You are on page 1of 88

1

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Rasyonale

Inilahad sa isang online news medium “The Daily Reality” na, binibigyan ng

Campus Journalism ang mga mag-aaral ng pagkakataon na mahasa at maisagawa ang

kanilang mga kasanayan sa pamamahayag at maging boses ng pagbabago sa

pamamagitan ng paghimok sa mga mambabasa na mag-isip tungkol sa mga

mahahalagang isyu na malaman na hindi nila nabasa kahit saan pa. Ang pampaaralang

pamahayagan ay gumaganap bilang papel sa pagkakalat ng impormasyon, paliwanag, at

pagtuturo sa pangkalahatang publiko katulad ng ginawa ng pamamahayag sa mas

malawak na lipunan. Sa kasamaang palad, ang mga mag-aaral ng komunikasyon na

dapat ay mga inhinyero ng pampaaralang pamahayagan ay ang mga taong nagpapakita

ng kaunti o walang interes sa pagsasanay ng pagsulat ng pampahayagang pangkampus.

(Usman, 2022)

Ayon sa pag-aaral nina Untalan et al., (2019) na pinamagatang “Development of

Campus Journalism Instructional Material: Tool to Enhance Journalistic in Zone IV

Schools Division of Zambales”, ang publikasyon ng paaralan sa sekondaryang antas ay

naglalathala ng mga artikulo na may kaugnayan sa publikong nagbabasa. Ang kalidad

ng papel na inilalathala ng paaralan ay nakasalalay sa kakayahan ng mga manunulat,

tulong ng mga sinanay na tagapayo at katayuan ng paaralan sa publikasyon mismo.

Inirerekomenda na ipagpatuloy ng paaralan ang paghasa sa mga mag-aaral sa kanilang

kakayahan sa pagsulat sa pamamagitan ng pagsasanay at seminar hindi lamang para sa


2

kapakanan ng eskolastiko peryodismo ngunit upang gabayan din sila sa kanilang mga

landas sa karera.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mananaliksik, ang kadalasang problema ng

mga mag-aaral sa mga piling paaralang sekondarya sa siyudad ng dipolog. sa pagsulat

ng balita ay ang mga sumusunod: hindi pagsunod sa baligtad na piramide, pagkakamali

sa pagsulat ng pangunahing pamatnubay, paggamit ng pantukoy, pagbibigay opinyon sa

balita, paggamit ng bantas, pagbaybay, aspekto ng pandiwa, pagsulat ng tambilang at

kakulangan sa 5 Ws at 1 H. Sa pagsulat naman ng lathalain, ang kadalasang problema

ng mga mag-aaral sa pagsulat nito ay ang mga sumusunod: gramatika, pagbaybay, hindi

paggamit ng salitang pang-uri, kakulangan sa bokabularyo, hindi pagkakasunod-sunod

ng mga ideya at kakulangan sa pangunahing pamatnubay.

Kung kaya, ninanais ng mananaliksik na malaman kung mayroon bang

kahirapan na nararanasan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus ang mga

respondente katulad ng kahirapan sa paggamit ng angkop na salita o gramatika sa

pagpapahayag. Kung kaya, ang layunin ng pananaliksik na ito ay alamin ang antas ng

kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus batay sa pagsulat ng balita at

pagsulat ng lathalain upang sa katapusan ng pag-aaral na ito ay makabuo ang mga

mananaliksik ng Seminar Workshop at upang madagdagan ng Hiring of Faculty sa

pampahayagang pangkampus.
3

Teyoretikal-Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na pinamagatang “Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng

Pampahayagang Pangkampus sa mga piling pampublikong Paaralang Sekondarya” ay

nakaangkla sa mga teoryang Behaviorism, Experiential Learning Theory,

Communicative Competence Theory at Constructivism Theory upang mas mapatibay

ang pananaliksik na ito.

Ang unang suliranin na ukol sa demograpikong propayl ng mga respondente ay

nakaangkla sa Behaviorism Theory. Ipinahahayag ng Teoryang Behavorism na ang mga

bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay

maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang

kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga

angkop na pagpapatibay rito. Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing

behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng

pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi.

Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya, paulit-ulit na

pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak. Ang

teoryang ito ay may kaugnayan sa pag-aaral sapagkat ang mga likas na kaalaman ng

mga mag-aaral ay mayroong makabuluhang kaugnayan sa pagsulat ng pahayagang

pangkampus. Ang teoryang ito ay maiuugnay din sa demograpikong propayl ng

respondente ayon sa edad, kasarian at antas ng baitang dahil mayroong pagkakaiba ang

mga mag-aaral base sa kanilang kaalaman. Ayon sa teorya ng pagkatuto mula sa

karanasan (Experiential Learning) ni Jean Piaget (1896-1980) ang mga karanasan ang

pinagkukunan ng mga pagkatuto. Ang pakikilahok sa aktibidad ay napapalawak sa


4

Behaviorism Theory Experiential Republic Act Communicative Constructivism


B.F Skinner Learning theory competence Theory
No. 7079 Theory
(1968) Jean Piaget (1896- Del Hymes (1967-
1980)
Campus David Kolb (1984)
1972)
Journalism Act of
1991

Demograpikong propyal Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng


Pampahayagang Pangkampus
1.1 edad
Ayon sa:
1.2 kasarian
Pagsulat ng balita
1.3 antas ng baitang
Pagsulat ng lathalain
1.4 gurong tagapayo ng pampahayagang

pangkampus

Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng Pampahayagang Pangkampus sa mga Piling


Pampublikong Paaralang Sekondarya

Seminar Workshop at Hiring of Adviser of Campus Journalism

Figura 1. Teyoritikal-Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral


5

kaalaman ng isang tao, dahil sa mga karanasan na natutunan ay nagsisilbing gabay at

humuhubog sa mental at pisikal na pakikipag-ugnayan ng isang tao.

Ang Communicative competence theory ay nagdala ng isang antropolohikal na

pag-unawa sa wika, dahil nagbibigay ito ng modelo para sa pagsusuri ng isang

kaganapang pangkomunikasyon sa kontekstong sosyo- kultural nito. Ang kanyang

modelo ay nagpapahiwatig ng iba’t ibang mga parameter na namamahala sa

komunikasyon sa mga tuntunin ng kung ano ang sasabihin, kailan, kanino, at kung

paano ito sasabihin, at kung anong intensyon. Sinusuportahan ito ng teoryang

contructivism, ayon sa teorya ang mag-aaral ay lumilikha ng sarili nilang pagkatuto.

Kaya nararapat lang sa isang mag-aaral na pagtuonan ng pansin ang kanilang pag-aaral,

makipag-ugnayan sa ibang tao, at ekstra na kaalaman na magagamit sa akademikong

pagkatuto dahil sa pagkakaroon ng bagong karanasan na nagpapalawak sa kaalaman.

Ang Republic Act 7079, kilala sa taguriang “Campus Journalism Act of 1991”

ay naglalayong paunlarin at isulong ang pampahayagang pangkampus.Kasama rin dito

ang mga probisyon para sa pagsasanay sa pampahayagang pangkampus at ang

organisasyon at pagpapaunlad ng mga publikasyon ng paaralan.

Ang balangkas na ito ay upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga

respondente at ang kasanayan nila sa pagsulat ng balita at lathalain. Dapat sa kaayusan

ng balita ay gamitin para sa gabay ang baligtad na piramide at masunod ang mga

hakbang sa pagsulat nito. Para naman sa lathalain, ay dapat masunod din ang mga

hakbang at maipahatid ang layunin sa pagsulat nito.


6

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng

pampahayagang pangkampus sa mga piling pampublikong paaralang sekondarya.

Pagsusumikapang masagutan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan;

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondente;

1.1 edad

1.2 kasarian

1.3 antas ng baitang

1.4 gurong tagapayo ng pahayagang pangkampus

2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus batay sa;

2.1 pagsulat ng balita

2.1.1 gramatika 2.1.2 pagbaybay 2.1.3 istruktura

2.2 pagsulat ng lathalain

2.2.1 introduksiyon 2.2.2 diskusyon 2.2.3 organisasyon

2.2.4 kongklusyon 2.2.5 mekaniks 2.2.6 wastong gamit

3.May makabuluhang pagkakaiba ba sa pagitan ng demograpikong propayl ng mga

respondente ang antas ng kasanayan sa paggawa ng pampahayagang pangkampus batay

sa pagsulat ng balita at pagsulat ng lathalain?


7

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito tungkol sa Antas ng kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang

pangkampus sa mga piling pampublikong paaralang sekondarya ay nagbibigay ng

kapakinabangan sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang matugunan ang mga problema

at pangangailangan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus sapagkat ang mga mag-

aaral ay hindi gaanong bihasa sa pagsulat at kinakailangan pa na linangin at gawan ng

interbensyon.

Gurong tagapayo ng pampahayagang pangkampus.Ang pag-aaral na ito ay

makatutulong sa mga gurong tagapayo ng pampahayagang pangkampus upang

matugunan ang anumang kamalian at problema sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa

pagsulat ng balita at pagsulat ng lathalain.Maaaring magsagawa ng mga estratehiya sa

pagtuturo at pagsasanay sa pamamagitan ng pagbibigay ng gawain.Dagdag pa rito, ay

upang maibatid nila sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagsulat ng pampahayagang

pangkampus at upang mahikayat nila ang mga estudyante na magsanay sa pagsulat.

DepEd.Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang maibatid sa mga pampublikong

paaralan ang antas ng kasanayan ng mga piling mag-aaral sa pagsulat ng balita at

pagsulat ng lathalain upang magsagawa ng pagsasanay sa pagsulat sa loob ng kampus.

Tanggapan ng Publikasyon.Ang pag-aaral na ito ay makakapagbigay ng kamalayan

ukol sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus na maaaring

mabigyang tuon ng Office of Publication upang masanay ang mga mag-aaral sa

pagsulat.
8

Mananaliksik.Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang magkaroon ng kaalaman

ang mga mananaliksik sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang

pangkampus. Makakakuha ng bagong ideya ng pananaliksik mula sa iba’t-ibang

impormasyon na maaaring gamitin sa larangan ng pagkatuto. Nakatutulong bilang

basehan kung gagawa ulit ng panibagong pananaliksik hinggil sa iba pang ambag sa

pag-aaral ukol sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus.

Manunulat sa Pampahayagang Pangkampus. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong

sa mga mamamahayag sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dagdag na kaalaman upang

malaman ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus ng mga

mag-aaral upang mabigyan sila ng pansin at maturuan.

Magulang. Ang pag-aaral na ito ay nakatutulong sa mga magulang upang malaman nila

ang kahalagahan ng pagsasanay ng kanilang mga anak sa pagsulat ng pampahayagang

pangkampus.

Pampahayagang Pangkampus. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang lubos na

mapahalagahan ang pagsulat ng pampahayagang pangkampus lalong-lalo na sa umiiral

na suliranin na kinakailangang pagtutunan ng pansin.

Saklaw at Delimitasyon

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga manunulat ng pampahayagang pangkampus,

ang piling paaralan ng siyudad ng Dipolog na mayroong tanggapan ng publikasyon

(Publication Office) na nagtuturo sa pagsulat ng balita at lathalain gamit ang wikang

Filipino. Kung kaya, saklaw din ng pag-aaral na ito ang antas ng kasanayan na naaayon
9

sa demograpikong propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad, kasarian, antas ng baitang at

gurong tagapayo ng pahayagang pangkampus.

Ang pananaliksik na ito ay mangyayari sa loob ng tatlong piling paaralan sa

siyudad ng Dipolog. Ito ay ang Cogon National High School, Dipolog City National

High School at Sinaman Integrated School.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng operasyonal na pagpapakahulugan,

binibigyan ng kahulugan ang mga salitang mahalaga o pili na ginamit sa pananaliksik.

Ito ay inilalahad upang maging malinaw at makabuluhan ang pag-aaral na nagbibigay

katuturan sa mga sumusunod na katawagang tekniko kung papaano ito ginamit sa

kasalukuyang pag-aaral.

Antas ng Baitang. Ang terminolohiyang antas ng baitang ay ginagamit sa pag-aaral

upang malaman ng mananaliksik kung nakadepende ba sa antas ng baitang ang

kahusayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus.

Antas ng kasanayan. Ginagamit ang terminolohiyang ito upang malaman ng

mananaliksik ang kahusayan ng mga participante sa pagsulat ng pampahayagang

pangkampus.

Cogon National High School. Ginagamit ang terminolohiyang ito dahil isa ang CNHS

na mayroong nagtuturo ng pampahayagang pangkampus kaya ang paaralan ay isa sa

napiling lugar ng pananaliksik..


10

Diskusyon. Ang terminolohiyang diskusyon ay ginamit dahil isa ito sa pamantayan sa

pagsulat ng lathalain. Susukatin ng mga tagasuri ang kasanayan ng mga respondente sa

pagsulat ng angkop na diskusyon sa ibinigay na paksa.

Dipolog City National High School. Ginagamit ang terminolohiyang ito dahil isa ang

DCNHS na mayroong nagtuturo ng pampahayagang pangkampus kaya ang paaralan ay

isa sa napiling lugar ng pananaliksik.

Edad. Ang terminolohiyang edad ay ginagamit sa pag-aaral upang matukoy ng

mananalisik ang respondente kung nakadepende sa edad ang kasanayan sa pagsulat ng

pampahayagang pangkampus.

Gramatika. Ang terminolohiyang gramatika ay ginamit dahil ito ay isa sa pamantayan

na ibinigay sa pagsulat ng balita. Susukatin ng tagasuri ang antas ng kasanayan sa

paggamit ng gramatika ng mga respondente.

Gurong tagapayo ng pahayagang pangkampus. Ginagamit ang terminolohiyang ito

upang alamin kung mayroon bang kaugnayan ang gurong tagapayo sa kasanayan sa

pagsulat ng pampahayagang pangkampus ng mga respondente.

Introduksiyon. Ang terminolohiyang introduksiyon ay ginagamit dahil isa ito sa

pamantayan sa pagsulat ng lathalain. Susukatin ng mga tagasuri ang antas ng kasanayan

ng mga respondente sa pagsulat ng introduksyon.

Istruktura. Ang terminolohiyang istruktura ay ginagamit dahil isa ito sa pamantayan sa

pagsulat ng balita. Susukatin ng mga tagasuri ang antas ng kasanayan ng mga

respondente kung talaga bang sinunod nila ang baligtad na pyramide.


11

Kasarian. Ang terminolohiyang kasarian ay ginagamit sa pag-aaral upang matukoy ng

mananaliksik kung nakadepende ba sa kasarian ang kahusayan sa pagsulat ng

pampahayagang pangkampus.

Kongklusyon. Ang terminolohiyang kongklusyon ay ginagamit sa pag-aaral na ito dahil

isa ito sa pamantayan sa pagsulat ng lathalain. Susukatin ng mga tagasuri ang antas ng

kasanayan ng mga respondente sa pagsulat ng kongklusyon.

Mekaniks. Ang terminolohiyang mekaniks ay ginagamit sa pag-aaral na ito dahil

susuriin ng mga tagasuri ang bantas, kapitalisasyon at pagbaybay ng mga respondente.

Organisasyon ng mga ideya. Ang terminolohiyang ito ay ginamit dahil isa ito sa

pamantayan sa pagsulat ng lathalain. Susukatin ng mga tagasuri ang kasanayan ng mga

respondente sap ag organisa ng mga ideya ukol sa isang paksa.

Pagbaybay. Ang terminolohiyang pagbaybay ay ginamit dahil ito ay isa sa pamantayan

sa pagsulat ng balita. Susukatin ng tagasuri ang antas ng kasanayan sa pagbaybay ng

mga respondente.

Pagsulat ng Balita. Ang terminolohiyang ito ay ginagamit upang matukoy ang antas ng

kasanayan ng mga participante sa pagsulat nito.

Pagsulat ng Lathalain.Ang terminolohiyang ito ay ginagamit upang matukoy ang antas

ng kasanayan ng mga participante sa pagsulat nito.

Pampahayagang Pangkampus. Ang terminolohiyang ito ay ginagamit dahil ito ang

antas ng kasanayan sa pagsulat na isinusuri.


12

Pampublikong paaralang sekondarya. Ang terminolohiyang ito ay ginagamit dahil ito

ang napiling paaralan para sa pangangalap ng datos.

Sinaman Integrated School. Ginagamit ang terminolohiyang ito dahil isa an SIS na

mayroong nagtuturo ng pampahayagang pangkampus kaya ang paaralan ay isa sa

napiling lugar ng pananaliksik.

Wastong gamit. Ang terminolohiyang ito ay ginamit dahil ito ay isa sa pamantayan sa

pagsulat ng lathalain. Susuriin ng mga tagasuri ang estruktura ng mga pangungusap at

gamit ng mga salita sa pagsulat ng lathalain ng mga respondente.


13

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Kaugnay na Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga literatura at pag-aaral na nakatutulong

sa kasalukuyang ginawang pag-aaral bilang batayan upang mas lalong mapatibay ang

pananaliksik na ito.

PAGSULAT NG BALITA

Gramatika

Ipinahiwatig ni Depante (2015) na, ang tamang gramatika ay mahalaga sa

larangan ng pamamahayag dahil sa katotohanan na ang mamamahayag ay gumaganap

ng isang mahalagang papel sa larangan ng komunikasyon gayundin ang pamamahagi ng

mabilis at on-point na impormasyon sa masa. Dito kumukuha ang mga tao ng datos

tungkol sa mga kasalukuyang pangayayari at suliraning panlipunan. Umaasa sila sa mga

mamamahayag para sa tumpak na saklaw ng balita.

Ibinahagi ni Limjoco (2015) ang kanyang karanasan sa pagsulat ng balita sa

isang online journal, ang tamang gramatika ay nakakapagbigay sa isang artikulo ng

propesyonalismo at istilo. Ang mga mambabasa ay nagbabasa ng mga balita para sa

nilalaman ngunit ito ay hindi dapat magbasa ng isang artikulo na naglalaman ng

mahinang gramatika. Ang isang artikulo na naglalaman ng hindi maayos na gramatika

ay nagpapahiwatig na ang sinumang sumulat ng artikulo ay isang baguhan o hindi isang

tunay na manunulat. Ang mga balita na isinulat ng mga propesyonal na mamamahayag

ay ini-edit ng isang editor bago ito ipublish upang maiwasan ang mga pagkakamali sa

gramatika. Mahalaga na ang propesyonal na mamamahayag ay naglalaman ng tamang


14

gramatika dahil ang pinakintab na istruktura at komposisyon ang dahilan kung bakit ito

namumukod-tangi sa iba’t ibang midyum na naghahatid ng mga balita.

Binigyang-diin ni Misuari (2017) na kung walang mahusay na grammar,

imposible ang malinaw na komunikasyon. Ang hindi malinaw na komunikasyon ay ang

pinakamalaking isyu na dulot ng paggamit ng maling gramatika sa pagsulat o

pagsasalita.Ang isang taong may mahinang kasanayan sa gramatika ay maaaring

makabuo ng negatibong impresyon sa mambabasa.Ang mahusay na gramatika ay isang

marka ng katalinuhan at edukasyon.

Ang antas ng estilo sa wika na ginagamit sa pagsulat ng balita ay isa sa

pinakamalaking problema sa mga mamamahayag. Ang wika na ginagamit sa pagsulat ng

balita ay simple at maliwanag upang maipahayag ang mensahe sa mga mambabasa na

mayroong kalinawan at katotohanan.Ang simple at madali na estilo sa wika ay

kailangan para sa ikatatagumpay ng sinumang mamamahayag at manunulat ng balita.

(Srivastava, 2020)

Ayon kay Fauziah (2016), sa pagsulat ng balita, madalas tayong nagkakamali sa

pagsulat ng isang pangungusap o ilang pangungusap. Ang may akda ay karaniwang

hindi alam na ang mga pagkakamaling nagawa ay nakalilito. Gayunpaman, madalas

silang nagkakamali sa mga tuntunin ng syntactic grammar at iba pa. Mula sa simpleng

paliwanag na ito,ang mga karaniwang pagkakamali ay ang kaugnayan sa pagitan ng mga

salita na maaaring gamitin. Kinakailangan sa estruktura ng pangungusap mayroon ang

Subject- Predicate (object)/ Subject-Predicate (adverb).


15

Sa diwa ng mga nirebyung saliksik, magkaugnay ang naging pahayag nina

Fauziah (2016) at Srivastava (2020) na, ang antas ng estilo sa wika na ginagamit ay isa

sa pinakamalaking problema sa mga mamamahayag kung kaya, kinakailangan na ito ay

simple at maliwanag dahil madalas na mayroong pagkakamali sa pagsulat ng isang

pangungusap, madalas ay sa tuntunin ng syntactic grammar.Kung kaya binigyang-diin

nina Depante (2015), Limjoco (2015), at Misuari (2017) na mahalaga ang balita sa

larangan ng pamamahayag sapagkat nakapagbibigay ito ng propesyonalismo at estilo.

Kaya, kung wala ang mahusay na gramatika, imposible ang malinaw na komunikasyon

at maaaring makabuo ng negatibong impresyon sa mga mambabasa.

Batay sa rebyu na isinagawa ni Hunahunan (2018) na pinamagatang “ Language

errors in campus journalists’ news articles; its implication to writer’s interlanguage”

kinakailangang suriin ang wastong paggamit ng pandiwa na panahunan, kapitalisasyon

at pagpili ng angkop na salita.. Dagdag pa rito, ang kabuuang densidad ng mga kamalian

ng mga manunulat ng balita ay nakakapukaw atensyon, ibig sabihin na sila ay

nahihirapan sa tamang aplikasyon sa mga tuntunin ng pagmamarka, semantika,

gramatika at sintaks. Ibig sabihin na kinakailangang mayroong pangangailangang

pagbutihin ang mga istratehiya na ginamit at mga diskarte sa pagtuturo ng mga

tuntuning pangwika upang magkaroon ng mas mabisang paraan ng pagkatuto ng mga

alituntuning pangwika na hindi pa natutunan ng mga mag-aaral.

Napag-alaman sa pag-aaral ni Edfita (2019) na pinamagatang “The correlation

between students’ grammar mastery and news writing ability” na, malinaw na may

ilang mga pangunahing punto na may kaugnayan sa natuklasan na sumasaklaw sa

kasanayan sa gramatika ng mga mag-aaral gayundin ang kanilang tagumpay sa pagsulat


16

ng balita at koepisyent ng ugnayan na nakuha mula sa isinagawang pananaliksik. May

positibo at makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa gramatika ng mga mag-

aaral at ang kanilang tagumpay sa pagsulat ng balita.

Ayon naman kay Vergara (2022) sa kanyang pag-aaral na pinamagatang “

Problems and challenges in the teaching of journalistic writing”,ang mga kahirapan na

naipresenta na makikita sa naging diskusyon sa pag-aaral ay, kinakailangan pa ng mga

mag-aaral na palalimin ang mga estratehiya, mga pamamaraan at aktibidad mula sa

isang mas integral pedagogical conception, kung saan nagpapahintulot ng pagbabago sa

mga problemang naipresenta. Ang mga mamamahayag na nagsasanay ay minsan

nakakalimutan nila ang pangunahing mga tuntunin ng parehong estilo at gramatika.

Binigyang diin ni Dewi (2017) sa kanyang pag-aaral na pinamagatang

“Difficulties in writing news item experienced by students of a vocational high school in

Cirebon” na ang gramatika bilang estilo sa pagsulat ay gumaganap ng mahalagang

tungkulin sa pag-aaral. Ang mga guro ay kailangang magturo ng gramatika na naaayon

sa metodo sapagkat ito ang actor sa silid-aralan na kumokontrol sa pagkatuto.

Nailahad sa pag-aaral ni Irawati ( 2015 )hindi naging matagumpay ang mga

mag-aaral sa pagpili ng salita.. Bilang resulta, ang manunulat ay naghihinuha na ang

mga mag-aaral ay nagkakamali dahil sa kakulangan ng kaalaman. Hindi kumpletong

paglalapat ng mga patakaran, kamangmangan sa paghihigpit sa mga patakaran

(intralinguatransfer) at pakikialam ng kanilang sariling wika. (interlinguatransfer)

naiimpluwensyahan sa Ingles. Gayunpaman, ang pagkakamali mismo ay hindi dapat

pabayaan ng guro ngunit dapat itong pansinin at lutasin sa pamamagitan ng pagbibigay


17

ng remedial na aralin upang maiwasan ang paggawa ng parehong pagkakamali sa

hinaharap.

Ayon naman sa pag-aaral ni Lestari et al., (2020) na pinamagatang

“Grammatical Errors in Students’ Writing:Descriptive Study on Grade 7 Students” ang

mga estudyante sa baitang 7 sa klase ay naobserbahan ay sapat na matalino.

Gayunpaman, madalas silang nagkakamali sa gramatika sa mga pangungusap kapag sila

ay nagsusulat. Batay sa pagsusuri, ang mga dahilan kung bakit nagkakamali ang mga

mag-aaral ay: (1) ang mga mag-aaral ay hindi nakakabisa sa gramatika nang detalyado,

(2) ang mga mag-aaral ay nakakalimutan ang mga tuntunin sa gramatika kahit na sila ay

natuto ito, at (3) limitado ang mga bokabularyo ng mga mag-aaral.

Kung ibubuod ang mga natuklasan ng mga awtor, magkaugnay ang naging

pahayag nina Hunahunan (2018), Edfita (2019), Vergara ( 2022) at Lestari et al., (2020)

na ang tagumpay sa pagsulat ng balita ay mayroong kabuluhang kaugnayan sa pagitan

ng kasanayan sa gramatika ngunit ang mga manunulat na nagsasanay ay minsan

nakakalimutan nila ang pangunahing mga tuntunin ng parehong estilo at gramatika

dahilan sa pagkalimot ng mga tuntunin at limitado ang bokabularyo ng isang manunulat.

Kung kaya ayon kina Irawati (2015) at Dewi (2017) na ang mga guro ay kailangang

magturo ng gramatika na naaayon sa metodo sa pagsulat at magsagawa ng remedial na

aralin upang maiwasan ang paggawa ng kamalian sa pagsulat.

Pagbabaybay

Ayon kay Traphagan (2021), ang pagbabaybay, gramatika, at pagpili ng salita ay

nagpapadala ng mensahe tungkol sa pagkakakilanlan ng manunulat at naghahatid ng


18

impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang taong iyon mula sa isang

propesyonal na pananaw.Ang mga pagkakamali tulad ng pagpili ng maling salita o

paglalagay ng apostrophe sa maling lugar ay nakasalalay sa may-akda.Siyempre,

nangyayari ang mga typo, ngunit ang mga pare-parehong pagkakamali gaya ng regular

na nakalilito na "ng" at "nang," ay nagpapahiwatig na walang sapat na kaalaman sa

paggamit nito sa isang pangungusap.

Itinala ni Capacillio (2018) ang mga 5 mga salitang Filipino na kadalasang mali

ang paggamit ay daw o raw, nang o ng, sila o sina, kung o kapag, at filipino o tagalog.

1)daw o raw- Kapag ang naunang salita ng modifier ay nagtatapos sa isang patinig, "w,"

at "y," gamitin ang "raw." Bilang kahalili, kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa

isang katinig, gamitin ang "daw."2)nang o ng- Ang "Nang" ay karaniwang nag-uugnay

ng mga pang-abay at ang mga pandiwa na kanilang binabago. Bilang kahalili, ang "ng"

ay nag-uugnay ng mga pangngalan sa kanilang mga bagay.3)sila o sina- ang "sila" ay

isang panghalip habang ang "sina" ay ginagamit upang ipakilala ang mga pangalan ng

mga tao.4)kung o kapag-Ang "Kung" ay ginagamit upang baguhin ang isang hindi tiyak

na sitwasyon, ang "kapag" ay ginagamit kapag ang isang sitwasyon ay tiyak na

magaganap.5)filipino o tagalog-Mahalagang tandaan na ang Tagalog ang pangunahing

wika at lingua franca sa Maynila at sa mga karatig na lalawigan nito, ngunit ang Filipino

ang pambansang wika ng bansa.

Batay sa isinagawang pag-aaral ni Dada ( 2015)na pinamagatang “Spelling

Errors: Cause, Influence on Students’ Performance in English Language Essay Writing

and Strategies for Correcting Them”mula sa mga resulta ng pag-aaral na ito, natuklasan

na ang mga pagkakamali sa pagbabaybay na nagaganap sa pagsulat ng sanaysay ng mga


19

mag-aaral ay kinabibilangan ng mga sumusunod, pagtanggal ng mga titik, pagdaragdag

ng mga titik, reduplikasyon ng mga titik, hindi tama/ hindi paggamit ng kudlit,

pagpapasimple/ maling pagdadaglat, mali prefix at suffix, homophonic error,

isa/dalawang faulty grapheme bawat salita, tatlo/apat na faulty grapheme bawat salita at

order error.

Nailahad sa isang nailathala na aklat ni Pittman (2021) isang product manager ng

AP Stylebook, siya ay naghuhukay ng mas malalim ukol sa mga pagkakamali at ang

pag-aayos nito: iwasan ang alphabet soup. Huwag gumamit ng mga abbreviation o

acronym na hindi agad makikilala ng mambabasa.” Idinagdag niya na ang mga

pagdadaglat at karamihan sa mga acronym ay dapat na iwasan sa mga headline.

Nakasaad sa pag-aaral na isinagawa ni Schloneger (2016) na pinamagatang “Is

This Author Intelligent? The Effect of Spelling Errors on Perception of Authors” ang

pagkakaroon ng mga pagkakamali sa pagbabaybay ay nagiging sanhi ng mga

mambabasa na bumuo ng mga negatibong pananaw sa katalinuhan at kakayahan sa

pagsulat ng isang may-akda at kalidad ng isang sanaysay. Ang bilang ng mga error sa

pagbabaybay na apektado ang antas ng negatibiti sa mga pananaw ng may-akda.

Sa diwa ng mga nirebyung saliksik nina Traphagan (2021), Capacillo (2018),

Dada (2015),Pittman (2021) at Schloneger (2016) na ang pagkakamali sa pagbabaybay

ay ang pagpili ng salita (pagpili ng acronoym, pagdagdag ng titik, at reduplikasyon ng

mga titik) na nagiging sanhi ng mga mambabasa na bumuo ng mga negatibong

pananaw.
20

Ang pagbabaybay, ang sining ng wastong pagbubuo ng mga salita mula sa

kanilang mga titik, ay isa sa mga mahahalagang bahagi ng matagumpay na pagsulat.

Ang pagiging tiwala sa spelling ay humahantong sa pagtitiwala sa lahat ng aspeto ng

literacy. Ang kakayahang kilalanin ang mga link sa pagitan ng salita ng parehong

pinagmulan at pag-unawa sa mga ugnayan ng salita ay napatunayang nakakatulong sa

mga kasanayan sa pag-unawa. (Best, 2017)

Batay naman sa isinagawang pag-aaral ni Verano (2019) na pinamagatang

“Spelling Vocabulary Skills of Grade 9 Students in Kablacan Integrated School:Basis

for Development of Remedial Activities” natuklasan na ang mga mag-aaral sa Baitang 9

ay may mataas na antas ng kasanayan sa pagbaybay sa mga tuntunin sa loob ng pattern

ng salita.Ipinapakita nito na ang mga kasanayan sa pagbabaybay ng mga mag-aaral sa

mga yugto ay may matibay na pundasyon Gayunpaman ang mga mag-aaral sa yugto ng

derivational relation ay may katamtamang antas.

Ayon kay Ali (2023) Mayroong 16 benepisyo ang pagbaybay sa pagsulat, ito ay:

Ang pagbaybay ay nagpapaganda ng kalinawan sa pagsulat, nagpapabuti ang pagbaybay

sa bokabularyo, pinapaganda ng pagbaybay ang estilo ng pagsulat, pinapalakas ng

pagbaybay ang kumpiyansa, tinutulungan ng pagbaybay na maunawaan ang pagsusulat

ng iba, tinutulungan ng pagbaybay na iwasan ang maling komunikasyon, tinutulungan

ng pagbaybay na maging matalino ang isang tao,ang pagbaybay ay nagpapakita ng

paggalang sa nagbabasa, pinapaganda ng pagbaybay ang reputasyon at kredibilidad ng

isang tao, nakatutulong ang pagbaybay upang maiwasan ang mapahiya, pinapaganda ng

pagbaybay ang mga presentasyon at dokumento, nakakatulong ang pagbaybay upang

maiwasan ang maling gramatika, ginagawang mas madaling mahanap ng pagbaybay ang
21

tamang salita, nakakatulong ang pagbaybay upang kumonekta tayo sa ibang tao, ang

pagbabaybay ay isang mahalagang kasanayan para sa mga manunulat, at ang pagbaybay

ay nakatutulong upang makipagkomunikasyon tayo ng malinaw.

Inilahad sa pag-aaral ni Buendia (2018)na pinamagatang “Ortograpiyang

Pambansa: Pagpapayaman Ng Kakayahan Sa Pagbaybay Ng Mga Mag-Aaral Sa Baitang

6 Sa Rosario West Central Schoolm”Nababawasan ang mga mag-aaral na hindi

makapagbabaybay ng wasto.Kinakailangan ng karagdagang interbensyon sa pagbaybay

upang mapataas pa ang kalidad ng kaalaman ng mga bata sa pagbaybay.Dahil sa pag-

aaral na ito, kinakailangang ang mga gurong tagapayo sa asignaturang Filipino ang

siyang magtuturo ng Ortograpiyang Filipino. Malaki ang maitutulong sa mga bata kung

sa simula pa lamang ay alam na nila ang tamang tuntunin sa pagbaybay.

Batay sa pagsusuri ng datos ng pananaliksik, napag-alaman sa pag-aaral ni

Anggraini (2020) na pinamagatang “Contribution of Vocabulary Mastery on News

Writing Skill”, nakikilala na ang kasanayan sa bokabularyo ay may kontribusyon sa

kasanayan sa pagsulat ng balita. Kaya, ang resulta ng pag-aaral na ito ay may

implikasyon sa pag-aaral ng kasanayan sa pagsulat ng balita. Kung ang kasanayan sa

bokabularyo ay hindi isinaalang-alang sa pag-aaral, hindi magiging maganda ang

pagsulat ng balita ng mga mag-aaral. Kaya, iminumungkahi na dagdagan ang pagiging

sanay sa bokabularyo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-aaral at karanasan.

Kaya, ang mga guro ay bubuo ng mga journalistic vocabulary para sa mga mag-aaral

katulad ng pagdagdag ng takdang-aralin sa pagbabasa.


22

Batay sa nirebyung saliksik nina Best (2017), Verano (2019), at Buendia (2018),

ang pagbabaybay ay isang sining ng wastong pagbuo ng mga salita kaya ito ay

mayroong antas ng kasanayan na may katamtamang antas na kinakailangang may

interbensyon. Ayon naman kina Ali (2023) at Anggraini (2020) na ang pagbabaybay ay

nagpapabuti sa bokabularyo kung kaya, kapag ang kasanayan sa bokabularyo ay hindi

isinaalang-alang sa pag-aaral, hindi magiging maganda ang pagsulat ng balita ng mga

mag-aaral.

Istruktura

Inilahad sa aklat ni Roberts (2016) na, ang balita ay inaayos gamit ang inverted

pyramid style, kung saan ang impormasyon ay ipinakita sa pababang pagkakasunod-

sunod ng kahalagahan. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod na ito ay isang mahusay na

paraan upang ayusin at ibahagi ang impormasyon sa isang mabilis na lipunan.

Samakatuwid, mahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang istilo; isang magandang

paraan para gawin ito ay ang regular na pagbabasa ng mahihirap na balita at bigyang

pansin kung paano nakaayos ang mga lead.

Ang ibang mahalagang aspeto sa estruktura ng isang artikulo ng balita ay

naninigurado na ang kwento ay sumusunod sa lohikal galing sa pangunahing

pamatnubay. Ang mga detalye katulad ng pangalan ng tao, edad at gaano katagal na

silang naninirahan ay mahalaga na mailagay kaagad na sumusunod sa pangungusap ng

lede. (Rogers, 2019)

Ayon kina Telg at Lundy (2021) ang baligtad na piramide ay pinakakaraniwan

na istruktura sa pagsulat ng balita na nakabase sa 5 Ws and 1 H at maayos na lede. Ang


23

katawan ng baligtad na piramide ay nagdadagdag ng mga detalye sa impormasyon na

ibinigay sa lede. Ang katawan ay kinakailangang magbigay ng higit pang impormasyon,

sumusuportang ebidensya, at konteksto sa anyo ng direkta at hindi direktang mga panipi,

dagdag na detalye at iba pang paglalarawan.

Inilahad nina Conklin at Dugger (2022) na ang balita ay naisusulat gamit ang

estilo ng baligtad na piramide sa pamamagitan ng pagtutok sa pagtatag ng 5WS at 1H ay

isang pambungad ng mga linya ng isang balita o artikulo ( ang 5ws: who, what, when,

where, why). Ito ay ang base, o ang ibaba ng piramide na baligtad. Ang kasunod na mga

linya ay nakakadagdag ng detalye na nakakalalim ng pang-unawa sa mga mambabasa

ngunit hindi naman mahalaga para sa pangunahing kaalaman ng isang kwento o

impormasyon bilang kabuuan.

Kung ibubuod ang mga nirebyung artikulo nina Roberts (2016), Rogers (2019),

Telg at Lundy (2021), at Conklin at Dugger (2022) na sa pagsulat ng balita ito ay dapat

nakaayos gamit ang baligtad na piramide at ang istruktura ay sumusunod sa

pangunahing pamatnubay at paggamit ng 5 Ws at 1 H.

Batay sa ebalwasyong isinagawa nina Villanueva at Corpin (2023) sa kanilang

pag-aaral na pinamagatang “Kabuluhan: Paggamit ng pag-uulo ng balita sa

paglalagom”, ang mga suliranin ay ang kahabaan ng binabasa ng mga mag-aaral. Ito ay

nagdudulot ng kawalan ng interes at pag-ayaw nila sa nasabing gawain. Dahilan din ito

kung bakit nababawasan ang pag-unawa o komprehensyon ng mga mag-aaral sa

tekstong binabasa.
24

Batay sa datos na tinipon isang taon na ang nakalipas nina Wismanto, et al.,

(2022) na pinamagatang “ The Students’ News Writing Difficulties Based on Cognitive

Process”, ang pre-writing, drafting, at reviewing ang tatlong yugto ng pagsulat ng

balita. Bilang resulta, maaari nitong matukoy ang kanilang mga hamon sa bawat yugto

ng pagsulat ng balita. Ang paunang pagsulat ay isa sa mga bahagi. Dahil sa kakulangan

ng background na kaalaman sa paksa, naging hamon para sa kanila na pumili ng paksa

para sa kanilang pagsulat ng balita, at pareho ring hamon para sa kanila na makabuo ng

isang paunang konsepto o diskarte bago sila magsimulang magsulat. Dahil kailangan

nilang hanapin ang paksa at ang mga katotohanang kaugnay nito, nahirapan silang

ayusin ang pagsulat ng balita. Bukod pa rito, nahihirapan silang isulat ang mga talata sa

pagsulat ng balita.

Batay sa resulta ng pag-aaral ng mga awtor na sina Villanueva at Corpin (2023)

at Wismanto et al., (2022) na ang mga suliranin sa pagsulat ng balita ayon sa istruktura

ay ang kahabaan na nagdudulot ng kawalan ng interes sa mambabasa, kakulangan sa

kaalaman sa paksa at kahirapan sa pagsulat ng talata.


25

PAGSULAT NG LATHALAIN

Introduksiyon

Sa pagsipat ni Kelly (2019) ibinahagi niya sa The Byline Club na, ang

introduksiyon ay dapat makuha ang atensyon ng mambabasa. Ang isang tampok na

introduksiyon ay kailangang maakit ng sapat ang mambabasa na gusto nilang basahin

ang buong artikulo. Ang pinakamahalagang piraso ng impormasyon sa isang lathalain ay

hindi kailangang nasa introduksiyon dahil hindi ginagamit ang inverted pyramid

structure.

Itinala ni Hill (2023) Ang mga feature lede, kadalasang tinatawag na delayed,

narrative, o anecdotal ledes, ay dapat na malakas at madamdamin, upang maakit ang

mga mambabasa sa kuwento. Maaari itong maging diretso o kasing malikhain hangga't

gusto mo. Samantalang ang mga pinuno ng balita ay nakatuon sa mga katotohanan, ang

5 Ws at H, ang pambungad na talata ng isang feature lede ay nagse-set up ng eksena o

naglalarawan ng isang tao o lokasyon sa matingkad na detalye.

Ayos ang mga nakakaakit na headline. Ayos lang ang mga naki-click na

headline.Ngunit anumang headline na nagbabago sa konteksto ng artikulo (o walang

kinalaman sa teksto), ay nakakalito sa mambabasa. (Coyne, 2020)

Binigyang-diin ni Roberts (2016) na hindi tulad ng tradisyonal na buod ng lead,

ang feature lead ay maaaring ilang pangungusap ang haba, at maaaring hindi agad

ibunyag ng manunulat ang pangunahing ideya ng kuwento. Ang pinakakaraniwang uri

na ginagamit sa mga feature na artikulo ay mga anecdotal na lead at naglalarawang lead.


26

Ang isang anecdotal lead ay dahan-dahang nagbubukas. Hinihikayat nito ang

mambabasa gamit ang isang deskriptibong salaysay na nakatuon sa isang partikular na

menor de edad na aspeto ng kuwento na humahantong sa pangkalahatang paksa.

Sinisimulan ng mga deskriptibong lead ang artikulo sa pamamagitan ng paglalarawan ng

isang tao, lugar, o pangyayari sa matingkad na detalye. Nakatuon sila sa pagtatakda ng

eksena para sa piyesa at gumamit ng wikang pumapasok sa limang pandama upang

makapagpinta ng larawan para sa mambabasa. Ang ganitong uri ng lead ay maaaring

gamitin para sa parehong tradisyonal na balita at tampok na mga kuwento.

Batay sa pagsusuri ni Matrix English Team (2023) ,katulad ng pamagat, ang

pagsulat ng introduksiyon ay kailangang makuha ang atensyon ng mga

mambabasa..Gayunpaman, hindi tulad ng isang salaysay, ang mga pagpapakilala ng

balitang lathalain ay napakaikli hindi ito dapat mas mahaba sa 15% ng isang buong

artikulo. Ito ang isang epektibong pagpapakilala sa mga balitang lathalain: gumawa ng

isang kawili-wili at mapanuksong pambungad na pahayag upang maakit ang atensyon

ng mambabasa, lumikha ng intriga at interes sa pamamagitan ng iyong mga punto o

paghamon sa iyong madla at magbigay ng background na impormasyon tungkol sa

iyong paksa.

Sa bisa ng mga nirebyung saliksik nina Kelly (2019), Hill (2023), Coyne (2020),

Roberts (2016) at Matrix English Team (2023), binigyang-diin nila na ang introduksiyon

sa pagsulat ng lathalain ay kailangang madamdamin o nakakaakit upang makuha ang

atensyon ng mga mambabasa.


27

Batay sa rebyu na isinagawa ni Alcontentfy (2023) kapag nagsusulat ng mga

artikulo, maraming pagkakamali ang maaaring makahadlang sa pagiging epektibo ng

iyong trabaho. Ang isang karaniwang pagkakamali ay ang pagkabigong makuha ang

atensyon ng mambabasa sa pambungad na talata. Ang isa pang pagkakamali ay ang

walang malinaw na istraktura o daloy, na nagpapahirap sa mga mambabasa na sundin.

Ang paggamit ng sobrang kumplikadong wika at jargon ay maaari ding maghiwalay sa

mga mambabasa at gawing hindi gaanong naa-access ang artikulo.

Batay sa ebalwasyong isinagawa nina Santos at Cruz (2020) na pinamagatang

“An Analysis of High School Students’ Challenges in Writing Introductions for News

Feature Articles.” Sa kanilang pagsusuri, tinalakay nila ang mga suliranin na

kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng mga introduksiyon para sa mga artikulo

sa balitang tampok. Ayon sa kanilang mga natuklasan, isa sa mga pangunahing hamon

ay ang kakulangan sa kaalaman sa pagbuo ng mga pangungusap na naglalaman ng

pangunahing ideya sa introduksiyon. Binigyang-diin din nila ang mga aspeto ng estilo at

istruktura ng pangungusap na mahalaga sa pagsulat ng maayos na introduksiyon.

Inilahad sa pag-aaral ni Hafrison (2020) batay sa kasanayan sa pagsulat ng

introduksiyon sa lathalain na pinamagatang “Student Writers’ Academic Essay Writing

Problems: Students’ and Teachers’ Responses” na ang mga natuklasan ay nagpahiwatig

na sa prewriting, ang mga mag-aaral ay nakaranas ng higit na kahirapan sa pagpaplano

ng hindi pamilyar na mga paksa, habang ang mga guro ay tumugon na ang pagbuo ng

mga nauugnay at pare-parehong ideya ay mahirap para sa mga mag-aaral. Sa

pagkakaugnay-ugnay, ang mga mag-aaral at mga guro ay sumang-ayon na ang pagbuo

ng pangunahing pamatnubay sa kumpletong mga talata ay ang mga pangunahing


28

problema para sa mga mag-aaral. Sa pagkakaisa, magkaiba ang tugon ng mga mag-aaral

at guro.

Sa diwa ng mga nirebung saliksik nina Alcontentfy (2023), Santos at Cruz

(2020) at Hafrison (2020), mayroong mga kahirapan o kakulangan sa pagsulat ng

introduksiyon. Ito ay ang pagkabigong makuha ang atensyon ng mambabasa,

kakulangan sa kaalaman sa pagbuo ng mga pangungusap at kahirapan sa pagpaplano ng

hindi pamilyar na mga paksa.

Diskusyon

Ang lathalain ay sumusunod sa isang partikular na format at balangkas. Palaging

may pamagat/ headline, deck, panimula, katawan, at konklusyon. Ang isang magandang

lathalain ay nagkokonteksto sa kuwento upang ito ay maiugnay at kaagad na may

kaugnayan sa mambabasa. Sa isang paraan, ang isang kilalang lathalain na artikulo ay

may pagkakatulad sa isang maikling kwento. Ang kakayahang “i-hook” ang mga

mambabasa sa kwento ay nagpapatuloy sa panimula, o una, na talata. Ang panimula ay

dapat sabihin sa mambabasa kung bakit ang kuwentong ito ay mahalaga o

nagkakahalaga ng kanilang oras. Ang katawan ng tampok ay dapat na hatiin sa mga

seksyon na may iilang mga heading para sa madaling pagsasaayos. Ang konklusyon ay

dapat mag-iwan ng pangmatagalang impresyon sa mambabasa at makapukaw ng ilang

uri ng reaksyon(Kittelstad, 2019)

Ayon kay Qahir (2017), pagkatapos ang paksa at panimulang talata ay nakakuha

ng atensyon sa mambabasa, ang naratibo ay ginagamit upang manghikayat ng


29

mambabasa upang magpatuloy sa pagbabasa. Ang mga kawit ay kaakit-akit na elemento

ng kwento katulad ng aksyon, misteryo, drama o nakakaakit na karakter na sinadya

upang hilahin ang mambabasa patungo sa kwento. Ito ay kumplikadong salaysay na

dumating sa buhay patungo sa makulay na deskripsyon, makahulugan na anekdota at

kaugnay na mga kasabihan.

Binigyang-diin ni Coyne (2020) na dapat sa pagsulat ng lathalain ay kailangan

na malinaw para hindi malito ang mga mambabasa.Ang mga mamamahayag bilang mga

propesyonal na manunulat ay hindi dapat gumamit ng mga hindi totoo na pangalan o

hindi pamilyar na mga acronym.Sa pagsulat ay hindi dapat gumamit ng ilang termino na

maaaring makapagpapawala sa diwa na gustong iparating ng may akda.Ang kadalasang

kamalian sa pagsulat ay kakulangan sa bokabularyo,istruktura,gramatika at

magkakaugnay na salita.Kinakailangang iwasan sa pagsulat ay ang paggamit ng mga

salitang may dalawang kahulugan.

Inilahad sa pag-aaral ni Pratiwi (2016) na binanggit sa pag-aaral nina Pakaya at

Nabu (2022), ang kakulangan sa bokabularyo ay isang kahirapan na natuklasan ng mga

mananaliksik,na ang mga problema na kadalasang kinakaharap ay paano sumulat, ano

ang isusulat, kakulangan sa bokabularyo at kakulangan sa istruktura. Kakulangan sa

gramatika at magkakaugnay na salita ay bahagi sa gramatika at mayroong mahalagang

pagganap sa pagsusulat.

Batay sa buod na kinalabasan sa pag-aaral, ang antas ng kasanayan sa pagsulat

ng lathalain ayon sa diskusyon ay sinang- ayunan ni Misa (2021) na pinamagatang

“Kakayahan sa Panggramatikang Filipino ng mga Mag-aaral ng Grade 9 Laboratory


30

High School ng President Ramon Magsaysay State University”, ang mananaliksik ay

humahantong sa pagbuo ng konklusyon tulad ng mga sumusunod.Ang antas ng

kakayahan ng mga tagatugon sa panggramatikang Filipino ay nakapagtamo ng

“Beginning” sa pagpili ng wastong salita, kayarian ng pangungusap at lohikal na

organisasyon at “Developing” sa wastong gamit ng salita, ayos ng pangungusap, pagbuo

ng pangungusap at mekaniks.Lumalabas na mahina ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagsulat ng isang artikulo/sanaysay lalong lalo na sa paggamit ng mekaniks at lohikal na

organisasyon sa pagsulat.

Sa diwa ng nirebyung saliksik nina Kittelstad (2019), at Qahir (2017),

binigyang-diin nila na kailangan sa diskusyon sa pagsulat ng lathalain ay makuha ang

atensyon ng mga mambabasa. Ngunit napag-alaman sa mga natuklasan nina Coyne

(2020), Pakaya at Nabu (2022)at Misa (2021) na ang mga problema kung bakit hindi

makuha ang atensyon ng mga mambabasa ay dahil sa kakulangan ng kalinawan,

kakulangan sa bokabularyo, istruktura, mekaniks at gramatika.

Organisasyon ng mga ideya

Nakasaad sa aklat ni Roberts (2016) na, ang nilalaman ng isang lathalain ay

hindi kinakailangang ipinapakita bilang isang baligtad na piramide; sa halip, maaaring

depende ang organisasyon sa istilo ng manunulat at anggulo ng kwento. Gayunpaman,

ang lahat ng impormasyon sa isang tampok na artikulo ay dapat ipakita sa isang lohikal

at magkakaugnay na paraan na nagbibigay-daan sa mambabasa na madaling sundin ang

salaysay.
31

Iniisa-isa ni Masuku (2023) sa pagsulat ng lathalain ay kailangan na mayroong

panimula,katawan at konklusyon.Kailangan sa pagsulat ay banggitin ang mga lugar at

pangyayaring nauugnay sa artikulo bilang propare nouns.Mahalaga sa pagsulat na

gumamit ng simple at malinaw na pananalita at kailangan ang lohikal na magkakaugnay

na paraan na nagbibigay-daan sa mga mambabasa upang maintindihan ang artikulong

binasa.

Binigyang-diin ni Alcontentfy (2023) na malaki ang epekto ng mga hindi

organisadong artikulo sa pagiging madaling mabasa. Mas gusto ng mga mambabasa ang

maayos na nilalaman na dumadaloy nang maayos, na ginagawang mas madaling

maunawaan at mapanatili ang impormasyon. Kapag ang mga artikulo ay kulang sa

organisasyon, ang mga pangunahing punto ay nabaon sa mga walang katuturang

detalye, na humahantong sa pagkalito at pagkabigo. Bukod pa rito, madalas na

nagreresulta ang disorganisasyon sa paulit-ulit na impormasyon at hindi pagkakapare-

pareho sa tono at istilo, na nakakaabala sa kabuuang daloy ng artikulo. Pinipigilan nito

ang kakayahan ng mambabasa na maunawaan ang pangunahing mensahe at pinipigilan

ang pakikipag-ugnayan sa nilalaman. Upang mapabuti ang pagiging madaling mabasa,

dapat tumuon ang mga manunulat sa lohikal na pagsasaayos ng kanilang mga artikulo,

gamit ang mga heading, subheading, at malinaw na mga transition upang gabayan ang

mga mambabasa sa teksto.

Sinuri nina Ariyanti at Fitriana (2017) ang kanilang pag-aaral na pinamagatang

“EFL Students’ Difficulties and Needs in Essay Writing”, nakabuo sila ng kongklusyon

na, ang mga problema sa pagsulat ng sanaysay, sa mga tuntunin ng paggamit ng

wastong gramatika sa mga pangungusap, pag-iipon ng mga magkakaugnay at


32

magkakaugnay na talata, at pagpili ng angkop na diksyon. Ang lecturer na nagtuturo ng

paksa ay kinukumpirma din ang mga problema at nangangatuwiran na ang inilalaan na

oras at kondisyon ng silid-aralan ay nakakatulong sa mahinang pagganap ng pagsulat.

Hindi matatawaran ang ambag nina Roberts ( 2016) at Masuku (2023)sa

larangan ng pagsulat ng lathalain, nabanggit nila na hindi na kailangan ang baligtad na

piramide ngunit kinakailangan ang lohikal na magkakaugnay na paraan na nagbibigay-

daan sa mambabasa na madaling sundin ang salaysay at kinakailangan na mayroon itong

simula, katawan at kongklusyon. Gayunpaman, ayon kina Alcontentfy ( 2023) at

Ariyanti at Fitriana ( 2017), kapag ang artikulo ay kulang sa organisasyon, ang mga

pangunahing punto ay nabaon sa mga walang katuturang detalye na hahantong sa

pagkalito o pagkabigo.

Kongklusyon

Ang isang mahusay na pagkakasulat na konklusyon ay nag-uugnay sa paunang

pahayag na inilarawan sa pambungad na talata sa mga sumusuportang punto na

nakakabighani sa mambabasa. Bukod dito, nagbibigay ito sa mga mambabasa ng ibang

pananaw sa isang lumang ideya. Ang bahagi ng konklusyon ay bumabalot sa mga

huling kaisipan at pangunahing punto, na ginagawang malinaw sa mga mambabasa na

naabot na nila ang dulo ng nilalaman. Kung wala ang konklusyon na talata, iniiwan nito

silang nakabitin at wala silang ibibigay na proseso pagkatapos ibuhos ang lahat ng

pagsusumikap sa pagsulat.(Smodin, 2021)

Binigyang-diin ni Pinola (2018), kung ang lede ay sinadya para ma-hook ang

mambabasa at kumbinsihin sila na magpatuloy sa pagbabasa,ang kongklusyon ay


33

sinadya upang maging malinis o maayos ang pyesa upang ang mga mambabasa ay

masiyahan.Bagaman, minsan, may mga pyesa na nakakabitin, parang ang nagastos na

ng isang manunulat ang kanyang enerhiya sa laman ng pyesa at wala ng natira na silid

para makabuo ng kongklusyon.

Ayon kay Qahir (2017), pagkatapos ang paksa at panimulang talata ay nakakuha ng

atensyon sa mambabasa, ang naratibo ay ginagamit upang manghikayat ng mambabasa upang

magpatuloy sa pagbabasa. Ang mga kawit ay kaakit-akit na elemento ng kwento katulad ng

aksyon, misteryo, drama o nakakaakit na karakter na sinadya upang hilahin ang mambabasa

patungo sa kwento. Ito ay kumplikadong salaysay na dumating sa buhay patungo sa makulay na

deskripsyon, makahulugan na anekdota at kaugnay na mga kasabihan.

Hindi matatawaran ang ambag ni Smith at Jones (2020) sa kanyang pag-aaral na

pinamagatang “Challenges in Crafting Effective Conclusions in Academic Essays”na

ang mga karaniwang paghihirap na nararanasan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng

kongklusyon sa mga akademikong sanaysay. Napag-alaman na ang ilang salik na nag-

aambag sa hindi epektibong mga kongklusyon, katulad ng hindi sapat na pag-unawa sa

istruktura ng sanaysay, kawalan ng kalinawan sa layunin ng kongklusyon, at hindi sapat

na sintesis ng mga pangunahing punto. Ang mga may-akda ay nagbibigay ng mga

rekomendasyon para sa pagtugon sa mga hamong ito, kabilang ang tahasang pagtuturo

sa mga estratehiya sa pagsulat ng kongklusyon at mga pagkakataon para sa pagsasanay

at pagpuna.

Inilahad sa pag-aaral ni Kochubei (2021) na pinamagatang “Challenges of

Writing Academic Essays and Ways of Overcoming them”,na ang gawain sa isang

akademikong sanaysay ay nangangailangan ng pagbuo ng tatlong uri ng mga kakayahan


34

- metalinguistic, komunikasyon at kakayahan sa diskurso. Ang mga kahirapan sa

pagsulat ng mga sanaysay ay lumilitaw kapag ang mga mag-aaral ay hindi nakilala ang

mga mahahalagang katangian ng teksto - pagkakaisa at pagkakaugnay ng teksto,

pagiging informative at modality. Ang kakulangan ng malalim na pagsusuri ng paksang

pinag-aaralan, mababaw na konklusyon at mahinang kasanayan sa analitikal ay

nagreresulta sa paggawa ng one-dimensional, linear na teksto. Ang pangunahing paraan

ng paglutas ng problemang ito ay ang paggawa ng lohikal at istruktural na pamamaraan,

- isang balangkas, bago simulan ang pagsulat ng teksto.

Sa diwa ng mga nirebyung saliksik nina Smodin (2021), Pinola (2018), Qahir

(2017),at Smith at Jones (2020) ang kongklusyon ay sinadya upang malinis o maayos

ang pyesa upang ang mga mambabasa ay masiyahan kaya ang naratibo ay ginagamit

upang manghikayat ng mambabasa upang magpatuloy sa pagbabasa,ito ay nag-uugnay

sa paunang pahayag na inilarawan sa pambungad na talata kaya kung wala ang

kongklusyon iniiwan nito nang nakabitin at walang ibibigay na proseso pagkatapos

ibuhos lahat ng pagsusumikap sa pagsulat. Napag-alaman na ang ilang salik na nag-

aambag sa hindi epektibong mga kongklusyon, katulad ng hindi sapat na pag-unawa sa

istruktura ng sanaysay, kawalan ng kalinawan sa layunin ng kongklusyon, at hindi sapat

na sintesis ng mga pangunahing punto.

Mekaniks

Inilahad ni Macmillan (2020) na ang bantas ay nakakatulong sa paghatid ng

tiyak na kahulugan ng isang pangungusap at sa katunayan ay maaari pa ngang baguhin

ang kahulugan. Tulad ng bantas, nakakatulong ang kapitalisasyon sa paghahatid ng


35

impormasyon. Ang unang salita ng bawat pangungusap ay naka-capitalize, na

nagpapahiwatig na ang isang bagong pangungusap ay nagsimula na. Mahalaga ang

gramatika dahil nagbibigay ito ng impormasyon na nakakatulong sa pag-unawa ng

mambabasa. Ito ang istruktura na naghahatid ng tiyak na kahulugan mula sa manunulat

sa madla.

Batay sa pagsusuri ni Bryant et al., (2017), ito ang ilan sa mga pinakaraniwang

pagkakamali na nakikita naming sa pagsusumite sa aming mga buwanang paligsahan:(1)

Pagkalimot sa oxford comma. Bilang isang taong mahilig sa lahat ng bagay na

panitikan, ang panuntunang ito sa istilo ng AP ay nagpapalungkot sa akin. Ngunit ang

estilo ng AP ay umiiwas sa paggamit ng Oxford comma. Kaya, kapag nagsusulat ka

tungkol sa isang serye ng mga kaganapan, huwag maglagay ng kuwit bago ang at/o.(2)

Sumulat bilang pangatlong tao.

Ayon kay Coyne (2020) ,ang pagsulat ng lathalain ay may mga pagkakamali.

Ang mga pagkakamaling ito ay pagbabaybay. Ang mga error na ito ay maaari ding

maging mga error na nakakaapekto sa katumpakan (at perception) ng balita. Ang mga

pagkakamali ay mapanganib katulad ng paggamit ng maling pagbabaybay sa pangalan

ng tao, lugar o kumpanya. Posibleng hindi propesyonal ang pagkuha ng mga pangalan

sa isang artikulo na naging dahilan ng kawalan ng tiwala at interes sa mga mambabasa.

Binigyang-diin ni Alcontentfy (2023) ang hindi pag-back up ng mga claim at

pahayag na may maaasahang pananaliksik o mga mapagkukunan ay maaaring makasira

sa kredibilidad ng artikulo. Panghuli, ang pag-overlook sa mga error sa grammar at


36

spelling ay maaaring makabawas sa pangkalahatang kalidad at propesyonalismo ng

piraso.

Sa case study ni Chowdhury ( 2015) hinggil sa “Exploration of Students’

Writing Problems.” natuklasan na sa isang sulatin, ang kadalasang pagkakamali ay

pagbabaybay dulot ng masamang sulat-kamay.Ang ilan sa mga mag-aaral ay nagbigay

ng hindi kaugnay na impormasyon at mga hindi kumpletong pangungusap na walang

kabuluhan sa pagsulat ng tala dahilan na mayroon silang kapansanan o wala silang

kakayahan sa paggawa ng magandang sulatin. Kadalasan sa pagsusulat, hindi sila

gumagamit ng sariling ideya at pagkamalikhain.Isa sa mga dahilan sa likod ng patuloy

na mga problema sa pagsulat ng mga mag-aaral ay ang feedback. Ang mga feedback ng

guro ay hindi tumpak at motivational. Hindi sila nagkokomento sa kalidad ng pagsulat at

hindi itinatama ang mga pagkakamali sa pagsulat na kinakailangang bigyang

solusyon.Ito ang naging dahilan kung bakit walang alam ang mga mag-aaral sa kanilang

problema.

Sa bisa ng nirebyung saliksik ni Macmillan (2020), ang bantas ay nakatutulong

sa paghatid ng tiyak na kahulugan ng isang pangungusap. Nangangailangan ng bagong

saliksik sa pagsulat ng mekaniks sapagkat ayon nina Bryant et al.,(2017), Coyne (2020),

Alcontentfy (2023) , at Chowdhury (2015),na mayroong mga pagkakamali sa

pagsusulat na naaayon sa mekaniks at ito ay ang pagkalimot sa oxford comma, maling

spelling na maaaring makaapekto sa katumpakan, ang hindi pagpansin sa mga

pagkakamali sa gramatika at pagbaybay ay maaaring makabawas sa pangkalahatang

kalidad at propesyonalismo, maling paggamit ng salita,


37

Natuklasan sa pag-aaral ni Alisha et al., (2019) na pinamagatang “Students’

Difficulties in Writing” ang pinakamakabuluhang mga problema sa pagsulat ay dahil sa

kanilang kakulangan ng kaalaman sa bokabularyo at wika na ginagamit. Ipinapalagay

nila na sila ay may limitadong kaalaman sa pagbuo ng pangungusap ayon sa gramatika

at gayundin ang kawalan ng kasanayan sa bokabularyo ay nagdulot sa kanila ng

pagkalito sa pagpili ng salita. At saka, nagkaroon din sila ng problema sa pagbaybay.

Madalas silang nag-aalangan sa pagsulat ng salita at ipinapalagay na hindi sapat ang

kanilang pagbabaybay.

Natuklasan sa pag-aaral ni Kochubei (2021) na pinamagatang “Challenges of

Writing Academic Essays and Ways of Overcoming them” ang mga kategorya sa

problema ng pagsulat ay sumasaklaw sa leksikal at pangkakanyahan, gramatika at mga

pagkakamali sa pagbabaybay. Ang pagsulat ng sanaysay ay nagpapahiwatig ng

pagsunod sa mga pamantayan ng wika, gramatika at katumpakan ng istilo. Ang regular

at hakbang-hakbang na gawain sa pagsulat ng akademikong sanaysay ay nagtataguyod

ng pag-unlad ng mga kasanayan sa akademikong literasiya, sanayin ang analytical at

metalinguistic na mga kasanayan, humuhubog ng personalidad, may kakayahang mag-

isip nang kritikal at magsalita ng mga ideya.

Inilahad ni Sulaiman et al., (2023) sa kanilang pag-aaral na pinamagatang

“Undergraduate Students’ Self-Perceived Difficulties in Academic Writing” ang mga

natuklasan ay nagpapakita na karamihan sa mga mag-aaral ay nakararanas ng mga

kahirapan sa akademikong pagsulat na gramatika, pagpili ng salita, at organisasyon o

hindi makatwirang pagkakasunud-sunod.Mahihinuha na ang mga pangunahing

kahirapan sa pagsulat ay kinapapalooban ng mga kumplikadong mekanismo na


38

makakaapekto sa mga mag-aaral sa mabisang pagsusulat. Inirerekomenda na bigyang-

diin ng mga tagapagturo ang mga angkop na estratehiya sa pagsulat na kinabibilangan

ng mga mekanika ng pagsulat.

Magkatulad ang naging resulta ng pag-aaral nina Alisha et al., (2019), Kochubei

(2021), at Sulaiman et al., (2023) ,na ang kadalasang kamalain sa pagsulat ay ang

kakulangan sa kaalaman sa bokabularyo at wika na ginagamit, problema sa

pagbabaybay, pagpili ng salita, problema sa bantas at kapitalisasyon.

Wastong gamit

Ayon kay Cook (2023), ang istruktura ng pangungusap ay tumutukoy sa pisikal

na katangian ng isang pangungusap at kung paano ipinakita ang mga element ng

pangungusap na iyon. Tulad ng pagpili ng salita, dapat magsikap ang mga manunulat na

pag- iba-ibahin ang kanilang ayos ng pangungusap upang makalikha ng maindayog na

prosa at panatilihing interesado ang kanilang mambabasa. Ang mga pangungusap na

nangangailangan ng pagkakaiba-iba ay madalas na umuulit ng mga paksa, haba o uri.

Inilahad ni Coyne (2020) na dapat malaman ng isang mambabasa kung ano ang

itinutukoy ng may-akda sa lahat ng oras.Kapag gumagamit ng mga kasabihan o idyoma

sa isang lathalain, kailangang alamin ang etimolohiya o kahulugan nito sapagkat ang

maling paggamit ay magdudulot ng kalituhan at negatibong epekto sa mga mambabasa.

Iniisa-isa ni Novariana et al., (2018) sa kanyang pag-aaral na pinamagatang

“Senior High School Students’ Problems in Writing: A Preliminary Study of


39

Implementing Writing E-Journal As Self Assessment To Promote Students’ Writing

Skill” natuklasan na may kaugnayan sa mababang kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagsulat. May mga panloob na mga problemang nagmula sa mga mag-aaral, katulad ng:

1) mababang motibasyon sa pag-aaral ng wika, 2) kahirapan sa pagpili ng mga angkop

na salita sa pagsulat, 2) kakulangan ng bokabularyo, 3) kahirapan sa pagsaayos ng mga

salita na may angkop na pagkakasunod-sunod, 4) kahirapan sa pagbaybay ng mga salita,

5) kahirapan sa pagsulat ng mga pangungusap sa angkop na gramatika, at 6) ang

pagkahilig sa pagiging passive na mag-aaral sa mga aktibidad sa silid-aralan. Ang mga

panlabas na problema ay nagmumula sa mga mag-aaral ay: 1) ang kakulangan ng

pagsasanay, at 2) walang feedback sa kanilang pagsulat.

Napatunayan sa pag-aaral ni Putri (2021) na pinamagatang “An Analysis of

Students’ Problems in Writing Paragraph at the Eleventh Grade of Vocational High

School 4 Jambi City” na ang mga suliraning naranasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng

talata ay ang kakulangan sa bokabularyo, kahirapan sa pagsamahin ang mga salita sa

mga pangungusap ng talata, mababa mastery of grammar, at ang katamaran magtanong

sa guro habang nag-aaral sa paaralan. Dahil ang magandang interaksyon sa pagitan ng

mga mag-aaral at guro ay ang mahalagang bagay sa pag-aaral ng pagsulat ng talata. May

apat na indicator na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsulat ng talata hirap maghanap

ng ideya para gumawa ng content/ topic sentence, mababang mastery ng pagsasaayos ng

talata, hindi alam ng mga mag-aaral nang tama ang gramatika, at hindi naiintindihan ng

mga mag-aaral ang mekaniko sa pagsulat ng talata.

Sa case study nina Bulqiyah et al., (2020) hinggil sa “Investigating writing

difficulties in essay writing: Tertiary students’ perspectives ”, ang mahalagang aspeto ng


40

pagsulat ay ang linggwistika ngunit mayroong mga kahirapan ang mga mag-aaral sa

pagsulat, ito ay nagsasangkot ng lexico-grammatical competences. Ang problema sa

kasanayan sa bokabularyo ay isang mahalagang aspeto ng mga mag—aaral.Gayundin,

kinukumpirma ng mga mag-aaral ang kahirapan habang ang pagsulat ng isang sanaysay

ay pagbubuo ng mga sanaysay mula sa mga talata at mga talata mula sa mga

pangungusap.

Hindi matatawaran ang ambag ni Cook (2023) sa wastong gamit dahil ayon sa

kanya ang wastong gamit ay isang pisikal na katangian ng isang pangungusap at kung

paano ipinakita ang mga elemento ng pangungusap.Gayunpaman, natuklasan nina

Coyne (2020), Novariana el al., (2018), Putri (2021), at Bulqiyah el al., (2020) ang mga

kadahilanan sa hindi wastong gamit ng mga salita at pangungusap. Ang mga nabanggit

sa resulta ay malabong panghalip, hindi tumpak o bahagyang pagsipi, mababang

motibasyon sa pag-aaral ng wika, kakulangan sa bokabularyo, kahirapan sa pagsasaayos

ng mga salita, pagbaybay ng mga salita, kakulangan sa pagsasanay, walang pagpupuna

sa kanilang pagsulat, at walang lexico-grammatical competencies.


41

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Makikita sa kabanatang ito ang pamamaraang ginamit sa pagtitipon ng mga

datos at impormasyon na nakatutulong sa paglutas ng mg suliraning napapaloob. Ito ay

tumatalakay sa disenyo at pamamaraan ng pag-aaral, lugar ng pag-aaral, respondente ng

pag-aaral, instrumento ng pag-aaral, balidasyon ng instrumento, etikal na konsiderasyon,

paraan ng pangangalap ng datos at estadistikal na pagsusuri ng datos.

Pamamaraan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay ginamitan ng kwantitatibong pamamaraan na nasa

deskriptibong uri ng sarbey. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga instrumentong

obserbasyon, pakikinayam, at nagbigay ng sariling gawang talatanungan at rubriks na

ipinabalido sa mga eksperto. Ginamit din sa pag-aaral ang Percentage, Weighted Mean

at Chi-Square sa pagsusuring estadistika para matukoy ang resulta ng pag-aaral. Ang

Percentage Computation ay ginamit sa pagtukoy sa propayl ng mga respondente.

Samantala, ang Weighted Mean ay ginamit sa pagtukoy sa antas ng kaalaman sa


42

pagsulat ng pampahayagang pangkampus at ang Chi-Square naman ay ginamit upang

malaman kung mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang demograpikong propayl

ng mga respondente at ang antas ng kaalaman sa pagsulat ng pampahayagang

pangkampus ng mga repondente. Ang ginamit sa pagtukoy ng populasyon ng mga

respondente ay purposive sampling. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang

disenyong ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos.

Unstructured Interview

Gabay na tanong para sa mga gurong tagapayo:

1. Anong uri ng balita ang kadalasang nahihirapan ang mag-aaral sa pagsulat?

2. Sa isinulat na balita ng mga mag-aaral, ano-ano ang kadalasang kamalian nila sa

pagsulat?

3. Sa pagsulat ng lathalain, ano-ano ang kadalasang kamalian sa kanilang pagsulat?

Gabay na tanong para sa mga mag-aaral:

1. Ano-ano ang inyong best practices sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus?

2. Mayroon ba na mga programa na inyong isinagawa o nagkaroon ba kayo ng

paligsahan sa pagsulat ng pampahayagan sa loob ng inyong kampus?

3. Kapag nagsusulat ka ng balita, ano-ano ang kadalasang pagkakamali mo sa

pagsulat nito?

4. Kapag nagsusulat ka ng lathalain, sa anong bahagi ka nahihirapan sa pagsulat?

Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay binibigyang diin ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng

pampahayagang pangkampus sa mga piling pampublikong paaralang sekondarya. Taong


43

Panuruan 2023-2024, Unang Semestre. Ang pananaliksik ay isinagawa sa loob ng

pamantasan ng mga paaralan sa sekondarya.

Ang unang paaralang sekondarya na saklaw ng pag-aaral ay ang Cogon National

High School na matatagpuan sa Cogon, Dipolog City, Zamboanga del Norte. Isa ang

paaralang ito na mayroong pampahayagang pangkampus. Batay sa isinagawang interbyu

ng mga mananaliksik, napag-alaman na mayroong mga paligsahang ginagawa sa loob

ng kampus upang mas mapahusay ang pagsulat ng mga artikulo. Ang best practices ay

tuwing biyernes, nagpapasa ang mga mag-aaral ng artikulo base sa topic na ibibigay ng

kanilang gurong tagapayo. Ang kadalasang pagkakamali ng mga mag-aaral sa pagsulat

ay ang istruktura sa pagsulat ng balita at para naman sa pagsulat ng lathalain ay ang

pagpili ng angkop na paksa, kapag walang katiyakang kaalaman na ibinigay at

pagkakalap ng datos.

Ang pangalawang paaralang sekondarya na saklaw ng pag-aaral ay ang Dipolog

City National High School na matatagpuan sa F. Lacaya St., Barra, Dipolog City. Batay

sa isinagawang interbyu, napag-alaman na ang best practices sa pagsulat ng

pampahayagang pangkampus ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng artikulo na

nakatutulong sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pamamaraan sa pagsulat ng

pahayagan, pagsusulat tungkol sa mga bagong isyu bilang pagsasanay sa pagsulat ng

tamang gramatika. Dagdag pa rito, bawat manunulat ay aatasan kung anong kategorya

sila magaling o bihasa. Bawat isinusulat na artikulo ay ginagabayan at sinusuri ito ng

gurong tagapayo. Nagsasanay din sila sa pagsusulat sa kani-kanilang tahanan upang mas

mapahusay pa ang kanilang pagsusulat. Sa loob ng kampus, mayroon silang program

ana tinatawag na “Ang Layag” na binubuo ng mga mag-aaral na nagsusulat ng


44

pampahayagang pangkampus. Sa pagsulat ng balita, kadalasang pagkakamali nila ay

gramatika at istruktura. Sa pagsulat naman ng lathalain, ay pagbuo ng paksa at

introduksiyon.

Ang pangatlong paaralang sekondarya na saklaw ng pag-aaral ay ang Sinaman

Integrated School na matatagpuan sa Pagadian Road, Dipolog City, Zamboanga del

Norte. Batay sa isinagawang interbyu, napag-alaman na ang best practices sa pagsusulat

ng pampahayagang pangkampus ay pagbabasa ng maigi sa paksa na ibinibigay.

Mayroon silang programang audition para sa mga mag-aaral na gustong sumali bilang

manunulat ng pamahayagan. Ang kadalasang pagkakamali sa pagsulat ng balita ay ang

gramatika, pagbaybay at pamatnubay. Sa pagsulat ng lathalain naman, ay sa bahaging

introduksiyon at konklusyon, dahil minsan hindi makuha ang konklusyon na katugma sa

introduksiyon at pagbuo ng mga panakaw pansin na mga salita.

Ang respondente ng pananaliksik ay mga piling mag-aaral ng Cogon National

High School, Dipolog City National High School at Sinaman Integrated School, upang

isagawa ang pagsagot sa sariling gawang sarbey- kwestyuner. Kaya ito ang piling mga

paaralan dahil ito ay suhestiyon ng eksperto sa mga mananaliksik at upang masuri ang

kasanayan sa pagsulat ng balita o lathalain ng mga mag-aaral.


45
46

Figura 2. Mapa ng Cogon National High School

Pinagkukunan: Cogon National High School -School Principal’s Office


47

Figura 3. Mapa ng Dipolog City National High School

Pinagkukunan: Dipolog City National High School -School Principal’s Office


48

Figura 4. Mapa ng Sinaman Integrated School

Pinagkukunan: Sinaman Integrated School -School Principal’s Office

Respondente ng Pag-aaral

Ang mga piling respondente sa pananaliksik na ito ay natukoy sa

pamamagitan ng purposive sampling na mula sa iba’t-ibang pampublikong paaralang

sekondarya ng mga piling mag-aaral ng Cogon National High School, Dipolog City

National High School at Sinaman Integrated School.Ang mga piling respondente ay mga

manunulat sa pampaaralang pamahayagan. Bawat paaralan ay mayroong target na

bilang ng respondente na sampu (10), kaya sa kabuuan ay tatlumpu (30) ang magiging

target na bilang ng respondente sa pag-aaral.Subalit, ang aktwal na bilang ng

respondente sa Cogon National High School at Dipolog City National High School at

pito (7) habang ang Sinaman Integrated School ay sampu (10) kaya sa kabuuan,

dalawampu’t apat (24) ang aktwal na bilang ng respondente. Ang piling respondente ng

pananaliksik ay mga manunulat ng pampahayagang pangkampus sa mga nabanggit na

paaralan sapagkat ang mga mag-aaral na ito ay mayroong mga problema o nahihirapan

sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus.


49

Talahanayan 1. Respondente ng Pag-aaral

Respondente Target na Bilang ng Aktwal na Bilang ng


Respondente Respondente
Cogon National High 10 7
School
Dipolog City National 10 7
High School
Sinaman Integrated 10 10
School
Kabuuan 30 24

Instrumento ng Pag-aaral

Ang mga instrumento ng pananaliksik na ito ay ginamitan ng talatanungan,

obserbasyon at pakikipanayam sa pangangalap ng datos mula sa mga respondente.

Ang unang bahagi ng talatanungan ay ginamitan ng checklist format tungkol sa

demograpikong propayl ng mga respondente ayon sa edad, kasarian, antas ng baitang at


50

para naman sa gurong tagapayo ng pampahayagang pangkampus ay nilagyan lamang ng

patlang upang maisulat ng mga respondente ang tiyak na pangalan ng guro.

Ang ikalawang bahagi ng kwestyuner patungkol sa antas ng kasanayan sa

pagsulat ng pampahayagang pangkampus batay sa pagsulat ng balita at pagsulat ng

lathalain na kinakapalooban sa pagsukat ng kasanayan. Ang ginamit na sarbey

kwestyuner sa pagsulat ng balita ay mula sa Pamahayagang Pangkampus ng JRMSU-

“Ang Bagong Pananaw” at ang rubriks ay mula kina Aba-a et al., (2023) at Crsytal’s

Creation (2023). Ang ginamit naman na sarbey kwestyuner sa pagsulat ng lathalain ay

mula sa Inquirer.net (2023) at ang rubriks ay mula kina Sescon (2020) at Messamore

(2023). Ang mga nabuo na talatanungan ay kaugnay sa pagsukat ng antas ng kasanayan

ng mga mag-aaral sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus. Ang sarbey kwestyuner

na nabuo ay pinasagutan sa mga piling mag-aaral sa loob ng pampublikong paaralang

sekondarya ng Cogon National High School, Dipolog City National High School at

Sinaman Integrated School.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng obserbasyon upang malaman kung

angkop ang mga mag-aaral na sasagot sa talatanungan. Nag-obserba ang mga

mananaliksik sa lugar kung saan matatagpuan ang mga paaralang mayroong

pampaaralang pamahayagan na kinabibilangan ng mga mag-aaral na nagsasanay sa

pagsulat ng balita at lathalain.

Balidasyon ng Instrumento ng Pag-aaral

Ang distribusyon ng instrumentong ginamit ay idinaan sa maingat na pagsusuri

ng tagapayo at sa lupon ng mga eksperto upang matiyak ang kaangkupan at baliditi nito.
51

Lahat ng mga suhestiyon at rekomendasyon ay maingat na isinama sa pagbuo ng

instrumento. Ang instrumentong nabuo ay muling idinulog sa lupon ng mga tagasuri

para sa karagdagang suhestiyon. Itinala ang mga nabanggit na suhestiyon at muling

idinagdag sa pinal na kopya na siyang ginawang instrumentong ginamit sa ginawang

pananaliksik. Ang Certificate of Validation (Apendiks F) ay isinaalang-alang ng

mananaliksik upang mas mapatibay ang baliditi ng instrumento. Ang pagmamarka ng

awtput ay sa pamamagitan ng balidasyon sa tulong na tatlong tagahatol o eksperto gamit

ang rubriks sa pagsulat ng artikulo ng balita at lathalain.

Etikal na Konsiderasyon

Ang pananaliksik na ito ay nagbigay ng etikal na konsiderasyon sa mga kalahok.

Lahat ng mga personal na impormasyon ng mga kalahok ay itinuring na kumpidensyal

at nanatiling lihim sa buong pag-aaral. Ipinaliwanag ng mananaliksik ang layunin ng

pananaliksik na ito sa mga kalahok at ipinaalam ng mga mananaliksik sa mga kalahok

na ang pagiging kompidensyal ay mananatili, at ang kanilang pagkakakilanlan ay

mananatiling hindi nagpapakilalang pangalan. Upang matiyak ang mga pamantayang

etikal para sa pagsasagawa ng pag-aaral, ang mga mag-aaral ay hindi sapilitan bagkus ay

pakikiusapan na maingat na basahin ang liham pahintulot bago sila sumang-ayon sa

maging respondente ng pananaliksik at titiyakin ng mananaliksik na ang mga

makukuhang mga datos mula sa mga respondente ay mananatiling kumpidensyal at ang

kanilang mga sagot ang magsisilbing datos na gagamitin sa pagbuo ng pananaliksik.

Ang pananaliksik na ito ay purong gawa ng mananaliksik. Sinisigurado ng

mananaliksik na nagbigay ng konsiderasyon sa mga may-akda ng mga literaturang

ginamit sa pagpapatibay ng pag-aaral na ito. Isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang


52

pagbigay ng kredito sa kanilang mga likha. Panghuli, sinigurado ng mananaliksik na

walang anumang binago sa mga nakalap na datos at iniwisan ang anumang pandaraya sa

paggawa ng pag-aaral na ito.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ay naglahad ng Work Plan o GAANT Chart para sa

isinagawang pangangalap at pagkolekta ng datos na naglalaman ng mga gawain, petsa,

at mga kinauukulang may kaugnayan sa pag-aaral hanggang sa pangongolekta ng datos.

Ang sarbey kwestyuner ay ipinabalido sa mga eksperto. Pagkatapos masuri at

malagdaan ang Certificate of Validation, gumawa ang mga mananaliksik ng liham

pahintulot sa dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon upang masimulan ang paghingi ng

permiso sa Schools Division Superintendent.

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos ayon sa itinakdang petsa at oras na

nakapaloob sa Workplan (Apendiks B.Schedule of Deliverables). Bago isinagawa ang

pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay gumawa muna ng liham pahintulot para

sa paghingi ng permiso sa mga kinauukulan.


53

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng Parent’s Consent at letter of approval para

sa School’s Division Research Committee Chair bago pumunta sa Schools Division of

Dipolog City.

Naaprubahan ang liham para sa School’s Division Research Committee Chair

noong Nobyembre 7, 2023 at pagkatapos, isinumite ng mga mananaliksik ang

manuskrito sa School’s Division Superintendent at nag-iwan ng contact number at

pinayuhan na maghintay lamang sa tawag o mensahe na ipapadala.Naaprubahan ang

liham noong Oktubre 27, 2023 at nagpadala ang mga mananaliksik ng soft copy sa

Kabanata 1-3 sa mismong gmail account ng Schools Division Research Committee

Chair upang makapagsimula na sa pagpangalap ng datos.

Ang mga mananaliksik ay sumakay ng motorsiklo ng tatlumpung (30) minuto

papunta sa Cogon National High School at pagkatapos, humingi ng permiso sa punong-

guro noong Enero 8, 2024 at nagsarbey pagkatapos mapirmahan ang liham. Unang

pinuntahan ng mga mananaliksik ang gurong tagapayo ng pampahayagang pangkampus.

Tinipon ng gurong tagapayo ang sampung (10) manunulat ng pampahayagang

pangkampus at hinayaan ang mga mananaliksik na magpakilala sa harap ng mga

kalahok. Pagkatapos magpakilala ng mga mananaliksik ay ibinigay sa mga kalahok ang

sarbey kwestyuner at nagkaroon ng oryentasyon bago magsimula ang mga kalahok sa

pagpirma sa liham at pagsagot. Humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik upang

kunan ng dokumentasyon ang mga kalahok habang nagsusulat at nagpakuha rin ng

litrato ang mga mananaliksik kasama ang gurong tagapayo. Natapos ang pagsulat sa

itinakdang oras na tatlumpung minuto (30 minutes) bawat kategorya at kinolekta ng mga

mananaliksik ang isinulat na balita at lathalain ng mga kalahok.Ngunit, mayroong


54

tatlong (3) kalahok ang hindi nakatapos sa pagsulat ng lathalain. Nagbigay ang mga

mananaliksik ng snacks sa mga kalahok. Nagpasalamat ang mga mananaliksik sa mga

kalahok, gurong tagapayo, at punong-guro bago magpaaalam.

Ang mga mananaliksik ay sumakay ng motorsiklo ng labinlimang minuto (15

minutes) papunta sa Sinaman Integrated School sa parehong petsa Enero 8, 2024 at

nagpapirma ng liham pahintulot sa punong-guro. Ang punong-guro ay nagtakda ng petsa

at oras sa pangangalap ng datos ng mga mananaliksik. Ang petsa ng pangangalap ng

datos ay Enero 12, 2024 sa takdang oras na 8:00-12:00 pm. Sa itinakdang petsa at oras,

isinagawa ng mga mananaliksik ang pagpapasagot ng sarbey kwestyuner. Humingi ng

pahintulot ang mga mananaliksik sa punong-guro upang magsimula sa pangangalap ng

datos at pati na rin sa pagkuha ng larawan sa mapa ng paaralan. Ang gurong tagapayo

ang nagtipon sa sampung (10) kalahok ng pag-aaral sa isang silid. Pagkatapos

magpakilala ng mga mananaliksik ay ibinigay sa mga kalahok ang sarbey kwestyuner at

nagkaroon ng oryentasyon bago magsimula ang mga kalahok sa pagpirma sa liham at

pagsagot. Humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik upang kunan ng

dokumentasyon ang mga kalahok habang nagsusulat. Natapos ang pagsulat sa

itinakdang oras na ibinigay ng punong-guro at kinolekta ng mga mananaliksik ang

isinulat na balita at lathalain ng mga kalahok. Nagbigay ang mga mananaliksik ng

snacks sa mga kalahok at pagkatapos, nagpasalamat ang mga mananaliksik sa mga

kalahok, gurong tagapayo, mga guro at punong-guro bago magpaaalam.

Ang mga mananaliksik ay sumakay ng trisiklo ng sampung minuto (10 minutes)

papunta sa Dipolog City National High School noong Enero 9, 2024 at nagpapirma sa

punong-guro sa liham pahintulot. Ang punong-guro ay nagtakda ng petsa at oras sa


55

pagsasagawa ng sarbey ng mga mananaliksik. Isinagawa ng mga mananaliksik ang

pangangalap ng datos noong Enero 10, 2024 sa takdang oras na 8:00 am- 12:00 pm.

Bago magpaalam, humingi ng permiso ang mga mananaliksik na kunan ng litrato ang

mapa ng paaralan. Sa itinakdang petsa at oras, isinagawa ng mga mananaliksik ang

pagpapasagot ng sarbey kwestyuner.Pinayuhan ng punong-guro ang mga mananaliksik

na puntahan ang gurong tagapayo ng pampahayagang pangkampus at sinamahan ng

guwardiya ang mga mananaliksik papunta sa silid-aralan ng gurong tagapayo. Ang

gurong tagapayo ang nagtipon sa pitong (7) kalahok ng pag-aaral sa isang silid.Sampu

sana ang mga manunulat ng pamahayagang pangkampus ngunit ang iilan ay liban sa

klase. Pagkatapos magpakilala ng mga mananaliksik ay ibinigay sa mga kalahok ang

sarbey kwestyuner kasama ang dalawang bondpaper at nagkaroon ng oryentasyon bago

magsimula ang mga kalahok sa pagpirma sa liham at pagsagot. Humingi ng pahintulot

ang mga mananaliksik upang kunan ng dokumentasyon ang mga kalahok habang

nagsusulat at nagpakuha rin ang mga mananaliksik ng larawan kasaman ang gurong

tagapayo. Ang limang kalahok ay natapos pagkatapos ang tatlong oras na paghihintay at

kinolekta ng mga mananaliksik ang isinulat na balita at lathalain ng mga kalahok habang

ang dalawang kalahok ay hindi natapos sa itinakdang oras kaya binalikan ito ng mga

mananaliksik sa oras na 1:00 pm. Nagbigay ang mga mananaliksik ng snacks sa mga

kalahok at pagkatapos, nagpasalamat ang mga mananaliksik sa mga kalahok, gurong

tagapayo, at punong-guro bago magpaaalam.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu sa mga naging kalahok sa

pamamagitan ng chat gamit ang Facebook messenger upang mas balido ang resulta ng

pag-aaral. Pagkatapos makuha ang mga datos ay gumawa ang mga mananaliksik ng
56

talahanayan, inimprenta ang mga isinulat na balita at lathalain ng bawat kalahok at

binigyan ng kopya ang tatlong tagahatol para sa pagbibigay marka. Nakuha ng mga

mananaliksik ang resulta at isinagawa ang pagsusuring estadistikal sa tulong ng

eksperto.

Pagsusuring Estadistikal

Ang datos na nakuha mula sa mga tugon ng mga respondente sa pamamagitan ng

talatanungan ay pinag-uri-uri, itinala, inilagay sa isang katanungan , at nilapatan ng

istatistika nang sa gayon ay malaman ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng

pampahayagang pangkampus sa mga piling pampublikong paaralang sekondarya.

Ang mga sumusunod ay mga kasangkapan sa istadistika na ginamit sa pagbibigay

kahulugan sa mga datos na nakalap sa kasalukuyang pag-aaral na ito:

1. Para matukoy ang propayl na mga respondente, ginamit ang simpleng posyento.

f
Pormula: P= x 100
N

Na kung saan: P=percentage

F=frequency

N=kabuuang bilang ng mga respondente

2. Para matukoy ang kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus batay

sa pagsulat ng balita at pagsulat ng lathalain, ang weighted mean na pormula ay

ginamit.

Pormula: W m =¿¿
57

Na kung saan: Wm=weighted mean

Wi=respective weight of each response

Xi=number of respondents in a particular response

N=number sample

Kaya, ang antas ng weighted mean ay ang six point scale na may mga sumusunod na

deskriptibong katumbas ay ang mga sumusunod:

Legend:

Scale Rating Descriptive Equivalent

5 - 95-100 Outstanding Performance (Malakas na nailapat)

4 - 90-94 Very Satisfactory (Maraming inilapat)

3 - 85-89 Satisfactory Performance (Inilapat)

2 - 80-84 Passed Fair Performance (Hindi gaanong nailapat)

1 - 75-79 Passed w/ poor performance (Hindi gaanong nailapat)

0 - 70- below Failed performance ( Walang-walang inilapat)

3. Chi-Square Test ay ginamit sa pagsusuri ng makabuluhang pagkakaiba ng antas ng

kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus sa kanilang demograpikong

propayl. Mapapansin sa ibaba ang pormula:

2
Pormula: X =∑ ¿ ¿
58

Na kung saan: x²=chi-square test

f₀=observe frequency

fₑ=expected frequency
59

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay ipinapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga

respondente ng Cogon National High School, Dipolog City National High School, at

Sinaman Integrated School.Ang mga piling respondente ng mga mananaliksik ay

ginamitan ng istatistika upang ipakita ang demograpikong propayl at ang kasanayan sa

pagsulat ng pampahayagang pangkampus batay sa pagsulat ng balita

(Gramatika,Pagbaybay at Istruktura)at lathalain (Introduksyon,Diskusyon, Organisayon

ng mga Ideya,Konklusyon,Mekaniks at Wastong Gamit).Itinaas ang mga partikular na

katanungan katulad ng makabuluhang ugnayan sa pagitan ng demograpikong propayl ng

mga respondente at antas ng kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus.

Ang paglalahad, pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos na nakalap ay

nakuha sa pamamagitan ng talatanungan ay ipinasagot sa dalawampu’t apat (24) na mga

respondente.

Mapapansin sa Talahanayan 2, ang demograpikong propayl ng mga respondente

ayon sa edad. Karamihan sa mga respondente ay nasa edad 15-16 taong gulang at 17-18

pataas taong gulang na may frequency na 11 at may 45.833% na bahagdan. Samantala,

ang nakakuha ng mababang bilang ay nasa edad 13-14 taong gulang na may frequency

na 2 at may 8.33% na bahagdan. Mayroong kabuuang bilang na 24 na respondente.


60

Binigyang-diin ng mga natuklasan na karamihan sa mga respondente ay nasa

edad 15-16 taong gulang at 17-18 pataas na gulang na nagpapahiwatig na karamihan sa

mga respondente ay nasa hustong gulang na.

Pinatunayan sa pag-aaral ni Michtinger (2007) na binanggit sa pag-aaral ni

Pacheco (2015), na nagsasabi na ang edad at aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa

kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnay. Ang edad ng mga mag-aaral ay

maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit na anong larangan. Bagamat may

mangilan-ngilang mag-aaral na lumalampas sa karaniwang inaasahang edad, ito ay

normal lamang sapagkat sa mga mag-aaral na nabibilang sa mahihirap na pamilya, hindi

naiiwasan ang magkaroon ng suliranin o sagabal upang maging tuloy-tuloy ang kanilang

pag-aaral, ngunit maaari din naman na ang dahilan ay pagkakasakit o alin pa mang

kadahilanan na labas sa kahirapan.

Ang implikasyon ng natuklasan sa pag-aaral ay maaaring sabihin na ang mga

mag-aaral na nasa edad 15-16 at 17-18 pataas taong gulang ay mas mayroong interes sa

pagsulat ng pampahayagang pangkampus kumpara sa mga nasa edad 13-14 taong

gulang at ito ay nagpapahiwatig na maaaring mababa ang kanilang interes o kahandaan

sa pagsusulat sa naturang edad. Maituturing na maraming kabataan ang nagpapamalas

ng kasanayan sa pagsulat habang tumatanda. Mayroong mga suliranin sa pagkatuto at

maaaring sabihin na mas nagkakaroon ng pagpapabuti sa mga paraan ng pagtuturo

sapagkat marami na ang napagdaanan ng isang tao habang tumatanda.Kung kaya, ang

mga guro ay maaaring magkaroon ng pagpapalit o pagpapabuti sa mga paraan ng

pagtuturo upang matugunan ang pangangailangan ng mga kabataang ito sa pag-unlad ng

kanilang kasanayan sa pagsulat lalong-lalo na ang mga nasa murang edad.


61

Talahanayan 2.Propayl ng mga respondente ayon sa edad

Bracket ng Edad Frequency Porsyento


11-12 0 0%
13-14 2 8.33%
15-16 11 45.833%
17-18 pataas 11 45.833%
Kabuuan 24 100%

Makikita sa Talahanayan 3 ang propayl ng mga respondente ayon sa kasarian.

Batay sa resulta ng pag-aaral mapapansin na mas marami ang bilang ng mga

respondenteng babae na may bahagdan na 66.67% at may 16 na frequency. Samantala,

nakakuha naman ng pinakamaliit na bahagdan ang bakla na may bahagdan na 4.17% at

1 na frequency.

Batay sa kabuuan, maituturing na pinakamaraming respondente ang tumugon sa

talatanungan ayon sa kasarian ay ang babae na mula sa paaralan ng Cogon National

High School, Dipolog City National High School at Sinaman Integrated School.

Sinang-ayunan ito sa pag-aaral ni Tomasik at Gottfried (2023) ayon sa isang

bagong pagsusuri ng isang Pew Research Center survey ng halos 12,000 nagtatrabaho

na mga mamamahayag na nakabase sa U.S na isinagawa noong 2022. Ang pagsusuri ay

dumarating sa gitna ng patuloy na talakayan tungkol sa demograpikong komposisyon ng

mga newsroom sa U.S Ang mga lalaki ay bumubuo ng 83% ng mga na-survey na

mamamahayag na nagpahiwatig na sumasaklaw sila sa sports, mas mataas kaysa sa 15%

na mga kababaihan. Ang mga lalaki ay nagsasaalang-alang din sa karamihan ng mga

nagko-cover ng mga balitang pampulitika (60%) at mga balita tungkol sa agham at

teknolohiya (58%). Sa paghahambing, ang mga babae ay mas malamang kaysa sa mga

lalaki na sumaklaw sa tatlo sa 11 mga balita na pinag-aralan: kalusugan, edukasyon at


62

mga pamilya, at mga isyung panlipunan at patakaran. Halimbawa, ang mga kababaihan

ay bumubuo ng halos dalawang-katlo (64%) ng mga na-survey na mamamahayag na

nagko-cover ng mga balita tungkol sa kalusugan, habang halos isang-katlo (34%)

lamang ang mga lalaki.

Batay naman sa naging pahayag ni Bilton (2018) na kadalasan ay hindi

interesado at wala sa gaanong pokus ang mga lalaki sa gawaing pampaaralan na naging

dahilan ng pagkuha ng mababang marka sa lahat ng antas ng pag-aaral.

Nangangahulugan lamang na mas marami ang mga babaeng respondente kaysa mga

lalaki.

Ang implikasyon ng natuklasan sa pag-aaral ay maaaring magpahiwatig na mas

interesado ang mga babae sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus sapagkat ang

mga lalaki ay hindi gaanong nakatuon sa mga gawaing pang- akademiko. Maaaring

magpahiwatig ng mga potensyal na pagkakaiba-iba sa interes, karanasan, at kasanayan

sa pagsusulat batay sa kasarian. Maaaring may mga salik sa lipunan, kultura, o

edukasyon na nagbibigay-diin sa pagpapalakas ng pagsusulat sa mga kababaihan,

samantalang maaaring may mga hadlang o hindi pag-asa sa mga kalalakihan. Ang

ganitong pagkakaiba ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa mga pamamaraan ng

pagtuturo ng pagsusulat at sa mga patakaran sa larangan ng komunikasyon at midya.

Talahayan 3.Propayl ng mga respondente ayon sa kasarian

Kasarian Frequency Porsyento


Lalaki 7 29.17%
Babae 16 66.67%
Bakla 1 4.17%
Tomboy 0 0%
Atbp 0 0%
63

Kabuuan 24 100%

Makikita sa Talahanayan 4 ang propayl ng mga respondente ayon sa antas ng

baitang. Batay sa resulta ng pag-aaral mapapansin na higit na mas marami ang mga

respondente na nasa Baitang 11 na mayroong frequency na 10 at 41.67% na bahagdan.

Samantala, nakakuha naman ng pinakamaliit na bahagdan ang Baitang 9 na may

frequency na 2 at 8.33% na bahagdan.

Batay sa kabuuan, maituturing na mas marami ang tumugon ayon sa antas ng

baitang ay ang Baitang 11 na maituturing na interesado sa pagsagot ng talatanungang

ibinigay.

Batay sa pagsusuri nina Bautista et al., (2019) hinggil sa “Filipino Language

Proficiency of Senior High School Students in Central Luzon Doctors’ Hospital-

Educational Institution” ang resulta ng pag-aaral ay nagpahiwatig na ang mga salik ng

kultura ang pinakakaraniwang salik na nakakaapekto sa kahusayan sa wikang Filipino

ng mga respondente. Sa pamamagitan ng test questionnaire, napagpasyahan din na ang

mga mag-aaral sa Senior High School ay nahihirapan pa rin sa kanilang grammar,

reading comprehension at bokabularyo.

Ang implikasyon ng resulta ng pag-aaral batay sa antas ng baitang ay

nagmumungkahi na maaaring may mga pagkakaiba-iba sa antas ng kasanayan sa

pagsulat ang mga respondente batay sa kanilang antas ng baitang. Ang mas mas mataas

na antas ng baitang ay maaaring magpahiwatig ng posibleng pag-unlad o pagpapabuti sa

mga kasanayan sa pagsulat habang ang mga mag-aaral ay sumusulong sa mas mataas na

antas. Sa kabilang banda, ang nasa mababang baitang ay maaaring magpahiwatig ng


64

pangangailangan ng karagdagang suporta o mga interbensyon upang mapahusay ang

kanilang mga kasanayan sa pagsulat. Ang pag-unawa sa mga pagkakaiba sa antas ng

baitang na ito ay kinakailangan mayroong nakatarget na interbensyon at mga

pagsasaayos ng kurikulum upang mas masuportahan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang

yugto ng kanilang akademiko. Maaaring mas mataas ang kaalaman ng mga nasa mataas

na baitang ngunit hindi lahat ay bihasa at matatawag na may kasanayan sa pagsulat ng

pampahayagang pangkampus.

Talahanayan 4.Demograpikong propayl ayon sa baitang

Antas ng Baitang Frequency Porsyento


Baitang 9 2 8.33%
Baitang 10 4 16.67%
Baitang 11 10 41.67%
Baitang 12 8 33.33%
Kabuuan 24 100%

Ang Talahanayan 5 ay naglalahad ng mga paaralan kung saan isinagawa ang

pangangalap ng datos. Mapapansin sa Talahanayan 4 na ang Sinaman Integrated School

ang may pinakamaraming respondente na mayroong frequency na 10 at 41.67% na

bahagdan. Habang ang Cogon National High School at Dipolog City National High

School ay magkatulad na mayroong frequency na 7 at 29.17% na bahagdan. Sa kabuuan,

mayroong 24 na respondente.

Batay sa kabuuan, mas marami ang naging respondente sa paaralang Sinaman

Integrated School at nakuha nito ang target na bilang ng respondente kumpara sa Cogon

National High School at Dipolog City National High School.


65

Ayon sa pag-aaral ni Trang at Linh (2018) na pinamagatang Improving Students’

Writing Skill through the School Online Newspaper at a Public University in

Vietnam,ang pagsulat ay mahalagang anyo ng kasanayan sa mga mag-aaral, partikular sa

mga nasa kolehiyo, ngunit ito ay isang katotohanan na marami ang nakakaisip na ang

pagsusulat ay mapaghamong pagsasanay. Maraming bilang ng mga pamamaraan at

estratehiya ang itinuturo upang masanay ang mga mag-aaral sa pagsusulat, at ang

pagkakaroon ng pampahayagang pangkampus sa paaralan ay isa sa mga ito.

Ang implikasyon ng resulta ng pag-aaral hinggil sa mga paaralang kasangkot ay

nagmumungkahi ng mga potensyal na pagkakaiba-iba sa pagbibigay-diin sa mga

kasanayan sa pagsulat batay sa iba’t ibang institusyong pang-edukasyon. Maaari itong

magpahiwatig ng pagkakaiba sa mga pamamaraan ng pagtuturo o institusyonal na

priyoridad tungkol sa kahusayan ng pagsulat.

Talahanayan 5.Propayl ng mga respondente ayon sa paaralan

Paaralan Frequency Porsyento


Cogon National High 7 29.17%
School
Dipolog City National 7 29.17%
High School
Sinaman Integrated School 10 41.67%
Kabuuan 24 100%

Talahanayan 6. Antas ng kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus batay


sa pagsulat ng balita.

Rater WM Description

Rater- 1 70.88 Failed performance


(Walang-walang inilapat)
Rater- 2 50.83 Failed performance
(Walang-walang inilapat)
Rater-3 82.04 Passed fair performance
66

(Hindi gaanong nailapat)


Grand Mean 67.92 Failed performance
(Walang-walang inilapat)

Legend

Scale Rating Descriptive Equivalent

5 - 95-100 Outstanding Performance (malakas nailapat)

4 - 90-94 Very Satisfactory (Maraming nailapat)

3 - 85-89 Satisfactory Performance (Inilapat)

2 - 80-84 Passed fair performance (Hindi gaanong nailapat)

1 - 75-79 Passed with poor performance (hindi gaanong nailapat)

0 - 70- below Failed performance ( Walang-walang inilapat)

Ang pinagsamang datos at ginawang pagsusuri ng mga eskperto na makikita sa

Talahanayan 6. Sa kabuuang resulta, ang Grand Mean mula sa hatol ng mga tagasuri sa

kasanayan sa pagsulat ng balita ng mga piling mag-aaral ay 67.92 na may interpretasyon

na walang-walang inilapat ayon sa Gramatika, Pagbaybay at Istruktura. Ang pangatlong

ekspertong tagahatol (Rater-3) ay nagbigay ng mas mataas na marka sa mga respondente

na may weighted mean na 82.04 o hindi gaanong nailapat. Nangangahulugan ito na

karamihan sa mga respondente ay walang gaanong kaalaman at kasanayan sa pagsulat

ng balita. Kasunod sa mataas na marka ay ang 70.88 na ibinigay ng unang ekspertong

tagahatol (Rater-1) o walang-walang inilapat. Samantala, ang pangalawang tagasuri

naman ay nagbigay ng 50.83 o walang-walang inilapat.

Ibig sabihin lamang nito na ang mga mag-aaral ay nangangailangan pa ng

paglinang, gabay at kaalaman sa Gramatika, Pagbaybay at Istruktura na magagamit


67

upang lubusang makamit ang inaasahang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng

pampahayagang pangkampus lalong-lalo na sa pagsulat ng balita.

Batay sa rebyu na isinagawa ni Hunahunan (2018) na pinamagatang “ Language

errors in campus journalists’ news articles; its implication to writer’s interlanguage”

kinakailangang suriin ang wastong paggamit ng pandiwa na panahunan, kapitalisasyon

at pagpili ng angkop na salita.. Dagdag pa rito, ang kabuuang densidad ng mga kamalian

ng mga manunulat ng balita ay nakakapukaw atensyon, ibig sabihin na sila ay

nahihirapan sa tamang aplikasyon sa mga tuntunin ng pagmamarka, semantika,

gramatika at sintaks. Ibig sabihin na kinakailangang mayroong pangangailangang

pagbutihin ang mga istratehiya na ginamit at mga diskarte sa pagtuturo ng mga

tuntuning pangwika upang magkaroon ng mas mabisang paraan ng pagkatuto ng mga

alituntuning pangwika na hindi pa natutunan ng mga mag-aaral.

Batay sa pagsusuri ng datos ng pananaliksik, napag-alaman sa pag-aaral ni

Anggraini (2020) na pinamagatang “Contribution of Vocabulary Mastery on News

Writing Skill”, nakikilala na ang kasanayan sa bokabularyo ay may kontribusyon sa

kasanayan sa pagsulat ng balita. Kaya, ang resulta ng pag-aaral na ito ay may

implikasyon sa pag-aaral ng kasanayan sa pagsulat ng balita. Kung ang kasanayan sa

bokabularyo ay hindi isinaalang-alang sa pag-aaral, hindi magiging maganda ang

pagsulat ng balita ng mga mag-aaral. Kaya, iminumungkahi na dagdagan ang pagiging

sanay sa bokabularyo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-aaral at karanasan.

Kaya, ang mga guro ay bubuo ng mga journalistic vocabulary para sa mga mag-aaral

katulad ng pagdagdag ng takdang-aralin sa pagbabasa.


68

Batay sa isinagawang pakikipanayam ng mga mananaliksik, napag-alaman na

ang kadalasang pagkakamali sa pagsulat ng balita sa paaralang Cogon National High

School, Dipolog City National High School at Sinaman Integrated School ay ang

gramatika, pagbaybay, istruktura o pagbuo ng pamatnubay.

Batay sa ebalwasyong isinagawa nina Villanueva at Corpin (2023) sa kanilang

pag-aaral na pinamagatang “Kabuluhan: Paggamit ng pag-uulo ng balita sa

paglalagom”, ang mga suliranin ay ang kahabaan ng binabasa ng mga mag-aaral. Ito ay

nagdudulot ng kawalan ng interes at pag-ayaw nila sa nasabing gawain. Dahilan din ito

kung bakit nababawasan ang pag-unawa o komprehensyon ng mga mag-aaral sa

tekstong binabasa.

Ang implikasyon ng pag-aaral sa pagsulat ng balita ayon sa gramatika,

pagbaybay at istruktura ay nagpapahiwatig ng pangangailangan sa pagsasanay para sa

patuloy na pagpapalakas at pagpapalawak ng kasanayan sa pagsulat sa larangan ng

pampahayagang pangkampus. Ito ay nagtuturo ng mahalagang konsepto ng pagiging

tumpak, organisado, at epektibo sa paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng

pagsusulat. Ang pag-unlad sa mga aspetong ito ng pagsulat ay magbibigay daan sa mas

mataas na antas ng propesyonalismo at kalidad sa larangan ng campus journalism, na

maaaring magdulot ng positibong epekto hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging

sa kanilang mga mambabasa at sa lipunan sa kabuuan. Kung kaya, kinakailangang

pagtuunan ng pansin ng mga gurong tagapayo ng pampahayagang pangkampus ang mga

kasanayan sa pagsulat ng balita ng mga mag-aaral upang matugunan ang anumang

pangangailangan sa pagsulat.
69

Table 7. Antas ng kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus batay sa


pagsulat ng lathalain.

Rater WM Description
Rater -1 68.54 Failed
Performance( Walang-
walang napatunayan)
Rater -2 67.87 Failed Performance
( Walang-walang
napatunayan)
Rater -3 66.08 Failed Performance
( Walang-walang
napatunayan)
Grand Mean 67.50 Failed Performance
( Walang-walang
napatunayan)

Legend

Scale Rating Descriptive Equivalent

5 - 95-100 Outstanding Performance (Higit na inaasahan)

4 - 90-94 Very Satisfactory (Nakamit ang maasahan)

3 - 85-89 Satisfactory Performance (Bahagyang nakamit ang

Inaasahan)

2 - 80-84 Passed fair performance ( Hindi nakamit ang

Inaasahan)

1 - 75-79 Passed with poor performance ( Walang napatunayan)


70

0 - 70- below Failed performance ( Walang-walang napatunayan)

Ang pinagsamang datos at ginawang pagsusuri ng mga eskperto, makikita sa

Talahanayan 7 na sa kabuuang resulta, ang Grand Mean mula sa hatol ng mga tagasuri

sa kasanayan ng mga piling mag-aaral ay 67.50 na may interpretasyon na walang-

walang napatunayan sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng lathalain ayon sa

Introduksiyon, Diskusyon, Organisasyon, Kongklusyon, Mekaniks at Wastong Gamit.

Ang unang ekspertong tagahatol (Rater-1) ay nagbigay ng mas mataas na marka sa mga

respondente na may weighted mean na 68.54 o walang-walang napatunayan.

Nangangahulugan ito na karamihan sa mga respondente ay mababang-mababa ang antas

ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng lathalain. Kasunod sa mataas na marka ay ang

67.87 o walang-walang napatunayan na ibinigay ng pangalawang ekspertong tagahatol

(Rater-2). Samantala, ang Pangatlong tagasuri naman ay nagbigay ng 66.08 o walang-

walang napatunayan.

Ibig sabihin lamang nito na ang mga mag-aaral ay nangangailangan pa ng

paglinang, gabay at kaalaman sa Introduksiyon, Diskusyon, Organisasyon,

Kongklusyon, Mekaniks at Wastong Gamit na makatutulong upang lubusang makamit

ang inaasahang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng pampahayagang

pangkampus lalong-lalo na sa pagsulat ng lathalain.

Batay sa resulta ng nakalap na datos, ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng

lathalain ayon sa introduksiyon ay sinang-ayunan nina Santos at Cruz (2020) na

pinamagatang “An Analysis of High School Students’ Challenges in Writing

Introductions for News Feature Articles.” Sa kanilang pagsusuri, tinalakay nila ang mga
71

suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng mga introduksiyon para sa

mga artikulo sa balitang tampok. Ayon sa kanilang mga natuklasan, isa sa mga

pangunahing hamon ay ang kakulangan sa kaalaman sa pagbuo ng mga pangungusap na

naglalaman ng pangunahing ideya sa introduksiyon. Binigyang-diin din nila ang mga

aspeto ng estilo at istruktura ng pangungusap na mahalaga sa pagsulat ng maayos na

introduksiyon.

Batay sa buod na kinalabasan sa pag-aaral, ang antas ng kasanayan sa pagsulat

ng lathalain ayon sa diskusyon ay sinang- ayunan ni Misa (2021) na pinamagatang

“Kakayahan sa Panggramatikang Filipino ng mga Mag-aaral ng Grade 9 Laboratory

High School ng President Ramon Magsaysay State University”, ang mananaliksik ay

humahantong sa pagbuo ng konklusyon tulad ng mga sumusunod.Ang antas ng

kakayahan ng mga tagatugon sa panggramatikang Filipino ay nakapagtamo ng

“Beginning” sa pagpili ng wastong salita, kayarian ng pangungusap at lohikal na

organisasyon at “Developing” sa wastong gamit ng salita, ayos ng pangungusap, pagbuo

ng pangungusap at mekaniks.Lumalabas na mahina ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagsulat ng isang artikulo/sanaysay lalong lalo na sa paggamit ng mekaniks at lohikal na

organisasyon sa pagsulat.

Batay sa organisasyon ng mga ideya, napatunayan sa pag-aaral nina Ariyanti at

Fitriana (2017) na pinamagatang “EFL Students’ Difficulties and Needs in Essay

Writing”, nakabuo sila ng kongklusyon na, ang mga problema sa pagsulat ng sanaysay,

sa mga tuntunin ng paggamit ng wastong gramatika sa mga pangungusap, pag-iipon ng

mga magkakaugnay na talata, at pagpili ng angkop na diksyon. Ang lecturer na

nagtuturo ng paksa ay kinukumpirma din ang mga problema at nangangatuwiran na ang


72

inilalaan na oras at kondisyon ng silid-aralan ay nakakatulong sa mahinang pagganap ng

pagsulat.

Batay naman sa kongklusyon sa pagsulat ng lathalain, inilahad sa pag-aaral ni

Kochubei (2021) na pinamagatang “Challenges of Writing Academic Essays and Ways

of Overcoming them”,na ang gawain sa isang akademikong sanaysay ay

nangangailangan ng pagbuo ng tatlong uri ng mga kakayahan - metalinguistic,

komunikasyon at kakayahan sa diskurso. Ang mga kahirapan sa pagsulat ng mga

sanaysay ay lumilitaw kapag ang mga mag-aaral ay hindi nakilala ang mga

mahahalagang katangian ng teksto - pagkakaisa at pagkakaugnay ng teksto, pagiging

informative at modality. Ang kakulangan ng malalim na pagsusuri ng paksang pinag-

aaralan, mababaw na konklusyon at mahinang kasanayan sa analitikal ay nagreresulta sa

paggawa ng one-dimensional, linear na teksto. Ang pangunahing paraan ng paglutas ng

problemang ito ay ang paggawa ng lohikal at istruktural na pamamaraan, - isang

balangkas, bago simulan ang pagsulat ng teksto

Batay sa pagsulat ng lathalain ayon sa mekaniks, natuklasan sa pag-aaral ni

Alisha et al., (2019) na pinamagatang “Students’ Difficulties in Writing” na ang resulta

ay nagpapahiwatig na ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng malaking problema sa

pagsulat. Ang mga natuklasan ay nagsiwalat na ang pinakamakabuluhang mga problema

ay dahil sa kanilang kakulangan ng kaalaman sa bokabularyo at wika na ginagamit.

Ipinapalagay nila na sila ay may limitadong kaalaman sa pagbuo ng pangungusap ayon

sa gramatika at gayundin ang kawalan ng kasanayan sa bokabularyo ay nagdulot sa

kanila ng pagkalito sa pagpili ng salita. At saka, nagkaroon din sila ng problema sa


73

pagbaybay. Madalas silang nag-aalangan sa pagsulat ng salita at ipinapalagay na hindi

sapat ang kanilang pagbabaybay.

Ang mga mag-aaral ay kinakailangang may kasanayan sa wastong gamit ng mga

salita at pagbubuo ng estruktura batay sa pagsulat ng lathalain kaya napatunayan sa pag-

aaral ni Putri (2021) na pinamagatang “An Analysic of Students’ Problems in Writing

Paragraph at the Eleventh Grade of Vocational High School 4 Jambi City”na ang mga

suliraning naranasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng talata ay ang kakulangan sa

bokabularyo, kahirapan sa pagsamahin ang mga salita sa mga pangungusap ng talata,

mababa ang kasanayan sa gramatika, at ang katamaran magtanong sa guro habang nag-

aaral sa paaralan. Dahil ang magandang interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at

guro ay ang mahalagang bagay sa pag-aaral ng pagsulat ng talata. May apat na indicator

na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsulat ng talata, hirap maghanap ng ideya para

gumawa ng content/ topic sentence, mababang mastery ng pagsasaayos ng talata, hindi

alam ng mga mag-aaral kung tama ang gramatika, at hindi naiintindihan ng mga mag-

aaral ang mekaniko sa pagsulat ng talata.

Batay sa isinagawang pakikipanayam ng mga mananaliksik, napatutunayan na sa

pagsulat ng lathalain, ang kadalasang kamalian ng mga mag-aaral sa mga paaralang

Cogon National High School, Dipolog City National High School at Sinaman Integrated

School ay pagpili o pagbuo ng angkop na paksa, katiyakang kaalaman, pagkakalap ng

datos, pagsulat ng introduksiyon at kongklusyon at pagbuo ng panakaw pansin na mga

salita.
74

Ang implikasyon ng pag-aaral ukol sa Pagsulat ng Lathalain ayon sa

Introduksiyon, Diskusyon, Organisasyon, Kongklusyon, Mekaniks, at Wastong Gamit

ay nagpapahiwatig ng potensyal na pangangailangan para sa mas malawak na pagtutok

sa pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pagsusulat sa mga nabanggit na bahagi ng

lathalain. Ito ay maaaring magtakda ng mga oportunidad para sa paglikha ng mga

module, seminar, o iba pang mga aktibidad na naglalayong mapabuti ang kaalaman at

kasanayan ng mga manunulat sa mga larangang nabanggit. Bukod dito, maaaring

magdulot din ito ng pagpapahalaga sa kahalagahan ng pagtuturo ng wastong mekaniks

at paggamit ng wika sa pagsulat na maaaring magresulta sa mas mataas na kalidad ng

mga lathalain at mas epektibong komunikasyon ng mga ideya at kaisipan.

Table 8. Makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng demograpikong propayl ng mga


respondente at ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng balita.

VARIABLE Antas ng kasanayan sa pagsulat ng balita


COMPARED
Respondents ∞ df TV Computed Interpretation Action
Profile ( x 2)
Edad 0.05 3.0 7.815 2.613 No significant H 0 was
difference accepted
Kasarian 0.05 2.0 5.991 8.993 Significant H 0 was
difference rejected
Antas ng 0.05 3.0 7.815 1.493 No significant H 0 was
Baitang difference accepted
Paaralan 0.05 2.0 5.991 0.966 No significant H 0 was
difference accepted

Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik ukol sa antas ng kasanayan

sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus sa mga piling mag-aaral ng pampublikong

paaralang sekondarya, makikita sa Talahanayan 8 na walang kabuluhang pagkakaiba


75

ang edad, antas ng baitang at paaralan ng mga respondente sa pagsulat ng isang balita.

Sa kasarian naman makikita na may kabuluhang pagkakaiba ang antas ng kaalaman ng

mga respondente sa pagsulat ng balita ayon sa gramatika, pagbaybay at istruktura.

Batay sa kabuuan, mapapansin na hindi naging hadlang ang kasarian sa lawak ng

kaalaman at kasanayan ng isang mag-aaral sa pagsulat ng balita bagkus ito ay nakabatay

sa kanyang pagpupursige na malinang ang kanyang kaalaman at kasanayan sa kanyang

pag-aaral sa pamamagitan ng pag-aaral ng halimbawa ng isang maayos na pagkakasulat

ng balita, pagsasanay sa pagsulat na maaaring magsagawa ng mock news report o

pagsusulat ng balita tungkol sa mga pangyayari sa loob ng paaralan, pag-unawa sa mga

konsepto ng balita, at pakikipag-ugnayan sa mga propesyonal ng sa ganoon ay

mapalawak ang kaalaman at kasanayan sa gawaing pagsulat ng pampahayagang

pangkampus lalong-lalo na sa pagsulat ng balita.

Ang implikasyon ng pag-aaral na nagpapakita ng walang kabuluhang pagkakaiba

sa kasanayan sa pagsulat ng balita batay sa edad, antas ng baitang, at paaralan ngunit

mayroong kabuluhang pagkakaiba sa kasarian, ay nagpapahiwatig ng potensyal na

pangangailangan para sa mga estratehiya sa pagtuturo na nakatuon sa kasarian bilang

isang bahagi ng kasanayan sa pagsusulat. Ito ay maaaring magbukas ng pinto sa

pagpapaunlad ng mga kurikulum na may kaugnayan sa pagsusulat na may espesyal na

pagtuon sa pagtataguyod ng pantay-pantay na oportunidad at suporta para sa lahat ng

mga mag-aaral, anuman ang kanilang kasarian. Maaaring mahalaga rin na suriin ang

mga potensyal na mga kadahilanan na maaaring magdulot ng mga pagkakaiba sa pagitan

ng mga kasarian sa kasanayan sa pagsusulat ng balita upang matulungan ang pang-

unawa sa mga pangangailangan at pagpaplano ng mga estratehiya sa pagtuturo.


76

Table 9. Makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng demograpikong propayl ng mga


respondente at ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng lathalain.

VARIABLE Antas ng kasanayan sa pagsulat ng lathalain


COMPARED
Respondents ∞ df TV Computed Interpretation Action
Profile ( x 2)
Edad 0.05 3.0 7.815 1.964 No significant H 0 was
difference accepted
Kasarian 0.05 2.0 5.991 2.613 No Significant H 0 was
difference accepted
Antas ng 0.05 3.0 7.815 1.553 No significant H 0 was
Baitang difference accepted
Paaralan 0.05 2.0 5.991 0.988 No significant H 0 was
difference accepted

Ang isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik ukol sa antas ng kasanayan sa

pagsulat ng pampahayagang pangkampus sa mga piling mag-aaral ng pampublikong

paaralang sekondarya, makikita sa Talahanayan 9 na walang kabuluhang pagkakaiba

ang edad, kasarian, antas ng baitang at paaralan ng mga respondente sa pagsulat ng

isang lathalain ayon sa introduksiyon, diskusyon, organisasyon, kongklusyon, mekaniks

at wastong gamit.

Batay sa kabuuan, mapapansin na walang kabuluhang pagkakaiba ang edad,

kasarian, antas ng baitang at paaralan sa lawak ng kaalaman at kasanayan ng isang mag-

aaral sa pagsulat ng lathalain.Nakabatay ang kanyang kasanayan sa pagsulat sa kanyang

pagpupursige na malinang ang kanyang kaalaman at kasanayan sa kanyang pag-aaral sa

pamamagitan ng pagsasanay sa pagsusulat at pagbabasa ng lathalain, pag-aaral ng mga

teknik sa pagsulat, pagsasaliksik at paghingi ng feedback mula sa mga guro na bihasa sa

pagsulat ng lathalain nang sa ganoon ay mapalawak ang kaalaman at kasanayan sa


77

gawaing pagsulat ng pampahayagang pangkampus lalong-lalo na sa pagsulat ng

lathalain.

Ang implikasyon ng pag-aaral na nagpapakita ng walang kabuluhang pagkakaiba

sa kasanayan ng isang mag-aaral sa pagsulat ng lathalain at demograpikong propayl ay

maaaring magpahiwatig na ang mga mag-aaral anuman ang kanilang edad, kasarian,

antas ng baitang, o paaralan, ay maaaring magtagumpay sa pagpapaunlad ng kanilang

kasanayan sa pagsulat ng lathalain kung ang tamang suporta at gabay ay ibinigay. Sa

halip na maglaan ng espesyal na pagtutok sa partikular na grupo ng mag-aaral batay sa

mga nabanggit na salik, maaaring maging mahalaga ang pangkalahatang pagpapalakas

ng mga kasanayan sa pagsulat para sa lahat ng mga mag-aaral. Ito ay maaaring

isakatuparan sa pamamagitan ng mga mahusay na disenyo ng kurikulum, epektibong

mga pamamaraan ng pagtuturo, at paggamit ng iba’t ibang mga estratehiya sa pag-aaral.

Ang resulta rin ay maaaring magpapakita ng pangangailangan para sa mga hakbang na

naglalayong palakasin ang mga kasanayan sa pagsulat bilang bahagi ng pangkalahatang

pag-unlad ng edukasyon sa pagpapakatao. Ang pagsulat ay isang mahalagang kasanayan

na nagpapalakas ng pag-unawa, pagpapahayag, at kritisismo, na mahalaga para sa

personal na pag-unlad at pakikibahagi sa lipunan. Ang resulta ng pag-aaral ay maaaring

magdulot ng pagpapalakas ng mga patakaran at pamamaraan sa edukasyon na

naglalayong magtaguyod ng pantay na pagkakataon para sa lahat ng mga mag-aaral

upang maabot ang kanilang potensyal sa pagsusulat.


78

KABANATA V

BUOD NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

MGA NATUKLASAN

Batay sa suliranin natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

1. Karamihan sa mga respondente ay nasa edad na 15-16 taong gulang at 17-18 pataas

na may frequency na 11 at 45.833 na bahagdan.

2. Karamihan sa mga respondente ayon sa kasarian ay babae na may frequency na 16 at

may 66.67 na bahagdan.

3. Ang mga mag-aaral ng Sinaman Integrated School ang nakakuha ng may

pinakamataas na bilang na mga respondente na kabuuan na 10 at may 41.67 na

bahagdan.

4. Ang antas ng kaalaman sa pagsulat ng balita ayon sa gramatika, pagbaybay at

istruktura ng mga respondente ay may kabuuang Grand Mean na 67.92 na may

interpretasyon na Failed Performance (FP) o walang-walang inilapat.

5. Ang antas ng kaalaman sa pagsulat ng lathalain ayon sa introduksiyon, diskusyon,

organisasyon, kongklusyon, mekaniks at wastong gamit ng mga respondente ng

pampublikong paaralang sekondarya ay may kabuuang Grand Mean na 67.50 na may

interpretasyon na Failed Performance (FP) o walang-walang napatunayan.

6. Walang makabuluhang pagkakaiba sa edad, antas ng baitang at paaralan sa piling

respondente ng Cogon National High School, Dipolog City National High School at
79

Sinaman Integrated School sa antas ng kaalaman sa pagsulat ng balita ayon sa

gramatika, pagbaybay at istruktura. Gayunpaman, may kabuluhang pagkakaiba ang

kasarian sa antas ng kaalaman sa pagsulat ng balita ayon sa gramatika, pagbaybay at

istruka.

7. Walang makabuluhang pagkakaiba sa edad, kasarian, antas ng baiting at paaralan sa

piling respondente ng Cogon National High School, Dipolog City National High School

at Sinaman Integrated School sa antas ng kaalaman sa pagsulat ng lathalain ayon sa

introduksiyon, diskusyon, organisasyon, kongklusyon, mekaniks at wastong gamit.

Kongklusyon

Napatunayan sa resulta ng pag-aaral na karamihan ng mga mag-aaral ay may

kakulangan ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus.

Marami pang mga bagay ang dapat linangin at bigyang pansin upang maging ganap na

bihasa ang mga mag-aaral sa pagsulat ng balita at lathalain. Kinakailangan ang hustong

pagturo kung kaya, nararapat lamang na pagtuunan at bigyan ng pansin ang kanilang

kasanayan at kaalaman sa pagsulat upang malinang ang kanilang kasanayan at makabuo

ng isang makahulugan at makabuluhang nilalaman ng komposisyon na may wastong

istruktura at gamit ng mga salita.

Rekomendasyon

Batay sa suliranin, natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

1. Ang Department of Education (DepEd) ay dapat magtalaga o magdagdag ng mga

kwalipikadong mga guro na magtuturo sa pampahayagang pangkampus ng mga


80

pampublikong paaralang sekondarya at magkaroon ng Seminar Workshop ang mga

mag-aaral at gurong tagapayo ng pampahayagang pangkampus. Dagdag pa rito ay ang

pagpapaunlad ng kurikulum katulad ng paglikha ng mga modyul at aktibidad na

nagbibigay ng sapat na halaga at oras sa pagtuturo ng gramatika, pagbaybay at istruktura

sa pagsulat.

2. Ang Cogon National High School, Dipolog City National High School at Sinaman

Integrated School ay dapat na suportahan ang mga programang may kaugnayan sa

usaping pagsulat ng pampahayagang pangkampus upang mahasa ang kasanayan at

kaalaman ng mga mag-aaral sa gawaing ito.

3. Ang mga mag-aaral ay dapat na gumamit ng makabagong teknolohiya para tumuklas

ng panibagong kaalaman sa pagsulat ng pampahayagang pangkampus, mga estratehiya

na maaaring magamit upang maging wasto at produktibo sa kasanayang ito at palaging

sumangguni sa mga gurong tagapayo upang matugunan ang mga kahirapan sa pagsulat.

4. Ang mga gurong tagapayo ng pampahayagang pangkampus sa DepEd ay magkaroon

ng estratehiya sa pagtuturo para sa pagsasanay sa pagsulat ng balita at

lathalain,magbigay ng malinaw na halimbawa sa pagsulat, magbigay ng praktikal na

gawain, magbigay ng feedback, magtakda ng mga proyekto, at magtaguyod ng

pagbabasa upang mahasa ang kanilang kasanayan.

5. Ang Student Supreme Government ng bawat paaralan ng DepEd ay dapat na

magkaroon ng mga patimpalak na kinalalahukan ng mga mag-aaral kaugnay sa pagsulat

ng pampahayagang pangkampus, makakatulong at maging motibasyon ang mga

patimpalak na ito upang sila ay mag-obserba sa napapanahong isyu o mga isyu sa loob
81

ng paaralan maging sa labas, magbasa, magsulat at mas pag-aralan pa ang mga

pamantayan sa pagsulat ng balita at lathalain upang makabuo ng malinaw at

makabuluhang nilalaman.

BIBLIYOGRAPIYA

Ali, Y.(2023). 16 reasons for the importance of spelling in writing. Mula sa: https://curi
ousdesire.com/importance-of-spelling-in-writing/

Alcontentfy (2023).Common article writing you should avoid. Mula sa:


https://aicctentfy.
.com/en/blog/common-article-writing-mistakes-you- should- avoid#:~:text=On
e%20common%20error%20is%20failing, make%20the%20article%20less%20
20accessible.

Alisha, F. et al., (2019). Students’ difficulties in writing. Mula sa: https://scholar.google.


com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=difficulties+in+writing+conclusion&b
tNG=#d=gs_qabs&t=1709260116353&u=%23p%3DgKmELMh-Zn8J

Anggraini, D. (2020) Contribution of vocabulary mastery on news writing skill. Mula


sa://
https://www.atlantis-press.com/article/125945998.pdf

Ariyanti, A. at Fitriana, R. (2017). EFL Students’ difficulties and needs in essay writing.
Mula sa://file:///C:/Users/63938/Downloads/25885710(1).pdf

Bautista, W. et al., (2019). Filipino language proficiency of senior high school students
in
Central Luzon Doctors’ Hospital-Educational Institution. Mula sa:
https://www.
scribd.com/document/636992073/FILIPINO-LANGUAGE-PROFICIENCY-O
F-SENIOR-HIGH-SCHOOL-STUDENTS- IN-CENTRAL-LUZON-
DOCTOR
S HOSPITAL-EDUCATIONAL-INSTITUTION

Best,J.(2017). The importance of spelling. Mula sa:


https://www.3plearning.com/importa
nce-of-spelling/

Bilton, I. (2018). Women are outnumbering men at a record high in universities


worldwid
82

e. Mula sa:https://www/studyinternational. com/news/record-high-numbers-wo


menoutnumbering-men-university-globally/

Bryant et al., (2017). Common journalistic writing mistakes. Mula sa: https://blogs.bsu
.edu/journalismworkshops/2017/02/03/common-journalistic-writing-mistakes/

Buendia, A. (2018). Ortograpiyang pambansa: pagpapayaman ng kakayahan sa pagbayb


ay.ng mga mag-aaral sa baitang 6 sa Rosario West Central School. Mula sa:
htt
ps://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/8977

Bulqiyah, S. et al., (2020). Investigating writing difficulties in essay writing: tertiary


stude
nts’ perspective. Mula sa:https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1296404.pdf

Capacillio, J. (2018). 10 Mga salitang filipino na malamang mali ang paggamit. Mula s
a: https://www.spot.ph/newsfeatures/the-latest-new s-features/74902/common-
mistakes-filipino- a00258-20180827-lfrm

Conkli,A. at Dugger,A. (2022). Inverted pyramid in journalistic writing:structure & exa


mple.Mula sa:https://study.com/ learn/lesson/inverted-pyramid-style-journalis
m.html

Cook (2023). Scholarly voice: varying sentence structure. Mula sa: https://academicguid
es.waldenu.edu/writingcenter/scholarlyvoice/sentencestructure#:~:text=senten
ce&20structure%20refers%20to%the,and%20keep%20their%20reader%20int
erested

Coyne, A. J (2020).10 common mistakes journalists make(& How to Avoid Them). Mul
a sa: https://www.writerswrite.co.za/10-common-mistakes-journalists-make-ho
w-to-avoid-them/

Chowdhury, N. S. ( 2015). Exploration of students’ writing problems. Mula sa:https://htt


ps://core.ac.uk/download/pdf/61807394.pdf

Dada, E. M ( 2015). Spelling errors: cause, influence on students’ performance in englis


h Language Essay Writing and Strategies for Correcting Them. Mula sa:https:/
/www/academia.edu/29657481/Spelling_Errors_Causes_Influence_on Student
s_Performance_ in_English_Language_Essay_Writing_and Strategies for Cor
recting_Them

Depante (2015). Grammar and it’s importance in the field of journalism. Mula sa:https://
Pjwords.weebly.com/?fbclid=IwAR3XUajihOuQHh58yzk67jtuQCMoghUqx
83

Xm85MuCDB2P6Io9gyB4Idc2Mi4

Dewi, S. A. (2017). Difficulties in writing news item experienced by students of a


vocatio
nal High School in Cirebon. Mula
sa:http://www.studocu.com/ph/document/uni
versity- of-the-visayas/humms/difficulties-in-writing-news/47806245

Etfita, F. (2019). The correlation between students’ grammar mastery and news writing
a
bility. Mula
sa:https://www.researchgate.net/publication/334170084_THE_CO
RRELATION_BETWEEN_STUDENTS’_GRAMMAR_MASTERY_AND_
NEWS_WRITING_ABILITY

Fauziah (2016).Syntactic mistakes focused on subject position in writing a sentence on


ne
ws at website research and development centre for mineral and coal
technology
.Mula sa: https://core.ac.uk/reader/87084395

Garrett (2022). How to write a lead.Mula sa: https://owl.purdue.edu/owl/subject_specifi


c_writing/journalism_and_journalistic_writing/writing_leads.html?fbclid=Iw
AR3RFx4BDAqLEypC_pMldtXRenzk6quOeLMB3CSLbo5S1raExYRw1uo
9vaE

Hafrison, M. (2020). Student writers’ academic essay writing problems: students’ and
tea
chers’ responses. Mula sa:https://scholar.google.com/scholar?
hl=en&as_sdt=0
%2C5&q=Problems+in+introduction+writing+in+essay&btnG=#d=gs_q
abs&t=1709261361391&u=%23p%3Dz8bl-Fva-xsJ

Hai, L.(2020). Research on narrative techniques in news writing. Mula sa:https://typese


t.Io/papers/research-on-narrative-techniques-in-news-writing-3s4p604m

Hill, A. (2023).5 Tips on writing a feature journalism article. Mula sa: https://www/writ
ers digest.com/write- better-nonfiction/5-tips-on-writing-a-feature-journalism-a
rticle? fbclid=IwAR2Bl-u6KXq-Ct2JH6QcyuSzVFA5Ho5E0MscrKsfaCEY4c
j2W5irEWl568

Hunahunan, L. (2018) Language errors in campus journalists’ news articles: it’s implica
84

tion to writer’s interlanguage. Mula


sa:https://www/researchgate.net/publicatio
n On/333689118 Langugage Errors in Campus Journalists’ News Articles It’s
I
mplication to Writer’s Intelanguage

Irawati, H. (2015).Error analysis on grammatical aspects of students narrative


writing.Mul
a sa:https:/ejournal.bbg.ac.id/geej/article/view/679

Kelly, E. (2019). How to write a feature introduction. Mula


sa:https://thebylineclub.word
ress.com/2019/02/13/how-to-write-a-feature-introduction/

Kittelstad, K. (2019) Tips on writing a good feature article. Mula sa: https://grammar.yo
urdictionary.com/grammar-rules-ant-tips/tips-on-writing-a-good-feature-for-m
agazines.html

Kinney (2022). Importance of journalism to students. Mula sa: https://www.unityjourn


Alists.org/importance-of-journalism-to-students/

Kochubei,V. (2021). Challenges of writing academic essays and ways of overcoming


the
m. Mula sa: https://www.researchgate.net/publication/352250156_CHALLEN
GES_ F_WRITING_ACADEMIC
_ESSAYS_AND_WAYS_OF_OVERCOM
ING_THEM

Limjoco, B. (2015). Importance of grammar to journalism. Mula sa:


https://www/bealimj
oco.Wordpress.com/2015/05/15/importance-of-grammar-to-journalism/

Lestari, I. A. et al., (2020).Grammatical errors in students’ writing:descriptive study on


grade 7 students. Mula sa: https://journal.ubm.ac.id/index.php/english-languag
e-culture/article/download/2265/2353#:~:text=Errors%20in%20writing%20ha
ppen%%20 when,mista kes%2C%20especially%20in%20written%20form

Make My Newspaper (2017) The school newspaper. Mula sa: http://www.makemynews


Paper.com/uk/school-newspaper-benefits

Macmillan, G. (2020). Grammar, spelling, punctuation & capitalization. Mula sa:https://


www.linkedin.com/pulse/grammar-spelling-punctuation-gregg-macmillan

Masuku, C. (2023).Feature writing in journalism:feature ending. Mula sa:https://www.a


85

cademia.edu/2172893/FEATURE_WRITING_IN_JOURNALISM? fbclid=Iw
AR1e5g0fbsi9piZbYBgnsI65Zrv09HaMeiYb3_It88LWJGdf59I8OFq-rI8

Misa, R. M. Kakayahan sa panggramatikang filipino ng mga mag-aaral ng Grade 9 labor


atory high school ng President Ramon Magsaysay State University.Mula sa: htt
ps://www.ajhssr.com/wp-content/uploads/2021/10/ I215105868.pdf

Misuari, S. M. (2017).Causes and effects of grammar errors. Mula sa:https://www.slides


harenet/ Yhsar/causes-and-effects-of-grammar-errors

Matrix English Team (2023). Paano sumulat ng kamangha-manghang feature na artikul


o gamit ang 5 Hakbang. Mula sa: https://www.
https://www.matrix.edu.au/how-
to-write-a-amazing feature-article/

Novariana, H. et al., (2018).Senior high school students’ problems in writing: A prelimi


nary study of implementing writing e-journal to promote students’ writing
skill.
Mula sa: https://jurnal. .unimus.ac.id/index.
php/ELLIC/article/download/3540/
3354

Pacheco, J. (2015). (DOC) Salik na nakaaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag


-aaral na nagmamayorya sa filipino. Mula sa https://www/academia.edu/37081
873/SALIK_NA_NAKAAAPEKTO_SA_AKADEMIKONG PAGGANAP_N
G MGA_MAG_AARAL_NA_ NAGMAMAYORYA_SA_FILIPINO/

Pakaya, N. at Pabu, A. R. (2022). Identifying students’ difficulties in essay writing


course.
Mula sa: https://ejournal.iaingorontalo.ac.id/index.php/JETLI/article/downlo
ad/213/175/968

Pinola, M. (2018). Write better: the 10 most common writing mistakes you should avoid
making. Mula sa: https://zapier.com/blog/writing-mistakes/

Pittman, B. (2021). 6 writing mistakes to avoid. Mula sa:https://www.prdaily.com/6-wri


ting-mistakes-to-avoid/

Putri, Y. A. (2021). An analysis of students’ problems in writing paragraph at the eleven


th grade of Vocational High School 4 Jambi City.Mula sa:
http://repository.unba
ri.ac.id/779/1/Skripsi%20Yolanda%20Afsari%20Putri-1700888203036.pdf
86

Qahir, K. (2017). A quick intro to future stories & their importance. Mula sa:https://ww
w.linkedin.com/pulse/brief-intro-feature-stories-importance-katayon-qahir

Roberts, J. (2016). Tips on writing a good feature article. Mula sa:


https://ohiostate.pressb
ooks.pub/stratcommwriting/chapter/feature-article-organization/

Roberts, J. (2016). Writing for strategic communication industries. Mula


sa:https://ohiosta
te. Pressbooks.pub/startcommwriting/front-matter/about-the-author/

Roberts, J. (2016). Chapter 6:feature writing ( feature leads). Mula sa:https://ohiostate.p


ressbooks.pub/stratcommwriting/chapter/feature-leads/

Rogers, T. (2019).Constructing news stories with the inverted pyramid. Mula sa:https://
www.thoughtco.com/how-to-structure-news-stories-2074332

Santos, J.K., at Cruz, M.L. (2020). Isang pagsusuri sa mga hamon ng mga mag-aaral sa
high school sa pagsulat ng mga panimula para sa mga artikulo sa tampok na
balita. Journal of Writing Research, 12 (3), 215-230.

Schloneger, R. M. (2016) Is this author intelligent? the effect of spelling errors on


percepti
on of Authors.Mula sa:
https://digitalcommons.cedarville.edu/cgi/viewcontent
.cgi?article=1001&context=linguisticsenior_projects

Srivastava, M. (2020). Problems of news writing. Mula sa:https://www


lkouniv.ac.in/site
/writereaddata/siteContent/202004070948262474mukulProblemsofNewsWri
ting.pdf

Smith, J. at Jones, A. (2020). Challenges in crafting effective conclusions in academic


ess
ays. Mula sa:Journal of Writing Studies, 15(2), 45-62

Smodin (2021). How to write a conclusion. Mula sa: https://smodin.io/tl/blog/how-to-


writ
e-a-conclusion

Sulaiman, N. et al., (2023). Undergraduate students’ self-perceived difficulties in


academi
c writing. Mula: https://www.researchgate.net/publication/
374812970_Under
87

graduate_Students%27_Self-Perceived_Difficulties_in_Academic_Writing

Telg, R. at Lundy, L. (2021).News writing for print.Mula


sa:https://edis.ifas.ufl.edu/publi
cation/WC191?fbclid= IwAR1q4gVZJyDZLtcdVgdYczqm4vqZ8tkIyibB56
W4kAHqwkglPzgHDRzYZ0

Tenney, M. (2020).Study finds only 27% of middle & high school students proficient in
writing:how to make sure your child excels. Mula sa:https:tenneyschool.com/
middle-high-school-students-proficient-writing-child-excels/

Trang, L. T. at Linh, L T. (2018). Improving students’ writing skill through the school
onl
ine news paper at a public university in Vietnam.Mula
sa:https://files.eric.ed.g
ov/fulltext/EJ1182976.pdf

Traphagan, J. W. (2021).Why spelling and grammar matter. Mula sa:


https://hdo.utexas.e
du. why spelling-and- grammar-matter/

Tomasik, E. at Gottfield, J. (2023). U.S journalists’ beats vary widely by gender and
other
Factors.Mula sa: https://www/pewresearch.org/short-reads/2023-beats-vary-
widely-by- gender-and-other-factors/

Untalan, C. et al., (2019). Development of campus journalism instructional material: too


l to enhance journalistic writing skills of campus journalists in zone IV
School
s Division of Zambales. Mula sa:
https://theshillonga.com/DEVELOPMENT
%20CAMPUS.pdf

Usman, F. (2022) Why campus journalism is a necessity. Mula sa:


https://dailyrealityng.c
om/2022/03/21/why-campus-journalism-is-a-necessity/

Vergara, J. F. (2022).Problems and challenges in the teaching of journalistic writing. M


ula sa:https://scielo.sld.cu/pdf/men/v20n2//en1815-7696-men-20-02-632.pdf

Verano, V. B. (2019). Spelling vocabulary skills of grade 9 students in Kablacan Integra


88

ted School:Basis for Development of Remedial Activities.Mula sa:


https://ojs.
Aaresearchhindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/11134

Villanueva, V. at Corpin, M. B. (2018) Kabulohan: Paggamit ng pag-uulo ng balita sa


pa
glalagom.Mula sa: https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C
5&q=kahalagahan+sa+pagkakaroon+ng+kasanayan+sa+pagsulat+ng+balita
&btnG=#d=gs_qabs&t=1681617344817&u%23p%DalQpGSkLcx8J

Wismanto, A. et al., (2022). The students’ news writing difficulties based on cognitive
pr
ocess. Mula sa: https:// www.researchgate.net/publication/362748734_THE_
STUDENTS’_NEWS_WRITING_DIFFICULTIES_BASED_ON_COGNIT
IVE_PROCESS

You might also like