You are on page 1of 2

Deskripsyon ng Batayang Konseptuwal na Balangkas sa Pagtuturo ng Filipino K-12

Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang


buo at ganap na Pilipinong may kapaki - pakinabang naliterasi.Kaugnay nito, layunin ng
pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo /
mapanuring pag-iisip, (3)pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng
pambansangpagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang
makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.Sa ikatatamo ng
mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang pampagtuturo ng mga guro bilang suporta sa
kurikulum na magmumula saadministrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at
publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.Isinaalang-
alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na
pamayanan, maging ang kalikasan atpangangailangan ng mga mag-aaral.
Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal
ng edukasyon atwika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning), Leo
Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), RobertGagne
(Heirarchical Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated Learning),Cummins
(Basic Interpersonal Communication Skills-BICS atCognitive Academic Language
Proficiency Skills-CALPS at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na
nagsabing “nasa kabataanang pag-asa ng bayan”. Isinaalang-alang din ang nasa Banal
na aklat na gintong aral na “Ituro sa bata ang wastong landas upang sa pagtandaay
hindi siya mawawala”. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang
mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mgateorya / simulain sa pagsusuring
panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga
akdang pampanitikan at tekstong palahad.

Ang pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong


impormasyon ay maaring makukuha sa pagmamasid ibang tao ayon sa paliwanag ng
Interaktibong teorya sa pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura. Ayon din
sa teoryang ito, mahalaga ang iniisip ng tao sa kanyang pagkatuto at ang pagkatuto ay
hindi nangangahulugang magbubunga ng pagbabago sa kilos.

Ayon sa Experiential Learning ni David Kolb ang mga nasa edad (adults) ay
nakatuto sa pamamagitan ng pagngingilay sa kanilang karanasan, pagbuo ng
konklusyon o insights mula sa mga ito, at paglalapat ng mga ito sa angkop na
sitwasyon sa buhay. Sinusuportahan ang pananaw ni Kolb ng Teoryang Contructivism,
ayon sa teoyang ito nagkakaroon ng pagkatuto ang mga tao at gumawa ng kabuluhan
batay sa kanyang mga karanasan.
Nailalapat ang mga pagkatuto sa paggawa ng mga pasya lalo na sa kukuning
kurso o propisyon. Ayon sa Teorya ng Career Deelopment nina Ginzberg dumadaan sa
iba’t-ibang yugto ang pagpapasya ng mga bata ukol sa kurso o propesyon batay sa
pagtingin sa kanyang sarili (self-concept), saloobin (attitude) at mga pagpapahalaga.
Tinatanggap o tinatanggihan niya ang isang kurso o trabaho batay sa obserbasyon niya
halimbawa, ang mga kilos ng kanyang mga magulang batay sa propesyon nito, o di
kaya’y kanayang tinuturing na mahalaga malaking sweldo o ang paglilingkod sa
lipunan.

Ipinatutupad na ng ikalawang administrasyong Aquino ang programang


Kindergarten to12 Years of Basic Education (K to 12) na suportado ng World Bank, mga
organisasyon ngmalalaking negosyante gaya ng Philippine Business for Education
(PBED), Employers’Confederation of the Philippines (ECOP), at Philippine Chamber of
Commerce and Industry(PCCI). Samantala, tinututulan naman ng ilang organisasyon ng
mga guro gaya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), at ng ilang mambabatas
gaya ng 8 kongresista at dalawangsenador, ang programang ito

Ayon kay Soleen et. Al. (2003), ang Contructivism ay isa sa maraming teorya
kung paano natuto ang isang tao. Sa konsepto ng Contructivism ang mga mag-aaral ay
aktibong nakikilahok sa paglikha ng sailing pag-unawa, at ang gamit ay ang
makabagong teknolohiya tulad ny kompyuter ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng
sariling pagpapakahulugan batay sa dati niyang kaalaman (prior knowledge) at
karansan. Kaya ang paggamit ng makabagong teknolohiya ay mabisa. Kapag tinalakay
naman ang mga kagamitang tanaw dinig ay hindi maiiwasang mabanggit ang Cone of
Experience o Hagdan ng karanasan ni Dale (Ruedes at Abad, 2001) na binibuo ng
labing isang baiting. Kaya ang kompyuter at telebisyon bilang mga kagamitang tanaw-
dinig ay nakatutulong upang mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral,
sapagkat napapadali nito ang paglilipat ng kaalaman sa isang mabilis at simpleng
paraan.

You might also like