You are on page 1of 84

2

ng Regional Schools Press Conference (RSPC). Bilang isa sa mga tagapayo ng

pahayagan, malaki ang nakaatang na responsibilidad upang maituro ang mga

pagpapahalaga at kasanayang nakapaloob sa Batas Republika 7079 o ang Campus

Journalism Act of 1991.

Kaya naman nais matukoy ng mananaliksik ang mga kasanayan at mga

pagpapahalagang nalilinang sa mga piling pampublikong sekondaryang paaralan sa

Aurora at upang masukat na rin ang lalim ng implementasyon ng pahayagang

pangkampus.

Paglalahad ng Suliranin

Upang matukoy ang mga kasanayan at pagpapahalagang nalilinang sa

pahayagang pangkampus, nilayon nitong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga isinasagawang pamamaraan ng mga gurong tagapayo upang matamo
ang mga sumusunod:

1.1 etikang pagpapahalaga at moral na pag-uugali,

1.2 kritikal na pag-iisip at malikhaing pagsulat, at

1.3 disiplinang pansarili?

2. Ano-ano ang mga pagpapahalagang natututunan ng patnugutan o mga mag-aaral batay


sa:

2.1 etikang pagpapahalaga at moral na pag-uugali,

2.2 kritikal na pag-iisip at malikhaing pagsulat, at

2.3 disiplinang pansarili?


3

3. Paano mailalarawan ang performans ng mga sekondaryang paaralan sa Sentral Aurora


batay sa:

3.1 lebel ng performans sa mga patimpalak o paligsahan

3.1.1 Pambansang lebel

3.1.2 Panrehiyong lebel

3.2 taunang pagsasanay,

3.2.1 Guro

3.2.2 Mag-aaral

3.3 organisasyon

3.4 mga karangalang nakamit?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang nalilinang na kasanayan at

pagpapahalagang mandato ng batas hinggil sa pahayagang pangkampus. Ang

mananaliksik ay naniniwala na ang kinalabasan ng pananaliksik na ito ay makatutulong

sa mga:

Tagapayo ng pahayagan. Masusuri ng mga tagapayo ng pahayagan kung ang

kanilang pahayagang pangkampus ay nakaayon sa mga pagpapahalagang nakalahad sa

Batas Republika 7079 (Campus Journalism Act of 1991). Gayundin, matutulungan nila

ang kanilang patnugutan o mga mamamahayag na mas malinang ang kakayahan ng bawat

miyembro sa iba’t ibang aspeto.


4

Mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, matutukoy ng bawat miyembro

ng patnugutan ang mga kasanayan at pagpapahalagang dapat pa nilang linangin sa

kanilang sarili. Gayundin, mas maikikintal sa kanilang pag-iisip ang kahalagahan ng

tungkuling nakaatang sa kanilang balikat.

Sa mga tagapamahala ng paaralan. Mabibigyang pansin o magiging prayoridad

ng tagapamahala ng paaralan ang mga pangangailangan ng patnugutan dahil

makakatulong ito upang matukoy ang mga posibleng kahinaan ng kanilang pahayagang

pangkampus.

Sa administrador. Sa mga nagsasagawa at nagpaplano ng mga seminar,

pandistrito at pandibisyong pagsasanay o paligsahan, magiging kapaki-pakinabang ito

upang matugunan ang mga dapat pang linanging kasanayan at pagpapahalaga sa bawat

miyembro ng patnugutan o sa kabuuan. Magagamit sa pagpaplano ng mga ibibigay na

paksang makatutulong upang mas mapayabong at mas mapalalim pa ang pagpapahalaga

sa tungkulin ng pahayagang pangkampus sa bawat paaralan.

Sa komunidad na kinabibilangan. Makatutulong din ang pag-aaral na ito upang

matukoy kung anong pagpapahalaga at kasanayan pa ang dapat bigyang-pansin ng mga

magulang, opisyal ng barangay at iba pang miyembro ng komunidad. Gayundin, upang

matulungan nila ang patnugutan na mailahad ng makatuwiran at makatotohanan ang mga

pangyayari sa kanilang paligid.

Sa mga mananaliksik. Maaaring maging sanligan ang pananaliksik na ito para sa

mas malalim pang pag-aaral tungkol sa pahayagang pangkampus. Makakatulong rin ito
5

upang mas mapalakas at malinang ang kalakasan gayundin ang kahinaan na

kinakailangang bigyang pansin.

Saklaw at Lawak ng Pag-aaral

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga kasanayan at pagpapahalagang nalilinang

sa pahayagang pangkampus sa mga piling sekondaryang paaralan sa Sentral Aurora.

Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin sa ang mga isinasagawang pamamaraan ng mga

gurong tagapayo upang matamo ang mga pagpapahalagang nakatala sa Batas Republika

7079 gayundin inisa-isa sa mga pagpapahalagang ito ang mga dapat na matututunan ng

patnugutan o mga mag-aaral.


6

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Implementasyon ng Pahayagang Pangkampus

Ayon kay West (2014), ang malikhaing pagsusulat ay isang proseso nang

pagsasagawa na binubuo ng pamamaraan para mapangyari at mapalapit ayon sa gustong

iparating at sa kabutihang gustong ipaangkin sa mambabasa (p.9). Kaya naman, binanggit

sa pag-aaral ni Francia (2015), mahalaga ang pahayagan sa bawat paaralan, ang mga

manunulat o mamamahayag ang magsisilbing matang nangangahas tumitig at magsuri sa

paligid (p.22). Kailangan ang pampaaralang pahayagan bilang pahayagang malaya o

mapagpalayang kuro-kuro tungkol sa mahahalagang pampaaralan at panlipunan.

Ang tungkulin ng mamamahayag ay magbigay ng maikling pangkalahatang ideya

ng mga balita sa madla. Isa rin sa mga tungkulin ng pamamahayag ay protektahan ang

karapatan ng bawat indibidwal at itaguyod ang demokrasya (Maeyer, 2015, p.35 ). Sa

maingat na pagsulat at paghihimay-himay ng mga detalye ng balita, nagiging maayos ang

pagkabuo nito at malinaw na naipapahayag ang mga pangyayari (Carpenter, at mga

kasama 2014). Ayon kay Balunsay (2016), kinakailangang ibalita ang mga bagay, tao,

pangyayari at okasyong may malaking kawilihan. Ang interes ng tao ay magpopokus sa

balita kung ang nilalaman ay hindi pa niya alam (p. 64 ).

Nakapaloob sa Batas Republika 7079 ang mga pangunahing layunin ng

pagkakaroon ng pahayagang pangkampus. Una, upang itaas ang antas ng pagkamalaya ng

mga mamamahayag na makapagpahayag sa loob ng paaralan. Ikalawa, upang

isakatuparan ang paglago ng mga mamamahayag at mapalakas ang etikal nilang


7

pagpapahalaga, maipakita ang kanilang malikhain at kritikal na pag-iisip, mapaunlad ang

kanilang moral na pag-uugali at maipamalas ang disiplina sa sarili ng mga kabataang

Pilipino. Ikatlo ay matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang

kakayahang teknikal sa pamamahayag, matutunan ang mga responsibilidad ng isang

mamamahayag, maging responsableng mamamahayag na mulat sa mga pangyayari sa

kapaligiran.

Isinalaysay sa Pressreader ni Miguel (2017) na isa sa mga kahalagahan ng

pahayagang pangkampus ay ang pagiging mulat ng mga mag-aaral sa mga nagyayari sa

kanilang kapaligiran. Natututunan nilang maging alerto at maging matalinong kritiko

kahit sila’y nasa murang edad pa lamang. Dagdag pa rito, nakatutulong ang pahayagang

pangkampus na masanay ang mga mag-aaral na maging isang responsableng

mamamayan. Tinuturuan din silang maging patas ang pagtingin, balanse at palaging

nakapanig sa katotohanan. Idinagdag pa niya na ang pahayagang pangkampus ay

nagsisilbi ring boses ng mga mag-aaral (p.10). Ang mga patnugutan ay maaaring

magsilbing mensahero ng kanilang kapwa mag-aaral ng kanilang saloobin at damdamin.

Maaari nilang pag-usapan ang mga isyu, mga polisiya at mga pangyayari na kapaki-

pakinabang sa kanila maging sa paaralan. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng pagkakaisa

sa mga mag-aaral, mga guro, at sa mga administrador ng paaralan.

Ayon nga kay Onte (2017), dapat itampok sa lathalain ang mga karanasan ng mga

kilalang tao, mga pinadaanang hirap at mga naisagawang paraan upang magtagumpay na

tiyak na kapupulutan ng interes ng mga mambabasa (p.12 ).


8

Isinalaysay naman sa pag-aaral nina Ferguson at Patten (2010), kung saan

nakapaloob ang Code of ethics ng Americans Society of News Editor na nagsasabing ang

pahayagan ay hindi dapat kailanman manghimasok sa pribadong buhay at nararamdaman

ng isang indibidwal. Dagdag pa ni Cruz (2014), ang isang mamamahayag ay hindi dapat

maglathala ng mga artikulo o balitang makasisira sa reputasyon ng mga taong kasangkot

(p. 109 ).

Etikang Pagpapahalaga at Moral na Pag-uugali

Ayon kay Pulliam (2014) sa Society of Professional Journalists Code of Ethics

ang mga mamamahayag ay kinakailangang patas at responsable sa kanyang mga

isinusulat. Inaalam muna ang katotohanan bago ginagawan ng artikulo. Naglilikom ng

mga tama at makatotohanang mga impormasyon. Hindi isinasagawa ang “plagiarism”.

Hindi tumatanggap ng anumang pabor o suhol sa kung sinuman at ginagawang pribado

muna ang mga impormasyong natatanggap bago ilathala dahil kailangan munang

masusing pag-aralan (p.59 ).

Binibigyang diin naman ng Bill of Rights Artikulo III seksiyon 4 na nagsasabing

“Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita,

pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong bayan na mapayapang

magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang karaingan.”

Ayon kay Yu (2016), ang mga miyembro ng patnugutan ay maaasahan pagdating

sa kanilang mga responsibilidad kahit hindi paalalahanan ay ginagawa ang kanilang mga

tungkulin (p.36 ).
9

Sinabi naman ni Briones (2016) sa kanyang pananalita sa isang Division Schools

Press Conference na ginanap sa Dibisyon ng Cordillera na “palaging magsabi ng

katotohanan at panatilihin ang pagiging balanse” (p.2). Dagdag pa ni Abbey (2019), ang

pagiging balanse ay nangangahulugang pagtatangkang ilahad ang lahat ng anggulo ng ng

isang pangyayari (p.78).

Sa artikulo naman ni Gavilan (2018), binanggit ni Arao, propesor ng

pamamahayag ng Unibersidad ng Pilipinas na malaki ang gampanin ng patnugutan sa

preserbasyon ng kalayaan sa pagsasalita o ekspresiyon dahil ito ang nagsisilbing

instrumento upang humubog ng pampublikong opinyon at pagkakaisa. Ayon pa sa kanya,

hindi maipagkakaila ang ginampanan ng mga pahayagang pangkampus sa pagkamit ng

kalayaan lalo na noong panahon ng Batas Militar (p.90 ).

Kritikal na Pag-iisip at Malikhaing Pagsulat

Ayon sa Seksyon 8 ng Batas Republika 7079, ang Kagawaran ng Edukasyon ay

dapat na magsagawa ng mga patimpalak, press conferences, mga seminar at mga

pagsasanay para sa mga batang manunulat na nasa elementarya at sekondarya.

Ang pagiging isang miyembro ng patnugutan ay lumilinang sa kritikal na pag-

iisip ng isang indibidwal sapagkat natuturuan ang mga mag-aaral na analisahin ang mga

impormasyon (Beck, 2011, p.196). Sinanga-ayunan ito nina Breeze at Guinda (2017) na

ang kritikal at malikhaing pag-iisip ay kinakailangan upang maging maayos ang

pakikipagkomunikasyon (p.206).
10

Ayon sa pag-aaral ni Graciyal at Viswam (2018), ang social media ay isa sa mga

nagsisilbing paraan ng pagpapahayag ng saloobin. Dito kadalasang nagagamit ang

kalayaan sa pagpapahayag sa malikhaing paraan (p.18 ). Dagdag pa ni Daniels (2012),

ang social media ay may mahalagang parte sa buhay ng karamihan sa mga

mamamahayag. Gamit ang social media ay natututunan ng mga mag-aaral na gumawa ng

website kung saan nalilinang ang kanilang malikhaing pag-iisip sa loob ng silid-aralan

(p.77).

Mula naman sa panayam kay Larioza, isang gurong tagapayo sa Mayor Cesario

A. Pimentel National High School, mas mabuting maipagamit ng isang guro ang social

media sa kanyang mga mag-aaral nang may kaugnayan sa kanilang mga aralin upang mas

malinang ang kanilang kaisipan ukol ditto habang sila’y nakakasabay sa uso.

Ayon din sa panayam at obserbasyon ng isang tagapayo ng pahayagan na si

Angelica Backian, binanggit niya na napakalaking tulong ng ilang ulit na pagsusuri at

pagsasaayos ng isang balita bago ito ilathala dahil sa pamamagitan nito ay makasisiguro

tayong ang balitang ito ay makatotohanan at hindi basta sinulat lang kundi binuo gamit

ang malikhaing pag-iisip at pagpapasya gamit ang kritikal na pag-iisip.

Disiplinang Pansarili

Ang pagkakaroon ng disiplinang pansarili ay nagbubunga ng pagkakaroon ng

pokus sa mga ninanais sa buhay at nagbubunga rin ito ng pagkakaroon ng tamang

desisyon (Laitsch, 2006, p.27 ).


11

Ipinahayag ni Lerona (2018) na dapat maging maingat tayo sa lahat nang ating

mga pananalita, mga larawang ilalathala at maging sa ating ekspresyon. Tandaan na

maaaring mabasa ang mga ito ng samut-saring uri ng tao — mga kamag-anak, mga

kaibigan, maging ng komunidad na kinabibilangan natin. Tandaan na kung ano ang ating

reputasyon online, ganun din ang kanilang pagkakakilala sa atin sa tunay na buhay (p.82 ).

Kaugnay nito ang pag-aaral ni Dillon (2018) sa Stanford Encyclopedia of

Philosophy, ang paggalang ay isa sa mga pinakaimportanteng taglayin ng isang tao sa

kanyang pang-araw-araw na buhay (p.17). Bata pa lamang tayo ay hinuhubog na tayo sa

paggalang, sa ating mga magulang, guro, mga alituntunin sa paaralan, batas trapiko,

pamilya, tradisyon at damdamin ng ibang tao.

Ayon naman kay Eggington (2015), ang pagiging masikap at may disiplina ay

dapat nasa puso ng isang mamamahayag. Samantala, ayon pa rin sa Batas Republika

7079, ang isang miyembro ng patnugutan ay dapat na nagtataglay ng disiplinang

pansarili. Samakatuwid, dapat lamang na ang isang miyembro ng patnugutan ay maging

disiplinado at modelo sa kaniyang paaralan.

Katuwiran ng Pag-aaral

Ang mga nabanggit na pag-aaral sa pananaliksik na ito ay siyang naging gabay

upang maisaayos ang mga datos ng pag-aaral. Patunay lamang na ang mga pag-aaral na

ito ay lubos na nakatulong upang mapadali at mapagaan ang talakayan. Tulad na lamang

sa mga pamamaraang ginagawa ng mga tagapayo uoang matutunan ng mga miyembro ng


12

patnugutan ang mga pagpapahalaga kung saan inilahad ang mga Gawain at pamamaraang

isinasagawa ng mga tagapayo at ang mga kahalagahan nito.

Pinatutunayan sa pag-aaral na ito na ang mga tagapayo ng pahayagan ay aktibong

gumagawa ng mga pamamaraan upang lubos na matutunan ng mga miyembro ng

patnugutan ang mga pagpapahalaga kaya naman, ang mga pagpapahalagang ito na mula

sa implementasyon ng pahayagang pangkampus ay lubos na natututunan ng mga

mamamahayag. Ito ang siyang nagsilbing kaibahan ng pananaliksik na ito sa iba pang

pag-aaral.
13

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang metodolohiya ay binubuo ng mga konseptuwal at teyoretikal na balangkas,

depenisyon ng mga terminolohiya, pamamaraan ng pananaliksik, lugar ng pag-aaral, mga

respondiyente ng pag-aaral, instrumentong ginamit sa pananaliksik, konstruksyon at

balidasyon ng instrumento, pamamaraan ng pagkalap ng datos, at kagamitang istatistika

sa pag-aaral.

Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

Ang balangkas na ito ay isasaalang-alang ng mananaliksik upang matukoy ang

implementasyon ng pahayagang pangkampus sa mga piling paaralan.

Ayon sa Artikulo III, seksyon 4 ng Konstitusyon, hindi dapat magpatibay ng

batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag , o ng pamamahayagan

o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa

pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan. Nangangahulugan na ang

sinumang mamamayan ay may karapatang magpahayag ng kanyang mg saloobin o

hinaing nang may kalayaan. Kaugnay nito ang kalayaan sa pamamahayag ng mga

miyembro ng patnugutan kung saan ayon sa Bata Republika 7079 o Campus Journalism

Act of 1991ay dapat proteksyunan kahit na ito ay sa loob ng paaralan lamang.

Ayon sa Konsepto ng pagkamalaya ni Aristotle, ang taong may kalayaan ay hindi

ng taong namumuhay sa malayang lipunan. Ang taong may kalayaan ay ang taong

nagtataglay ng mga katangian tumutulong sa kanya upang mapamahalaan ang sarili at

magkaroon ng kasiyahan.
14

Ang kalayaan ayon sa konsepto ni Aristotle ay maiuugnay sa Artikulo IV

seksiyon 4 ng konstitusyon kung saan ipinaliliwanag kung ano ang kahulugan ng

pagkamalaya at ang kabuluhang dala nito hindi lang sa mga miyembro ng patnugutan at

tagapayo kundi sa bawat indibidwal na makababasa at nakabasa na ng mga artikulong

nasa pahayagan.
15

Input Process Output

Mga Kasanayan at
Pagpapahalagang
nakapaloob sa
Pahayagang
Talatanungan
Pangkampus:
Panayam Kasanayan at
Pagpapahalagang
Etikang Obserbasyon Nalilinang sa
pagpapahalaga at Implementasyon ng
moral na pag-uugali; Balidasyon ng Campus Journalism
Instrumento Act of 1991 ng
Kritikal na pag-iisip Sentral Aurora
Interpretasyon ng
at malikhaing Datos
pagsulat;

Disiplinang pansarili

Balangkas 1. Ang balangkas na ito ay nagpapakita ng proseso ng Input kung saan tinukoy ang
mga kasanayan at pagpapahalagang nakapaloob sa pahayagang pangkampus, samantala
sa Process naman ay gagamit ng talatanungan, magsasagawa ng panayam, obserbasyon,
balidasyon, at interpretasyon ng datos, sa Output makikita ang ang kasanayan at
Depinisyon ng mga nalinang
pagpapahalagang Terminolohiya
sa implemetasyon ng Campus Journalism 1991 sa Sentral
Aurora.
16

Depenisyon ng Terminolohiya

Upang mas madaling maunawaan, ang mga terminolohiyang sumusunod ay

ginamit sa pananaliksik na ito, binigyang kahulugan ang mga ito para sa kapakanan ng

mga mambabasa.

Disiplinang Pansarili. Ito ay mga kasanayan na nagpapaunlad sa pagkontrol sa

sarili, karakter at kasinupan.

Etikal na pagpapahalaga. Ito ay mga batayan na nagdidikta kung ano ang dapat

gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran at halaga.

Implementasyon. Ito ay ang pagpapalaganap o pagsasagawa ng isang kautusan o

batas.

Kritikal na Pag-iisip. Ito ay kalipunan ng mga kasanayan ng isang indibidwal na

makapagbigay ng interpretasyon, makapagsuri, at mataya ang mga impormasyon tungo

sa paglikha ng mga bagong ideya at perspektiba.

Malikhaing Pag-iisip. Ito ay tumutukoy sa pagiging malawak ang pag-iisip sa

paggawa ng mga bagay.

Moral na Pag-uugali. Ito ang pamantayan ng pag-uugali at magandang asal

Pahayagang pangkampus. Ito ang pahayagang inilathala sa mga paaralan at

pinamatnugutan ng mga mag-aaral.

Patnugutan. Ito ay binubuo ng mga mag-aaral na sumusulat sa pahayagan.


17

R.A 7079. Ito ang Republic Act (Batas Republika) o mas kilala bilang Campus

Journalism act of 1991

School Press Conference. Ito ay tumutukoy sa mga seminar, komperensiya at

patimpalak para sa mga gurog at mag-aaral na miyembro ng pahayang pangkampus ng

mga paaralan pampubliko man o pribado

Seminar. Ito ang mga pagsasanay na dinadaluhan upang magkaroon ng dagdag

na kaalaman sa mga isyung tatalakayin

Sentral Aurora. Ito ay kinabibilangan ng mga bayan ng San Luis, Maria Aurora,

Baler at Dipaculao.
18

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang disenyong palarawang pagsusuri ang ginamit na disenyo sa pananaliksik na

ito upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng isang suliranin (Calderon, 1993).

Ang pamamaraang palarawan ay ginamit upang matugunan ng pag-aaral ang hinihinging

kasagutan sa pananaliksik na ito. Ang datos sa pag-aaral na ito ay nilikom sa

pamamagitan ng pag-aanalisa at pakikipanayam gamit ang papel ng talatanungan.

Lugar ng Pag-aaral

Talahanayan 1. Lugar ng Pag-aaral


PAARALAN LOKASYON
BALER
Aurora National Science High School Brgy, Buhangin, Baler, Aurora
Aurora National High School Brgy. Reserva, Baler, Aurota
Baler National High School Brgy. Pingit, Baler, Aurora
DIPACULAO
Borlongan National High School Brgy. Borlongan, Dipaculao, Aurora
Diarabasin National High School Brgy. Diarabasin, Dipaculao, Aurora
Dinadiawan National High School Brgy.Dinadiawan,Dipaculao, Aurora
Dipaculao National High School Brgy. Mucdol Dipaculao, Aurora
Puangi National High School Brgy. Puangi, Dipaculao, Aurora
MARIA AURORA
Bayanihan National High School Brgy. Bayanihan, Maria Aurora,
Aurora
Canili Area National High School Brgy. Canili, Maria Aurora, Aurora
Eliseo Ronquillo Memoraila National HS Brgy.Quirino, Maria Aurora, Aurora
Maria Aurora National High School Brgy. San Joaquin, Maria Aurora,
Aurora
Wenceslao National High School Brgy. Wenceslao, Maria Aurora,
Aurora
SAN LUIS
Dikapinisan National High School Brgy. Dikapinisan, San Luis, Aurora
Ditumabo National High School Brgy. Ditumabo, San Luis, Aurora
Mayor Cesario A. Pimentel NHS Poblacion 1, San Luis, Aurora
Rosauro R. Tangson NHS Brgy. San Isidro, San Luis, Aurora
19

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kasanayan at pagpapahalagang nalilinang sa

implementasyon ng pahayagang pangkampus sa mga piling pampublikong sekondarya sa

Sentral Aurora na kinabibilangan ng mga bayan ng Baler, Maria Aurora, San Luis at

Dipaculao. Pinili lamang ang mga paaralan na naging lugar ng pag-aaral sapagkat ang

ilan ay walang aktibong pahayagang pangkampus. Sa bayan ng Baler ay mayroong

tatlong paaralang pinangggalingan ng mga respondiyente, lima naman ang paaralan sa

bayan ng Dipaculao, lima rin sa bayan ng Maria Aurora at apat sa bayan ng San Luis.

Mga Respondiyente ng Pag-aaral

Talahanayan 2. Mga Respondiyente ng Pag-aaral


PAARALAN GURO MAG-AARAL
BALER
Aurora National Science High School 2 13
Aurora National High School 2 5
Baler National High School 3 13

DIPACULAO
Borlongan National High School 2 4
Diarabasin National High School 2 4
Dinadiawan National High School 2 2
Dipaculao National High School 2 9
Puangi National High School 2 3

MARIA AURORA
Bayanihan National High School 2 3
Canili Area National High School 1 5
Eliseo Ronquillo Memoraila National HS 2 8
Maria Aurora National High School 1 9
Wenceslao National High School 2 4
SAN LUIS
Dikapinisan National High School 1 4
Ditumabo National High School 2 8
Mayor Cesario A. Pimentel NHS 2 8
Rosauro R. Tangson NHS 1 3
KABUUAN 31 104
20

Saklaw ng pananaliksik na ito ang kabuuang bahagdan ng mga gurong tagapayo

at bilang nga aktibong miyembro ng patnugutan ng pahayagang pangkampus sa mga

piling pampublikong sekondarya sa Sentral Aurora. Kabilang ang mga distrito ng San

Luis, Baler, Maria Aurora, at Dipaculao. Ginamit ng mananaliksik ang stratified random

sampling kung saan ang lahat ng miyembro ng patnugutan ay magpapalabunutan kung

sino ang magiging respondiyente ng mananaliksik. Sa bawat paaralan ay may nakalaang

bilang ng mga miyembro ng patnugutan na siyang naging respondiyente ng pag-aaral na

ito.

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Sa pagkalap ng mga mahahalagang datos na kinakailangan sa masusing

pagsisiyasat at pag-aaral ng saliksik, gumamit ang mananaliksik ng pamamaraang sarbey.

Ang talatanungan ay inilapat para sa kasagutan o datos na kinalap sa mga tagapayo at

miyembro ng patnugutan. Kumonsulta rin ang mananaliksik sa mga superbisor na may

hawak ng pahayagang pangkampus. Ginamit ring instrumento para sa balidasyon ng

talatanungan ang Campus Journalism Act of 1991.

Para sa mga tagapayo, ang talatanungan ay naglalaman ng mga pamamaraang

kanilang isinasagawa upang malinang ang mga kasanayan at pagpapahalaga sa mga

miyembro ng patnugutan.

Para naman sa mga miyembro ng patnugutan, ang talatanungan ay naglalaman ng

mga pagpapahalaga at kasanayang kanilang natututunan sa pahayagang pangkampus.


21

Kontruksyon at Balidasyon ng Instrumento

Ibinatay ng mananaliksik ang talatanungan batay sa panuntunan ng Campus

Journalism Act ng 1991 o Republic Act 7079. Sa pamamagitan din ng pakikipag-ugnayan

at pakikipagdiskurso ng mananaliksik sa mga gurong tagapayo ng mga pahayagang

pangkampus kung kaya’t nabuo ang ideya o konsepto ng pag-aaral. Ang mga suliranin ay

naitala sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga guro na kabilang sa isang seminar na

may kaugnayan sa pahayagan at sa mga superbisor na may hawak ng pahayagang

pangkampus sa Aurora. Inilatag ang mga suliranin, inisa-isa ang mga ito at masusing

inilahad sa talatanungan. Gayundin, ipinasuri ang instrumento sa isang guro na bihasa sa

larangan ng pahayagan at pamamahayag, ipinasagot sa mga guro at mag-aaral na hindi

kabilang sa kinuhang respondiyente. Pagkatapos, muling nirebisa ang instrumento para sa

pinal na pagpapasagot sa mga respondiyent

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Bago isinagawa ang pananaliksik, humingi ng pahintulot ang mananaliksik sa

Pansangay na Tagamasid upang maging legal at pormal ang pangangalap ng datos.

Nagtungo ang mananaliksik sa mga paaralan upang humingi rin ng pahintulot sa mga

punongguro bago ibinigay ang mga inihandang talatanungan sa mga respondiyenteng

guro at mag-aaral. Nangalap din ng impormasyon ang mananaliksik sa pamamagitan ng

pakikipanayam sa mga gurong tagapayo ng pahayagang pangkampus ukol sa mga

pamamaraang isinasagawa nila upang matututunan ng mga miyembro ng patnugutan ang


22

pagpapahalaga at kasanayan. Nilikom ang mga nakalap na datos, sinuri, binigyang

kahulugan, at interpretasyon.

Kagamitang Istatistika sa Pag-aaral

Ang talatanungan ay inanalisa sa pamamamgitan ng pagkuha ng weighted mean,

over all weighted mean, at berbal na pagpapakahulugan base sa mga sumusunod na iskala

ang ginamit. Para sa talatanungan ng tagapayo ang iskalang ginamit ay ang mga

sumusunod: 5- Pinakamadalas na Isinasagawa, 4- Madalas isinasagawa, 3- Paminsan-

minsang isinasagawa, 2- Madalang isagawa at 1- Hindi naisasagawa. Para naman sa

ikalawang bahagi, ang iskala ay 5- Lubos na natututunan, 4- Palaging natutunan, 3- Hindi

masyadong natutunan, 2- Madalang na natututunan at 1-Hindi natututunan.


23

PRESENTASYON, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga datos na nakalap at nalikom ng

mananaliksik mula sa mga tugon ng mga respondiyente sa talatanungan, pagsusuri at

interpretasyon ng mga datos tungkol sa Implementasyon ng Pahayagang Pangkampus sa

mga Piling Paaralan sa Sentral Aurora.

Mga Isinasagawang Paraan ng Gurong Tagapayo

Etikang Pagpapahalaga at Moral na Pag-Uugali

Makikita sa Talahanayan 3 na ang resulta ng weighted mean sa bawat

pamamaraan ay hindi naglalayo sa isa’t isa. Ang may pinakamataas na weighted mean ay

ang pamamaraan kung saan “tinuturo ng tagapayo ang wastong pagpapasya na lahat ng

bibitawang salita at isinusulat sa artikulo ay kinakailangang makatotohanan at may

pinagbatayan,” ito ay may weighted mean na 4.61 at “pinakamadalas” na gawin.

Isa sa katangian ng isang mahusay na balita ay ang pagiging makatotohanan,

kinakailangang ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.

Ang mga gurong tagapayo (ng publikasyon) sa mga piling pampublikong sekondarya ng

Aurora ay masasabing sensitibo sa bagay na ito, pinakamadalas nilang gawin ang

pagpapaalala sa mga miyembro ng patnugutan lalo na ang sumusulat ng mga balita na

maging mapanuri, piliin at pag-isipang mabuti ang mga salitang bibitawan. Patunay rito

ang payo ni Briones (2016) sa kanyang pananalita sa isang DSPC na ginanap sa Dibisyon

ng Cordillera na “palagiang magsabi ng katotohanan at panatilihin ang pagiging balanse”

sa pagsulat ng balita.” Dagdag pa ni Abbey (2019) ang pagiging balanse ay


24

nangangahulugang pagtatangkang ilahad ang lahat ng anggulo ng isang pangyayari

(p.78).

Dagdag pa, sa Code of Ethics ng The Society of Professional Journalists’ (2014),

ang mga mamamahayag ay kinakailangang patas at responsable sa kanyang mga

isinusulat. Inaalam muna ang katotohanan bago ginagawan ng artikulo. Naglilikom ng

mga tama at makatotohanang mga impormasyon, hindi isinasagawa ang “plagiarism”.

Hindi tumatanggap ng anumang pabor o suhol sa kung sinuman at ginagawang pribado

muna ang mga impormasyong natatanggap. Ayon pa sa website ng Ethical Journalism

Network (2019), matutunghayan na ang katotohanan at kawastuhan ang una sa kanilang

artikulong may pamagat na The 5 Principles of Ethical Journalism. Inilahad dito na ang

isang mamahayag ay siguraduhing nakakakuha ng mga datos na wasto sa pamamagitan

ng pagsusuri kung ito ba ay may pinagbatayan o basehan (p. 88 ).

Mula pa rin sa resulta, lumabas na ang pamamaraang “binibigyan ng kanya-

kanyang task at tinuturuang maging responsable sa pamamagitan ng pagbibigay ng

deadline” ay may weighted mean naman na 4.58 at “pinakamadalas” ding isinasagawa.

Base sa resulta ng pag-aaral, ang pagbibigay ng mga deadline para sa mga gawain

ng mga mamahayag ay nakatutulong upang maging responsable sila sa kanilang mga

tungkulin bilang isang mamamahayag.

Kaugnay nito ang pananaliksik ni Elizabeth (2016), na may pamagat na “Seven

Characteristics of Effective Accountability Journalists,” panglima sa kanyang talaan ang

pagiging matalino at pagbabalanse ng oras lalo na sa pagsulat ng balita o kuwento. Upang


25

mahabol ang oras ng pagpasa, ang bawat mamamahayag ay nagsasagawa ng pamamaraan

upang mabalanse ang oras (p.27 ).

Talahanayan 3. Etikang Pagpapahalaga at moral na pag-uugali (Tagapayo)


BERBAL NA
MGA PAMAMARAANG ISINASAGAWA WM
INTERPRETASYON
1. Tinuturuan ang mga mamahayag na kilalanin ang mga 4.42 Pinakamadalas na Isinasagawa
taong may mahalagang partisipasyon sa pagbuo ng
pahayagan (punongguro, mga guro, tagapamahala sa
paaralan, komunidad atbp).
2. Tinuturuang makisama at mapanatili ang positibong 4.45 Pinakamadalas na Isinasagawa
relasyon sa mga kasamahang mamamahayag at guro.
3. Binibigyan ng kanya-kanyang task at tinuturuang maging 4.58 Pinakamadalas na Isinasagawa
responsable sa pamamagitan ng pagbibigay ng deadline.
4. Tinuturuan ang wastong paraan ng pakikipanayam o 4.42 Pinakamadalas na Isinasagawa
interbiyu bilang pagbibigay galang sa taong nais banggitin
sa pahayagan.
5. Tinuturo ang paghingi ng pahintulot sa may karapatang-ari 4.42 Pinakamadalas na Isinasagawa
ng kukuhaning datos, upang makaiwas sa palagiarism.
6. Ipinababatid ang layunin ng pahayagang pangkampus at 4.52 Pinakamadalas na Isinasagawa
tinuturuang mapagkaisa ang bawat miyembo ng
komunidad.
7. Tinuturo na may pagkakataong nangangailangan ng mga 4.45 Pinakamadalas na Isinasagawa
mapangahas na mga salita upang mapansin at mabigyang
tugon kaagad ng kinauukulan.
8. Tinuturo na huwag tatanggap ng anomang pabor, pera o 4.39 Pinakamadalas na Isinasagawa
regalo upang maiwasan ang pagiging biased sa
paglalathala.
9. Tinuturo ang wastong pagpapasya na lahat ng bibitawang 4.61 Pinakamadalas na Isinasagawa
salita at isinusulat na artikulo ay kinakailangang
makatotohanan at may pinagbatayan.
10. Tinuturuang magtakda ng limitasyon pagdating sa 4.29 Pinakamadalas na Isinasagawa
pribadong buhay ng indibidwal, iniiwasan ang magtanong
ng mga konseptong makasisira sa pagkatao ng ilalathala.
Pinakamadalas na
KABUOAN 4.45
Isinasagawa
4.2- 5-Pinakamadalas na Isinasagawa 2.6-3.3-Paminsan-minsang Isinasagawa 1-1.7- Hindi Naisasagawa
3.4-4.1-Madalas Isinasagawa 1.4-2.5- Madalang Isagawa

Samantalang ang pamamaraaang “ipinababatid ang layunin ng pahayagang

pangkampus at tinuturuang mapagkaisa ang bawat miyembro ng komunidad” ay mayroon

namang weighted mean na 4.52 at may berbal na interpretasyong “pinakamadalas” ding

isinasagawa. Isa sa mga layunin ng pahayagang pangkampus ang pagbuklurin ang bawat
26

miyembro ng komunidad kaya naman ang mga tagapayo (ng pahayagan) ay maingat na

naituturo ang angkop na layunin ng pagsulat ay upang magkaroon ng pagkakaunawaan at

pagkakaisa ang bawat miyembro ng komunidad.

Kaugnay nito ang sinabi nina Matienzo at Matienzo (2010), na isa sa mga layunin

ng pahayagang pangkampus na makalikha ng paraan sa ikapagkakaisa ng pamayanan at

paaralan. Dagdag pa nila, ito ay lumilikha ng magaang pagtutulungan ng mga magulang,

paaralan at pamayanan (p.93 ). Sa artikulo ni Gavilan (2018), binanggit ni Arao, propesor

ng pamamahayag ng Unibersidad ng Pilipinas na malaki ang gampanin ng patnugutan sa

preserbasyon ng kalayaan sa pagsasalita o ekspresiyon dahil ito ang nagsisilbing

instrumento upang humubog ng pampublikong opinyon at pagkakaisa. Ayon pa sa kanya,

hindi maipagkakaila ang ginampanan ng mga pahayagang pangkampus sa pagkamit ng

kalayaan lalo na noong panahon ng Batas Militar (p.90 ).

May pareho namang weighted mean na 4.45 at “pinakamadalas isinasagawa” ang

pamamaraaang “tinuturuang makisama at mapanatili ang positibong relasyon sa mga

kasamahang mamamahayag at guro” at “itinuturo na may pagkakataong nangangailangan

ng mga mapangahas na mga salita upang mapansin at mabigyang tugon kaagad ng

kinauukulan.”

Ang isang publikasyon ay nangangailangan ng pagkilos at pagkakaisa ng bawat

miyembro nito upang maging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang pagkakabuo. Ang

mga mamamahayag at ang gurong tagapayo ay dapat na may maayos na komunikasyon

upang matugunan ang mga suliraning maaaring dumating. Ayon sa Seksyon 6 ng Batas
27

Republika 7079, ang tagapayo ay ang magsisilbing tagapatnubay na teknikal ng isang

pahayagan.

Pinatutunayan naman na isa sa mga teknik upang magkaroon ng interes ang mga

mambabasa sa ginawang balita ay mayroon itong nakaaagaw pansing mga salita sa unang

talata pa lamang. Kaugnay sa resultang lumabas sa itaas na itinuturo rin na may

pagkakataon na hinahayaang gumagamit ng mga mapangahas na mga salita sa pagsulat

upang mapansin at mabigyang tugon kaagad ng kinauukulan. Pinatunayan ito ng isa sa

mga elemento ng balita na nilahad ni Balunsay (2016), kung saan inilahad nilang kung

ang pangyayari ay hitik sa pakikihamok o aksiyon, mas mainam na sa pamatnubay o

unang talata pa lamang ay inilahad na ang kapana-panabik na akisyong naganap (p.64 ).

Samantala, ang unang pamamaraang “tinuturuan ang mga mamahayag na

kilalanin ang mga taong may mahalagang partisipasyon sa pagbuo ng pahayagan

(punongguro, mga guro, tagapamahala sa paaralan, komunidad atbp.)”, ikaapat na

pamamaraang “tinuturuan ang wastong paraan ng pakikipanayam o interbiyu bilang

pagbibigay galang sa taong nais banggitin sa pahayagan” at ang ikalimang pamamaraan,

“tinuturo ang paghingi ng pahintulot sa may karapatang-ari ng kukuhaning datos, upang

makaiwas sa plagiarism” ay may pare-parehong weighted mean na 4.42 at may berbal din

na interpretasyong “pinakamadalas isinasagawa.”

Samakatuwid, ang isang mamamahayag ay tinuturuang magkaroon ng respeto,

paggalang at pagkilala sa mga taong kasangkot sa pahayagan upang magkaroon ng

resultang may katotohanan at walang kinikilingan. Ayon kay Cruz (2014), ang lahat ng
28

pahayagan ay kinakailangang nakabase sa katotohanan at walang kinikilingan. Dapat na

humingi ng pahintulot sa mga taong mababanggit ang pangalan sa pahayagan o may

bahagi sa pahayagang ilalathala (p.109). Ayon pa sa Kredo ng Pamahayagan ni Walter

Williams sa pag-aaral ni Tolentino (2014), ang paggalang ay hindi dapat mawala, kahit

pa ang isang tao ay nagkasala o siya ang pokus ng pambabatikos, marapat pa rin na

bigyan siya ng respeto, dahil sa pamamahayag, nais nating iwasto ang maling gawi.

May weighted mean naman na 4.39 at “pinakamadalas” ding isinasagawa ang

pamamaraang “tinuturo na huwag tatanggap ng anomang pabor, pera o regalo upang

maiwasan ang pagiging biased sa paglalathala.”

Ang isang mamamahayag ay tinuturuan ding maging tapat sa kanyang tungkulin

at hindi kailanman nasusuhulan ng kahit na sino at anumang bagay, iniingatan ang

kanyang dignidad bilang isang mamamahayag. Kasama ito sa “The Journalist’s Creed ni

Walter Williams na lumabas sa pag-aaral ni Cruz (2014), binanggit niya na kailangang

iwasan ang anumang suhol o lagay na manggagaling sa isang indibiwal na gustong

malinis ang kanyang pangalan (p.110 ).

Samantala, ang pamamaraang “tinuturo ng gurong tagapayo na magtakda ng

limitasyon pagdating sa pribadong buhay ng indibidwal, iniiwasan ang magtanong ng

mga konseptong makasisira sa pagkatao ng ilalathala,” ang pinakahuli na may weighted

mean na 4.29 ngunit pumasok pa rin sa lebel na “pinakamadalas.”

Ang bawat bagay ay may nakatakdang limitasyon maging ang pamamahayag

kaya naman ikinikintal ng mga tagapayo ang mga mamamahayag na maging sensitibo sa
29

pag-usisa lalo na sa pribadong buhay ng isang indibidwal lalo na kung ito’y magkakaroon

ng masamang epekto sa taong kasangkot sa isang artiulo o balita. Pinatunayan ito ng pag-

aaral nina Ferguson at Patten (2010), kung saan nakapaloob ang Code of ethics ng

Americans Society of News Editor na nagsasabing ang pahayagan ay hindi dapat

kailanman manghimasok sa pribadong buhay at nararamdaman ng isang indibidwal.

Lumalabas sa kabuuan ng resulta ng pag-aaral sa talahanayan 7 na ang mga

gurong tagapayo ay “pinakamadalas na nagsasagawa” ng iba’t ibang pamamaraan upang

matutunan ng mga miyembro ng patnugutan ang etikang pagpapahalaga at moral na pag-

uugali, ito ay may general weighted mean na 4.45. Samakatuwid, hindi maikakailang

matiyaga ang mga tagapayo sa pagpapaalala, pagtuturo at pagbabahagi ng mga kasanayan

at pagpapahalaga na may kinalaman sa etikang pagpapahalaga at moral na pag-uugali ng

mga miyembro ng patnugutan.

Kritikal na Pag-iisip at Malikhaing Pagsulat

Sa Talahanayan 4, nakatala ang mga pamamaraang isinasagawa ng mga guro na

lumilinang sa kritikal na pag-iisip at malikhaing pagsulat ng mga miyembro ng

patnugutan. Ang ikasampung pamamaraan kung saan “dumadalo o sumasama sa mga

paligsahan sa labas ng paaralan na may kaugnayan sa pamamahayag pangkampus katulad

ng DSPC” ang may pinakamataas na weighted mean na 4.68 at “pinakamadalas” gawin.

Napakalaki ng kapakinabangang nakukuha ng isang mamamahayag sa pagdalo sa

mga press conference kaya naman sinisikap ng bawat tagapayo na makadalo ang lahat ng
30

miyembro ng patnugutan upang mahasa pa ang kanilang mga kaalaman at talento sa

larangan ng pagsulat.

Talahanayan 4. Kritikal na pag-iisip at malikhaing pagsulat (Tagapayo)

BERBAL NA
MGA PAMAMARAANG ISINASAGAWA WM
INTERPRETASYON
1. Nagsasagawa ng mga seminar o pagsasanay sa loob ng 4.00 Madalas Isinasagawa
paaralan upang maisa-isa ang mga proseso o pamamaraan
kung paano ginagamit o isinasagawa ang isang bagay lalo
na sa bahagi ng paghahatid ng balita.
2. Hinihikayat ang malikhaing pagsulat ng mag-aaral ng 4.13 Madalas Isinasagawa
makabagong anyo ng panitikan katulad ng spoken-word
poetry.
3. Hinihikayat ang mapanuring pag-iisip at pagsulat sa 4.42 Pinakamadalas na Isinasagawa
pamamagitan ng pagpapasaliksik hinggil sa mga isyung
tampok at napapanahon sa lipunan.
4. Pinahihintulutan rin ang paglalathala sa social media 3.65 Madalas Isinasagawa
upang makahingi ng opinyon, saloobin o damdamin
hinggil sa isang partikular na paksa/ isyu sa loob at labas
ng paaralan.
5. Hinihikayat ang paggamit ng simbolismo sa pagsulat 4.23 Pinakamadalas na Isinasagawa
upang hindi tuwirang makasakit ng damdamin ng taong
sangkot dito.
6. Hinihikayat ang matalinong pamumuna (pagsulat ng 4.29 Pinakamadalas na Isinasagawa
editoryal) sa mga nakikitang kamalian sa loob at labas ng
paaralan at magbigay ng konkretong suhestiyon upang
mapabuti ang kalagayan.
7. Hinihikayat ang pagsusulat ng mga artikulo na mayroong 4.39 Pinakamadalas na Isinasagawa
epekto sa kaalaman ng tao upang may malamang bago ang
mga mambabasa mula sa pahayagan.
8. Hinihikayat na ilathala ang mga natatanging miyembro o 4.16 Madalas Isinasagawa
grupo ng komunidad na nakilala dahil sa nakamtang
tagumpay o pagkilala.
9. Nagkakaroon ng pangkatang masinsinang pagsasaayos, 4.29 Pinakamadalas na Isinasagawa
pagsusuri o brainstorming ng mga artikulo o balita bago
tuluyang ilathala.
10. Dumadalo o sumasama sa mga paligsahan sa labas ng 4.68 Pinakamadalas na Isinasagawa
paaralan na may kaugnayan sa pamamahayag pangkampus
katulad ng DSPC.
Pinakamadalas na
KABUOAN 4.22
Isinasagawa
4.2- 5-Pinakamadalas na Isinasagawa 2.6-3.3-Paminsan-minsang Isinasagawa 1-1.7- Hindi Naisasagawa
3.4-4.1-Madalas Isinasagawa 1.4-2.5- Madalang Isagawa
31

Nakapaloob ito sa Batas Republika 7079, na ang Kagawaran ng Edukasyon ay

dapat na magsagawa ng mga patimpalak, press conferences, at mga pagsasanay at

seminar kung saan makadadalo ang mga mamamahayag at mga tagapayo ng pahayagang

pangkampus.

Sumunod dito ang ikatlong pamamaraan na “hinihikayat ang mapanuring pag-

iisip at pagsulat sa pamamagitan ng pagpapasaliksik hinggil sa mga isyung tampok at

napapanahon sa lipunan” na may weighted mean na 4.42 at pinakamadalas” gawin. Isa sa

mga katangian ng balita ang “napapanahon” kaya naman tinuturuan ng mga tagapayo ang

mga mamamahayag na maging mapagsaliksik sa nga napapanahong mga isyu na

pupukaw sa interes ng mga mambabasa.

Ayon nga kay Balunsay (2016), ang balita ay hindi kasaysayan, taglay ng balita

ang kasariwaan ng mga isyu at pangyayari. Bilang manunulat, nararapat lamang isulat

ang mga kaganapang hindi pa natatagalang mangyari, o kung nagyari man ay may

bagong anggulong naganap na mahalagang alam dapat ng mga tao (p.64).

Sinundan naman ito ng ikapitong pamamaraan kung saan “hinihikayat ang

pagsusulat ng mga artikulo na mayroong epekto sa kaalaman ng tao upang may

malamang bago ang mga mambabasa mula sa pahayagan” na may weighted mean na 4.39

at may berbal na interpretasyon din na “pinakamadalas” gawin.

Mahalagang ang isang artikulo ay pumupukaw sa interes ng mga mambabasa,

kaya naman masigasig ding tinuturo ng mga tagapayo na sumulat ng mga bago at di

pangkaraniwang mga artikulo na pupukaw sa interes ng mga mambabasa. Patunay ang

pag-aaral ni Tolentino (2014), dapat ang mga ulat ay kapana-panabik o may interes ang
32

publiko. Halos lahat ng bago sa pandinig o mga bagay na hindi pa nagagawa at nagiging

kapana-panabik sa publiko (p.52 ).

Pareho naman ang ika-anim at ikasiyam na pamamaraan, “hinihikayat ang

matalinong pamumuna (pagsulat ng editoryal) sa mga nakikitang kamalian sa loob at

labas ng paaralan at magbigay ng konkretong suhestiyon upang mapabuti ang kalagayan”

at “nagkakaroon ng pangkatang masinsinang pagsasaayos, pagsusuri o brainstorming ng

mga artikulo o balita bago tuluyang ilathala”, may parehong weighted mean na 4.29 at

“pinakamadalas” pa ring gawin.

Natural sa tao ang magbigay ng kanyang kuro-kuro tungkol sa mga nangyayari sa

kanyang paligid, subalit hinihikayat ng mga tagapayo na ang mga kuro-kuro na ito ay

maisulat ng mga mamamahayag gamit ang matalinong pamumuna upang maging positibo

ang dating sa mga mambabasa.

Ayon kay Matienzo at Matienzo (2010), napapatingkad ang kagandahan ng isang

editoryal ng matalinong pagbibigay ng mga puna. Dagdag pa nila, ang matalinong

pamumuna ay matamang tumutuligsa sa tiwaling hakangin ng mga maykapangyarihan,

samahan, lipunan, karaniwang mamamayan at iba pa at nagmumungkahi ng mga reporma

alang-alang sa kapakanan ng nakararaming mamamayan (p.94).

Kaugnay ng matalinong pamumuna na ito ang masinsinang pagsusuri ng mga

artikulo bago pa ito tuluyang ilathala. Ayon sa panayam kay Agustin isang tagapayo ng

pahayagan mula sa Dilasag National High School, ang pangkatang pagsusuri at

pagsasaayos ng mga artikulo at balita ay nakatutulong upang maiwasan ang ilang mga

kamalian na makasisira sa kabuuan ng pahayagan.


33

Samantala, ang ikalima namang pamamaraan kung saan “hinihikayat ang

paggamit ng simbolismo sa pagsulat upang hindi tuwirang makasakit ng damdamin ng

taong sangkot dito” ay may weighted mean na 4.23 at “pinakamadalas” pa ring gawin.

Ang isang mamamahayag ay dapat na maging malikhain sa kanyang mga sulatin,

tinuturo ng mga tagapayo kung papaano nila papabigatin o pagagaanin ang dating ng

isang artikulo o balita sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng pagsulat upang maging

maganda ang dating nito sa mga mambabasa. Karaniwang ginagawa nila ito sa isang

lathalain na ayon kay Balunsay (2016), ito ay isang malikhaing sanaysay na nakabatay sa

maliliit na isyu sa lipunan, ito ay isinusulat sa paraang kawili-wili sapagkat binibigyang

laya ang sa artikulong ito ang paggamit ng iba’t ibang uri ng tayutay, mga idyomatikong

pahayag, mga diyalogo, siniping sabi, salawikain, at iba pang pampanitikang mga

elemento.

Sinundan naman ito ng ikawalong pamamaraan na “hinihikayat na ilathala ang

mga natatanging miyembro o grupo ng komunidad na nakilala dahil sa nakamtang

tagumpay o pagkilala” na may weighted mean na 4.16 at “madalas” na isinasagawa.

Ang paglalathala tungkol sa isang taong nagtagumpay ay nakapaghahatid ng

inspirasyon sa ilan sa mga mambabasa kaya naman hinihikayat ang mga mamamahayag

na ilathala ito. Ayon nga kay Onte (2017), dapat itampok sa lathalain ang mga karanasan

ng mga kilalang tao, mga pinadaanang hirap at mga naisagawang paraan upang

magtagumpay na tiyak na kapupulutan ng interes ng mga mambabasa (p.12).

Sinundan ito ng ikalawang pamamaraan kung saan “hinihikayat ang malikhaing

pagsulat ng mag-aaral ng makabagong anyo ng panitikan katulad ng spoken-word


34

poetry” na may weighted mean na 4.13 at may berbal na interpretasyong “madalas” ding

isinasagawa.

Isa sa mga makabagong anyo ng panitikan ang “spoken-word poetry” na

kakikitaan ng di pangkaraniwang sining kaya naman hinihikayat ang mga mamamahayag

na sumulat ng mga ganitong akda upang makasabay sa kung ano ang uso at napapanahon.

Ayon sa panayam kay Santos, isang guro sa Filipino sa Canili Area National High

School, sa pagsulat ng isang piyesa ng spoken-word poetry nahihikayat ang mga mag-

aaral at nagkakaroon sila ng pagkakataong ibahagi sa iba ang kanilang totoong

nararamdaman kahit na sa hindi tuwirang pamamaraan.

Sumunod naman ang unang pamamaraan na “nagsasagawa ng mga seminar o

pagsasanay sa loob ng paaralan upang maisa-isa ang mga proseso o pamamaraan kung

paano ginagamit o isinasagawa ang isang bagay lalo na sa bahagi ng paghahatid ng

balita”, ito ay may weighted mean na 4.00 at “madalas” ding isinasagawa.

Napakahalagang masanay muna ang mga mamamahayag sa iba’t ibang uri ng

pagsulat sa loob ng paaralan bago sila isabak sa ma patimpalak sa labas ng paaralan.

Ayon kay Tolentino (2014), upang magkaron ng mataas na pagkakataong

makapili ng mananalong kalahok, nagkakaroon ng school-based na kumpetisyon sa

buong paaralan (p.53).

Dagdag pa mula sa panayam kay Dela Peña, isang tagapayo mula sa Mount

Carmel High School, ang palihan ay nakatutulong sa mga bata upang mahubog ang

kanilang kakayahan sa pagsulat at malinang ang kanilang mga kaisipan. Binigyang diin

din sa mga seminar na hasain ang mga mag-aaral sa pagsulat upang maisiwalat sa

kanilang paaralan o maging sa kanilang komunidad ang mga gampaning kanilang


35

kinabibilangan,ang mga isyung kailangang bigyang pansin at mga karangalang natamo.

Sa pamamagitan nito, nililinang natin ang ating mga mag-aaral na magkaroon ng

pakialam sa ating pamayanan at lipunan.

Pinakamababa naman sa weighted mean na 3.65 ang ikaapat na pamamaraan

“pinahihintulutan rin ang paglalathala sa social media upang makahingi ng opinyon,

saloobin o damdamin hinggil sa isang partikular na paksa/ isyu sa loob at labas ng

paaralan” na “madalas” na isinasagawa. Dahil sa malaking bahagi ang ginugugol ng mga

kabataan sa paggamit ng social media, pinahihintulutan din ang mga mamamahayag na

maglathala ng kanilang mga sulatin sa social media, sa ganitong paraan mas nagiging

kapaki-pakinabang ang paggamit nila ng mga social networking sites.

Ayon sa panayam kay Larioza, isang gurong tagapayo mula sa Mayor Cesario A.

Pimentel National High School, mas mabuting maipagamit ng isang guro ang social

media sa kanyang mga mag-aaral nang may kaugnayan sa kanilang mga aralin upang mas

malinang ang kanilang kaisipan ukol dito habang sila’y nakakasabay sa uso.

Lumalabas sa kabuuan ng resulta ng pag-aaral sa talahanayan 8 na ang mga

gurong tagapayo ay “pinakamadalas na nagsasagawa” ng iba’t ibang pamamaraan upang

matutunan ng mga miyembro ng patnugutan ang pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip at

malikhaing pagsulat, ito ay may general weighted mean na 4.22. Nan nagangahulugan na

ang mga tagapayo ng pahayagan ay masisgasig na itinuturo ang mga kasanayan at

pagpapahalaga upang matiyak na natututunan ng mga miyembro ng patnugutan ang

malikhaing pagsulat at magkaroon ng kritikal na pag-isip.


36

Disiplinang Pansarili

Ipinapakita sa Talahanayan 5 ang mga pamamaraang isinasagawa ng mga gurong

tagapayo upang matuto o mahubog ang mga miyembro ng patnugutan ng katangiang

pagkakaroon ng disiplinang pansarili. Lumalabas na ang ikasiyam na pamamaraan kung

saan “hinihikayat na igalang ang opinyon, saloobin ng mga mag-aaral, guro, magulang at

ng komunidad na kinabibilangan” ang may pinakamataas na weighted mean na 4.65 at

“pinakamadalas” na isinasagawa.

Talahanayan 5. Disiplinang Pansarili


BERBAL NA
MGA PAMAMARAANG ISINASAGAWA WM
INTERPRETASYON
1. Hinuhubog ang mga pananaw o pagtingin sa mga 4.42 Pinakamadalas na Isinasagawa
nangyayari sa loob man o labas ng paaralan na tumutuligsa
sa mga kamalian ng komunidad.
2. Hinihikayat na maging modelo sa paaralan lalo na sa 4.39 Pinakamadalas na Isinasagawa
pagsusuot ng tamang uniporme at ID.
3. Hinihikayat na manguna sa pagsunod sa mga patakarang 4.45 Pinakamadalas na Isinasagawa
pinatutupad ng paaralan
4. Tinuturuang mapanatili ang mga konpidensyal o pribadong 4.42 Pinakamadalas na Isinasagawa
usapin sa paaralan.
5. Sinisiguradong walang pansariling interes na isinusulong 4.45 Pinakamadalas na Isinasagawa
ang bawat mamahayag.
6. Hinihikayat na huwag gumamit ng mga salitang 4.52 Pinakamadalas na Isinasagawa
mapangkutya gaya ng Negro, bobo at iba pa.
7. Hinihikayat na irespeto ang task na ibinigay sa ng mga 4.52 Pinakamadalas na Isinasagawa
kasamahang mamamahayag at hindi nagsasapawan.
8. Hinihikayat na maging disente at kaaya-aya sa paggamit 4.61 Pinakamadalas na Isinasagawa
ng mga salita, huwag gumamit ng mga salitang balbal,
maging maingat sa pagbibitiw ng mga mapanirang bansag
o pagmumura.
9. Hinihikayat na igalang ang opinyon, saloobin ng mga mag- 4.65 Pinakamadalas na Isinasagawa
aaral, guro, magulang at ng komunidad na kinabibilangan.
10. Hinihikayat na huwag maglathala sa social media 4.55 Pinakamadalas na Isinasagawa
ng anumang hindi kaiga-igayang salita o gawain upang
hindi madungisan ang patnugutan o pahayagan.
Pinakamadalas na
KABUOAN 4.49
Isinasagawa
4.2- 5-Pinakamadalas na Isinasagawa 2.6-3.3-Paminsan-minsang Isinasagawa 1-1.7- Hindi Naisasagawa
3.4-4.1-Madalas Isinasagawa 1.4-2.5- Madalang Isagawa
37

Napakahalaga para sa isang mamamahayag ang pagkakaroon ng paggalang sa

mga saloobin ng mga taong kasangkot sa pagbuo ng mga artikulo at balita. Ayon kay

Cruz (2014), ang isang mamamahayag ay hindi dapat maglathala ng mga artikulo o

balitang makasisira sa reputasyon ng mga taong kasangkot (p.109).

Sinundan ito ng ikawalong pamamaraan na “hinihikayat na maging disente at

kaaya-aya sa paggamit ng mga salita, huwag gumamit ng mga salitang balbal, maging

maingat sa pagbibitiw ng mga mapanirang bansag o pagmumura” na may weighted mean

na 4.61 at may berbal na interpretasyon na “pinakamadalas” ding gawin.

Tinuturo ng mga tagapayo na isipin muna bago sabihin ang nasasaloob ng isang

mamamahayag lalo na kung siya’y nagagalit, hindi dapat nagbibitaw ng mga salitang

masakit pakinggan o mga pagmumura. Ayon kay Reyes (2006) mula sa Code of Ethics

ng mga mamamahayag, dapat maging disente at kaaya-aya ang paggamit ng mga salita,

huwag magmumura (p.36).

Samantala, may 4.55 naman na naitalang weighted mean ang ikasampung

pamamaraan na “hinihikayat na huwag maglathala sa social media ng anumang hindi

kaiga-igayang salita o gawain upang hindi madungisan ang patnugutan o pahayagan” na

“pinakamadalas” din isagawa. Sa kasalukuyang panahon, nauuso ang tahasang pagpo-

post sa social media ng mga hindi kaaya-ayang mga pananalita galing sa iba’t ibang tao

kaya naman ang mga tagapayo ay palaging nagpapaalala na mag-ingat sa paglalathala sa

social media at iwasang maglathala ng mga kaiga-igayang mga pananalita.

Ipinahayag naman ni Lerona (2018) na dapat maging maingat sa lahat nang ating

mga pananalita, mga larawang ilalathala at maging sa ating ekspresyon. Tandaan na


38

maaaring mabasa ang mga ito ng samut-saring uri ng tao — mga kamag-anak, mga

kaibigan, maging ng komunidad na kinabibilangan natin. Tandaan na kung ano ang ating

reputasyon online, ganun din ang kanilang magiging pagkilala sa atin sa tunay na buhay

(p.82).

Ang pamamaraang “hinihikayat na huwag gumamit ng mga salitang mapangkutya

gaya ng Negro, bobo at iba pa at “hinihikayat na irespeto ang task na ibinigay sa mga

kasamahang mamamahayag at hindi nagsasapawan” ay may parehong weighted mean na

4.52 at “pinakamadalas” ding isagawa.

Kaugnay ng ikawalong pamamaraan, hindi lamang sa social media dapat na

maging maayos ang pananalita kundi sa lahat ng oras gayundin itinuturo rin ng mga

tagapayo na iwasan ang anumang mapangutyang pananalita. Nakapaloob ito sa Code of

Ethics ng mga mamamahayag ayon kay Reyes (2006), na nagsasabing dapat na maging

“politically correct” sa paggamit ng mga salita. Huwag gagamit ng mga salitang

mapangutya gaya ng negro, bobo at iba pa (p.36).

Hinihikayat din ng mga tagapayo na magkaroon ng maayos na samahan sa iba

pang mamamahayag. Ituring silang kaibigan at kapatid na maaaring matakbuhan sa oras

ng pangangailangan. Hinihikayat din na magtulungan ang bawat isa. Ayon pa rin sa Code

of Ethics ng mga mamamahayag mula kay Reyes (2006), matutong makisama at

gumalang sa iba pang mamamahayag. Dagdag pa ni Tolentino (2014), ang kagalingan ay

dapat naisasalin, madalas isinasagawa ko ang peer tutoring.

Samantala pareho din ng weighted mean na 4.45 ang ikatlong pamamaraan kung

saan “hinihikayat na manguna sa pagsunod sa mga patakarang pinatutupad ng paaralan”


39

at ang ikalimang pamamaraan na sinisiguradong walang pansariling interes na

isinusulong ang bawat mamahayag” na “ pinakamadalas” ding gawin.

Napakahalaga na ang isang mamamahayag ay sumusunod sa batas at patakarang

pinapatupad sa loob at labas ng paaralan, kaya naman madalas din itong ipinapaalala sa

kanila ng mga tagapayo gayundin nakatutulong itong magkaroon ng magandang

ugnayayan sa mga taong nakakasalamuha. Ayon kay Matienzo at Matienzo (2010),

nagtataguyod ito ng pagkakaisa ng mga pinuno ng paaralan, guro, magulang at mag-

aaral. Lumilikha rin ito ng magaang ugnayan ng mag-aaral at ng mga namumuno sa

paaralan (p.90 ).

Kasama sa tungkulin ng isang mamamahayag ang hindi pagsasaalang-alang ng

kanyang pansariling interes lalo na kung siya ay nasa maling pangangatuwiran.

Nakapaloob nga sa Code of Ethics ng mga mamamahayag (2006) na dapat maging

mapanuri sa pagbibigay ng anggulo ng balita, siguraduhing walang pansariling interes na

isinusulong at batay lamang sa totoong impormasyon.

Sinundan ito ng ikaapat na pamamaraan na “tinuturuang mapanatili ang mga

konpidensyal o pribadong usapin sa paaralan” at ng unang pamamaraan na, “Hinuhubog

ang mga pananaw o pagtingin sa mga nangyayari sa loob man o labas ng paaralan na

tumutuligsa sa mga kamalian ng komunidad” na may parehong weighted mean na 4.42 at

“pinakamadalas”din na isinasagawa.

Ang mga mamamahayag ay kinakailangang marunong magtago ng mga

pribadong usapin tungkol sa paaralan upang mapangalagaan ang reputasyon ng isang

paaralan. Ayon nga kay Cruz (2014), hindi dapat inilalathala ang mga artikulo na

makasisira sa reputasyon ng isang indibidwal. Kaugnay pa nito, tinuturo din ng tagapayo


40

na maging mapagmatyag at maging mapanuri sa mga pangyayari sa loob at labas ng

paaralan at ang mga pagkakaugnay nito sa komunidad na kinabibilangan (p.109 ).

Samantala, ang may pinakamababa naman na weighted mean na 4.39 ang

ikalawang pamamaraan kung saan “hinihikayat na maging modelo sa paaralan lalo na sa

pagsusuot ng tamang uniporme at ID” na nasa “pinakamadalas” pa ring lebel

Bagaman isa ito sa mga patakarang mahigpit na pinatutupad sa mga paaralan,

hinihikayat pa rin na maging modelo ang mga mamamahayag sa pagsusuot ng tamang

uniporme at ID sa loob ng paaralan. Ayon sa panayam kay Backian, isang gurong

tagapayo mula sa Canili Area National High School, kailangang maging modelong mag-

aaral ang mga mamamahayag upang hindi lamang ang mga opisyal o pamunuan ng

Supreme Student Governance ang maaaring maging katuwang ng mga tagapamahala at

mga guro sa pagsasaayos ng mga suliranin sa loob ng paaralan.

Sa nasabing talahanayan, lumalabas na sa kabuuan ng resulta ng pag-aaral na ang

mga gurong tagapayo ay “pinakamadalas na nagsasagawa” ng iba’t ibang pamamaraan

upang matutunan ng mga miyembro ng patnugutan ang pagkakaroon ng disiplinang

pansarili, ito ay may general weighted mean na 4.49.

Ayon Dillon (2018), Ang paggalang ay isa sa mga pinakaimportanteng taglayin

ng isang tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Bata pa lamang tayo ay hinuhubog na

tayo sa paggalang, sa ating mga magulang, guro, mga alituntunin sa paaralan, batas

trapiko, pamilya, tradisyon at damdamin ng ibang tao (p.17 ).


41

Ayon pa rin sa Batas Republika 7079, ang isang miyembro ng patnugutan ay

dapat na nagtataglay ng disiplinang pansarili. Samakatuwid, dapat lamang na ang isang

miyembro ng patngutan ay maging disiplinado at modelo sa kaniyang paaralan.

Sa kabuoan, “Pinakamadalas na Isinasagawa” ng mga tagapayo ng pahayagan ang

mga pamamaraan upang matutunan ng mga miyembro ng patnugutan ang mga kasanayan

at pagpapahalaga sa disiplinang pansarili na may kabuoang weighted mean na 4.49.

Mga Pagpapahalagang Natututunan ng mga


Miyembro ng Patnugutan

Etikang Pagpapahalaga at Moral na Pag-Uugali

Ipinapakita sa Talahanayan 6 na ang ikatlong pagpapahalaga na “nagiging

responsable sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga task na ibinigay ng gurong

tagapayo na may deadline” ang may pinakamataas na weighted mean na 4.88 at “lubos na

natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Napakahalagang masanay ang mga mamamahayag na tumupad sa mga

napagkasunduang usapan lalo na kung deadline ang pag-uusapan, kaya naman lumabas

sa pag-aaral na lubos itong natututunan ng mga mamamahayag. Ipinahayag ni Tolentino

(2014), na isa sa kanyang mga patakaran bilang tagapayo ay ang pagiging mahigpit sa

deadline, hindi siya tumatangga ng mga proyekto o artikulo na late.

Sinundan ito ng ikasiyam na pagpapahalaga kung saan “Nagkakaroon ng

wastong pagpapasya na lahat ng bibitawang salita at isinusulat na artikulo ay

kinakailangang makatotohanan at may pinagbatayan”, ito ay may weighted mean na 4.83

at “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.


42

Lubos na natututunan ng mga mamamahayag na ang artikulo ay kinakailangang

makatotohanan at may pinagbatayan kung saan ilan ito sa mga nilalaman ng isang balita

at artikulo. Patunay rito ang payo ni Briones (2016) sa kanyang pananalita sa isang DSPC

na ginanap sa Dibisyon ng Cordillera na “palagiang magsabi ng katotohanan at

panatilihin ang pagiging balanse” sa pagsulat ng balita”

Talahanayan 6. Etikang pagpapahalaga at moral na pag-uugali ng miyembro ng


patnugutan
BERBAL NA
MGA PAGPAPAHALAGANG NATUTUTUNAN WM
INTERPRETASYON
1. Kinikilala ang mga taong may mahalagang partisipasyon 4.64 Lubos na Natututunan
sa pagbuo ng pahayagan (punongguro, mga guro,
tagapamahala sa paaralan, komunidad atbp).
2. Nakikisama at mapananatili ang positibong relasyon sa 4.57 Lubos na Natututunan
mga kasamahang mamamahayag at guro.
3. Nagiging responsable sa pamamagitan ng pagsasagawa ng 4.88 Lubos na Natututunan
mga task na ibinigay ng gurong tagapayo na may deadline.
4. Giagawa ang wastong paraan ng pakikipanayam o 4.38 Lubos na Natututunan
interbiyu bilang pagbibigay galang sa taong nais banggitin
sa pahayagan.
5. Humihingi ng pahintulot sa may karapatang-ari ng 4.78 Lubos na Natututunan
kukuhaning datos, upang makaiwas sa palagiarism.
6. Alam ang layunin ng pahayagang pangkampus at 4.56 Lubos na Natututunan
tinuturuang mapagkaisa ang bawat miyembo ng
komunidad.
7. May pagkakataong nangangailangan ng mga mapangahas 4.00 Palaging Natututunan
na mga salita upang mapansin at mabigyang tugon kaagad
ng kinauukulan.
8. Hindi tumatanggap ng anomang pabor, pera o regalo 4.69 Lubos na Natututunan
upang maiwasan ang pagiging biased sa paglalathala.
9. Nagkakaroon ng wastong pagpapasya na lahat ng 4.83 Lubos na Natututunan
bibitawang salita at isinusulat na artikulo ay
kinakailangang makatotohanan at may pinagbatayan.
10. Nagtatakda ng limitasyon pagdating sa pribadong buhay 4.73 Lubos na Natututunan
ng indibidwal, iniiwasan ang magtanong ng mga
konseptong makasisira sa pagkatao ng ilalathala.
Lubos na
KABUOAN 4.60
Natututunan
4.2- 5-Lubos na Natuutunan 2.6-3.3-Hindi Masyadong Natututunan 1-1.7- Hindi Natututunan
3. 4-4.1-Palaging Natututunan 1.4-2.5- Madalang na Matutunan
43

Sinundan naman ito ng ikalimang pagpapahalaga na “Humihingi ng pahintulot sa

may karapatang-ari ng kukuhaning datos, upang makaiwas sa palagiarism” may

weighted mean itong 4.78 at “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Magandang sa una pa lamang ay makasanayan na ng mga mamamahayag ang

paghingi ng pahintulot sa mga may karapatang-ari upang hindi sila masangkot sa

plagiarism. Ayon kay Reyes (2006) mula sa Code of Ethics ng mga mamamahayag,

humingi ng pahintulot sa may karapatang-ari ng kukuhaning datos. Huwag itong nakawin

at magkaroon ng kredibilidad (p.36).

Samantala, hindi naman naglalayo sa weighted mean na 4.73 nang ikasampung

pagpapahalaga na “nagtatakda ng limitasyon pagdating sa pribadong buhay ng

indibidwal, iniiwasan ang magtanong ng mga konseptong makasisira sa pagkatao ng

ilalathala” at ito rin ay “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Ang pag-usisa sa pribadong buhay ng isang indibidwal ay kinakailangang

limitahan ng mga mamamahayag lalo na kung ito ay maaaring makasira sa kanyang

pagkatao. Pinatunayan ito ng pag-aaral nina Ferguson at Patten (2010), kung saan

nakapaloob ang Code of ethics ng Americans Society of News Editor na nagsasabing ang

pahayagan ay hindi dapat kailanman manghimasok sa pribadong buhay at nararamdaman

ng isang indibidwal (p.205).

Sumunod dito ang ikawalong pagpapahalaga na “hindi tumatanggap ng anomang

pabor, pera o regalo upang maiwasan ang pagiging biased sa paglalathala” na may

weighted mean na 4.69 at lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Ang pagtanggap ng anumang pabor, pera o regalo ay maaaring makasira sa

pangalan ng pahayagan lalong-lalo nang paaralan kaya naman dapat na matutunan ng


44

mga mamamahayag na umiwas sa mga ito. Makikita ito sa “The Journalist’s Creed ni

Walter Williams na nasa pag-aaral ni Cruz (2014),binanggit doon na kailangang iwasan

ang anumang suhol o lagay na manggagaling sa isang indibiwal na gustong malinis ang

kanyang pangalan.

Hindi rin nalalayo ang weighted mean na 4.64 ng unang pagpapahalaga na

“Nakikilala ang mga taong may mahalagang partisipasyon sa pagbuo ng pahayagan

(punongguro, mga guro, tagapamahala sa paaralan, komunidad atbp)”, ito ay ay “lubos na

natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Sa panahong ngayon kung saan unti-unti nang nakalilimutan ang paggalang,

mahalagang matutunan ito ng mga mamamahayag upang magkaroon sila ng maayos na

komunikasyon sa mga kinauukulan. Ayon kina Matienzo at Matienzo (2010), ang

pahayagan ay ang nagtataguyod ng pagkakaisa ng mga pinuno ng paaralan, guro,

magulang at mag-aaral.

Sinundan naman ito ng ikalawang pagpapahalaga na “nakikisama at mapananatili

ang positibong relasyon sa mga kasamahang mamamahayag at guro” na may weighted

mean na 4.57 at “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Mahalaga na malinang ang positibong relasyon sa mga kasamahang

mamamahayag at guro upang malinang hindi lamang ang husay sa pagsulat ng mga

mamamahayag kundi pati na rin ang kanilang pakikisama. Ayon nga sa Code of Ethics

ng mga Mamamahayag (2006), dapat na matutong makisama at gumalang sa iba pang

mamamahayag.

Kasunod nito ang pagpapahalaga na “alam ang layunin ng pahayagang

pangkampus at tinuturuang mapagkaisa ang bawat miyembo ng komunidad” na hindi


45

naglalayo ang weighted mean na 4.56 sa unang pagpapahalaga at “lubos na natututunan”

ng mga miyembro ng patnugutan.

Napakahalagang alam ng isang mamamahayag ang layunin ng pahayagang

pangkampus bago siya sumulat upang maiwasan ang mga artikulong lalabag o sasaliwa

sa mga layuning ito. Ayon nga kay Matienzo at Matienzo (2010), isa sa mga layunin ng

pahayagang pangkampus na lumikha ng pagtutulugan ng mga magulang, paaralan at

pamayanan.

Sinundan ito ng pagpapahalagang “ ginagawa ang wastong paraan ng

pakikipanayam o interbiyu bilang pagbibigay galang sa taong nais banggitin sa

pahayagan” na may weighted mean na 4.38 at “Lubos na Natututunan”. Ang wastong

paraan ng pakikipanayam ay mahalagang matutunan ng bawat miyembro ng patnugutan

sapagkat malimit nila itong magagamit sa pagkalap ng mga impormasyon.

Ayon nga kay Tolentino (2014), mahalaga ang pakikipanayam sapagkat sa

paraang ito, makakukuha tayo ng iba’t ibang impormasyon na makakapagpayabong n

gating kaalaman patungkol sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Mahalaga rin na ito’y

maisagawa ng tama at nasa proseso (p.54).

Pinakamababa naman ang weighted mean na 4.00 ng ikapitong pagpapahalaga na

“may pagkakataong nangangailangan ng mga mapangahas na mga salita upang mapansin

at mabigyang tugon kaagad ng kinauukulan” ito ay “ palaging natututunan” ng mga

miyembro ng patnugutan.

Isa sa mga teknik upang magkaroon ng interes ang mga mambabasa sa ginawang

balita ay mayroon itong nakaaagaw pansing mga salita sa unang talata pa lamang,

mahalagang ito’y matutunan ng mga manunulat. Pinatunayan ito ng isa sa mga elemento
46

ng balita na nilahad ni Balunsay (2016), kung saan inilahad nilang kung ang pangyayari

ay hitik sa pakikihamok o aksyon,mas mainam na sa pamatnubay o unang talata pa

lamang ay inilahad na ang kapana-panabik na aksyong naganap.

Sa kabuoan, ipinapakita sa talahanayan 15 na “lubos na natututunan” ng mga

miyembro ng patnugutan ang lahat ng mga etikang pagpapahalaga at moral na pag-uugali

na itinuturo ng kanilang mga tagapayo.

Ayon nga kay Yu (2016), ang mga miyembro ng patnugutan ay maasahan

pagdating sa kanilang mga responsibilidad, kahit hindi sabihan ay ginagawa ang kanilang

mga tungkulin (p.36). Pinatutunayan ito ng Bill of Rights Artikulo III seksiyon 4 na

nagsasabing “hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita,

pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na

mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang

karaingan.”

Sa kabuoang weighted mean na 4.60, lumalabas na “Lubos na natututunan ng mga

miyembro ng patnugutan ang mga kasanayan at pagpapahalaga na itinuturo sa etikang

pagpapahalaga at moral na pag-uugali ng mga tagapayo. Nangangahulugan na dahil

masikap ang mga tagapayo sa pagtuturo ng mga kasanayan at pagpapahalagang dapat

malinang sa mga miyembro ng patnugutan, maayos itong naisasalin at natututunan ng

mga miyembro ng patnugutan.

Kritikal na Pag-iisip at Malikhaing Pagsulat

Ipinapakita sa Talahanayan 7 ang mga pagpapahalagang natutunan ng mga

miyembro ng patnugutan na humuhubog sa kanilang kritikal at malikhaing pag-iisip.


47

Makikita na ang ika-9 na pagpapahalaga na “nagkakaroon ng pangkatang masinsinang

pagsasaayos, pagsusuri o brainstorming ng mga artikulo o balita bago tuluyang ilathala ”

ang may pinakamataas na weighted mean na 4.68 at “lubos na natututunan” ng mga

miyembro ng patnugutan.

Talahanayan 7. Kritikal na pag-iisip at malikhaing pagsulat


BERBAL NA
MGA PAGPAPAHALAGANG NATUTUTUNAN WM
INTERPRETASYON
1. Dumadalo sa mga seminar o pagsasanay sa loob ng 4.39 Lubos na Natututunan
paaralan upang maisa-isa ang mga proseso o
pamamaraan kung paano ginagamit o isinasagawa
ang isang bagay lalo na sa bahagi ng paghahatid ng
balita.
2. Gumagawa ng malikhaing pagsulat ng makabagong 4.19 Palaging Natututunan
anyo ng panitikan katulad ng spoken-word poetry.
3. Gumagamit ng mapanuring pag-iisip at pagsulat sa 4.58 Lubos na Natututunan
pamamagitan ng pagpapasaliksik hinggil sa mga
isyung tampok at napapanahon sa lipunan.
4. Naglalathala sa social media upang makahingi ng 4.02 Palaging Natututunan
opinyon, saloobin o damdamin hinggil sa isang
partikular na paksa/ isyu sa loob at labas ng paaralan.
5. Gumagamit ng simbolismo sa pagsulat upang hindi 4.37 Lubos na Natututunan
tuwirang makasakit ng damdamin ng taong sangkot
dito.
6. Matalinong namumuna (sumusulat ng editoryal) sa 4.48 Lubos na Natututunan
mga nakikitang kamalian sa loob at labas ng paaralan
at magbigay ng konkretong suhestiyon upang
mapabuti ang kalagayan.
7. Nagsusulat ng mga artikulo na mayroong epekto sa 4.61 Lubos na Natututunan
kaalaman ng tao upang may malamang bago ang mga
mambabasa mula sa pahayagan.
8. Naglalathala ng mga natatanging miyembro o grupo 4.38 Lubos na Natututunan
ng komunidad na nakilala dahil sa nakamtang
tagumpay o pagkilala.
9. Nagkakaroon ng pangkatang masinsinang 4.63 Lubos na Natututunan
pagsasaayos, pagsusuri o brainstorming ng mga
artikulo o balita bago tuluyang ilathala.
10. Dumadalo o sumasama sa mga paligsahan sa labas ng 4.58 Lubos na Natututunan
paaralan na may kaugnayan sa pamamahayag
pangkampus katulad ng DSPC.
KABUOAN 4.42 Lubos na Natututunan
4.2- 5-Lubos na Natuutunan 2.6-3.3-Hindi Masyadong Natututunan 1-1.7- Hindi Natututunan
3. 4-4.1-Palaging Natututunan 1.4-2.5- Madalang na Matutunan
48

Ang pagtutulungan ay isang magandang gawain ng mga mamamahayag,

kumikilos sila na may iisang layunin, ang mapaghusay ang kanilang mga isinusulat kung

kaya’t sinusuri nilang maigi ang bawat artikulo ng sama-sama upang maiwasan ang

anumang maaring maging suliranin.

Ayon sa panayam kay Agustin na isang gurong tagapayo mula sa Dilasag

National High School, ang pangkatang pagsusuri at pagsasaayos ng mga artikulo at balita

ay nakatutulong upang maiwasan ang ilang mga kamalian na makasisira sa kabuuan ng

pahayagan.

Sinundan ito ng ikapitong pagpapahalaga na “nagsusulat ng mga artikulo na

mayroong epekto sa kaalaman ng tao upang may malamang bago ang mga mambabasa

mula sa pahayagan” na may weighted mean na 4.61 at “lubos na natututunan”ng mga

miyembro ng patnugutan.

Isa sa mga katangian ng balita ang “magpabatid”, mahalagang sumulat ang mga

mamamahayag ng mg artikulong nakapaghahatid ng kaalaman at nakapupukaw ng

interes. Ayon kay Balunsay (2016), kinakailangang ibalita ang mga bagay, tao,

pangyayari at okasyong may malaking kawilihan. Ang interes ng tao ay magpopokus sa

balita kung ang nilalaman ay hindi pa niya alam.

Samantala, mayroon namang parehong weighted mean na 4.58 ang ikatlong

pagpapahalaga na “gumagamit ng mapanuring pag-iisip at pagsulat sa pamamagitan ng

pagpapasaliksik hinggil sa mga isyung tampok at napapanahon sa lipunan” at

ikasampung pagpapahalaga na “dumadalo o sumasama sa mga paligsahan sa labas ng


49

paaralan na may kaugnayan sa pamamahayag pangkampus katulad ng DSPC” at

parehong “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Ang isang manunulat na kinakailangang mapagsaliksik sa mga napapanahong

isyu sa lipunan. Sa ganitong paraan, makukuha niya ang atensyon ng mga mambabasa.

Ayon kay Tolentino (2014), dapat ang mga ulat ay kapana-panabik o may interes ang

publiko. Halos lahat ng bago sa pandinig o mga bagay na hindi pa nagagawa at nagiging

kapana-panabik sa publiko (p.54 ).

Isa rin sa napakahalagang maranasan ng isang mamamahayag ay ang pagdalo sa

mga pagsasanay at patimpalak sa labas ng paaralan katulad ng DSPC. Ito ay

makatutulong upang malinang ang kanilang mga kakayahan hindi lamang sa pagsulat

kundi pati na rin sa iba’t ibang larangan ng pamamahayag.

Nakapaloob ito sa Batas Republika 7079, na ang Kagawaran ng Edukasyon ay

dapat na magsagawa ng mga patimpalak, press conferences, at mga pagsasanay at

seminar kung saan makadadalo ang mga mamamahayag at mga tagapayo ng pahayagang

pangkampus.

Sumunod dito ang ika-anim na pagpapahalaga na “Matalinong namumuna

(sumusulat ng editoryal) sa mga nakikitang kamalian sa loob at labas ng paaralan at

magbigay ng konkretong suhestiyon upang mapabuti ang kalagayan”, ito ay may

weighted mean na 4.48 at “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Dapat na maging mahusay ang isang mamamahayag lalong-lalo na kung siya ay

sumusulat ng isang editoryal, sapagkat nahahasa ditto ang kaniyang talino sa pamumuna

na hindi gumagamit ng mga salitang hindi kaaya-aya. Ayon nga kay Matienzo at

Matienzo (2010), napapatingkad ang kagandahan ng isang editoryal ng matalinong


50

pagbibigay ng mga puna.Dagdag pa nila, ang matalinong pamumuna ay matamang

tumutuligsa sa tiwaling hakangin ng mga maykapangyarihan, samahan, lipunan,

karaniwang mamamayan at iba pa at nagmumungkahi ng mga reporma alang-alang sa

kapakanan ng nakararaming mamamayan.

Kasunod naman nito ang unang pagpapahalaga na “dumadalo sa mga seminar o

pagsasanay sa loob ng paaralan upang maisa-isa ang mga proseso o pamamaraan kung

paano ginagamit o isinasagawa ang isang bagay lalo na sa bahagi ng paghahatid ng

balita” na may weighted mean na 4.39 at “lubos na natututunan”.

Isang kapakinabangan para sa mga mamamahayag ang mga isinasagawang mga

pagsasanay sa loob ng paaralan, nasa diskarte ito ng mga tagapayo kung paano nila

malilinang ang kakayahan ng mga bata. Patunay ang pag-aaral ni Tolentino (2014),

minsan ay nangungumbida siya ng mga personalidad at mismong practitioners upang

magbigay ng bagong kaalaman tungkol sa tiyak na kategorya.

Ayon pa sa panayam kay Dela Peña isang gurong tagapayo mula sa Mount

Carmel High School, ang palihan ay nakatutulong sa mga bata upang mahubog ang

kanilang kakayahan sa pagsulat at malinang ang kanilang mga kaisipan. Dagdag pa niya,

binibigyang diin din sa mga seminar na hasain ang mga mag-aaral sa pagsulat upang

maisiwalat sa kanilang paaralan o maging sa kanilang komunidad ang mga gampaning

kanilang kinabibilangan,ang mga isyung kailangang bigyang pansin at mga karangalang

natamo. Sa pamamagitan nito, dinedebelop natin ang ating mga mag-aaral na magkaroon

ng pakialam sa ating pamayanan at lipunan.

Hindi naman naglalayo dito ang weighted mean na 4.38 ng ikawalong

pagpapahalaga na “naglalathala ng mga natatanging miyembro o grupo ng komunidad na


51

nakilala dahil sa nakamtang tagumpay o pagkilala” na “lubos na natututunan”ng mga

miyembro ng patnugutan.

Hinihikayat ang paglalathala ng mga natatanging miyembro na nakilala sa

nakamtang tagumpay upang magsilbing inspirasyon sa mga mambabasa. Ito rin ay

nagsisilbing motibasyon sa iba upang mas pagbutihan pa ang mga ginagawa sa larangang

napili.

Ayon nga kay Onte (2017), dapat itampok sa lathalain ang mga karanasan ng mga

kilalang tao, mga pinadaanang hirap at mga naisagawang paraan upang magtagumpay na

tiyak na kapupulutan ng interes ng mga mambabasa (p.12 ).

Gayundin naman, ang ikalimang pagpapahalaga na “gumagamit ng simbolismo

sa pagsulat upang hindi tuwirang makasakit ng damdamin ng taong sangkot dito” ay

hindi rin naglalayo sa naunang dalawa ang weighted mean na 4.37 at ito ay “lubos na

natututunan”.

Kasunod nito ang ikalawang pagpapahalaga na “gumagawa ng malikhaing

pagsulat ng mag-aaral ng makabagong anyo ng panitikan katulad ng spoken-word

poetry” na may weighted mean na 4.19 at “palaging natututunan” ng mga miyembro ng

patnugutan.

Mas nagigising ang interes ng mga mamamahayag na magsulat kung bago para sa

kanila ang istilo ng pagsulat na gagawin, katulad na lamang ng spoken word-poetry na

bagong anyo ng pagsulat ng tula at kinagigiliwang gawin ng karamihan sa mga kabataan.

Patunay ang panayam kay Santos , sa pagsulat ng isang piyesa ng Spoken-word poetry

nahihikayat ang mga mag-aaral at nagkakaroon sila ng pagkakataong ibahagi sa iba ang

kanilang totoong nararamdaman kahit na sa hindi tuwirang pamamaraan.


52

Pinakamababa naman ang weighted mean ng ikaapat na pagpapahalaga na

“naglalathala sa social media upang makahingi ng opinyon, saloobin o damdamin hinggil

sa isang partikular na paksa/ isyu sa loob at labas ng paaralan ” sa 4.02 at “palaging

natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Isang kapana-panabik na karanasan din ang makapaglathala sa social media,

bukod sa ito ay “trending”, mas maraming tao rin ang makababasa sa mga ilalathala dito.

Ayon sa pag-aaral ni Graciyal at Viswam (2018), ang social media ay isa sa mga

nagsisilbing paraan ng pagpapahayag ng saloobin. Dito natin kadalasan nagagamit ang

ating kalayaan sa pagpapahayag sa malikhaing paraan.

Gayunpaman, sa kabuuan lumalabas sa pag-aaral na ito na ang lahat ng

pagpapahalagang ito ay lubos na natututunan ng mga miyembro ng patnugutan na may

kabuoang weighted mean na 4.42. Nangangahulugang ang mga miyembro ng patnugutan

ay nagkakaroon ng malalim na pagkatuto sa mga kasanaya nat pagpapahalagang itinuturo

ng mga tagapayo ng pahayagan.

Disiplinang Pansarili

Ipinapakita naman sa Talahanayan 8 ang mga pagpapahalagang natututunan ng

mga miyembro ng patnugutan na humuhubog sa kanilang disiplinang pansarili.

Lumalabas sa pag-aaral na may pinakamataas na weighted mean na 4.80 ang ikasiyam na

pagpapahalaga na “ginagalang ang opinyon, saloobin ng mga mag-aaral, guro, magulang

at ng komunidad na kinabibilangan” at “lubos na natututunan”.


53

Napakahalagang malinang ng paggalang sapagkat napakalaki ng kapakinabangan

ng isang tao kung taglay niya ito, hindi lamang sa loob ng paaralan kundi pati na iba’t

ibang lugar na maaari nyang puntahan. Ang isang mamamahayag ay dapat na marunong

gumalang sa opinyon ng sinumang taong makaharap niya. Ayon nga kay Cruz (2014),

ang isang mamamahayag ay hindi dapat maglathala ng mga artikulo o balitang makasisira

sa reputasyon ng mga taong kasangkot (p.110

Talahanayan 8. Disiplinang Pansarili


Mga Pagpapahalagang Natututunan ng Miyembro ng WM Berbal na
Patnugutan Interpretasyon
1. Nahubog sa mga pananaw o pagtingin sa mga nangyayari sa Lubos na
loob man o labas ng paaralan na tumutuligsa sa mga kamalian 4.55 Natututunan
ng komunidad.
2. Naging modelo sa paaralan lalo na sa pagsusuot ng tamang Lubos na
uniporme at ID. 4.55 Natututunan
3. Nanguna sa pagsunod sa mga patakarang pinatutupad ng Lubos na
paaralan. 4.65 Natututunan
4. Pinananatili ang mga konpidensyal o pribadong usapin sa Lubos na
paaralan. 4.63 Natututunan
5. Sinisiguradong walang pansariling interes na isinusulong ang Lubos na
bawat mamahayag. 4.68 Natututunan
6. Hindi gumagamit ng mga salitang mapangkutya gaya ng Negro, Lubos na
bobo at iba pa. 4.63 Natututunan
7. Nirerespeto ng mga task na ibinigay sa mga kasamahang Lubos na
mamamahayag at hindi nagsasapawan. 4.79 Natututunan
8. Pinananatiling disente at kaaya-aya sa paggamit ng mga salita, Lubos na
huwag gumamit ng mga salitang balbal, maging maingat sa 4.71 Natututunan
pagbibitiw ng mga mapanirang bansag o pagmumura.
9. Ginagalang ang opinyon, saloobin ng mga mag-aaral, guro, Lubos na
magulang at ng komunidad na kinabibilangan. 4.80 Natututunan
10. Hindi naglalathala sa social media ng anumang hindi kaiga- Lubos na
igayang salita o gawain upang hindi madungisan ang 4.02 Natututunan
patnugutan o pahayagan.
Lubos na
4.60 Natututunan
4.2- 5-Lubos na Natuutunan 2.6-3.3-Hindi Masyadong Natututunan 1-1.7- Hindi Natututunan
3. 4-4.1-Palaging Natututunan 1.4-2.5- Madalang na Matutunan
54

Sinundan naman ito ng ikapitong pagpapahalaga na “nirerespeto ang mga task na

ibinigay sa mga kasamahang mamamahayag at hindi nagsasapawan” na may weighted

mean na 4.79 at “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan. Hindi

kompetisyon ang pagsulat ng mga artikulo at balita, lalo na’t nasa iisang pahayagan

lamang sumusulat ang dalawang indibidwal. Dapat ay matuto silang magtulungan upang

mas mapaganda ang kalalabasan ng isang pahayagan sa kabuoan.

Patunay ang sinabi ni Tolentino (2014), “ang kagalingan ay dapat naisasalin.

Madalas na isinasagawa ko ang peer tutoring. Ang senior staff ay tuturuan ang junior

staffer ng mga panuto sa pagsulat sa kaparehong kategorya. Sa ganitong pamamaraan,

nagkakaroon ng bagong kaisipan at istilo na maaaring mas mainam pa sa maibibigay ng

gurong tagapayo.”

Kasunod naman nito ang ikawalong pagpapalaga kung saan “pinananatiling

disente at kaaya-aya sa paggamit ng mga salita,hindi gumagamit ng mga salitang balbal,

maging maingat sa pagbibitiw ng mga mapanirang bansag o pagmumura” na may

weighted mean na 4.71 at “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Mahalaga ring ingatan ang bawat pananalita, upang hindi makasama sa imahe ng

pahayagan.Nakapaloob ito sa Code of Ethics ng mga mamamahayag mula kay Reyes

(2006), dapat maging disente at kaaya-aya ang paggamit ng mga salita, huwag

magmumura.

“Lubos na natututunan” din ng mga miyembro ng patnugutan ang ikalimang

pagpapahalaga na “Sinisiguradong walang pansariling interes na isinusulong ang bawat


55

mamahayag” na may weighted mean na 4.68. Walang lugar sa pahayagan ang pagtugon

sa mga pansariling interes ng mga manunulatsapagkat ito ay malayo sa mga pangunahing

layunin sa pagkakabuo nito.

Nakapaloob nga sa Code of Ethics ng mga mamamahayag mula kay Reyes (2006)

na dapat maging mapanuri sa pagbibigay ng anggulo ng balita, siguraduhing walang

pansariling interes na isinusulong at batay lamang sa totoong impormasyon (p.36 ).

Sinundan ito ng ikatlong pagpapahalaga na “nangunguna sa pagsunod sa mga

patakarang pinatutupad ng paaralan” na may weighted mean na 4.65 at “lubos na

natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan. Napakahalagang hindi lamang kalinangan

ng mga talento ang mapalago ng isang mamamahayag kundi pati na rin ang kanyang mga

gawi at kaugalian. Hinihikayat siyang sundin ang mga patakarang pinatutupad ng

paaralan sapagkat sakop pa rin siya ng patakarang ito at ito ang susi sa maayos

nakomunikasyon sa loob ng paaralan.

Ayon kay Matienzo at Matienzo (2010), nagtataguyod ito ng pagkakaisa ng mga

pinuno ng paaralan, guro, magulang at mag-aaral. Lumilikha rin ito ng magaang ugnayan

ng mag-aaral at ng mga namumuno sa paaralan.

Pareho naman ng weighted mean na 4.63 ang ikaapat na pagpapahalaga na

“pinapanatili ang mga konpidensyal o pribadong usapin sa paaralan” at ikaanim na

pagpapahalaga na “hindi gumagamit ng mga salitang mapangkutya gaya ng Negro, bobo

at iba pa” at parehong “lubos na natututunan ng mga miyembro ng patnugutan.


56

Ang pagsulat ng mga artikulo at balita ay nangangailangan ng masusing pagsusuri

kung ano ang ilalagay at ano ang tatanggalin, mahalagang matutunan ng isang

mamamahayag na mapanatiling konpidensyal ang mga pribadong usapin sa paaralan.

Ayon nga kay Cruz (2014), hindi dapat inilalathala ang mga artikulo na makasisira sa

reputasyon ng isang indibidwal.

Gayundin, hindi dapat gumagamit ang isang mamamahayag ng mga salitang

mapangutya sapagkat ito’y labag sa karapatang pantao. Nakapaloob ito sa Code of Ethics

ng mga mamamahayag mula kay Reyes (2006), na nagsasabing dapat na maging

“politically correct” sa paggamit ng mga salita. Huwag gagamit ng mga salitang

mapangutya gaya ng negro, bobo at iba pa.

Lumabas sa resulta na pareho ng weighted mean na 4.55 ang unang

pagpapahalaga na “nahubog sa mga pananaw o pagtingin sa mga nangyayari sa loob man

o labas ng paaralan na tumutuligsa sa mga kamalian ng komunidad” at ang ikalawang

pagpapahalaga na “naging modelo sa paaralan lalo na sa pagsusuot ng tamang uniporme

at ID” at pareho ring “lubos na natututunan ng mga miyembro ng patnugutan.

Mahalagang matutunan ang paghubog sa mga pananaw sa mga nangyayari sa

loob at labas ng paaaralan upang malinang ang matalinong pamumuna. Sa pamamagitan

ng matalinong puna na ito, maaaring makapagbigay sila ng solusyon sa isang suliranin o

di kaya ay makahanap ng tutulong upang malutas ang isang suliranin.

Ayon kay Matienzo at Matienzo (2010), ang editor ng mga pahayagang

pampaaralan ay nagbibigay rin ng mabibisang lunas sa mga suliranin ng paaralan na


57

kapaki-pakinabangkung maluluas agad o kaya nama’y dahil sa kanilang mga puna ay

nabuksan nila ang isipan ng mga mag-aaral, mga gurong tagapamahala ng paaralan upang

tumulong sa paglutas ng nasabing suliranin.

Nararapat ding maging modelo ang mga mamamayag sa paaralan kahit sa

simpleng pagsusuot lang ng uniporme at ID. Ayon sa panayam kay Backian, iang gurong

tagapayo sa Canili Area National High School, kailangang maging modelong mag-aaral

ang mga mamamahayag upang hindi lamang ang mga SSG ang maaaring maging

katuwang ng mga tagapamahala at mga guro sa pagsasaayos ng mga suliranin sa loob ng

paaralan.

May pinakamababang weighted mean naman ang nasa ikasampung pagpapahalga

na “Hiindi naglalathala sa social media ng anumang hindi kaiga-igayang salita o gawain

upang hindi madungisan ang patnugutan o pahayagan” sa 4.02 at “palaging natututunan

ng mga miyembro ng patnugutan.

Hindi lamang sa pananalita dapat maging maingatang isang mamamahayag kundi

pati na rin sa mga ipino-post niya sa social media na maaaring makasira sa reputasyon ng

isang pahayagan. Ipinahayag ni Lerona (2018) na dapat maging maingat tayo sa lahat

nang ating mga pananalita, mga pictures, at maging sa ating ekspresyon. Tandaan na

maaaring mabasa ang mga ito ng samut-saring uri ng tao — mga kamag-anak, mga

kaibigan, maging ng ating mga employer. Tandaan na kung ano ang ating reputasyon

online, ganun din ang kanilang magiging pagkilala sa atin sa tunay na buhay.
58

Samantala sa kabuoan, lumalabas na “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng

patnugutan ang mga pagpapahalagang itinuturo partikular sa disiplinang pansarili, ito ay

may kabuoang weighted mean na 4.60.

Kaugnay nito ang pag-aaral sa Stanford Encyclopedia of Philosophy ni Dillon

(2018), Ang paggalang ay isa sa mga pinakaimportanteng taglayin ng isang tao sa

kanyang pang-araw-araw na buhay. Bata pa lamang tayo ay hinuhubog na tayo sa

paggalang, sa ating mga magulang, guro, mga alituntunin sa paaralan, batas trapiko,

pamilya, tradisyon at damdamin ng ibang tao.

Performans ng Pahayagang Pangkampus ng Sekondaryang


Paaralan sa Sentral Aurora

Karangalang Nakamit

Ayon sa Regional Memorandum No. 205, s. 2018, ang Aurora ay nagkamit ng

mga karangalan sa TV Broadcasting, ika-6 na puwesto sa TV Production,ika-6 rin na

puwesto sa Informercial/Devcom Conceptual Creativity, ika-5 puwesto sa Best News

Writer at ika-5 puwesto rin sa Best Technical Application. Nakuha rin ng Aurora ang ika-

10 puwesto sa Script Writing and Radio Broad Casting (English), ika-9 na puwesto sa

Best in News Script, ika-8 na puwesto sa Technical Application. Nakakuha din ang

Aurora ng ika-4 na puwesto sa Script Writing and Radio Broad Casting(Filipino), ika-3

puwesto sa Technical Application at ika-3 na Best in Script. Nasungkit di ng Aurora ika-1

puwesto sa pagsulat ng agham at ika-1 puwesto rin sa News Writing.


59

Patimpalak at Paligsahan

Talahanayan 9.Patimpalak at Paligsahan

Taon Pambansang Lebel Pangrehiyong lebel


2016-2017 0 12

2017-2018 0 12

2018-2019 2 14

Ipinakikita sa Talahanayan 9, ang mga nadaluhang patimpalak ng mga

sekondaryang paaralan sa Sentral Aurora, sa taong 2016-2017, labindalawa (12) sa mga

paaralan sa Sentral Aurora ang nakadalo sa Panrehiyong lebel sa patimpalak at

paligsahan. Kapareho ito ng bilang ng mga sekondaryang paaralan na nakadalo sa

Panrehiyong lebel sa taong 2017-2018. Samantala, sa taong 2018-2019, mayroong

dalawang paaralan ang nakadalo sa Pambansang lebel at labing-apat (14) naman sa

panrehiyong lebel. Nangangahulugan na sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon,

tumataas ang antas ng mga sekondaryang paaralan sa Sentral Aurora pagdating sa mga

patimpalak at paligsahan.

Ayon sa panayam kay Aguilar, isa sa mga tagapayo ng pahayagan, napakalaking

bahagi ng intensive training upang magkaroon sila ng pagkakataong makadalo sa

National School Press Conference, bukod pa doon, dalawang linggo raw bago ang
60

paligsahan ay ini-excuse na nila ang mamamahayag sa kanyang klase upang mas

matutokan ng mga tagapayo.

Taunang Pagsasanay

Talahanayan 10. Taunang Pagsasanay

Taon Tagapayo Miyembro ng Patnugutan


2016-2017 25 320

2017-2018 27 333

2018-2019 28 347

Makikita sa Talahanayan 10 ang bilang ng mga kalahok sa mga taunang

pagsasanay. Sa taong 2016-2017 dumalo ang dalawampu’t limang (25) tagapayo at

tatlong daan at dalawampung (320) mga miyembro ng patnugutan. Samantala, sa taong

2017-2018 naman dumalo ang dalawampu’t pitong (27) mga tagapayo at tatlong daan at

tatlumpu’t tatlong (333) mga miyembro ng patnugutan. Sa taong 2018-2019 naman ay

makikitang mas dumami pa ang dumalong tagapayo sa bilang dalawampu’t walo (28) at

mga miyembro ng patnugutan na tatlong daan at apatnapu’t pito (347).

Nangangahulugan na sa tatlong sunod-sunod na taon mas dumarami ang mga

kalahok na nagnanais na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa larangan ng

pamamahayag. Makikita rin na taon-taon ay naghahanda ang mga tagapamahala ng

pahayagang pangkampus ng mga pagsasanay upang mas malinang pa ang kaalaman hindi

lamang ng mga miyembro ng patnugutan kundi pati na rin ng mga tagapayo.


61

Ayon sa panayam kay Gng. Angara, isa sa mga superbisor na may hawak ng

pahayagang pangkampus, taon-taon ay nagsasagawa at nagpaplano sila para sa mga

intensive training at mga press conferences upang mas mahasa pa ang mga

mamamahayag bago sumabak sa mga paligsahan.

Organisasyon

Base sa mga panayam, ang organisasyon ng mga tagapayo ng pahayagan ay

tinatawag na Secondary School Paper Advisers Association (ASSPAA) kung saan

isinasagawa and eleksyon ng mga tagapamahala tuwing bago matapos ang Division

Schools Press Conference at kaalinsabay nito ng eleksyon na rin ng samahan ng mga

miyembro ng mga patnugutan (mag-aaral). Pagkatapos ng eleksyon ay isinasagawa na rin

ang panunumpa ng mga naitalagang tagapamahala. Ang mga komite na ito ang siyang

mamumuno sa mga programa at magpaplano para sa mga isasagawang press conferences.


62

PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan at pagpapahalagang nalilinang sa

Implementasyon ng Pahayagang Pangkampus sa mga Piling Pampublikong Sekondarya

sa Sentral Aurora. Saklaw ng pag-aaral na ito ang kabuoang bahagdan ng mga tagapayo

ng pahayagang pangkampus sa Sentral Aurora at mga piling miyembro ng patnugutan sa

bawat sekodaryang paaralan sa Sentral Aurora.

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang mga isinasagawang pamamaraan ng

mga tagapayo upang matutunan ng mga miyembro ng patnugutan ang mga kasanayan at

pagpapahalagang dapat nilang matutunan sa pahayagang pangkampus.

Tinukoy din sa pag-aaral na ito ang mga kasanayan at pagpapahalagang

natutuunan ng mga miyembro ng patnugutan gayundin ang lebel ng performans ng mga

sekondaryang paaralan sa Sentral Aurora.

Lumalabas naman sa pag-aaral na sa etikang pagpapahalaga at moral na pag-

uugali may pinakamataas na weighted mean ang “tinuturo ng tagapayo ang wastong

pagpapasya na lahat ng bibitawang salita at isinusulat sa artikulo ay kinakailangang

makatotohanan at may pinagbatayan,” ito ay may weighted mean na 4.61 at

“pinakamadalas” na gawin. Samantala, ang pamamaraang “tinuturo ng gurong tagapayo


63

na magtakda ng limitasyon pagdating sa pribadong buhay ng indibidwal, iniiwasan ang

magtanong ng mga konseptong makasisira sa pagkatao ng ilalathala,” ang pinakahuli na

may weighted mean na 4.29 ngunit pumasok pa rin sa lebel na “pinakamadalas.”

Sa malikhaing pagsulat at kritikal na pag-iisip naman, ang ikasampung

pamamaraan kung saan “dumadalo o sumasama sa mga paligsahan sa labas ng paaralan

na may kaugnayan sa pamamahayag pangkampus katulad ng DSPC” ang may

pinakamataas na weighted mean na 4.68 at “pinakamadalas” gawin. Samantala,

pinakamababa naman sa weighted mean na 3.65 ang ikaapat na pamamaraan

“pinahihintulutan rin ang paglalathala sa social media upang makahingi ng opinyon,

saloobin o damdamin hinggil sa isang partikular na paksa/ isyu sa loob at labas ng

paaralan” na “madalas” na isinasagawa.

Lumabas naman sa pag-aaral na pagdating sa disiplinang pansarili, ang ikasiyam

na pamamaraan kung saan “hinihikayat na igalang ang opinyon, saloobin ng mga mag-

aaral, guro, magulang at ng komunidad na kinabibilangan” ang may pinakamataas na

weighted mean na 4.65 at “pinakamadalas” na isinasagawa. Samantala, ang may

pinakamababa naman na weighted mean na 4.39 ang ikalawang pamamaraan kung saan

“hinihikayat na maging modelo sa paaralan lalo na sa pagsusuot ng tamang uniporme at

ID” na nasa “pinakamadalas” pa ring lebel.

Sa mga pagpapahalaga at kasanayang namang natututunan ng mga miyembro ng

patnugutan sa etikang pagpapahalaga at moral na pag-uugali, ang ikatlong pagpapahalaga

na “naging responsable sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga task na ibinigay ng

gurong tagapayo na may deadline” ang may pinakamataas na weighted mean na 4.88 at
64

“lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan. Samantala, pinakamababa

naman ang weighted mean na 4.00 ng ikapitong pagpapahalaga na “may pagkakataong

nangangailangan ng mga mapangahas na mga salita upang mapansin at mabigyang tugon

kaagad ng kinauukulan” ito ay “ palaging natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Sa malikhaing pagsulat at kritikal na pag-iisip lumalabas naman na ang ika-9 na

pagpapahalaga na “nagkakaroon ng pangkatang masinsinang pagsasaayos, pagsusuri o

brainstorming ng mga artikulo o balita bago tuluyang ilathala ” ang may pinakamataas na

weighted mean na 4.68 at “lubos na natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Samantala, pinakamababa naman ang weighted mean ng ikaapat na pagpapahalaga na

“nakapaglalathala sa social media upang makahingi ng opinyon, saloobin o damdamin

hinggil sa isang partikular na paksa/ isyu sa loob at labas ng paaralan ” sa 4.02 at

“palaging natututunan” ng mga miyembro ng patnugutan.

Pagdating naman sa disiplinang pansarili, umalabas sa pag-aaral na may

pinakamataas na weighted mean na 4.80 ang ikasiyam na pagpapahalaga na “gumagalang

sa opinyon, saloobin ng mga mag-aaral, guro, magulang at ng komunidad na

kinabibilangan” at “lubos na natututunan”. Samantala, may pinakamababang weighted

mean naman ang nasa ikasampung pagpapahalga na “hindi naglalathala sa social media

ng anumang hindi kaiga-igayang salita o gawain upang hindi madungisan ang patnugutan

o pahayagan” sa 4.02 at “palaging natututunan ng mga miyembro ng patnugutan.

Lumabas din sa pag-aaral na ang lebel ng performans sa pahayagang pangkampus

ng sekondaryang paaralan sa Sentral aurora pagdating sa mga patimpalak ay tumataas


65

ang antas kumpara sa huling dalawang taon. Gayundin ang mga kalahok sa mga taunang

pagsasanay ay makikitang mas marami kumparasa huling dalawang taon.

Natukoy din sa pag-aaral na ang organisayon ng mga gurong tagapayo ay

tinatawag na of Aurora Secondary School Paper Advisers Association (ASSPAA) at

organisasyon ng mga miyembro ng patnugutan ang siyang nagpaplano sa mga programa

at pagsasanay na isinasagawa taon-taon.

Natukoy din sa pag-aaral ang mga karangalang nakamit ng Aurora sa Regional

Press Conference ng 2018, kung saan nagkaroon ng karangalan sa larangan ng Tv

broadcasting, Tv production, informercial/devcom concpeptualcreativity, script writing

and radio broadcasting (Ingles at Filipino), pagsulat ng agham, at news writing.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasang mga naging resulta ng pananaliksik, nabuo ang mga

sumusunod na konklusyon:

1. Lumabas sa pag-aaral na sa etikang pagpapahalaga at moral na pag-uugali may

pinakamataas na weighted mean ang “tinuturo ng tagapayo ang wastong pagpapasya na

lahat ng bibitawang salita at isinusulat sa artikulo ay kinakailangang makatotohanan at

may pinagbatayan.” Samantala, ang pamamaraang “tinuturo ng gurong tagapayo na

magtakda ng limitasyon pagdating sa pribadong buhay ng indibidwal, iniiwasan ang

magtanong ng mga konseptong makasisira sa pagkatao ng ilalathala,” ang pinakahuli .Sa

malikhaing pagsulat at kritikal na pag-iisip naman, ang ikasampung pamamaraan kung


66

saan “dumadalo o sumasama sa mga paligsahan sa labas ng paaralan na may kaugnayan

sa pamamahayag pangkampus katulad ng DSPC” ang may pinakamataas na weighted

mean. Samantala, pinakamababa naman na weighted mean ay ang ikaapat na

pamamaraan “pinahihintulutan rin ang paglalathala sa social media upang makahingi ng

opinyon, saloobin o damdamin hinggil sa isang partikular na paksa/ isyu sa loob at labas

ng paaralan.” Lumabas naman sa pag-aaral na pagdating sa disiplinang pansarili, ang

ikasiyam na pamamaraan kung saan “hinihikayat na igalang ang opinyon, saloobin ng

mga mag-aaral, guro, magulang at ng komunidad na kinabibilangan” ang may

pinakamataas na weighted mean. Samantala, ang may pinakamababa naman na weighted

mean ng ikalawang pamamaraan kung saan “hinihikayat na maging modelo sa paaralan

lalo na sa pagsusuot ng tamang uniporme at ID” na nasa “pinakamadalas” pa ring lebel.

2. Sa mga pagpapahalaga at kasanayang namang natututunan ng mga miyembro ng

patnugutan sa etikang pagpapahalaga at moral na pag-uugali, ang ikatlong pagpapahalaga

na “naging responsable sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga task na ibinigay ng

gurong tagapayo na may deadline” ang may pinakamataas na weighted mean. Samantala,

pinakamababa naman ang weighted mean ng ikapitong pagpapahalaga na “may

pagkakataong nangangailangan ng mga mapangahas na mga salita upang mapansin at

mabigyang tugon kaagad ng kinauukulan” ito ay “ palaging natututunan” ng mga

miyembro ng patnugutan. Sa malikhaing pagsulat at kritikal na pag-iisip lumalabas

naman na ang ika-9 na pagpapahalaga na “ nagkakaroon ng pangkatang masinsinang

pagsasaayos, pagsusuri o brainstorming ng mga artikulo o balita bago tuluyang ilathala ”

ang may pinakamataas na weighted mean. Samantala, pinakamababa naman ang


67

weighted mean ng ikaapat na pagpapahalaga na “naglalathala sa social media upang

makahingi ng opinyon, saloobin o damdamin hinggil sa isang partikular na paksa/ isyu sa

loob at labas ng paaralan.” Pagdating naman sa disiplinang pansarili, lumalabas sa pag-

aaral na may pinakamataas na weighted mean ang ikasiyam na pagpapahalaga na

“gumaggalang sa opinyon, saloobin ng mga mag-aaral, guro, magulang at ng komunidad

na kinabibilangan.” Samantala, may pinakamababang weighted mean naman ang nasa

ikasampung pagpapahalga na “Hindi naglalathala sa social media ng anumang hindi

kaiga-igayang salita o gawain upang hindi madungisan ang patnugutan o pahayagan.”

3. Lumabas din sa pag-aaral na ang lebel ng performans sa pahayagang pangkampus ng

sekondaryang paaralan sa Sentral aurora pagdating sa mga patimpalak ay tumataas ang

antas kumpara sa huling dalawang taon. Gayundin ang mga kalahok sa mga taunang

pagsasanay ay makikitang mas marami kumpara sa huling dalawang taon. Nalaman din

sa pag-aaral na ang organisayon ng mga gurong tagapayo ay tinatawag na Aurora

Secondary School Paper Advisers Association (ASSPAA) at organisasyon ng mga

miyembro ng patnugutan ang siyang nagpaplano sa mga programa at pagsasanay na

isinasagawa taon-taon. Nalaman din sa pag-aaral ang mga karangalang nakamit ng

Aurora sa nakaraang Regional Schools Press Conference 2018.

Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan sa pag-aaral at konklusyong nabuo, mula rito,

inirerekomenda ng may-akda ang mga sumusunod:


68

1. Iminumungkahi ng may-akda na ipagpatuloy ang paglinang ng mga kasanayan at

pagpapahalagang dapat matutunan ng mga miyembro ng patnugutan upang hindi lamang

sila sa pagsulat mahubog kundi pati na rin ang kanilang moral bilang isang

mamamahayag. Mas makabubuting magsaliksik ng ibang mga pamamaraan na

makatutulong sa paglinang ng husay sa malikhaing pagsulat at kritikal na pag-iisip upang

makatuklas ng mga bagong kaalaman.Magsagawa ng mga aktibiti na magpapatibay ng

kanilang disiplinang pansarili.

2. Para naman sa mga miyembro ng patnugutan, sikaping matutunan sa pamamagitan ng

pananaliksik at pagoobserba ang ilang mga pagpapahalagang dapat matutunan upang ang

bawat ginagawa para sa pahayagang pangkampus ay maging kapaki-pakinabang hindi

lang sa sarili kundi sa ibang taong makakasaksi o makababasa ng pahayagang

pangkampus.Gumawa ng paraan upang may matututunang bago at gamitin sa positibong

paraan ang social media.

3. Panatilihing mataas ang lebel ng performans ng pahayagang pangkampus sa

pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan, patuloy na pagsama o pagdalo sa mga

pagsasanay, at pakikiisa sa organisasyon ng mga tagapayo at miyembro ng patnugutan.

Sikapin ding makahikayat pa ng mga mag-aaral na may interes sa pamamahayag.


69

MGA SANGGUNIAN

A. Sangguniang Libro

Balunsay, J. (2016). Kontemporaryong Pamahayagang Pangkampus. Jimczyville


Publications: Malabon City.

Cruz, C. (2014). Campus Journalism and School Paper Advising. Rex Book Store:
Sampaloc, Manila.

Cruz, C. (2006). Campus Journalism for student, teachers and advisers. Rex Book Store:
Sampaloc, Manila.

Ferguson, D. at Patten, J. (2010). Journalism for Today. University of Nebraska,


Lincoln Nebraska.

Matienzo, N. at Matienzo, R. (2010). Ang Bagong Pamahayagan sa Filipino. Quad


Alpha Centrum: Mandaluyong City.

Tolentino, A. (2014). Ang Mapanuring Umalohokan. Dane Publishing House Inc.

B. Sangguniang Jornal at Artikulo

Briones, L. (2016). Sun Star Benguet. Hinango sa https//newsinfo.inquirer.net/

Dillon, R. (2018). Standford Encyclopedia of the Philosophy. Hinango sa from https//


palto.standford.edu/

DO 94, s.1992. Promulgating the Rules and Regulation Necessary for the Effective
Implemenation of R.A 7079 Otherwise Known as the “Campus Journalism Act of
1991

Gavilan, J. (2018). Why campus journalists should go beyond classrooms. Hinango sa


70

https://www.rappler.com/newsbreak/iq/194941-campus-journalism-role-
philippines

Miguel, J. (2017). 3 Reasons Why Campus Journalism is Important. Sun Star Cagayan
De Oro. Hinango sa https://www.pressreader.com/

Pulliam, E. (2014). Society of Professional Journalist Code of Ethics. Code of


Ethics. Hinango sa from https://www.spj.org/ethicscode.asp

Regional Memorandum no.205 s. 2018. Hinango sa RSPC 2018 page

Yu, Y. (2016). Gaming, Social Media and Gender in Chinese Canadian Culture.
Hinango sa https//journals.sagepub.com/doi/abs

C. Sangguniang Elektroniko

Abbey, S. (2019). Ethics and Excellence Journalism Foundation. Harman Institute,


Jerusalem National University, San Diego. Hinango sa
https://ethics.journalism.org/

Beck, E. (2016). Critical Thinking and Ethics. Hinango sa


https://www.bartleby.com/essay/Article-Critical-Literacy-in-the-Classroom

Besa, L. at Parcon, R. (2018).The Seminar-Workshop Experience in Journalism Class: A


Best Practice. Hinango sa https://ijhss.net/index.php/ijhss/article/view/451

Breeze, R. & Guinda C. (2017). Gender-based Strategies for integrating Critical and
Creative Thinking in Engineering and Journalis. Hinango sa
https://doi.org/10.18485/esptoday.2017.5.2.4

Daniels, S. (2012). Young Journalist Today: Journalism Students Perception. Hinango sa


ertseerx.ist.psu.edu/viewdocs/download?doi=10.1.1.9.12.68022&rep

Donato, J. (2012). Campus Journalists as ‘torch bearers.’ Hinango sa


http://asiancorrespondents.com/2010/04/campus-journalists-as-torch-bearers/

Eggington, B. (2015). 10 Tips for Journalistic Success. Hinango sa


http://mediahelpingmedia.org/training-resources/journalism-basics/509-10-tips-
for-journalistic-success
71

Estrella, P. (2015). Educating the Educators: An Evaluation of Preparedness of


Elementary School Teacher in Los Baños, Laguna, Philippines for Journalism
Instruction and Internet-Mediated Learning. Hinango sa
https://digitaluniversities.guideassociation.org/wp-content/uploads/2015-
1_Gidget.pdf

Francia, I. (2015). Kahalagahan ng Pahayagan. Hinango sa


https://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahulugan-at-kahalagahan-ng-
pahayagan

Graciyal, D. at Viswam, D. (2018). Freedom of Expression in Social Media. Hinango sa


www.rrjournal.com

Laitsch, D. (2006). Self Discipline and Students Academic Achievements. Hinango sa


http://www.ascd.org/publications/researchbrief/v4n06/toc.aspx

Lerona, K. (2018). Ano ba ang Tamang Gamit ng Social Media. Hinango sa


https://medium.com/@ken.lerona/paano-nga-ba-ang-tamang-paraan-ng-pag-
gamit-ng-social-media-fa41e64041df

Maeyer, J. (2015). Waiting for Data Journalism. Hinango sa


https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/21670811.2014.976415

Onte, B. (2017). Introduksyon sa Pananaliksik, Wika at Panitikan. Hinango sa


www.academia.edu/9398124/LATHALAIN

Pezzoni, M., Lissoni, F., at Bianchini S. (2017). Instructors Characteristics and Student
Evaluation of Teaching Effectiveness:Evidence from an Italian Engineering
School. Hinango sa
https://www.researchgate.net/figure/Continued_tbl5_263496516

Sapungan, R. & Sapungan G. (2013). The School Paper Writers of Philippine


International Schools in Jeddah, Saudi Arabia and their level of Writing
Competence:A Correlation. Hinango sa
file:///C:/Users/Guest/Downloads/StudentWriters.AJSSH20132.2-15%20(1).pdf

Sullivan, A. (2018). “At the Heart”:Decision Making in Educational Leadership and


Management. Hinango sa www.decision-making-in-education.pdf

Usop, A., Askandar D., at Kadtong M. (2013). The Significant relationship between work
performance and job saticfaction in the Philippines, School of Social Sciences,
72

University Sains Malaysia, Pulao Pinang, Malaysia. Hinango sa


https://www.researchgate.net/publication/236017106_the_significant_
relationship _between _work_performance_and_job_satisfaction_in_philippines

Uy, L at Echaure, J. (2012). Status of student publication of state Universities in Region


III, Philippines, Ramon Magsaysay, Technological College. Hinango sa
http://www.soeagra.com/ijert/ijertmarch2017/3.pdf

West, T. (2014). Malikhaing Pagsulat. Hinango sa https://www.gradfather.com/course/


vuniversity-of-the-philippines-diliman/ba-malikhaing-pagsulat-safilipino

D. Sangguniang Panayam

Angara, Emelita (Isang Panayam). May 14, 2019. Schools Division Office. San Luis
Aurora “Nagsasagawa kami ng mga Intensive training bago sumabak sa mga
patimpalak gaya ng RSPC at lalong higit sa NSPC, hindi lamang bago ang
patimpalak, may mga training din kapag summer vacation ang mga advisers”

Aguilar, Ricky (Isang Panayam). May 19, 2019. San Luis, Aurora
“ Intensive training lng din po tapos tutok talga yung coach. 2 weeks bago yung
contest nakaexcuse na siya”

Agustin, April Joy P.(Isang Panayam). April 14, 2019.Brgy. Maligaya, Dipaculao,
Aurora “ Dapat talagang suriin ang mga artikuloat balita bago ito ilathala dahil
sa pamamagitan nito masusuri natin ng maayos ang mga sulatin at makikita
natin ang mga dapat palitan, ire-phrase o tanggalin”

Backian, Angelica L. (Isang Panayam) April 14, 2019. Baler, Aurora “ Hindi lang dapat
ang mga Supreme Student Governance ang katuwang ng mga guro sa
pamamahala sa kabuoan ng paaralan, dapat pati ang mga miyembro ng
patnugutan ay magsilbing modelo ng paaralan, yun lang ay malaking tulong na
nila sa paaralan.”

Dela Peña, John Paul M.( Isang Panayam) February 8, 2019. Brgy. 2 Maria Aurora,
Aurora “Napakalaking tulong ng mga palihan sa paghubog ng mga mag-aaral
lalo na sa pagsulat, sa pamamagitan nito naisisiwalat nila sa komunidad ang
73

kanilang mga gampanin at mga isyung dapat mabigyang pansin. Nadedebelop


din sa kanila ang pagkakaroon ng pakiaalam sa lipunan.”

Larioza, Sharlene B. (Isang Panayam) February 9, 2019. Mayor Cesario A. Pimentel


National High School, Poblacion 1, San Luis, Aurora “ Mabuting magamit ng
guro ng social media sa kanyang pagtuturo upang mas magkaroon ng interes ang
mga mag-aaral, natututo na siya, nakakasabay pa siya sa uso”

Santos, Elizabeth B. (Isang Panayam). March 16, 2019. Brgy. Ditumabo, San Luis,
Aurora “Isa ang Spoken-word Poetry sa makabagong anyo o paraan ng
pagpapahayag ng saloobin o totoong nararamdaman ng tao”
74

DAHONG DAGDAG
75

TALATANUNGAN PARA SA TAGAPAYO NG PAHAYAGANG PANGKAMPUS

Mahal na respondiyente,

Ako po ay mag-aaral ng MAED-FLT ng Aurora State College of Technology na


nagsasagawa ng isang pananaliksik na may paksang KASANAYAN AT
PAGPAPAHALAGANG NALILINANG SA IMPLEMENTASYON NG CAMPUS
JOURNALISM ACT 1991 NG SENTRAL AURORA. Ako po ay humihingi ng
inyong kooperasyon sa pamamagitan ng inyong matapat na pagsagot sa mga katanungan
ayon sa inyong sariling pagpapasiya. Ang mga impormasyon na inyo pong ipagkakaloob
ay buong ingat na gagamitin lamang para sa katuparan ng pag-aaral na ito at asahang
mananatiling kumpidensiyal ang inyong mga ibibigay na kasagutan. Maraming salamat
po!

Mangyari pong sagutan nang buong katapan ang bawat aytem gamit ang mga iskala.

Nadaluhang patimpalak o paligsahan/taon: ____________________________________


Nadaluhang pagsasanay/taon: ______________________________________________

Sagutin ang mga katanungan ng naaayon sa inyong isinasagawang pamamaraan upang


matamo ang mga pagpapahalaga sa pahayagang pangkampus. Lagyan lamang ng tsek ( / )
ang iyong napiling sagot. Magpasya ayon sa iskala na nasa ibaba.

5 – Palaging Isinasagawa 2 – Madalang Isagawa


4 – Madalas Isinasagawa 1 – Hindi Naisasagawa
3 – Paminsan-minsang Isinasagawa
PI MI PMI MIA HN
PAGPAPAHALAGA
5 4 3 2 1
A.Etikang Pagpapahalaga at Moral na Pag-uugali
1. Tinuturuan ang mga mamahayag na kilalanin ang
mga taong may mahalagang partisipasyon sa
pagbuo ng pahayagan (punongguro, mga guro,
tagapamahala sa paaralan, komunidad atbp).
76

2. Tinuturuang makisama at mapanatili ang


positibong relasyon sa mga kasamahang
mamamahayag at guro.
3. Binibigyan ng kanya-kanyang task at tinuturuang
maging responsable sa pamamagitan ng
pagbibigay ng deadline.
4. Tinuturuan ang wastong paraan ng
pakikipanayam o interbiyu bilang pagbibigay
galang sa taong nais banggitin sa pahayagan.
5. Tinuturo ang paghingi ng pahintulot sa may
karapatang-ari ng kukuhaning datos, upang
makaiwas sa palagiarism.
6. Ipinababatid ang layunin ng pahayagang
pangkampus at tinuturuang mapagkaisa ang
bawat miyembo ng komunidad.
7. Tinuturo na may pagkakataong nangangailangan
ng mga mapangahas na mga salita upang
mapansin at mabigyang tugon kaagad ng
kinauukulan.
8. Tinuturo na huwag tatanggap ng anomang pabor,
pera o regalo upang maiwasan ang pagiging
biased sa paglalathala.
9. Tinuturo ang wastong pagpapasya na lahat ng
bibitawang salita at isinusulat na artikulo ay
kinakailangang makatotohanan at may
pinagbatayan.
10. Tinuturuang magtakda ng limitasyon pagdating sa
pribadong buhay ng indibidwal, iniiwasan ang
magtanong ng mga konseptong makasisira sa
pagkatao ng ilalathala.
11. Iba pa: __________________________________
_______________________________________

B. Kritikal na Pag-iisip at Malikhaing Pagsulat


1. Nagsasagawa ng mga seminar o pagsasanay sa
loob ng paaralan upang maisa-isa ang mga
proseso o pamamaraan kung paano ginagamit o
isinasagawa ang isang bagay lalo na sa bahagi ng
paghahatid ng balita.
2. Hinihikayat ang malikhaing pagsulat ng mag-aaral
ng makabagong anyo ng panitikan katulad ng
spoken-word poetry.
3. Hinihikayat ang mapanuring pag-iisip at pagsulat
sa pamamagitan ng pagpapasaliksik hinggil sa
77

mga isyung tampok at napapanahon sa lipunan.


4. Pinahihintulutan rin ang paglalathala sa social
media upang makahingi ng opinyon, saloobin o
damdamin hinggil sa isang partikular na paksa/
isyu sa loob at labas ng paaralan.
5. Hinihikayat ang paggamit ng simbolismo sa
pagsulat upang hindi tuwirang makasakit ng
damdamin ng taong sangkot dito.
6. Hinihikayat ang matalinong pamumuna (pagsulat
ng editoryal) sa mga nakikitang kamalian sa loob
at labas ng paaralan at magbigay ng konkretong
suhestiyon upang mapabuti ang kalagayan.
7. Hinihikayat ang pagsusulat ng mga artikulo na
mayroong epekto sa kaalaman ng tao upang may
malamang bago ang mga mambabasa mula sa
pahayagan.
8. Hinihikayat na ilathala ang mga natatanging
miyembro o grupo ng komunidad na nakilala dahil
sa nakamtang tagumpay o pagkilala.
9. Nagkakaroon ng pangkatang masinsinang
pagsasaayos, pagsusuri o brainstorming ng mga
artikulo o balita bago tuluyang ilathala.
10. Dumadalo o sumasama sa mga paligsahan sa labas
ng paaralan na may kaugnayan sa pamamahayag
pangkampus katulad ng DSPC.
11. Iba pa: __________________________________
_______________________________________
C. Disiplinang Pansarili
1. Hinuhubog ang mga pananaw o pagtingin sa mga
nangyayari sa loob man o labas ng paaralan na
tumutuligsa sa mga kamalian ng komunidad.
2. Hinihikayat na maging modelo sa paaralan lalo
na sa pagsusuot ng tamang uniporme at ID.
3. Hinihikayat na manguna sa pagsunod sa mga
patakarang pinatutupad ng paaralan.
4. Tinuturuang mapanatili ang mga konpidensyal o
pribadong usapin sa paaralan.
5. Sinisiguradong walang pansariling interes na
isinusulong ang bawat mamahayag.
6. Hinihikayat na huwag gumamit ng mga salitang
mapangkutya gaya ng Negro, bobo at iba pa.
7. Hinihikayat na irespeto ang task na ibinigay sa
ng mga kasamahang mamamahayag at hindi
nagsasapawan.
78

8. Hinihikayat na maging disente at kaaya-aya sa


paggamit ng mga salita, huwag gumamit ng mga
salitang balbal, maging maingat sa pagbibitiw ng
mga mapanirang bansag o pagmumura.
9. Hinihikayat na igalang ang opinyon, saloobin ng
mga mag-aaral, guro, magulang at ng komunidad
na kinabibilangan.
10. Hinihikayat na huwag maglathala sa social
media
ng anumang hindi kaiga-igayang salita o gawain
upang hindi madungisan ang patnugutan o
pahayagan.
11. Iba pa: __________________________________
79

TALATANUNGAN PARA SA MIYEMBRO NG PATNUGUTAN NG


PAHAYAGANG PANGKAMPUS

Mahal na respondiyente,

Ako ay mag-aaral ng MAED-FLT ng Aurora State College of Technology na


nagsasagawa ng isang pananaliksik na may paksang KASANAYAN AT
PAGPAPAHALAGANG NALILINANG SA IMPLEMENTASYON NG CAMPUS
JOURNALISM ACT 1991 NG SENTRAL AURORA. Ako ay humihingi ng inyong
kooperasyon sa pamamagitan ng inyong matapat na pagsagot sa mga katanungan ayon sa
inyong sariling pagpapasiya. Ang mga impormasyon na inyong ipagkakaloob ay buong
ingat na gagamitin lamang para sa katuparan ng pag-aaral na ito at asahang mananatiling
kumpidensiyal ang inyong mga ibibigay na kasagutan. Maraming salamat!
Mangyaring sagutan nang buong katapan ang bawat aytem gamit ang mga iskala.

Nadaluhang patimpalak o paligsahan/taon:____________________________________


Nadaluhang pagsasanay/taon:______________________________________________

Lagyan lamang ng tsek ( / ) ang tapat ng pagpapahalagang inyong natututunan bilang


miyembro ng patnugutan ng inyong pahayagang pangkampus. Magpasya ayon sa iskala
na nasa ibaba.
5 – Lubos na Natutunan 2 – Madalang na Natutunan
4 – Palaging Natutunan 1 – Hindi Natutunan
3 – Hindi Masyadong Natutunan

LN PN HMN MN HN
PAGPAPAHALAGA
5 4 3 2 1
A.Etikang Pagpapahalaga at Moral na Pag-uugali
1. Nakikilala ang mga taong may mahalagang
partisipasyon sa pagbuo ng pahayagan
(punongguro, mga guro, tagapamahala sa
paaralan, komunidad atbp).
2. Nakikisama at mapanatili ang positibong
relasyon sa mga kasamahang mamamahayag at
guro.
3. Naging responsable sa pamamagitan ng
80

pagsasagawa ng mga task na ibinigay ng gurong


tagapayo na may deadline.
4. Isinasagawa ang wastong paraan ng
pakikipanayam o interbiyu bilang pagbibigay
galang sa taong nais banggitin sa pahayagan.
5. Humihingi ng pahintulot sa may karapatang-ari
ng kukuhaning datos, upang makaiwas sa
palagiarism.
6. Alam ang layunin ng pahayagang pangkampus at
tinuturuang mapagkaisa ang bawat miyembo ng
komunidad.
7. May pagkakataong nangangailangan ng mga
mapangahas na mga salita upang mapansin at
mabigyang tugon kaagad ng kinauukulan.
8. Hindi tumatanggap ng anomang pabor, pera o
regalo upang maiwasan ang pagiging biased sa
paglalathala.
9. May wastong pagpapasya na lahat ng bibitawang
salita at isinusulat na artikulo ay kinakailangang
makatotohanan at may pinagbatayan.
10. Nagtatakda ng limitasyon pagdating sa pribadong
buhay ng indibidwal, iniiwasan ang magtanong
ng mga konseptong makasisira sa pagkatao ng
ilalathala.
11. Iba pa:
__________________________________
_______________________________________

B. Kritikal na Pag-iisip at Malikhaing Pagsulat


1. Dumadalo sa mga seminar o pagsasanay sa loob
ng paaralan upang maisa-isa ang mga proseso o
pamamaraan kung paano ginagamit o isinasagawa
ang isang bagay lalo na sa bahagi ng paghahatid
ng balita.
2. Gumagawa ng malikhaing pagsulat ng
makabagong anyo ng panitikan katulad ng
spoken-word poetry.
3. Gumagamit ng mapanuring pag-iisip at pagsulat
sa pamamagitan ng pagpapasaliksik hinggil sa
mga isyung tampok at napapanahon sa lipunan.
4. Naglalathala sa social media upang makahingi ng
opinyon, saloobin o damdamin hinggil sa isang
partikular na paksa/ isyu sa loob at labas ng
paaralan.
81

5. Gumagamit ng simbolismo sa pagsulat upang


hindi tuwirang makasakit ng damdamin ng taong
sangkot dito.
6. Matalinong namumuna (pagsulat ng editoryal) ng
mga nakikitang kamalian sa loob at labas ng
paaralan at magbigay ng konkretong suhestiyon
upang mapabuti ang kalagayan.
7. Sumusulat ng mga artikulo na mayroong epekto
sa kaalaman ng tao upang may malamang bago
ang mga mambabasa mula sa pahayagan.
8. Naglalathala ng mga natatanging miyembro o
grupo ng komunidad na nakilala dahil sa
nakamtang tagumpay o pagkilala.
9. Nagkakaroon ng pangkatang masinsinang
pagsasaayos, pagsusuri o brainstorming ng mga
artikulo o balita bago tuluyang ilathala.
10. Dumadalo o sumasama sa mga paligsahan sa
labas ng paaralan na may kaugnayan sa
pamamahayag pangkampus katulad ng DSPC.
11. Iba pa: __________________________________
_______________________________________

C. Disiplinang Pansarili
1. Nahubog sa mga pananaw o pagtingin sa mga
nangyayari sa loob man o labas ng paaralan na
tumutuligsa sa mga kamalian ng komunidad.
2. Naging modelo sa paaralan lalo na sa pagsusuot
ng tamang uniporme at ID.
3. Nanguna sa pagsunod sa mga patakarang
pinatutupad ng paaralan.
4. Pinanatili ang mga konpidensyal o pribadong
usapin sa paaralan.
5. Siniguradong walang pansariling interes na
isinusulong ang bawat mamahayag.
6. Hindi gumagamit ng mga salitang mapangkutya
gaya ng Negro, bobo at iba pa.
7. Nirerespeto ang mga task na ibinigay sa mga
kasamahang mamamahayag at hindi
nagsasapawan.
8. Pinananatiling disente at kaaya-aya sa paggamit
ng mga salita, hindi gumagamit ng mga salitang
balbal, maingat sa pagbibitiw ng mga mapanirang
bansag o pagmumura.
9. gumagalang ang opinyon, saloobin ng mga mag-
82

aaral, guro, magulang at ng komunidad na


kinabibilangan.
10. Hindi naglalathala sa social media ng anumang
hindi kaiga-igayang salita o gawain upang hindi
madungisan ang patnugutan o pahayagan.

Republic of the Philippines


AURORA STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY
DEPARTMENT OF GRADUATES STUDIES
Baler, Aurora

ENGR. EDGARD C. DOMINGO, Ph. D, CESO VI


Schools Division Superindentent
Division of Aurora
San Luis, Aurora

Sir:

The undersigned is presently undertaking a thesis entitled “KASANAYAN


AT PAGPAPAHALAGANG NALILINANG SA IMPLEMENTASYON NG
CAMPUS JOURNALISM ACT 1991 NG SENTRAL AURORA” for partial
fulfilment of the requirements of the course in Master of Arts in Education, Major in
Filipino Language Teaching. I believe that the result of this research will be useful in the
field of campus journalism and will be beneficial to teachers as well.
Relative to this, may I request your permission to conduct an interview and
administer the survey questionnaire to all school paper advisers and journalist students in
the Division of Aurora (Central Aurora only).
Thank you and God Bless!

Very truly yours,

PRINCESS B. VALDEZ
MAEd Student
83

Noted:

GLENDA M. NAD
Chairman, Advisory Committee

Republic of the Philippines


AURORA STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY
DEPARTMENT OF GRADUATES STUDIES
Baler, Aurora

The Principal
____________________________
____________________________
____________________________

Sir/Madam:

The undersigned is presently undertaking a thesis entitled “KASANAYAN


AT PAGPAPAHALAGANG NALILINANG SA IMPLEMENTASYON NG
CAMPUS JOURNALISM ACT 1991 NG SENTRAL AURORA” for partial
fulfilment of the requirements of the course in Master of Arts in Education, Major in
Filipino Language Teaching. I believe that the result of this research will be useful in the
field of campus journalism and will be beneficial to teachers as well.
Relative to this, I am requesting your permission to conduct an interview and
administer the survey questionnaire to all school paper advisers and journalist students in
the Division of Aurora (Central Aurora only).
Thank you very much for your unselfish support. God Bless!

Very truly yours,

PRINCESS B. VALDEZ
MAEd Student
Noted:
84

GLENDA M. NAD
Chairman, Advisory Committee

Approved:
ENGR. EDGARD C. DOMINGO, Ph. D, CESO VI
Schools Division Superintendent

Republika ng Pilipinas
AURORA STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY
DEPARTMENT OF GRADUATES STUDIES
Baler, Aurora

____________________________
____________________________
____________________________

Madam /Sir:

Pagbati ng Kapayapaan!

Kasalukuyan po akong nagsasagawa ng isang pananaliksik bilang kahingian sa


kursong Master of Arts in Education Major in Filipino Language Teaching na may
pamagat na “KASANAYAN AT PAGPAPAHALAGANG NALILINANG SA
IMPLEMENTASYON NG CAMPUS JOURNALISM ACT 1991 NG SENTRAL
AURORA.”
Kaugnay po nito, humihingi ako ng inyong tulong para makakalap ng mga sagot o
datos na kinakailangan sa aking pananaliksik. Ang makakalap pong impormasyon ay
malaking tulong sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.
Kalakip po nito, ay ang talatanungan. Umasa po kayo na ang inyong magiging
kasagutan ay mananatiling konpidensyal. Maraming salamat po sa inyong positibong
pagtugon.

Lubos na gumagalang,
85

PRINCESS B. VALDEZ
MAEd Student
Binigyang pansin:
GLENDA M. NAD
Chairman, Advisory Committee

Pinagtibay:
ENGR. EDGARD C. DOMINGO, Ph. D, CESO VI
Schools Division Superintendent

You might also like