You are on page 1of 1

ELISHA D.

HERNANDEZ 10-DIAMOND

A. Sarah Duterte pag siya nanalo vice president


imumungkahi nyang ibalik ang Mandatory Military
Service for All Filipinos (ROTC)
Magandang araw po sa inyong lahat, malugod po akong
nagpapasalamat sa paglalaan ninyo ng oras upang makinig sa
talumpati na ito. Marahil ay hindi na lingid sa kaalaman ng bawat
isa sa atin ang salitang ROTC o Reserve Officer Training Corps ay
isang prominenting programa ng Gobyerno. Para sa mga
estudyante sasekondarya at kolehiyo.

ROTC, kailangan ba talaga ito o hindi? Tulad ng lahat ng bagay


ang pagpapatupad ng mandatory ROTC ay may positibo at
negatibong aspeto. Isa na rito ay ang pagiging daan ng ROTC
upang malinang ang pagiging makabayan ng mga kabataan.
Naglalayon ito na sanayin sa pamamaraan ng “military discipline
and skills”. Ito man ay mandatoryong kunin ng mga estudyante,
mayroon namang ibang hindi pinapayagan sumailalim sa nasabing
pagsasanay tulad ng mga mag- aaral na may pisikal nakapansanan
o di kaya ay nerikomenda ng doctor na hindi maaaring sumali.

Ang ROTC at isang magandang plano ng ating Gobyerno para sa


mga kabataan na tulad ko, na kayang proteksyunan ang sarili, at
gustong maging sundalo ng sa ganun ay madaragdagan ang mga
sundalong promoprotekta sa ating bansa. At para rin maiwasan
ang gulo sa ating bansa. Kaya naman ang ROTC ay isang
magandang plano ng Gobyerno. Makatutulong din ang ROTC para
mas dumami ang mga sundalong handang tumulong sa ating bansa.
Ang ROTC ay magandang ipatupad sa Senior High. Kapag ang
ROTC ay ipinatupad sa Public School maraming kabataan ang
mababago ang buhay.

Ang ROTC ay makatutulong upang maprotektahan ang ating bansa.


Ang ROTC ay malaking tulong sa mga kabataan upang matulungan
ang kanilang pamilya at maiahon sa kahirapan. Dahil ang ROTC
ay isang daan upang mabago ng mga kabayaan ang kanilang sarili.
At dahil sa ROTC ang lahat ng mga kabataan at madaragdagan ang
kanilang karanasan sa buhay at ng sa ganun mararanasan nila
kung gaano kahirap ang buhay sundalo.

You might also like