You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

PANGASINAN STATE UNIVERSITY


School of Advanced Studies
Lungsod ng Urdaneta, Pangasinan
Unang Semestre Panuruang Taon 2022-2023

Pagsasanay sa Pamamahayag ng Filipino


(CAF 215)
____________________________________________________________________________

Pangalan: GIEZEL S. GUERRERO Student No. 21-1-SAS-0061


Kurso/Seksyon: MAED-FILIPINO
Propesor: MARY ANN R. DALATEN
Petsa ng Pag-uulat: IKA-22 NG OKTUBRE, 2022
Paksang Tatalakayin: TUNGKULIN AT KREDO NG PAMAHAYAGAN
____________________________________________________________________________
I. Panimula

Madalas na naririnig ang tungkol sa isang mahalagang babasahin na kung saan


ay ibinebenta sa ating bahay o nabibili sa ating mercado. Isa itong mahalagang
babasahin na kung saan nalalaman natin ang iba’t-ibang mga pangyayari sa loob at
labas ng ating bansa na may kasamang mga intertainment o libangan at iba pang
mahahalagang isyu sa ating bansa. Isa ito sa mahahalang babasahin ng mga tao , at ito
ay ang Pahayagan o Dyaryo.

II. Nilalaman
Ang pahayagan ay isang pangangalap ng impormasyon,pagsusulat,pag-eedit,at
paglilimbag o pangangalap ng balita,maaaring sa pamamagitan ng mga pahayagan at
magasin,o kaya’y sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.(Diksyunaryong Webster)

Ngunit ano nga ba ang tungkulin ng isang pamahayagan ?

Mayroong pitong tungkulin ang pahayagan na kinakailangang bigyan ng pansin.

Una ay ang maging mata at tainga ng mambabasa, ito ang pangunahing


tungkulin ng pahayagan, ibig sabihin tungkulin ng pahayagan na magpabatid sa mga
mambabasa ng mg aimpormasyon o pangyayaring naganap ito ay nasaksihan man nila
o hindi.

Ikalawa,maging tagapagturo, isa sa mga pinakamahalagang tungkulin ay


magturo sa mga mamamayan ng mga mahahalaga at makabagong kaalaman pati na rin
ang mga napapanahong pangyayari na nagagganap sa kapaligiran.
Ikatlo, pumuna ng balita sa pamamagitan ng mga tudling at pitak, dito
tungkulin ng pahayagan na sumiyasat ng mga balita sa pamamagitan ng pag-iinterpreta
sa mga tudling at pitak ng isang pahayagan.

Ika-apat, tagapagtaguyod ng kuro-kuro, tungkulin ng pahayagan na itaguyod


ang hinaing, opinyon at nararamdaman ng mga tao, lalong-lalo na sa mga manunulat.

Ika-lima, maging tagapaglibang o taga-aliw, kabilang sa tungkulin ng


pahayagan ang magbigay ng kasiyahan at magsilbing libangan ng mga mambabasa
.
Ika-anim, gumanap bilang tagapag-alaga ng karapatan ng mambabasa,
tungkulin ng pahayagan na alagaan ang karapatan ng isang tao bilang mambababasa.
Dagdag pa rito tungkulin nitong bantyan ang mga mahahalagang kaganapan na dapat
malaman ng mambabasa.

Huli ay ang bilang talaan sa mga mahahalagang pangyayaring naganap,


tungkulin ng pahayagan na magtala o magdokumento ng mga nagaganap na
pangyayari sa paaralan at komunidad. Ang pahayagan ay maaaring maging imbakan ng
mga impormasyong pang nakaraan na ating magagamit sa hinaharap.

Kredo- Isang pahayag ng mga paniniwala o layunin na gumagabay sa kilos ng isang


tao.

KREDO NG PAMAMAHAYAG

Ako’y naniniwala sa propesyong pamahayagan


Ako’y naniniwala na ang malinaw na pag-iisip at maliwanag ma pangungusap, tumpak at
makatarungan ay pangunahing pangangailangan sa mabuting pahayagan.

Ako’y naniniwala na ang isang mamamahayag ay dapat lamang sumulat ng isang bagay
na sa kaibuturan ng kanyang puso’y makatotohanan.

Ako’y naniniwala na walang sinumang dapat sumulat bilang mamamahayag ng


anumang bagay na hindi niya masasabi bilang isang maginoo.

Ako’y naniniwala na ang pamahayagan na nagtatagumpay ay karapat-dapat sa


tagumpay, ay natatakot sa Diyos at nag-paparangal sa tao, ay matibay na nagsasarili,
nakapag-babalangkas, mapag-bigay ngunit hindi pabaya, nakapag-pipigil , matiyaga,
laging magalang sa kanyang mambabasa, ngunit walang pakatakot, madaling mapoot
sa walang katarungan at humahanap ng paraan upang mabigyan ang bawat tao ng
pantay-pantay na pagkakakataon.

III. Lagom/Buod/Konklusyon
Ang paksang ito ay naglalayong magturo at magbigay ng patnubay patungkol sa
nararapat na gawin o tungkulin ng isang pamahayagan. Isa itong paalala upang matiyak
na ang nilalaman ng pahayagan ay totoo at walang kinikilingan. Narapat na ang isang
taong manunulat ng isang balita ay maisaalang-alang ang pitong tungkulin at maging
ang kredo ng pahayagan nang sa gayon ay magampanan niya ng husto at mabuti ang
kanyang sinumpaang tungkulin na magbigay ng wasto at tiyak na mga balita sa taong
bayan.
Ang lahat ng mga balitang mabubuo, ang magmumulat sa atin sa lahat ng mga
kaganapan o pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at ito rin ang magsisilbing libro
ng mga tao sa hinaharap sa pagtuklas ng ating nakaraan.

IV. Mga Sanggunian

 https://www.slideshare.net/cindyrosevortex/mga-simulain-tungkulin-alituntunin-at-batas-
ng-pamahayagan
 https://www.scribd.com/presentation/360071078/Mga-Simulain-Tungkulin-Alituntunin-
at-Batas-ng-pamahayagan
 https://ms68l7s4t.keqingsong.com.cn/zhzc.php?anli=maid&v=ph1633127866307
 https://www.studocu.com/ph/document/don-honorio-ventura-technological-state-
university/kontekstwalisasong-komunikasyon-sa-filipino-fil2-modyul-1-ang-
pamamahayag/27579697

V. Dokumentasyon

You might also like