You are on page 1of 2

Pagpapatupad ng ROTC sa Senior High School

Hanang tumatagal mas pinapairal na ngayon ng mga kabataan ang pagiging ignorante, kawalan

ng disiplina sa sarili, kawalan ng kontrol sa sariling luho at higit sa lahat nakakalimotan na ng

mg ito ang obligasyon nila sa sariling lipunan. Kung kaya’t nararapat lamang na maipatupad ang

Recerved Officers Training Corps (ROTC) sa bawar Senior High School. Ang ROTC ( Reserve

Officers Training Corps) ay isang pagsasanay na nakalaan para sa mga kabataan. Ito’y inilatag ng

dating Presindente na si Pangulong Quezon, ito ay pagsasanay na kung saan hinuhubog rito ang

pagiging madisipliana ng kabataan sa kanilang sarili, nahuhubog rin dito ang mga kabataan kung

paano maging isang mabuti o huwarang lider, dagdag pa rito ito ay uri ng pagsasanay kung saan

inihahanda ang bawat kabataan sa anumang kaganapang mangangailangan ng matibay na

depensa o krisis na maaring kakaharapin ng bansa.

Dapat lamang ipatupad ang ROTC sa Senior High School

- Ayon pa nga ni President Marcos Jr. Na sa pamamagitan ng ROTC, matutulongan nito

ang mga kabataan na maging mulat sa mga bagay na dapat gagawin sa panahon ng

pangangailangan. Sa pamamagitan rin nito’y matututonan din nila ang ibig sabihin ng

karangalan sa pagsisilbi o pagseserbisyo sa bansa.

Ang ROTC ay hindi isang parusa para sa mga kabataan

- Ayon kay Cadete Lieutenant Viennna Kaye Plugdaan. Ipinahayag niyang ang ROTC o

Recerved Officers Training Corps ay isa lamang lugar ng disiplina, bawat kabataan ay

dinidisiplina ng maayos upang ihanda sila hindi upang maging active duty para mag silbi

kaagad sa military kundi pagkakailanganin na sila bilang reservist hindi lamang sa gyera

kundi pati na din sa social crisis o di kayay disaster, kung kailangan sila andyan sila
handang tumulong. Dagdag niya pa rito na nakakatulong itong mapabago ang buhay ng

isang tao lalong lalo na pagdating sa pananaw, pamumuno at pakikisama.

Ang ROTC ay hindi tungkol sa panghihimasok ng mga militar sa paraalan

- Ayon kay Atty. Noel Landero “ schools are not a private place” pumupunfa ka doon

upang matuto, kung kaya’t daat lang na sumunod ka sa mga patakara. Ng paaralan.

Ngayon kung ang Department of Education ay gustong maging parte ng curriculum na

pagpapatupad ng ROTC, kailangan talaga ng mga kabataang sumunod, kung kaya’t

hanggang ang paaralan ay inaprobahan to, kailangan mong matuto, hindi para pagsabihan

sila kung ano ang dapat gawin o ano ang dapat na gagawin.

Ang ROTC ay nakakatulong upang ihanda ang bawat kabataan sa maaring mangyari sa

panahon ng pangangailan.

Ang Recerved Officers Training Corps ay dapat lamang ipatupad. Ito’y hindi parusa para sa

mga kabataan at lalong lalo na hindi ito tungkol sa panghihimasok ng mga militar sa

paaralan. Ito’y isang pagsasanay na siyang matuturo aatin paano maging handa sa ano mang

uri ng kakaharaping problema sa bansa. Nakakatulong din itong hubugin ang ating sarili

upang maging isang huwarang mamamayang magsisilbi sa lipunan.

You might also like