Ang Epekto ng Institusyunal na Kultura ng Pribadong Sectarian na Unibersidad sa
Pampulitikal na Mobilisasyon ng mga Estudyante: Isang Case Study sa Kolehiyo ng Liberal Arts ng De La Salle University
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang dalawang sulating nakatakda sa pangkat.
1. Isulat ang pangunahing suliraning tinugunan ng pananaliksik. (5 puntos/pag-aaral)
A. Base sa pananaliksik na nakaatang sa aming pangkat ang pangunahing suliraning
tinugunan ng pananaliksik ay ang pampulitikal na organisasyon sapagkat ito ang nagsilbing importanteng lugar para sa mga unibersidad ayon kay Karen wells (2009) na sumulat ng librong Childhood in a global perspective. Binigyang diin dito ang suliranin na ang kabataan ay hindi lamang kabataan ngunit sila ay nagiging isang komunidad ng mga estudyanteng may pare-parehong karanasan o mas kilala sa tawag na “humanist youth” kung saan ang mga kabataan ay sensitibo sa isyu ng kawalan ng hustisya sa lipunan at may pagkamakabayan at dahil na nga rin sa pagdami ng mga eskwelahan, ang Universidad ang naging importanteng instrumento upang umusbong ang politikal na mobilisasyon. May tatlong tungkulin ang mga unibersidad ayon kay Trent (2003) iyon ay ang konteksto ng activating, facilitating, at mediating. At sa unang tungkulin, nagsisilbing instrumento ang mga unibersidad upang imulat ang politikal na kamalayan ng mga estudyante at pagunawa sa mga isyu ng lipunan na sa pamamagitan ng edukasyon ukol sa mga isyu ng lipunan. Sapagkat ang isang unibersidad ay parang isang komunidad na may iba’t-ibang parte na naiimpluwensyahan at nakakaimpluwensya sa ibang sector.
2. Isulat ang teoryang pampananaliksik na ginamit sa pag-aaral, Ipaliwanag ang
kaangkupan nito (3-5 pangungusap) (10 puntos/pag-aaral)
A. Ang teoryang pampananaliksik na aming naisip na maaring ginamit sa pagaaral na
ito ay ang Nasyonalismo sapagkat binibigyan diin dito ang pagaaral ng Kulturang Institusyonal na nagpapaliwanag na ito ay isang uri ng "persistent patterns of norms" kabilang ang mga paniniwala, tradisyon, at kaugalian na humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal sa pamantasan at uniberisdad. Ang kultura ay nakikita bilang pinagsama-samang perpektibo at kaugalian na bumubuo sa mga nagtutunggaling kapangyarihan sa lipunan. At isa pa ito ang naging layunin ng pagaaral na tignan ang instutsyonal na kultura ng mga pribadong pamantasan at kung paano nito naaapektuhan ang pagtingin ng estudyante sa politikal na mobilisasyon at sa pagsulong ng kolektibong aksyon ng mga estudyante. Ito ay naglalayong aralin kung paano ang iba’t-bang salik ng kulturang institusyonal ay nakakatulong upang bumuo ng pangunahing ideolohiya sa loob ng pamantasan, na humuhubog sa kamalayan ng mga estudyante.
3. Tukuyin at ilarawan ang metodolohiya at disenyong ginamit sa pananaliksik, Ipaliwanag
ang kaangkupan nito sa pag-aaral (0 puntos/pag-aaral)
A. Ang disenyo na ginamit sa pananaliksik ay ang Kwantitatibong pananaliksik
sapagkat nais nilang magkaroon ng mas malalim na kaalaman ukol sa isyu ng pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante at ang perspektibo ng administrasyon ukol sa paglakas ng ganitong porma ng pagtutol sa mga kabataang estudyante.Ang metodolohiya na kanilang ginawa upang maisakatuparan ang kanilang pananaliksik ay ang pangangalap nila ng datos na kung saan magiinterbyu sila ng mga opisyales na nagmula sa administrasyon ng pamantasan kabilang na ang ilang opisina sa unibersidad, kaguruan, at miyembro ng student council ng unibersidad.
4. Tukuyin at ilarawan ang: 1. Tagatugon/pinagkunan ng datos 2. Pinagganapan ng pag-
aaral 3. Panahon ng pagaaral (3 puntos bawat bilang/pag-aaral)
A. 1. B. 2. C. 3.
5. Tukuyin at ilarawan ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos (5puntos/pag-
aaral)
A. Ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-aaral
ay isang sarbey-kwestyoneyr o talatanungan na naglalayong malaman ang saloobin at kaalaman ng mga estudyate at ng mga opisyales mula sa administrasyon ng pamantasan ukol sa Epekto ng institusyunal na kultura ng mga pribadong sectarian na pamantasan sa pagusbong ng pampulitikal na mobilisasyon ng estudyante, at sa Mga polisiya at pamamaraan ng administrasyon ukol sa pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante sa pamantasan. Sapagkat sa pagaaral sa institusyunal na kultura ng pribadong sectarian na unibersidad, makikita sa datos kung may direktang epekto ba ito sa paghubog ng pagtingin sa mga pampulitikal na mobilisasyon ng mga estudyante. At kahit na mayroong positibong epekto ito sa pagsulong ng mobilisasyon, ito ba ay maituturing lamang sa teorya at hindi sa praktika,ito ay maanalisa sa pamamagitan ng pagsasarbey sa mga estudyante at mga opisyales na mula sa administrayon ng pamantasan
6. Isa-isahin ang mga panginahing hakbang na ginawa ng mananaliksik sa pagkalap ng
datos hanggang sa paglalapat/pagtratong estadistikal (kung mayroon). (10 puntos/pag- aaral)