You are on page 1of 14

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa pananaw ng mga mamamayang Pilipino ay may obligasyon na dapat gawin,

sundin, at paigtingin ang pagbabantay sa daan o di kaya’y dagdagan ang mga traffic

enforcer para mas sigurado ang kaligtasan ng mga mamayang Pilipino na tumatawid sa

daanan. Dahil maraming nasasayang na buhay dahil lang sa walang kwentang

disgrasya na nagaganap. May kakayahang ang saligang batas para dagdagan ang

traffic enforcer ngunit maraming may makapangyarihang tao kagaya ng mga mayor at

mga congresista na mas pinipiling komkumin ang mga perang galling sa mga

kompanya na nagbibigay ng buwis kaysa igasto sa pamayanan para masigurado ang

kaligtasan ng mga mamamayang.

Trahedya isang pangyayari na di maiwasan, kahit gaano ka mag-ingat di mo parin

maiiwasan ang trahedya lalo sa daan, at yun ang suliranin ngayon ng munipasilidad ng

tagoloan.

Ang trahedya ay isang pangyayari na may mali at hindi inaasahan ang kaganapan,

kabilang sa mga pisikal na halimbawa nito ang baggaan nga

magkasalubong/magkasunod na sasakyan o ng mga naglalakad sa magkabilang

direksiyon ng daan at hindi gumagamit ng pedestrian lane at overpass. Sa paggamit

narin ng cellphone hapang nagmamaneho o naglalakad.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaw ng mga mamamayang tagoloan tungkol sa trahedyang nangyayari

dahil kulang sa batas trapiko.

Sa panahon ngayon di maiwasan ang trahedya o disgrasya dahil kulang sa disiplina

ang ibang motorist at walang mga ilaw sa daan pag-gabi. Kulang din sa mga traffic

enforcer at walang tamang pedestrian lane at kakulangan sa mga overpass maraming

maaapektohan na mga tao, tulad nalang ng mga estudyante at mga senior citizen, hindi

makatawid ng tama kapag dumating n ang rush hour. Ang paksang ito inimulat tayo sa

mga trahedyang nangyayari, kapag hindi tayo nag-ingat.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin naming sa pag-aaral sa paksang ito upang iparating sa kinauukolan

ng ahensya ng gobyerno na dapat palawakin ang batas ng trapiko, at dagdagan ng mga

pedestrian lane at overpass sa bawat na dinadaan ng mga sasakyan, para iwas

disgrasya.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay magbabahagi ng mga bagong kaalaman. Gayunpaman

ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang sumusunod:

 Mga Magulang – sa pag gabay sa kanilang mga anak sa tamang pagtawid sa

daan.

 Mga Guro – pagturo sa mga estudyante kung paano ang pagtawid.

 Eskwelahan – maaaring gawin din itong paksa sa mga estudyante ukol sa batas

trapiko.

 Traffic enforcer – sila ang numero unong umagapay sa atin sa daan, kung kalian

tayo pwede maaaring tumawid o hindi tatawid.

KAHULUGAN NG PILING SALITA

 Trahedya – Ang trahedya ay isang pangyayaring hindi mo inaasahan, walang

pinipiling oras, araw, at lugar.

 Batas trapiko – Ang batas trapiko ay para sa mga tao naglalakad, sa mga

sasakyan, motorsiklo, at sa bisikleta at iba pa. Dapat nating tadaan ang mga

batas trapikong ito sa pinakamadaling panahon para iwas disgrasya.


LAGOM NG KABANTA

Sa kabanatang ito nailalathala naming mga mananaliksik ang usaping tungkol sa

batas trapiko. Sapagkat ito ang pangunahing suliranin ng pilipinas saan mang panig ng

bansa. Dito makikita ang kakulangan sa traffic enforcer kaya ang abusadong mga

motorist wala nang batas na sinusunod kagaya ng hindi pagsunod sa mga traffic lights

kaya nagkakaroon ng aksidente sa daan. Pati mga overpass na dapat ginagamit para

maging ligtas ang mga taong hindi marunong tumawid hindi matibay ang pagkagawa

marupok ito at madaling masira, sa pedestrian lane naman kaunti lamang ito kadalasan

sa mga pagpublikong paaralan lamang hindi pa gaano kalinaw ang pagkamarka ng

guhit sa daan na maging sanhi ng aksidente. Ang layunin ng mga mamayang Pilipino

ay ang matugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga commuter at motorist

para maging maayos ang daloy ng bawat sasakyan dadaan sa lansangan. Ito ang

problemang dapat pagtuonan ng pansin at resulbahin ng mga namamahala at

pundohan ang mga kakulangan.


KABANATA 4: MGA NATUKLASAN SA PAG-AARAL

PANIMULA:

Ang kabanatang ito nagbibigay ng mga detalyadong diskusyon sa mga

natuklasan at nakuhang mga kasagutan. Sa pag-aaral na ito ang mag imbestiga at

kumuha nga mga impormasyon kung ano ang mga pananaw o mga opinyon ng mga

mamamayang tagoloan tungkol sa trahedyang nangyayari dahil kulang sa batas trapiko.

Mayroong isang puno ng katanungan na siyang sisisyatin sa pamamagitan ng

pakikinayan. Ano ang pananaw ng mga mamamayang tagoloan tungkol sa trahedyang

nangyayari dahil kulang sa batas trapiko.

Sa aming pakikinayan, ang mga piling tagatugon ay sumasagot sa lahat n

gaming katanungan. May mga iba-ibang opinyon at pananaw ng bawat isa. Ang

natuklasan ng pananaliksik na ito ay i-aanalisa ang mga datos buhat sa malayang

pakikinayan.

Impormasyon ng tagatugon:

Sa kabuuan ay may labing limang tagatugon (15) sa pag-aaral na ito. May pitong

(7) lalake na driver at may tatlong (3) babae empliyado sa municipyo ng tagoloan, may
dalawang tao (2) na residente ng tagoloan, at may antasng pag-aaral nasa ikatlong tao

(3) na may tatlong tagatugon. Ang mga lahat ng tagatugon ay nasa 16-45 na taong

gulang.

KAPANSIN PANSIN NA NATUKLASAN:

Pagkatapos ng mga kahiparan sa tematikong pag-aanalisa ng mga nakuhang

datos, isang masikhay na tema ang nagpapaibabaw.

Tema: Ano ang pananaw ng mga mamamayang tagoloan tungkol sa trahedyang

nangyayari dahil kulang sa batas trapiko?

Ang tema ay nalikha ng malundag na maliit na katanungan ang mga sumusunod:

(a) Ano ba ang epekto kapag may trahedyang nagaganap sa daan ng tagoloan? (b)

Nakakaapekto ba ito sa ibang taong bumabyahe kapag may trahedyang naganap? (c)

Ano ba ang maaring solusyon para maiwasan ang trahedya? (d) Para sa inyo? Ano

bang dapat gawin ng batas trapiko para maiwasan ang mga trahedya? (e) Malaking

tulong ba ang traffic enforcer para maiwasan ang mga trahedyang nagaganap? Bakit?

(f) Sang ayon ba kayo na ipagbawal na ang pagtawin sa pedestrian lane at doon ka

tatawin sa overpass para maiwasan ang trahedya? Bakit? (g) Ano ba ang masasabi

niyo tungkol sa aksidente ditto sa tagoloan? (h) Sang ayon ba kayo na dagdagan ang

opensa sa mga taong lumalabag sa batas trapiko? (i) Sang ayon ba kayo na higpitan
ang batas trapiko ng tagoloan? (j) Ano ba ang masasabi mo sa mga salarin ng mga

aksidente?

Katanungan 1: Ano ba ang epekto kapag may trahedyang nagaganap sa daan ng

tagoloan?

Ang lahat ng mga tagatugon ay sumagot ng pareho ang epekto ng trahedyang

nagaganap sa daan ng tagoloan ay nakakadulot ng matinding traffic at mahuhuli sila sa

kanilang mga trabaho at sa pagpasok sa paaralan.

Katanungan 2: Nakakaapekto ba ito sa ibang tao bumabyahe kapay may trahedyang

nagaganap? Bakit?

Ang lahat nga mga tagatugon ay pari-parihang sagot. Sagot nila ay Oo, dahil

maaga pa sila pumapasok sa kani-kanilang mga trabaho lalo’t ng mga estudyante na

pumapasok sa kanilang paaralan, at nakakasagabal sa kanila.

Katanungan 3: Ano ba ang maaaring solusyon para maiwasan ang trahedya?

Sina T1,T2,T3,T4,T6,T9,T11,T13, halos kapariha ang sagot nila na ang solusyon

upang maiwasan ang trahedya ay dapat controlado ang pagmamaniho at wag basta-

basta mag over-take para hindi mabangga o makabangga . Sina

T5,T7,T8,T10,T12,T13,T15, ay halos din kapariho rin ang kanilang sagot, upang


maiwasan ang trahedya iwas-iwasan ang pagmamaniho ng mabilis at huwag magbyahe

kapag ika’y naka inom.

Katanungan 4: Para sa inyo? Ano bang dapat gawin ng batas trapiko para maiwasan

ang mga trahedya?

Sina T2,T3,T4,T5,T6,T7,T8,T9, pariho ang mga kanilang sagot, ang dapat gawin

ng batas trapiko upang maiwasan ang trahedya ay dapat bantayan ang bawat takbo ng

mga sasakyan. Sina T1,T10,T11,T12,T13,T14,T15, ay pari-pariho ang sagot nila dapat

gawin ay maglagay pa sila ng mga traffic enforcer o mga traffic light upang maiwasan

ang trahedya.

Katanungan 5: Malaking tulong ba ang traffic enforcer para maiwasan ang mga

trahedyang nagaganap? Bakit?

Halos silang lahat ay pari-parihang sagot, Oo, dahil sila ng pumapara para mag

stop ang mga sasakyan kapag may tumatawid, sila din ang nagbabantay kapag may

mabilis ang takbo ng mga sasakyan malaking tulong ang traffic enforcer upang walang

buhay na masasayang.

Katanungan 6: Sang ayon ba kayo na ipagbabawal ang pagtawid sa pedestrian lane at

doon tatawid sa overpass para maiwasan ang trahedya? Bakit?


Sumasang-ayon sina T1,T2,T3,T4,T5,T7,T9,T12,T15, para maiwasan na ang

mga disgrasya na nagaganap upang walang buhay na masasayang. Sina

T6,T8,T10,T11,T13,T14, ay hindi sila sumasang-ayon dahil paano na ang mga

matatanda na hindi makaakyat sa overpass dahil mahina na ang mga tuhod nila, pati na

ang mga buntis pag hindi nila kaya ang pagakyat dahil sa laki nag tiyan nila at baka

makunan pa sila, tanging daan nalang nila sa pagtawid ay ang pedestrian lane.

Katanungan 7: Ano ba ang masasabi niyo tungkol sa aksidente dito sa tagoloan?

Silang lahat ay sumagot ng pari-pariha, sabi nila nakakasayang ng buhay kapag

mayroon na aksidente lalo’t na pag ikaw ay lasing, lalo’t ito’y gabi na wala din

nakalagay na mga traffic light or traffic signs.

Katanungan 8: Sang ayon ba kayo na dagdagan ang opensa sa mga taong lumalabag

sa batas trapiko?

Sina T1,T3,T4,T6,T8,T10, sumasang-ayon sila, para mamulat sila sa

magmamaniho ng tama para iwas disgrasya at sundin ang batas trapiko. Ngunit sina

T2,T5,T7,T9,T11,T12,T13,T14,T15 ay hindi sila sumasang-ayon dahil hindi maiwasan

na lumabag sa batas trapiko dahil kapag may emergency na kinakailangan o na

aksidente ang mga mahal sa buhay.

Katanungan 9: Sang ayon ba kayo na higpitan ang batas trapiko ng tagoloan?


Silang lahat ay sumasang-ayon na higpitan nila ang batas trapiko ng tagoloan

upang ma organisa ang mga motorist at iba pa, na magmaneho na nag-aayon sa speed

limit na pagtakbo at walang sapawan na magaganap.

Katanungan 10: Ano ba ang masasabi mo sa mga salarin ng mga aksidente?

Silang lahat ay kapariho ng sagot, ang masasabi nila sa mga salarin ng

aksidente, bago sila magmaniho dapat suriin muna nila ang sasakyan kung may

depekto ba o wala, bago nila gamitin upang maiwasan ang mga aksidente sa daan, at

hindi dapat maging kaskasiro sa pagmamaniho.

LAGOM NG KABANATA:

Sa kabanatang ito na tunghayan natin ang ilang mga katanungan at mga

kasagutan na aming nakalap. Dito na ipapahayag ang saloobin at opinyon ng mga tao

na aming natanungan upang mapunan naming ang datos sa pananaliksik.


KABANATA 5: PAGTATALAKAY, TAGUBILIN AT PASIYA

PAGTATALAKAY

Ang huling kabanatang ito ay naglalagay ng mga kaganapan sa paligid ng

tagoloan at nagging usapan ang mga nangyayaring aksidente. Ang angkop nausaping

ito ay nakatakda at ang pag-aanalisa ng mga prominenteng natuklasan sa madali at

nauukol sa batas trapiko.

MGA TAGUBILIN

Ano ang magiging pananaw ng mga mamamayang tao tungkol sa trahedyang na

nangyayari dahil kulang sa batas trapiko?

Ang magiging pananaw ng mamayang tao sa batas trapiko ay hindi sapat

sapagkat kulang ng disciplina ang ilang motorista, maari ito maging isyo sa

pagmamalakad ng batas trapiko. Kahit ilang ulit na nagmamaneho ng sasakyan sa

simpleng traffic signs ay mawawala nito ng silbi.

Pero ayon kay celine pialago. Kahit ilang spokesman ng MMDA maaring

maiwasan ang aksidente sasakyan bago bumayahe.


PASIYA

Salig sa isinigawang pag-aaral, inilahad ang mga sumusunod na mga

mungahingpananaw, suhestiyon, at rekomendasyon upang mas lalong mapabuti at

mapag-ibayo ang ideya sa paksang pananaliksik:

 Patuloy tayong mag ingat sa mga kalsada lalo’t maraming

sasakyan.

 Pag aralan at paunlarin pang higit ang ginawang pagsasaliksik ng

mga mananaliksik.

 Ating pahalagahan an gating sariling buhay.

 Sama-sama tayong mag iingat sa kalsada at tutulungan.


LAGOM NG PAG AARAL

Sa kabanatang ito ang pagtatalakay ng mga naging resulta ng pananaliksik. Ang

mga tagubilin o perspektibong manunulat na mayroong mungkahi ukol sa tema ng

pananaliksik. Dito rin makikita ang mga pasiya ng mga mananaliksik para sa kanilang

pananaliksik at ang kanilang natutunan sa bawat kabanata.


KABANATA 2: PAGSUSURI SA KAUGNAY NA PANITIKAN AT PAG-AARAL

You might also like