You are on page 1of 2

Pamahayagang Pangkampus

Sa umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas, ang pampaaralang pamamahayag ay tulad din ng sa


komersyal na pamamahayag na nagkakaloob ng kahalagahan sa mga mambabasa.

Paghahambing ng pambansang pahayag sa Pangkampus na pahayagan

Ang pahayagan ay isang inilimbag na publikasyon ng mga balita na inilathala at ibinebenta.

Ang pangunahing layunin ay ;


-upang makapag hatid ng balita sa mga mambabasa.

-Pinipilit na ipaliwanag ang laman ng balita, ang pamamaraang ginamit gayon din ang mga
puna at opinyon.

-upang manlibang at magturo.

Ang pahayagang inilathala sa araw-araw ay tinatawag na pang-araw-araw na pahayagan.

Ang pahayagang inilathala minsan sa isang linggo ay tinatawag na lingguhang pahayagan.

Ang pambansang pahayagan ay madaling mabili kahit na saang panig ng ating bansa.

Ang pahayagang inilathala sa mga paaralan at pinamatnugutan


ng mga mag-aaral ay tinatawag na PAHAYAGANG PAMPAARALAN o PANGKAMPUS.

Dalawang kategorya ng pambansang pahayagan:

1. Popular o tanyag na pahayagan

Ang mga inilalathala rito ay mga balita hinggil sa mga tanyag na isyu, madaling basahin ang
mga artikulo at maraming mga larawan.

2. Mabigat o may katangiang pahayagan

Ang mga binigyang diin dito ay ang maraming mga seryosong paksa at marami ring larawan.

Kodigo ng Etika ng Pamahayagang Pangkampus

Lahat ng mga pahayagang pang mag-aaral sa buong mundo ay kinakailangang igalang dahilan
sa pangunahing paniniwala sa karapatang pantao. Kinakailangang manatili ang mabuting
katangian sa pagsulat gayundin ang mataas na pamantayan sa pag-uugali.
Mga Kodigong Dapat Ipatupad sa Pampaaralang Pamahayagan

1. Isulat nang wasto at walang pagkiling ang mga balita sa pamamagitan ng mga katibayan.
Ang lahat ng ipahahayag ay may kalakip na responsibilidad.

2. llahad ang pagkakakilanlan bilang kinatawan ng mga mag-aaral bago İsakatuparan ang
pakikipanayam.

3. Huwag pigilin ng editor ang malayang pananaw ng mga mag-aaral sapagkat dito'y taliwas sa
patakarang pang-editoryal.

4. Dapat ilathala ang paghingi ng paumanhin sa sandaling may nagawang pagkakamali o


pagkukulang.

5. Itaguyod ang kalayaan ng pamamahayag sa pamamagitan ng matapat na pangangalap ng


mga balita batay sa katotohanan.

6. Igalang ang sikreto ng pinagmulan ng impormasyon gayundin ang pribadong pinagmulan ng


katibayan.

7. Maging pamilyar sa mga batas ng libelo at mga patakarang ipinatutupad sa pamamahayag


ng bansa gayundin ang kasunduang internasyunal hangga't hindi nagiging sagabal sa
malayang pamamahayag o ang pangangailangang mapabatid sa publiko ang mga mahalagang
pangyayari. Sa bawat pagsisikap kailangang ganap na manatili ang kalayaan, makatwirang
pakikitungo sa bayan at mabuting panlasa sa pamamahayag. Ang pamahalaang opisyal ng
mga mag- aaral ay may kaakibat na responsibilidad.

Reporter;
Panal, Rebby
Rosales, Ma.Melessa B.
Calinisan, Kenneth

You might also like