pundasyon para sa mga hakbang na

maaaring gawin ng paaralan, pamahalaan, at iba pang sector upang mapabuti pa ang

kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa larangan ng Marine Transportation.


5

1. Introduksyon

Ang Bachelor of Science in Marine Transportation ay isang kurso na

naglalayong magbigay ng pangunahing kaalaman at kasanayan sa

pagpapatakbo ng sasakyang pandagat, at iba pang teknikal na aspeto ng

marino. Sa kabila ng maraming iba’t ibang kurso na inaalok sa iba’t ibang

larangan, napakarami pa rin ang nagnanais na magkaroon ng propesyunal na

training sa marine transportation.

Sa pagtingin sa pangkalahatang aspeto ng edukasyon, ang pagpili ng

kurso ay may iba’t ibang kadahilanan. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay daan

sa mga estudyante na maging bahagi ng mahalagang industriya ng

transportasyon sa dagat, kung saan ang kanilang mga kakayahan at kaalaman

ay maaaring isanib sa pag-unlad ng ekonomiya at kalakaran ng kalakalan. Ito rin

ay nag bibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na mapagtanto ang kanilang

pangarap na maging bahagi ng maritime industry at magtagumpay sa kanilang

mga hinaharap na karera.

Sa panahon ng pag-unlad ng teknolohiya at pagbabago sa pandaigdigang

ekonomiya, lalong napapalaki ang pangangailangan sa mga propesyonal na

marino. Ang pangangailangan sa mga ito ay nagmumula sa iba’t ibang sector

tulad ng shipping, logistics, at transportasyon, kung saan ang mga nagtatrabaho

sa larangan ng marine transportasyon ay nagiging pundasyon ng kalakaran ng

negosyo at ekonomiya.
6

Bilang pagtalima, itong pagsusuri ay maglalaman ng mga espesipikong

kadahilanan kung bakit maraming estudyante and pumipili ng kursong Bachelor

of Science in Marine Transportation. Isinasaalang-alang ang mga personal na

layunin ng mga mag-aaral, ang pangangailangan ng industriya, at ang papel ng

edukasyon sa paghubog ng mga mag-aaral tungo sa kanilang hinaharap na

propesyunal na karera.

Sa pag-unawa sa mga kadahilan na ito, maaaring mabuo ang masusing

plano para sa mas epektibong pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral

at ng industriya ng marine transportation.


7

2. Pangkayariang Konseptual/Theoritikal

Ang pinanghahawakang teorya ng pag-aaral na ito ay ang mga teorya patungkol

sa kadahilanan kung bakit maraming enrollee sa BS Marine Education

Ayon kay Angelica M. Baylon et.al(2011) “Sa pagkakataong ito, ang pilipinas

ang nanatiling may pinakamataas na bilang na mga Crew dahil sa sumusunod: (1)

Mataas na Dami ng populasyon. (2) Kakulangan ng attraction sa paghahanap ng

trabaho. (3)Mataas na Bilang ng mga walang trabaho.(4) Posisyon ng Bansa na

mayrooong 7,100 na mga Isla. (5)Sinusuportahan ng mga pribadong sector ang pag

develop ng Marine Training facilities sa Pilipinas na mayroon ng malaking bilang ng

Maritime Education training (MET) Institutions (159) pangalawa lamang ang India (130).

(6) Pagkabihasa ng mga pinoy sa lingwaheng Ingles.

Marahil ito ay isa sa mga Dahilan kung bakit maraming enrollee sa BS Maritime.

ayon naman sa https://en.wikipedia.org/wiki/Filipino_seamen “Mayroong 280,000 na

mga Estudyante na nakapagtapos sa Skwelahan ng Maritime Kada taon.” Patunay na

marami nga estudyante ng Maritime Education. Nagkaroon ng enterest ang mga

mananaliksik tunkol sa biglaang pagdami ng populasyon ng BS maritime enrolee lao na

sa Capitol University dahil maaari itong maging daan upang umunlad ang Capitol

University at magkaroon din ng positibong pananaw ang mga susunod na henerasyon,

hindi lang sa Maritime Education kundi para na din sa iba pang mga kursong

inihahandog ng Capitol University. At sa Pananaliksik na ito, pinagbabasehan ang


8

kagustuhan ng mga estudyante sa pagpili ng kurso na ito, kagustuhan ng magulang

para sa mga anak.

3. Layunin ng pag aaral

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay linaw sa mga dahilan kung bakit maraming enrollee

sa BS Maritime Education. Ito din ay naglalayon na masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

a) Gaano ka laki ang impluwensya ng mga magulang sa pagpili ng kursong marino?

b) Madali ba ang kursong BS maritime Education upang makaakit ng estudyante?

c) Lahat ba ng Esudyante sa BS marime Education ay may pag-asang makatrabaho?

4. kahalagahan ng pag aaral

Ang mananaliksik ng pag-aaral na ito ay naniniwala sa kahalagahan ng pag aaral

na ito. Ito ay magsisilbing gabay ng mga bagong eatudyante sa pagpili ng kurso na

kanilang kukunin. Ito din ay magsisilbing preview sa kursong BS Maritime Education

para sa mga mag aaral ng Philsin College Foundation INC, RIzal.


9

5. Saklaw at limitasyon ng Pag aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa pananaw at opinion ng mga

estudyante na nasa (1) unang taon sa kursong BS Maritime Education hinggil sa

kadahilanan kung bakit maraming kumukuha ng kursong BS Maritime Education.

Nililimitahan ang pag aaral na ito sa mga mag aaral na nasa unang taon sa

kolehiyo lamang na kumukuha ng kursong BS maritime education sa Philsin College

Foundation INC, Rizal.

6. Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Upang mas maging madali at ganap ang pagkaintindi ng mga mambabasa,

minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na salita

batay kung paano ginagamit ang bawat isa sa pananaliksik na ito.

Maritime Education- Isang Kurso sa kolehiyo na pinag aaralan ng mga studyanteng

gusto maging marino.

Enrollee- tawag sa mga studyanteng nage-enroll sa Paaralan

BSME- Ito ay nangangahulugan sa Bachelor of Science in Marinel Education

Sarbey- Survey kung sa ingles: Ito ay isang proseso kung paano makakakuha ng isang

datos o impormasyon.
10

Kabanata 2

Mga Kaugnay na pag-aaral at literatura

Ayon kay Marielle Del Rosario (http://popoulasyon.blogspot.com): “Populasyon

ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng

isang lungsod ay ang bilang ng mga tao na nakatira sa lungsod na iyon. Sa

sosyolohiya, ito ay ang katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng estatistika ng

populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng demograpiya. Ang artikulong

ito ay tumutukoy sa populasyon ng tao.

Ang densidad ng populasyon o kapal ng populasyon ang tawag sa

pamantungang bilang ng tao sa isang lugar. Maraming tao ang isang lugar kung ito ay

may mataas na densidad ng populasyon. Mayroong mababang densidad ng

populasyon naman kung maliit ang populasyon.”

Ayon din sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Ang

pilipinas ang pinakamalaking tagapagtustos ng mandaragat sa buong mundo Mula pa

1987 hangang sa kasalukuyan, Dahilan Upang gawing “manning capital of the world”

ang Pilipinas . Ayon naman saDepartment of Labor and Employment of the Philippines,

Mayroong 229,000 ka Marinong Pinoy ay Tinatawag na “on board merchant shipping

vessels”. Sinasabi na mayroong 25 ka posyento mula sa 1.5 Million ka Mariono ang

pinoy sa buong Mundo,.Noong 2007, ang Populasyon ng mga Pilipinong Marino ay

226,900.(https://en.wikipedia.org/wiki/Filipino_seamen). Ang Marine Engineering o


11

inhinyeriyang pangdagat ay ang disiplina na naglalapat o gumagamit ng mga agham na

pang-inhinyeriya, na karamihan ay may kaugnayan sa inhinyeriyang mekanikal at

inhinyeriyang pangkuryente o elektrikal, hanggang sa paglikha, pagpapaunlad,

pagdidisenyo, pagpapaandar, at pagpapanatili ng propulsiyon at mga sistemang

nakalulan sa isang sasakyang pantubig; katulad halimbawa ng mga planta ng kuryente

at ng propulsiyon, makinarya, mga tubo, sistema ng awtomasyon at kontrol, at iba pa,

na para sa anumang mga uri ng sasakyang pangkaragatan, kabilang na ang mga

barkong pang-ibabaw ng tubig at mga submarino.

Ayon sa Wikipedia, ang inhinyinhinyeriyang pangmarina ay tumutukoy sa

inhinyeriya na may kaugnayan sa mga bangka, mga barko, platapormang pangkrudo

(nasa dagat at malayo sa dalampasigan) at iba pang mga sasakyang pangdagat.

Isa ang marine engineering sa mga kurso na inaalok sa mga institusyun. Sa

Pilipinas, upang maging isang marine engineer ay kailangang tapusin ang programang

ito. Ayon sa Commision on Higher Education (CHED) ang Bachelor of Science in

Marine Enginnering ay apat na taong programa na binibigayng ng mga institusyung

kanilang inaprobahan at ng Maritime Industry Authority (MARINA) .

Sa kasalukuyan mayroong labing-isang (11) pampublikong paaralan at pitumput-

apat (74) na pribadong paaralan ang aprobado upang magbigay ng programang

inhinyeriyang pangdagat. Kabilang dito ang Capitol University na kilala sa larangan ng


12

Engineering. Maraming akreditasyun sa ibat-ibang organisasyun kaya’t maraming mag-

aaral ang pumapasok sa paaralang ito.

Malaki ang ginagampanan ng isang paaralan na papasukan ng mag-aaral upang

maging isang ganap na magaling na marine engineer. Kinakailangan na may

akreditasyon ang aaralan, mga maayus at kompletong pasilidad, mga gurong gagabay

sa mga mag-aaral, at ang matrikula ng paaralang papasukan. Maraming estudyante

ang naghahangad sa kursong ito. Ang pag-aaral nito ay hindi lang ginagastusan ng

salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras.

Ang shipping industry ay patuloy na nangangailangan ng maraming

inhinyeriyang pangdagat local at pang internasyunal. Maraming mga training na

binibigay upang makapasa sa mga international standards. Sa tala ng istatistika,

maraming mga pinoy na nakapag trabaho bilang marine engineer sa international

shipping companies. Nadagdagan ng interes ang mga mag-aaral nang ibinago ang

kabuoang kontrata sa serbisyu kayat sa ngayun dumami ang bilang ng nag-aaral at

nag-aaply sa mga trabahung pangmarina.

Sa pag-aaral na ito tatalakayin ang saloobin, damdamin ng mga mag-aaral na

kumuha ng programang Marine Engineering. Layunin ng pag-aaral na malaman ang

kadahilanan kung bakit mas pinili nila ang pumasok at mag-enrol ng kursong

inhinyeriyang pangdagat.
13

Kabanata 3

Sa kabanatang ito, tinatalakay ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral,

at ang mga kalahok kagaya ng Respondente, Instrumento ng Pananaliksik, Tritment ng

mga Datos.

1. Disenyo ng pananaliksik

Sa bawat pananaliksik ay mayroong disenyo at paraan ng panaliksik. Dahil ito ang

magiging batayan ng mananaliksik. Para maging mas matibay ang kanilang ginawang

pananaliksik. Nakatala sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, mga respondent

ng pananaliksik, instrumento ng pananaliksik at ang pagtalakay ng mga datos na

nakalap.

Upang malaman ang kadahilanan kung bakit maraming enrollee sa BSME,

ginamit ang diskriptive analitik bilang paraan ng pananaliksik. Ang purposive sampling

naman ang ginamit bilang teknik sa pagpiling mga respondent sa dahilang kaya nilang

sagutin ang mga tanong na inihanda ng mananaliksik

2. Respondente

Ang mga napiling respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyanteng kumuha

ng Kursong BS maritime education na nasa unang taon na nag aaral sa Philsin College

Foundation INC, RIzal. Lahat ng Respondente ay pawang mga Estudyante sa unang

taon ng BS maritime lamang na kasalukuyang nakaenroll sa pamantasan ng Philsin

College Foundation INC, Rizal.


14

3. Instrumento ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. ang

mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey kwestyoner na naglalayong makakalap ng

mga datos upang masuri ang saloobin ng mga respondente kung bakit ito ang kursong

napili nila. Sampung katanungan ang ginawa ng mananaliksik upang sagutan ng mga

respondente.

Ang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos ng mananaliksik ay ang Sarbey

kwestyoner, na naglalahad ng sampung katanungan na kanilang kailangang sagutan

upang makakuha sila ng wastong dahilan kung bakit marami ang nag eenroll sa BS

Maritime Eucation. Personal na Ibinigay ng Mananaliksik ang Sarbey kwestyoner sa

mga respondent sa Philsin College Foundation INC, Rizal tuwing pagkatapos ng mga

klase nila. Kumuha ang mananaliksik ng mga karagdagang impomasyon galing sa

Internet para sa karagdagang sangunian.

4. Tritment ng mga Datos

Ang pagiging simple ng Pananaliksik na ito, Hindi na Kinuha ang mga

Personal na mga bagay tungkol sa mga respondent, Ibinigay lamang ng

mananaliksik ang kanilang Opsyonal na Pangalan, edad, Kasarian at Kurso. Ang

lahat ng mga resulta ay kinuha sa mga Sarbey kwestyoners.


15

Listahan ng mga Sanggunian

Angelica M. Baylon et.al (2011). The Chalenges in Philippine Maritime Education ang

Training ISBN 1839-9053. International Journal of Innovative Interdisciplinary research.

Retrieved from: http://www.auamii.com/jiir/Vol-01/issue-01/X5.Baylon.pdf

Wikipedia: Filipino Seamen Retrieve From: https://en.wikipedia.org/wiki/Filipino_seamen

Marielle Del Rosario(2013) Paglaki ng Populasyon sa Pilipinas.

Retrieve From: http://popoulasyon.blogspot.com

Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

Commision on Higher Education (CHED)

Maritime Industry Authority (MARINA) .


16

Apendiks A

Sarbey-kwestyoner

Pangalan: (optional)________________ Edad:___ Kurso:_________ Kasarian:______

1. Ano ang tumulak sayo para kunin ang kursong ito?


o Kagustuhan mo o Kagustuhan ng pamilya
2. Sino ang pumili ng kurso mo?
o Sarili o Pamilya
3. Nagustohan mo ba ang kursong kinuha mo?
o Oo o Hindi
4. Kaya mo ba ang kursong ito?
o Oo o Hindi
5. Ano ang mas Madali BSMT o BSMarE?
o BSMT o BSMarE
6. Sang-ayon kaba na mas marami ang BSMT kay sa BSMarE
o Oo o Hindi
7. Meron ka bang planong Lumipat ng ibang kurso?
o Oo, meron o Wala
8. Kaya mo bang tapusin ang Kurso mo?
o Oo o Hindi
9. Makakatulong ba ang kursong ito para sa iyo?
o Oo o Hindi
10. Sa Tingin mo, mabibigyan mo ba ng buhay ang iyong sarili kung sakali
malampasan mo ang kursong kinuha mo?
o Oo o Hindi
17

Korikulum Bitey

Aljhon A. Velasquez
Chicos Compound Sitio Payong Brgy. Dalig Antipolo City, Rizal, Philippines
09367586253
aljhonvelasquez15@gmail.com

EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School : Skill Power Institute INC.


Year Graduated : 2017-2019

Secondary : Dalig National High School San Jose Extension.


Year Graduated : 2013-2017

Primary : San Antonio Village Elementary School


Year Graduated : 2008-2013

PERSONAL INFORMATION

Date of Birth : November 15, 2001


Place of Birth : Bayambang, Pangasinan
Age : 22 years old
Sex : Male
Height : 5’3
Weight : 68 kls
Civil status : Single
Religion : Catholic
Nationality : Filipino
Language spoken : Tagalog and English
18

Korikulum Bitey

Russel P. Polinar
Quarry 2, May-iba, Teresa Rizal
09307923494
russellpolinar2003@gmail.com

EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School : Philsin College Foundation INC.


Year Graduated : 2017-2019

Secondary : Pantay National High School


Year Graduated : 2013-2017

Primary : Anex General Trias Cavite


Year Graduated : 2008-2013

PERSONAL INFORMATION

Date of Birth : April 10, 2003


Place of Birth : Woodland Zamboanga Del Sur
Age : 20 years old
Sex : Male
Height : 5’4
Weight : 57 kls
Civil status : Single
Religion : Catholic
Nationality : Filipino
Language spoken : Tagalog, English, Bisaya, Muslim

You might also like