Professional Documents
Culture Documents
Ang Kontekswalisasyon at Lokalisasyon NG Asignaturang Filipino
Ang Kontekswalisasyon at Lokalisasyon NG Asignaturang Filipino
KONTEKSWALISASYON AT
LOKALISASYON NG
ASIGNATURANG FILIPINO
BY:GROUP 1
LOKALISASYON AT KONTEKSTWALISASYON
Ang kurikulum ay buhay. Ito ay nagbabago depende sa kung sino ang nagpapatupad nito,
saan at kalian ipinatutupad. Upang maisagawa ang lokalisasyon ng kontekstwalisasyon
ng kurikulum.
“Kailangan mong isipin kung nasaan ka upang magawa mong makabuluhan sa iyo ang
kurikulum” –Wika ni Usec. Dina.
Kung tayo ay naglolocalize, tayo ay sumang-ayon sa kurikulum. Ito ay nangangahulugan
na sa iba’t ibang sulok ng bansa, gumagamit ng iba-ibang kagamitan upang maihatid ang
mga pamantayan ng kirikulum. Nailalapat ang lokalisasyon at kontekstwalisasyon sa
lahat ng asignatura. Nakikinabang ng lokalisasyon ang mga kagamitang nakikita sa
komunidad. Sa kontekstwalisasyon, gumagamit ang guro ng mga awtentikong
kagamitan, gawain, interes, isyu, at pangangailangan mula sa buhay ng mga mag-aaral.
Nagbibigay rin ang guro ng pagkakataon sa mga mag-aaral na maglatag ng mga
suliranin,isyu at tuluyang bumuo ng mga estratehiya upang ito’y mabigyan ng
kahalagahan.
Ayon sa DepEd Order 32 s. 2015, ang pagsanib ng localization,
indigenization tungo sa contextualization sa pagtuturo sa lahat ng
asignaturang nakakatulong sa paglinang ng kakayahan at kaalaman ng
mga magaaral na mas mapahalagahan ang mga bagay na mkikita mismo
sa kanilang pook na gingawalawan. Nakatutulong din ito upang mabigyan
ng Kalayaan ang mga paaralan upang iangkop ang kurikulum sa lokal at
iugnay ang nilalaman nitonsa proseso ng pagtiuturo sa kapaligirang local.
Mapahalagahan ang biyaya at likas na kagandahan sa sariling pook.
Ang Lokalisasyon at Kontekstwalisasyon ay isang legal na batayan.
Ayon sa Artikulo 12 Seksyon 14 taon 1987, binanggit na ang isang Estado
kailangang magkaroon ng pagbabago sa larangan ng edukasyon upang
malinang ang kaalaman at kalayaan na maipapakita ang kultura at talento
ng bawat magaaral.
LOKALISASYON
Isang proseso sa pag-uugnay ng nilalaman sa
local na imporasyon at kagamitan mula sa
komunidad ng mag-aaral. Ito’y nangangahulugan
sa iba’t ibang sulok ng bansa ay gumamit ng mga
sariling kagamitan para maihalintulad ang mga
pamantayan ng kurikulum.
KONTEKSTWALISASYON
Paglinang ng bagong kasanayan, kaalaman,
kakayahan, at kaasalan ng mga mag-aaral sa
pagpapahayag ng bago, makabuluhan at napapanahong
isyu sa totoong buhay at lugar na ginagalawan. Tumutukoy
sa proseso ng mag-aaral sa pamamagitan ng pag-uuganay
ng kurikulum o aralin sa partikular na tagpuan, sitwasyon o
lugar ng paglalapat at upang gawing angkop, makabuluhan
at kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral.
LAYUNIN
• Napaghahambing ang kahulugan ng lokalisasyon at kontekstwalisasyon.
• Natutukoy ang mga paraan ng pag-localize at pag-contextualize ng mga
aralin sa Filipino.
• Naibabahagi ang kahalagahan ng lokalisasyon at kontekstwalisasyon sa
pagtuturo.
• Natutukoy ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga batas ng
impormasyon.
• Nailalapat ang lokalisasyon at kontekstuwalisasyon sa lahat na
asignatura.
Ang kurikulum at pagkakaturo batay sa estrahiyang
kontekstuwal na pagkatuto ay dapat mabalangkas
upang humikayat ng limang paraan sa pagkatuto:
RELATING
EXPERIENCES
APPLYING
COOPERATING
TRANSFERRING
RELATING (PAG-UUGNAY)
Ang pagkatuto sa konteksto ng karanasan sa buhay, o pag-uugnay,
ay isang uri ng kontekstuwal na pagkatuto na karaniwang
umuusbong sa murang edad pa lamang ng mga mag-aaral. Sa mga
“adult learners”, ang pagbibigay ng mga makabuluhang konteksto
para sa pagkatuto ay higit na mahirap. Ang kurikulum na nagnanais
maglagay sa pagkatuto sa konteksto ng karanasan sa buhay, ay
humuhikayat sa atensiyon ng mag-aaral sa araw-araw na karanasan,
pangyayari at kondisyon. Kailangang maiuganay ito sa araw-araw na
sitwasyon at impormasyon na dapat matutunan at suliraning dapat
malutas.
EXPERIENCING (PAGPAPARANAS)
Ang pagpaparanas sa pagkatuto sa konteksto ng eksplorasyon,
pagtuklas, at pag-imbento, ay ang puso ng pagkatutong
kontekstuwal. Ngunit ang mga “motivated” o ”turned-in
students” ay umuusbong bilang resulta ng ibang estratehiya sa
pagkatuturo tulad ng video, naratibo, o batay sa nilalaman na
gawain, nanatiling ang mga ito ay positibong paraan ng
pagkatuto. At ang pagkatuto ay higit na nagaganap kapag ang
mga mag-aaral ay nahahayaang makamanipula ng mga kagamitan
at gumawa ng mga aktibong pamamaraan ng pananaliksik.
APPLYING (PAGLALAPAT)
Ang paglalapat ng mga konsepto at impormasyon sa isang
kapaki-pakinabang na konsepto at karaniwang sa
proyekto ng mga mag-aaral sa isang “imagined future
(possible career)”o sa isang di-kilalang lokasyon
(workplace) ay karaniwang nagaganap sa pamamagitan ng
mga teksto, video, laboratory, mga gawain., at mga
pagkatutong kontekstuwal na karanasan ay karaniwang
sinusundan ng “fish-hand” na mga karanasan.
COOPERATING (PAKIKILAHOK)
Ang pakikilahok sa konteksto ng pagbabahagi,
pagtugon, at pakikipagtalastasan sa ibang mag-
aaral ay pangunahing estratehiya sa pagtuturong
kontekstuwal. Ang karanasan sa pakikilahok ay
hindi lamang higit na nakatutulong sa mas
maraming mag-aaral na matuto sa aralin, kundi ito
rin ay nakatuon sa tunay na pokus ng pagtuturong
kontekstuwal.
TRANSFERRING (PAGLILIPAT)
Ang pagkatuto sa konteksto ng kung anong
umiiral na kaalaman, o paglilipat, ay gumagamit,
at bumubuo batay sa kung anong alam na ng
mag-aaral. Nalilinlang ang tiwala sa sarili ng
mag-aaral na lumutas ng mga mag-aaral ng mga
bagong karanasan sa mga alam na nila.
PANIMULA:
KASAMA SA MGA TAGAPAGSALITA SA FORUM NA IYON SI DR. BIENVENIDO LUMBERA, PAMBANSANG ALAGAD NG SINING, ANG FORUM NA IYON AY KULMINASYON NG MGA NAUNA PANG
KOLEKTIBONG INISYATIBA MULA PA NOONG 2012. ANG MGA NASABING INISYATIBA AY EPEKTO NG PANGTATANGKA NG KOMISYON NG MATAAS EDUKASYON SA PAMAMAGITAN NG CHED
MEMORANDOM ORDER (CMO) NO. 20 SERIES OF 2013 NA ALISIN ANG MGA ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO PARA HINDI UMANO AY MABAWASAN AT MAS MAPAGAAN ANG
KURIKULUM SA KOLEHIYO. MALAKI AT MAKABULUHAN ANG PAPEL NG TANGGOL WIKA SA PAGTATAGUYOD NG ASIGNATURANG FILIPINO AT PANTIKAN SA KOLEHIYO BAGAY NA LUBHANG
MAHALAGA SA PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON.
ANG IYONG PANGALAN, ANG IYONG PABORITONG PAGKAIN, ANG KULAY
NG IYONG MGA MATA AT NG IYONG BUHOK, ANG KULAY NG IYONG BALAT
MARAMI PANG IBA. PERO WALANG MAKATUTUMBAS SA WIKANG IYONG
SINASALITA. SABI NILA, ANG WIKA ANG NAGIGING SIMBOLO, INSTRUMENTO
ATBASEHAN NG IYONG PAGKAKAKILANLAN. SA PILIPINAS, ANG ATING
PAMBANSANG WIKA AY WIKANG FILIPINO.
ANG ATING MGA LIDER NA MAKABAYAN TULAD NINA LOPE K. SANTOS, CECILIO LOPEZ,
TEODORO KALAW AT IBA PA AY NAGTATAG NG KILUSAN NA KUNG SAAN SILA AY NAGING
MASIGASIG SA PAGKAKAROONNG WIKANG PAMBANSA. NAGHARAP NG PANUKULA SI
MANUEL GALLEGO NA GAWING WIKANG PAMBANSA AT WIKANG OPISYAL ANG TAGALOG
SUBALIT PATULOY PA RING NAMAYANI ANG INGLES.
NANG ITATAG ANG KOMONWELT, NAGKAROON NG MALAKING
HAKBANG TUNGO SA PAGKAKAROON NG ISANG WIKANG
PAMBANSA. ITO AY UTANG NATIN SA NAGING PANGULONG MANUEL
LUIS M. QUEZON, ANG TINAGURIANG "AMA NG WIKANG PAMBANSA.
NOONG 1934, ISANG KOMBENSYONG KONSTITUSYONAL ANG BINUO
NG PAMAHALAANG KOMONWELT UPANG MAISAKATUPARAN ANG
PANGARAP NI QUEZON. AT UPANG IPAKILALA ANG KAHALAGAHAN
NG WIKA, ISANG PROBISYON TUNGKOL SA WIKA ANG ISINAMA SA
ATING SALIGANG BATAS. ITO AY NAPAPALOOB SA ARTIKULO XIV,
SEKSYON 3 NG KONSTITUSYON NOONG PEBRERO 8, 1935.