You are on page 1of 14

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga literatura at pag-aaral na bahagi ng


isasagawang pananaliksik. Ang mga kaisipang nilalaman nito ay mula sa mga pananaw
ng manunulat ng iba't ibang aklat at dyornal at resulta ng naging pag-aaral ng iba't
ibang mananaliksik.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang disiplina sa sarili ay pundamental sa pagsasanay sa NROTC. Sa bawat


hakbang ng pagsasanay, mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na disiplina upang
matutunan ang mga kasanayang militar at mabigyan ng kahulugan ang kahalagahan ng
pagtutok sa misyon. Ang mga kadete na may matibay na disiplina sa sarili ay masiglang
nagtatrabaho, handang sumunod sa mga alituntunin, at laging naglalaan ng oras at
pagsisikap para sa kanilang pag-unlad. Ito'y nagbibigay daan sa pagbuo ng mga lider
na may integridad at kakayahang gumabay ng buong dedikasyon at pagmamahal sa
bayan.
Nakalaman nga sa inilathala ng Tabloid (2014). Ang pagdidisiplina sa sarili ay
isang napakahalaga at napaka usefull skill na dapat meron ang bawat isa. Ito ang
nagiging daan para magkaroon tayo ng magandang hinaharap sa ating buhay.
Napagtatagumpayan at nalalampasan natin ang ating pagsubok o inaasam kung
disiplina ang magiging gabay sa pagkamit ng ating hinahangad o minimithi sa buhay.
Mas lalong maiintindihan at mauunawaan ang mga bagay-bagay sa paligid kung ang
sarili mo ay mayroong disiplina para magsilbing daan sa paggawa ng kabutihan at
makontrol ang ating sarili sa pagintindi ng tama o mali para sa ikakabuti ng nakararami.

Pinagtibay din ni Paclipan (2015), ang isang tao o nilalang, gaano man siya
kagaling, gaano man man siya katalino wala pa rin siyang silbi kung wala naman siyang
disiplina sa sarili. Hindi natin mapapakinabangan ang ating magandang katangian o
magandang pag-uugali kung wala tayo nito, ang DISIPLINA .Dahil sa pagkakaroon nito,
mas lalong mapakikinabangan at maisasakatuparan ang ating ninanais kung ating
palalaguin at idedevelop ito para mapayabong at maging matibay sa ating isipan ang
pagdidisiplina sa ating sarili. Nagkakaroon ng magandanng resulta ang pagiging
disiplinado sapagkat nakakatulong ito sa pagintindi ng tama at mali, pagiging success
sa buhay at pagpapaunlad ng ating sarili.

Ang literaturang disiplina sa sarili at ang NROTC ay konektado sa pamamagitan


ng pagsusuri sa kahalagahan ng personal na pagmamatyag, pagsusumikap, at
pagsusulong ng sariling sarili sa larangan ng militar. Sa NROTC, ang disiplina sa sarili
ay hindi lamang kinakailangan para sa pag-aaral ng mga aspeto ng militar na sining
kundi pati na rin sa paghubog ng mga kadete na magkaruon ng kahandaan at
kahusayan sa serbisyo sa bayan. Ang pag-unlad ng disiplina sa sarili ay nagreresulta sa
masiglang pagganap ng mga tungkulin sa NROTC, na nagpapahayag ng ugnayang
pagitan ng teorya at praktika sa larangan ng militar.

Ganun pa man sa pananaliksik ni Real (2014), Ang paghahandang Militar ng


mga kabataan. Tungkulin ng mamamayan ang maging handa sa lahat ng panahon
upang ipagtanggol ang bansa. Ito ang bahagi ng kurikulum ng paaralan. Ang mga
kabataang hindi nag-aaral ay inaatasang magsanay sa tanggapan ng Hukbong
Sandatahan ng Pilipinas at sa pagpapatupad nito muli sa makabagong henerasyon,
mag mabibigay ito ng napakalaking pagbabago sa mga mag-aaral.

Ang literaturang paghahandang militar ng kabataan ay mahalaga sa konteksto


ng NROTC dahil ito'y nagbibigay ng pamanang pangkultural at pangkasaysayan ng
paghubog ng mga kabataan para sa serbisyo sa militar. Sa pamamagitan ng pag-aaral
ng literatura, nakakamit ng mga kabataang miyembro ng NROTC ang pang-unawa sa
mga halaga ng militarismo, pagiging handa, at pagmamahal sa bayan. Ang koneksyon
sa literatura ay naglalagay ng NROTC sa mas malawak na konteksto ng pagtataguyod
ng mga halaga at tradisyong militar, nagbibigay daan sa mas mabuting pag-unawa at
pag-ambag ng mga kadete sa kanilang tungkulin bilang tagapagtanggol ng bayan.

Nakasaad sa Artikulong "NROTC: Leaders Wanted" na isinulat ni Friel (2023), na


ang layunin ng Navy ROTC Program ay turuan at sanayin ang mga kwalipikadong
kabataang lalaki at babae para sa serbisyo bilang mga opisyal sa walang limitasyong
linya ng Navy, ang Navy Nurse Corps at ang Marine Corps. Bilang pinakamalaking
pinagmumulan ng mga opisyal ng Navy at Marine Corps, ang Navy ROTC Scholarship
Program ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa paghahanda ng mga mature na
kabataang lalaki at babae para sa mga posisyon sa pamumuno at pamamahala sa
isang lalong teknikal na Navy at Marine Corps.

Sinaad din niya na ang mga piling aplikante para sa Navy ROTC Scholarship
Program ay pinagkalooban ng mga iskolar sa pamamagitan ng isang mataas na
mapagkumpitensyang pambansang proseso ng pagpili, at tumatanggap ng buong
matrikula, stipend sa mga libro, bayad sa edukasyon at iba pang benepisyong pinansyal
O Room and Board sa marami sa mga nangungunang kolehiyo at unibersidad sa
bansa. Sa pagtatapos, ang mga midshipmen ay kinomisyon bilang mga opisyal sa
walang limitasyong linya ng Naval Reserve o Marine Corps Reserve.

Nakalaman din sa artikulong " The Naval Reserve Officers' Training Corps" na
isinulat ng veteran.com team (2024), na ang programa ng Naval Reserve Officers’
Training Corps (NROTC) ay magbibigay-daan sa iyo na makuha ang iyong degree sa
kolehiyo at ituloy ang isang kanais-nais na karera bilang isang kinomisyong opisyal sa
Navy o Marines. Maaari ka ring maging kwalipikado para sa isang iskolar ng NROTC na
magbabayad para sa iyong tuition sa kolehiyo at higit pa sa loob ng hanggang apat na
taon.Pagkatapos mong makapagtapos, sasanayin ka para sa isang handa na posisyon
ng pamumuno at responsibilidad bilang isang U.S. Navy o pangalawang tenyente sa
U.S. Marines. Ipagpapatuloy mo ang iyong karera sa isa sa mga kapana-panabik,
mapaghamon, at kapaki-pakinabang na larangan na inaalok sa maraming lugar tulad ng
aviation, intelligence, infantry, at engineering.

Ang literatura tungkol sa Navy ROTC scholarship at NROTC ay maaaring


magbigay-diin sa mga positibong epekto nito sa mga mag-aaral at sa kanilang karera.
Ilan sa mga benepisyo ay maaaring kasama ang pagpapaunlad ng liderato, pagsanay
sa militar, at pagkakaroon ng oportunidad para sa edukasyon at trabaho sa larangan ng
Navy. Ang mga pag-aaral ay maaaring magpakita ng kahalagahan ng programa sa
paghubog ng mga lider na may disiplina at pagmamahal sa bansa.
Sa pag-aaral naman ni Friel (2023), na nagsasabi na ang misyon ng Navy ROTC
Program ngayon ito ay ang pag-unlad ng mga batang lalaki at babae sa moral, mental,
at pisikal, at i-inspire sa kanila ang pinakamataas na ideales ng karangalan, galit, at
pagsisikap. Ang programang ito ay nagtuturo at nagtatrabaho ng mga batang lalake at
babae para sa mga posisyon ng pangunguna sa isang mas teknikal na Navy at Marine
Corps.

Ang literaturang may kinalaman sa misyon ng Navy ROTC (Reserve Officers'


Training Corps) o NROTC ay maaaring maglaman ng mga layunin at responsibilidad ng
programa, kabilang ang paghahanda ng mga mag-aaral para sa posibleng serbisyong
militar. Ang mga ito ay maaaring makipag-ugma sa tunguhing pang-ekonomiya,
pambansang seguridad, at pag-unlad ng liderato.

Base naman kay Lugt u, (2014), ang programa ng Reserve Officer Training
Corps (ROTC) ay nagsimula noong Disyembre 1935 sa pagpasa ng Commonwealth
Act Bilang 1, na kilala rin bilang National Defense Act. Ayon din sa may-akda, ang
University of the Philippines Cadet Corps ang unang nakilalang bumuo ng programa ng
ROTC sa Pilipinas noong 1912 nang magsimula ang mga opisyal ng Philippine
Constabulary na magbigay ng mga military instructions sa UP. Ngunit mas nauna pa sa
UP ROTC ang isang programa na inorganisa sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1762 sa pamamagitan ng tsanselor, Fr. Domingo Collantes. Isang hukbo ng mga
kabataang estudyante ang binigyan ng pagsasanay sa militar upang makatulong na
labanan ang mga tropang Ingles.
Noong 1939, inilabas ni Pangulong Manuel Quezon ang Executive Order 207, na
naglalayong maitatag ang programang ROTC na sapilitan sa lahat ng mga kolehiyo at
unibersidad na may higit sa isandaang mga mag-aaral.
Noong 1967, inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Executive Order
Bilang 59, na ginagawang sapilitang kurso sa lahat ng mga kolehiyo at unibersidad ang
ROTC na may pagpapatala ng hindi bababa sa 250 lalaki na estudyante. Gaya ng
ipinahiwatig ni Lugtu, (2014), isang kapansin-pansing pag-unlad sa panahong ito ay
isang programa na tinatawag na "Rainbow Rangers-Sunday Soldiers." Sinasabi na
naglaan ito ng alternatibong programang pagsasanay na nakasentro sa seremonya ng
ROTC. Inihain nito sa mga kadete ang iba’t ibang taktika at diskarte sa pagtatanggol sa
bansa.
Sa ilalim ng NSTP, ang lahat ng mga estudyante sa kolehiyo (lalaki at babae) ay
dapat, para sa isang akademikong panahon ng dalawang semestre, na lumahok sa isa
sa tatlong track ng NSTP: Literacy Training Service (LTS), Civic Welfare Training
Service (CWTS), o ang ROTC.
Sa kasalukuyan mainit na usapin ang pagbabalik ng ROTC program bilang
mandatory sa pangunguna ni pangulong Rodrigo Duterte ng manawagan ito sa
kongreso na ipanukala ang Reservists Employment Rights Act at magpasa ng batas
para sa mandatory ROTC sa mga mag-aaral ng senior high school, aniya pa, kung hindi
tutugon ang kongreso sa kaniyang panawagan magpapalabas na lamang siya ng
executive order patungkol rito. Dagdag pa niya konstitusyonal na pangangailangan na
sumailalim ang mga mag-aaral sa military training upang madepensahan ang bansa sa
anumang banta ng panghihimasok at pag-atake. Ginawa ng pangulo ang pahayag ng
dumalo ito sa 35th Founding Anniversary of Army Reserve Command sa Tanza, Cavite.
Ang pagpapasabatas nito ay dahil na rin sa hangarin niyang sa pamamagitan nito
magagawang maikintal sa kabataang mamamayan ang patriyotismo at pagmamahal sa
bansa. (Andal at Yu, 2018)
Nagpakita ng suporta ang ilan sa senador sa panawagan at apila ng pangulo.
Kabilang dito Sen. Richard Gordon, na naghain ng Senate Bill No. 1417 o Citizen Civil
Act of 2017. Ayon sa kaniya ang pagpapatupad ng ROTC ay magpapamalas ng
pagiging makabayan ng kabataan. “The constitution recognizes the vital role of the
youth in nation building and seeks to promote and protect their physical, moral, spiritual,
intellectual and social well-being”, pahayag niya. “It also seeks to inculcate in the youth
patriotism and nationalism, and encourage their involvement in public and civic affairs”,
dagdag pa niya. Binanggit rin sa ilan niyang pahayag kung paano nahaharap sa
delubyo ang bansa, mariin niya ring sinabi kung gaano kahalaga ang magkaroon ng
army of reserve officer na aalalay sa panlabas at teritoryal na depensa, panloob na
seguridad, kapayapaan at kaayusan, gayundin sa pamamahala laban sa sakuna at
kapahamakan. Nagpakita rin ng pagsuporta si Sen. Sherwin Gatchalian sa panawagan
ng pangulo, ayon sa kaniya nararapat na suportahan ng kongreso ang panawagang ito
ng pangulo hinggil sa pagpapasabatas ng ROTC. Ika niya naniniwala siyang
makapangyarihan ang programa upang makintal o maitatak sa bawat kabataan ang
kahulugan ng patriyotismo at disiplina, dahilan din kung bakit nagfile siya ng Senate Bill
Bilang 200, The Mandatory ROTC Act sa unang araw na pag-upo niya sa puwesto
bilang senador. (Torregoza at Abasola, 2018)
Kalakip ng pagsuporta ng ilan, may ilan ring bumatikos rito, ang iba nama’y
malamig ang pagtanggap. Ilan sa mga pahayag kung bakit ay ang nagdaan nitong
kasaysayan, ang ngayong maingay na isyung dawit tungkol sa masalimuot na pagpatay
sa kadeteng si Mark Chua na mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang
pangyayaring yaon ang ngayong ginagamit ng mga mag-aaral na tutol sa
pagiimplementang muli ng mandatory ROTC. (Viray, 2018)
Ang literatura sa ROTC ay mayroong ugnayang malapit sa NROTC dahil ang
Reserve Officers' Training Corps (ROTC) ay isang pangkalahatang konsepto na
naglalaman ng iba't ibang branch ng militar, kabilang ang Navy ROTC (NROTC). Ang
literatura para sa ROTC ay maaaring maglaman ng mga konsepto, prinsipyo, at layunin
na nagtutok sa pangkalahatang paghahanda ng mga mag-aaral para sa serbisyong
militar, at kasama dito ang mga aspeto ng Navy ROTC tulad ng paghahanda para sa
Naval service at leadership development.
Ito ay maaaring sumaklaw sa mga teorya ng liderato, estratehiya sa pagtuturo, at
mga kasanayan sa komunikasyon na mahalaga para sa mga opisyal sa serbisyo. Ang
pag-aaral ng military history at international relations ay maaaring maging bahagi rin ng
literatura upang maipakita ang pangkalahatang konteksto ng papel ng ROTC, lalo na
ang Navy ROTC, sa pambansang seguridad at depensa. Sa kabuuan, ang literatura ay
nagbibigay ng masusing pang-unawa sa mga layunin at kahalagahan ng ROTC,
partikular ang NROTC, sa paghahanda ng mga kabataang lider para sa serbisyong
militar at sibil.
KAUGNAY NA PAG – AARAL

Ang pagkakaroon ng disiplina para sa Navy ROTC (NROTC) ay mahalaga upang


masiguro ang epektibong paghahanda ng mga kadete para sa posibleng serbisyong
militar. Ito ay naglalaman ng pagsunod sa mga patakaran at regulasyon ng programa,
pagtataguyod ng tamang asal at etika, at ang pagpapakita ng responsibilidad at
integridad. Kagaya na lang sa pag-aaral na ginawa ni Quintero (2014) na may
pinamagatan na "Bagong Pananaliksik sa Disiplina sa Paaralan" Sinabi niya na ang
disiplina sa paaralan ay isa sa mga pinaka- kilalang isyu sa edukasyon sa taong ito na
nagpapakita ng pag-iisa ng mag-aaral sa pamamagitan ng lahi at etnisidad sa Distrito
ng Columbia, na may partikular na pagtuon sa paghihiwalay sa loob at sa pagitan ng
mga pampubliko at pribadong paaralan. Ang mga suliranin ay, nang insulto sa lahi,
etnisidad ng bawat mag-aaral. Pangalawa ay tumutuon sa kakulangan ng mga
patakaran, tulad ng zero tolerance policy at ang solusyon ng mga Paaralan ay
suspendihin o pagpapatalsik sa mga mag-aaral.

Ang kaugnayn ng pag-aaral ni Quintero sa pananaliksik na ito ay ang iba’t ibang


problema na kinakaharap ng mga paaralan dahil sa mga mag-aaral na walang disiplina
na kung saan nagkakaroon ng diskrimansyon, pangungutya o bullying at iba pa. Ang
mga paaralan ay may kanya kanayang pamantayan ng mga tuntunin at regulasyon sa
mga paglabag ng mga mag-aaral dito pumasaok ang zero tolerance ng ibang paaralan.
Kaya naman ang mga estudyanteng walang disiplina ay makakaranas ng parusa tulad
ng disiplinary sanctions at ang malalang parusa ay ang pagpapatalsik sa mag-aaral.

Sa pag -aaral na isinagawa nina Kabuka, et. al (2016), na pinamagatan na


“Epekto ng Disiplina sa Akademikong Pagganap ng mga Mag – aaral sa Pampublikong
Paaralan ng Elementarya sa Muhoroni, Kenya” na ang akademikong pagganap sa
Muhoroni, Kenya ng mga mag – aaral ay nakatanggap ng kaunting pansin kaugnay ng
disiplina. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang antas ng disiplina at lawak ng
epekto ng disiplina sa akademikong pagganap sa mga mag-aaral sa klase ng walong
pampublikong paaralan ng elementarya sa bansang Muhoroni, Kenya. Sa pag – aaral
na ito ang disiplina ay may katamtamang positibong kaugnayan sa tumutukoy sa
pagkakaiba-iba sa akademikong pagganap. Ito ay nagpapahiwatig na ang akademikong
pagganap ay tumataas sa mga mag-aaral na may pagtaas sa antas ng disiplina na
kailangang pahusayin ang antas ng disiplina sa akademikong pagganap ng mga mag-
aaral.

Habang sa pag – aaral ni Mbaluka (2017) na may pamagat na “The Impact of


Student Self-Discipline and Parental Involvement in Students' Academic Activities on
Student Academic Performance” ay nagsisiwalat na ang disiplina sa sarili ng mga mag-
aaral at ang pakikilahok ng mga magulang ay mahalagang mga salik sa pagganap ng
akademiko. Ang kasipagan ay nagpakita ng pinakamataas na positibong ugnayan sa
akademikong pagganap habang ang mga distraction ay nagpakita ng pinakamataas na
negatibong ugnayan sa akademikong pagganap. Ang mga magulang ay kailangang
aktibong lumahok sa mga aktibidad sa akademiko ng kanilang mga anak kabilang ang
pakikipag-usap sa paaralan, pagiging magulang, pagboboluntaryo, paggawa ng
desisyon, pagpapadali sa pag-aaral sa tahanan, at pakikipagtulungan sa komunidad
upang suportahan ang paaralan sa pagsuporta sa mag -aaral.

Maiuugnay ang pananaliksik na ito hinggil sa maaaring matuklasan kung paano


ang disiplina mula sa nasabing programa (NROTC) ay naglalarawan ng
pangkalahatang diwa ng Southwestern College of Maritime Business and Technology.
Ang pagsusuri sa mga aspeto ng disiplina tulad ng leadership, teamwork, at pagsunod
sa utos sa loob ng Naval ROTC ay magsilbing modelo para sa mas malawakang
kaisipan ng disiplina sa SCMBT. Ang pag-uugma ng mga prinsipyo ng disiplina na
natutunan sa Naval ROTC sa pangkalahatan ng SCMBT ay nagpapakita ng integral na
papel ng militar na pagsasanay sa paghubog ng responsableng mamamayan at lider.

Ang pag – aaral naman na ginawa ni Ehaine (2014) na may pamagat na


“Discipline and Academic Performance, a Study of Selected Secondary School in
Lagos, Nigeria”, sinisiyasat ng pag-aaral na ito ang kaugnayan sa pagitan ng disiplina
sa paaralan at pagganap ng akademiko ng mga mag-aaral. Ang disiplina sa paaralan ay
dapat ipatupad sa pagpapahusay ng disiplina ng mga mag-aaral na nakaapekto sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Nangangahulugan ito na ang mga
alituntunin, regulasyon, at pamamahala ng paaralan ay kailangang itatag ng lektor o
Guro.

Maiuugnay ang pag-aaral na ito sa pananaliksik dahil pinakita dito ang


kaugnayan ng disiplina sa academikong perpormans ng mag-aaral. Nasa
pagpapatupad ng disiplina mas nagiging epektibo ang mag-aaral sa kanilang ibang
aktibidad at ito ay nasa pamamahala ng isang guro, propesor o lektor.

Sa pag-aaral namang isinagawa nina Kisla at Yang (2016) na may titulong


"Marine Corps Mentorship: An Exploratory Study On Changes From A Formal To An
Informal Framework", natuklasang ang Marine Corps ay tila kulang sa mahusay na
pagbuo ng balangkas para sa mentoring. May kakulangan din sa pag unawa ng mga
pangunahing proseso at sikolohikal na konsepto na nauugnay sa mentorship. Ang
kakulangan ng kaalaman ay maaring magdulot sa maraming miyembro na naniniwala
na nagbibigay sila ng mentoring, ngunit nagbibigay lamang ng coaching at pagpapayo.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga marino ang tungkol sa mga kasalukuyang patakaran
na ipinatutupad at ang mga pagbabagong ipinatutupad na lalong nagpapatatag sa isyu.
Lumalabas na natuklasan ng mga mananaliksik na maraming Marino ang nakakaalam
ng patakaran, ngunit nasa labing-tatlong porsyento (13%) lamang ang nagpapatupad
nito ng tama.

Ang Marine Corps mentorship na nakasaad sa inyong pananaliksik ay maaaring


magdagdag ng dimensyon sa pag-unawa ng kahalagahan ng disiplina sa SCMBT. Sa
pamamagitan ng mentorship, masusing maipapakita kung paano ang mga karanasan at
prinsipyo mula sa Marine Corps ay naipapasa sa mga miyembro ng Southwestern
College of Maritime, Business and Technology. Ang mga marine mentors ay maaaring
magdala ng mga konkretong halimbawa ng kung paano ang disiplina ay nagiging
pundasyon ng kanilang propesyonalismo at pagiging epektibong lider. Sa ganitong
paraan, maaaring maging buo ang pagkakaugma ng disiplina mula sa Naval ROTC at
Marine Corps mentorship, na naglalabas ng masusing larawan kung paano ito nagiging
bahagi ng pang-araw-araw na buhay at pag-unlad ng mga miyembro ng SCMBT.

Isinulat din nina Etcubañas, Stephanie R. et. al., (2022) Ang pag-aaral na may
titulong "Effectiveness of Naval Reserve Officers Training Corps : An Approach to
Student Discipline" ay nagbibigay pagsusuri sa epekto ng Naval Reserve Officers
Training Corps (NROTC) bilang isang paraan ng disiplina para sa mga mag-aaral.
Malamang, ang buod ay naglalarawan ng impluwensya ng NROTC sa pagpapaunlad ng
disiplina sa mga mag-aaral, sinusuri ang mga paraang ginagamit nito at ang mga
resulta sa pagtataguyod ng kahusayan at responsibilidad.

Ganun pa man sa pag-aaral nina Knapik et. al. (2017) sa pananaliksik na may
titulong "Sleep, Health, and Military Performance" ang pag-aaral na ito ay partikular na
nakatutok sa kahalagahan ng pagtulog para sa mga tauhan ng militar, na itinatampok
ang epekto nito sa pagganap ng pag-iisip, pisikal na kalusugan, at mental na
kagalingan, lahat ay mahalaga para sa Marines.

Ang pag-aaral sa sleep health at military performance ay mahalaga para sa


NROTC sa SCMBT dahil ang sapat at maayos na tulog ay maaaring magkaruon ng
malalim na epekto sa kahandaan at kakayahan ng mga kadete. Ang mga military
personnel na may magandang sleep health ay mas malamang na magtagumpay sa
kanilang mga gawain, mabawasan ang panganib ng aksidente, at mapanatili ang
mental at pisikal na kahandaan.

Sa pag-aaral naman na may titulong, "Maritime Students' Perception of Mental


Wellness"(2022) nina Zarina Megat Khalid et al., natuklasan ng pag-aaral na ito kung
paano nakikita ng mga marinong mag-aaral ang mental wellness at ang epekto nito sa
kanilang pangkalahatang kagalingan. Bagama't hindi direktang tinutugunan ang pisikal
na kalusugan, binibigyang-diin nito ang pagkakaugnay ng pisikal at mental na
kagalingan para sa mga mag-aaral sa mga katulad na mapaghamong kapaligiran.

Ang mental wellness ay may malaking kaugnayan sa pananaliksik ng NROTC sa


Suothwestern College of Maritime, Business and Technology dahil ang kalagayan ng
isipan ng mga kadete ay maaaring makakaapekto sa kanilang kakayahan na harapin
ang mga hamon at responsibilidad sa larangan ng militar. Ang pangangalaga sa mental
wellness ng mga kadete ay maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kanilang
resiliency, decision-making, at overall performance sa kanilang mga tungkulin bilang
bahagi ng NROTC.
Sa pag-aaral nina S. Senthil Kumar et. al. (2020) "Importance of Fitness for
Marine Cadets or Seafarers" ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng pisikal na kundisyon
para sa mga seafarers. Ipinapakita nito ang koneksyon nito sa pagsugpo ng mga
pinsala, pagpapanatili ng kahandaan, at pagsiguro ng optimal na pagganap. Maaring i-
apply ang mga natuklasan sa kahalagahan ng pisikal na kalusugan para sa mga marine
students na sumasailalim sa parehong pagsasanay at preparasyon.

Dinagdag pa nina Christopher J. Owen et. al., (2022) "Mental health and
psychological wellbeing of maritime personnel: a systematic review" nagbibigay ito ng
komprehensibong pagsusuri sa pananaliksik ukol sa kalusugan ng isipan at kagalingan
ng maritime personnel, kasama ang mga salik tulad ng stress, pagtulog, at suportang
panlipunan. Bagamat hindi tuwirang nakatuon sa mga mag-aaral, nagbibigay ito ng
mahahalagang perspektiba sa posibleng mga hamon na kinakaharap ng mga indibidwal
sa kahalintulad na pagsasanay at kapaligiran ng trabaho, na nagpapakita ng
kahalagahan ng kumpletong suporta sa kalusugan at kagalingan para sa mga mag-
aaral sa larangan ng marine.

Ang pagiging fitness ay may malaking kahalagahan sa NROTC dahil nagbibigay


ito ng solidong pundasyon para sa pangkalahatang kahandaan ng mga kadete. Ang
magandang kalusugan at pisikal na kondisyon ay naglalarawan ng kakayahan ng isang
indibidwal na magtagumpay sa mga pisikal na pagsusuri, pati na rin ang kakayahan na
magtaguyod ng sariling kaligtasan at kaligtasan ng iba sa militar na kapaligiran. Bukod
dito, ang fitness ay nagpapataas ng resistensya ng katawan at nagbibigay ng enerhiya
para sa matagumpay na pagganap sa iba't ibang gawain at misyon.

Ang aming pananaliksik na may pamagat na "Kurikulum na NROTC sa


Southwestern College of Maritime Business and Technology: Mapanuring Pagsusuri sa
mga Positibo at Negatibong Epekto sa Edukasyon ng mga Marinong Mag-aaral" ay
naglalayong suriin ang implikasyon ng NROTC curriculum sa edukasyon ng mga mag-
aaral. Ito ay naglalaman ng mga aspeto tulad ng disiplina ng mga kadete, fitness, at
well awareness. Ang disiplina ay pangunahing bahagi ng paghubog ng karakter, habang
ang fitness ay kritikal sa pangkalahatang kahandaan ng mga mag-aaral. Ang well
awareness, o kamalayan sa mga aspeto ng militar na kahandaan, ay nag-aambag sa
kanilang pag-unlad bilang marino. Ang iyong pagsusuri ay naglalayong tingnan ang
mga positibong at negatibong epekto ng nasabing kurikulum, nagbibigay ng kabatiran
sa mga potensyal na pagpapabuti at pag-unlad sa edukasyon ng mga mag-aaral ng
Naval Reserve Officer Training Corps sa Southwestern College of Maritime Business
and Technology.

TALASANGUNIAN

Hataw Tabloid, (2022), at Hiromi-paclipan (2015) Kahalagahan ng Disiplina sa Sarili


https://abm-a.blogspot.com/2016/11/kahalagahan-ng-disiplina-sa-sarili-ang.html?m=1

Gab Real (2014). “Epekto ng Rotc sa akademikong pagganap ng mga mag aaral ng grade 11 at grade 12”.
Unibersidad ng Butuan. Kinuha mula sa https://www.slideshare.net/GabReal1

James Friel, (2023) ‘Navy ROTC Program ; NROTC Leaders Wanted, Naval service Training Command.
https://www.netc.navy.mil/nstc/nrotc/

Lugtu, M. (2014, February 25). MANDATORY ROTC PROGRAM: KEY TO NATIONAL DEFENSE
PREPAREDNESS. Security Matters Magazine: https://securitymatters.com.ph/mandatory-rotc-program-
key-to-national-defense-preparedness-part-1-of-3-11506/

Andal, R. (2018, November 24). Mandatory ROTC sa Grades 11, 12. Pilipino Star Ngayon:
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/11/24/1871190/mandatory-rotc-sa-grades-11-
12

Yu, C. (2018, November 24). Mandatory ROTC sa Grades 11, 12. Pilipino Star Ngayon:
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/11/24/1871190/mandatory-rotc-sa-grades-11-
12

Torregoza, H. L. (2018, November 26). Mandatory ROTC, Suportado ng mga Senador.Balita:


http://balita.net.ph/2018/11/26/mandatory-rotc-suportado-ng-mga-sendor
Abasola, L. M. (2018, November 26). Mandatory ROTC, Suportado ng mga Senador.
http://balita.net.ph/2018/11/26/mandatory-rotc-suportado-ng-mga-sendor

Viray, P. L. (2018, November 26). Why ROTC is no Longer Mandatory. Philstar.com:


https://www.philstar.com/headlines/2018/11/26/1871897/why-rotc-no-longer-mandatory

Quintero, Ester (2024), Bagong Pananaliksik sa Disiplina sa Paaralan


https://www.scribd.com/document/425382968/hi

Mbaluka, Susan N.(2017). "The Impact Of Student Self-Discipline And Parental Involvement in Students'
Academic Activities on Student Academic Performance" . Dissertations. 1654. Kinuha mula sa
https://digitalcommons.andrews.edu/dissertations/1654

Stanley, Ehaine O.(2014). “Discipline and Academic Performance, (A Study of Selected Secondary
School in Lagos, Nigeria)”. Lagos State Polytechnic, (SPTSA), Ikorodu, Mainland Annex, Lagos, P. O
box 2090, Ikeja, Lagos, Nigeria. Kinuha mula sa https://www.researchgate.net/publication/271146105

Jeffrey J. Kisla at Bo K. Yang (2016), Marine Corps Mentorship: An Exploratory Study On


Changes From A Formal To An Informal Framework
https://conservancy.umn.edu/bitstream/handle/11299/182739/Altman_umn_0130E_17349.pdf

Etcubañas, Stephanie R. et. al., (2022), Effectiveness of Naval Reserve Officers Training Corps : An
Approach to Student Discipline" Kuha sa https://www.coursesidekick.com/information-systems/3191944

Knapik et. al. (2017), "Sleep, Health, and Military Performance" https://il.linkedin.com/in/prof-yuval-
heled-phd

Zarina Megat Khalid et al., (2022), "Maritime Students' Perception of Mental Wellness.
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&opi=89978449&url=https://
www.researchgate.net/publication/349495891_Maritime_Students
%27_Perception_of_Mental_Wellness&ved=2ahUKEwjtg6Wx2N6EAxVsS2cHHUHWAz4QFnoECBIQ
AQ&usg=AOvVaw2YpVfz7b9Lwfa9l8ZX6BIP

S. Senthil Kumar et. al. (2020) Importance of Fitness for Marine Cadets or Seafarers" kuha sa ;
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&opi=89978449&url=https://repo.journalnx.com/
index.php/nx/article/download/4160/3965/8033%23:~:text%3DBeing%2520in%2520excellent
%2520health%2520has,achieved%2520by%2520regular%2520physical
%2520exercise.&ved=2ahUKEwjRgMf12t6EAxUUTWwGHYkcBOoQFnoECBQQBg&usg=AOvVaw0
xHtituI5pFKBqB4zfRP5L

You might also like