You are on page 1of 12

Epekto ng Pagsali sa

‘Club Organization’ sa
Pagpapaunlad ng
kakayahang komunikatibo ng
mag aaral ng Jose Rizal
University
KABANATA I : PANIMULA

“Club Organization” ay ang pagsasama sama


ng mga taong may parehong interes. Ito rin ay
ang pagsasama sama ng mga mag aaral sa
paaralan na may parehong hilig. Isa ito sa mga
paraan para mapagsama sama ang mga mag-
aaral at makihalubilo upang palawakin ang
pagkikipagkuminikasyon sa iba’t ibang sector
ng paaralan.
 Napili itong paksa upang masaliksik at malaman kung ano
ang dahilan ng pagsali sa iba’t ibang organisasyon at
paano ito nakakatulong sa pakikipag ugnayan at
pakikisalamuha ng bawat mag aaral sa kanilang lipunan.
 Sa kasalukuyan , may iba’t ibang uri ng ‘club organization’
sa paaralan ng Jose Rizal University kung saan lahat ng mag
aaral ay maaaring sumali sa nais nilang pangkat.
 Nais malaman ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng mga “club organization” sa Jose Rizal
University. Upang maunawaan ng mga mag-aaral na
kasapi sa kahit anong organisasyon kung ano ang
benepisyo nito sa pagpapaunlad ng komunikasyon.
Paglalahad ng Suliranin:

1. Ano-ano ang mga club organization sa JRU?


2. Ano ang epekto ng mga club organization na
ito sa mga mag-aaral ng JRU?
3. May makabuluhan bang epekto ang pagsali sa
club organization sa pagpapaunlad ng
kakayahang pangkomunikatibo ng mag-aaral?
Hipotesis:
Ang mga mananaliksik ay bumalangkas ng isang
teorya na ang mga 'club organization' ay
nakakatulong sa pagpapaunlad ng kakayahang
komunikatibo ng isang mag-aaral. Sa isang 'club
organization' ay nagagawa ng isang mag-aaral
makipag-salimuha sa mga kapwa mag-aaral na
may iba't ibang ugali, interes at kakayahan.
 Makakakilala ka ng mga taong seryoso at palabiro, mga
taong mahilig sa kultura ng Korea at Amerika, at mga
taong magaling sumayaw at kumanta pero kahit madami
silang pagkakaiba, magagawa pa din nilang makagawa
ng makabuluhang pag-uusap at kung iisipin ay may
natututunan pa sila sa isa't isa.
 Sa isang 'club organization' ay nabibigyan ang mag-aaral
ng pagkakataon na maipamahagi ang kanilang saloobin
dahil dito ay mas nagiging komportable sila makipag-
usap at onti-onting nahahasa ang kanilang kakayahang
komunikatibo.
Isa pa sa mga nagpapaunlad ng kakayahang
komunikatibo ng isang mag-aaral ay sa pakikinig
niya sa kanyang mga ka-miyembro. Sa kanilang
pakikinig ay nakikita nila ang kakayahang
komunikatibo ng kanilang ka-miyembro at
minsan ay nakukuha at natututunan din nila ito.
Dahil dito ay nalilinawan sila tungkol sa mga
aspeto ng komunikasyon na meron ang isang tao
na benepisyal sa kanilang kakayahang
komunikatibo.
KABANATA II: ARTIKULO
“Club Organization sa kakayahang
komunikatibo”
The Scribe
-Ayon kay Scielo (2013), ang pamamahayag ng
balita o ang partikular na ‘club organization’ na
“The Scribe” ay nagpapaunlad ng kakayahang
komunikatibo ng isang mag-aaral dahil ito ay
kailangan nila para makalikha ng isang mabuting
pakikipag-ugnayan, personal man o propesyonal, sa
mga taong kanilang nakakasalimuha.
 Student Council
-Alinsunod sa pag-aaral na linitis ni Watanabe-Crockett
(2017), ang komunikasyon ay isa sa pinaka-mahalagang
aspeto ng pamamahala at kung ikaw ay kabilang sa ‘club
organization’ na “Student Council” isa ito sa mabilis na
uunlad sa iyong mga kakayahan.
-Sa pamamagitan ng madalas na pag-gamit ng mga
medium ng komunikasyon sa pakikipag-panayam sa mga
nagkasala sa panuntunan ng paaralan, pag-udyok sa
mga kapwa mag-aaral sa kanilang pag-aaral at
kahustusan sa oras, at pagiging mabuting ehemplo sa
mga mas nakababata at nakatatanda sa kanila.
Culture & Arts Club

-Kaugnay sa pag-aaral na isinagawa ni Pinola (2014), ang


pagsali sa mga Teatro o sa particular na “club organization’
na “Culture & Arts Club” ay kapaki-pakinabang sa
pagpapabuti ng kakayahang komunikatibo ng isang mag-
aaral.
- Una, sa pamamagitan ng “Culture & Arts Club”
matututunan ng mga mag-aaral magbigay pansin sa wika
ng katawan o sa pag-galaw ng katawan dahil dito ay mas
nabibigay nila ang tamang emosyon at tamang mensahe
na gusto nilang maparating sa kanilang kausap. At
pangalawa, matututunan nilang magsabi ng isang storya sa
bawat pakikipag-usap na kanilang nararanasan araw-araw.
ABM Club
-Ayon sa pag-aaral ni Half (2017), sa isang “ABM
Club” ay magagawa nilang kilalanin ang madla,
makinig sa mga tugon o mga minumungkahi ng
kanilang mamimili o suki, at matutong maging
direkta sa kanilang sinasabi
HUMSS Club
-Kaugnay sa pag-aaral ni Coleman & Hennessy
(2013), sa pagkuha ng Humanities at pagsali sa
mga samahan na may kinalaman dito ay
makakatulong sa pagpapaunlad ng kakayahang
komunikatibo.
ARTIKULO: “Epekto ng Club
Organization sa mga mag-aaral

You might also like