You are on page 1of 22

ISANG PRESENTASYON NG

KLASE TUNGKOL SA
PANGKATANG
TALAKAYAN SA FILIPINO 1
(ISKRIPT)

Ipinasa kay:
Gng. Magdalena Jocson
Ipinasa ng:
1-BLM
Nobyembre 26, 2018
Loren: Magandang umaga Pilipinas. Ako si Lourdes Loren Cruz
Klyza: At ako naman si Klyza Andrino, at ito ang
Sabay: Balitang Laman!
Loren: Ngayong umaga ibabalita namin ang pinaka-bagong balita
Klyza: Mga pangyayari sa loob ng ating bansa
Loren: Mga isyung dapat tutukan
Klyza: At ang ginagawa ng ating administrasyon upang sulusyonan ito.
Loren: Unang una sa aming balita, may nangyayari ngayong forum-lecture tungkol sa
pinapatupad na “No Garage, No Car” policy ng ating gobyerno. Halika’t tutukan natin ito.
Pasok!

I. FORUM-LECTURE: ‘NO GARAGE, NO CAR’ POLICY

Kimsey Devoma: Magandang umaga, mga kapwa motorista! Lalo na sa lahat ng mga dumalo sa
ating porum ngayong araw. Ating tatalakayin ang isang bagong polisiya na ipinapatupad ng ilang
lungsod kabilang na ang lungsod ng Maynila. Ito ay ang tinatawag nating ‘No Garage, No Car
Policy,’ kung saan ang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Erap Estrada ay pinapaalis ang mga
kotse na naka-garahe o iwan sa gilid ng mga sekondaryang kalsada sa Maynila. Kung ano ito, at
ang mga epekto nito ang ating tatalakayin sa ating porum ngayong araw.

Ating kasama ngayon ang dalawang eksperto sa polisiyang ito, si Xave Sanggalang, ang
City engineer ng Maynila, at ang MMDA chairman na si AJ Macalino. Bukas na ang entablado
para sa inyong mga katanungan.

Yvet Sy: Magandang umaga po, ako po si Yvet, isang mamahayag sa Philippine Inquirer.
Bagama’t nabanggit na po ng ating host sa ngayong araw kung ano ang polisiya ng ‘No Garage,
No Car’, maari po ba kayong magbigay ng mas detalyado at komprehensibong depinisyon ng
naturang polisiya?

Xave Sangalang: Kung titingnan po natin ang ating mga kalsada sa Pilipinas, kumpara sa ibang
bansa, makikita natin na makitid ito at malaki ang tsansa ng disgrasya. Batay sa isang artikulo ni
Kimiko Sy, mahigit 10,012(Sampung libo’t labing dalawang) kaso ng disgrasya sa kalye ang
nagaganap. Ang mga drayber na walang disiplina ang sanhi ng kaguluhang ito at isang kaso na
rito ang pagdami ng sasakyan sa bansa.

Sa dinami-daming sasakyan sa bansa, nawawalan na ng lugar upang iparada ang mga


kotse sa mga pribadong lugar ng mga may-ari nito. Ang polisiyang “No Garage no Car,”na
hinain sa ilalim ng Senate Bill No. 201, ay nagsasabi na kailangan ng ebidensya na may lugar na
pwedeng iparada ang kanilang mga sasakyan bilang isang kinakailangan bago makabili ng isang
sasakyan at iparehistro ito sa LTO.

Ang paglabag sa nasabing batas sa paraan ng pandaraya ng opisyal na dokumento ay nag


matatanggalan ng tsansang mag parehistro sa susunod na tatlong taon at magmumulta ng
50k(Limampu’t libong daan).

Yvet Sy: Maraming salamat po! Ano po sa tingin niyo ang magiging epekto nito sa araw-araw na
buhay ng mga Manilenyo?

Xave Sangalang: Sa aming palagay, ang pagpapatupad nitong polisiya ay magkakaron ng


positibong epekto sa pang araw-araw na buhay ng mga Manilenyo. Sapagkat madudulot ito ng
mas maluwag na daanan, kung kaya’t mababawasan ang trapiko sa mga kalsada ngunit maaring
dumami ang congestion ng mga taing nagcocommute.

Yvet Sy: Salamat po ulit.

Kimsey Devoma: May karagdagan pa bang mga katanungan?

Jake Coronel: Ako po! Magandang umaga po, ako po ay isang estudyante mula sa Unibersidad
ng San Beda. Mayroon po akong tanong para kay chairman Macalino. Ano po sa inyong palagay
ang magiging positibo at negatibong magiging epekto ng polisiyang ito?

AJ Macalino: Ito ay aming sinusulong at sinusportahan, sa kadahilanang ito ang aming nakikita
bilang isang mainam na solusyon sa trapiko lalo na sa mga daanan na nasa looban ng Maynila.
Luluwag ang mga daanan at magiging maayos at mabilis ang biyahe ng ating mga mamamayan.

Jake Coronel: Ano naman po ang inyong opinyon, Engr. Sangalang?

Xave Sangalang: Tama nga po ang tugon ni AJ, aayos ang daloy ng trapiko. Mababawasan din
ang mga walang disiplinang drayber at matuto silang sumunod sa batas. Maraming matutuwa
dahil mas ligtas bumyahe kahit anong oras sa kalye, ng mabilis at mas ligtas.

Jake: Ano pong mangyayari sa mga mayroon nang sasakyan ngayon, ngunit walang garahe?
Kukunin ba po o hahayaan ang mga sasakyang ito?

AJ Coronel: Ang isyu na iyan ay nasa mainit pang debate, sapagkat maraming maaapektohan sa
possibleng aksyon na isasagawa. Maaring itong ma-tow sapagkat magkakaron naman ng
publication ng batas upang sila ay aware sa existence nito. Ngunit kakayahan ng ibang tao ay
hindi sapat upang magkaroon/makabili ng garahe na mapaparadahan. Ito ang isa sa mga
hinanaing ng mga kapwa natin Manilenyo.

Kimsey Devoma: Nalalapit na ang pagtatapos ng ating talakayan at porum ngayong araw. Baka
may nais pa po kayong sabihin, Engineer at Chairman?

Xave Sangalang: Bilang isang enhinyero, nais kong sabihin at ipaalam sa mga tao na ang
polisiyang ito ay masusi naming pinagaralan, sa pangunguna ni Mayor Erap, kung kaya’t sana ay
suportahan natin ang polisiyang ito para sa mas ligtas at mabilis na biyahe ng bawat motorista sa
lungsod.

Kimsey Devoma: Chairman?

AJ Macalino: Bilang MMDA chairman, akin pong hinihikayat ang ating mga mamayan na
makipagtulungan at suportahan ang aming mga gawain. Atin pong sundin ang mga alituntunin
ng ating pamahalaan, gayon na rin ang mga polisiya nito. Kami, bilang mga tagapagpatupad ng
batas ay humihingi ng kooperasyon sa inyong lahat. Yun lamang.

Kimsey Devoma: Napakahusay ng ating talakayan, ngunit kailangan na nating tapusin ang
porum na ito sapagkat patapos na ang oras na nakalaan para saatin. Maraming salamat sa
pagiging bahagi ng porum natin ngayong araw. May iba’t iba mga opinyon at hinanaing ukol sa
polisiyang ito, at mahaba pa ang pagdadaanan nito. Muli, salamat sa lahat ng dumalo, pati na rin
sa ating mga eksperto na nagpaunlak saating porum ngayong araw. Ako si Kimsey Devoma, ang
inyong lingkod para sa porum na ito na nagpapaalalang: “maging disiplinado, sumunod sa batas
at sa mga nagpapatupad nito, sapagkat dito, masosolusyunan natin ang pambansang probelma ng
trapiko”. Muli, maraming salamat at magmaneho ng maingat!

Klyza: mukhang maganda ang maidudulot ng polesiyang ginagawa ng ating gobyerno upang
mabawasan ang mga nag iilllegal parking at traffic.
*Pagtatapos ng eksena*
Loren: Tumutok naman tayo sa pangalawang kaganapan.

Klyza: Kasalukuyang may ginagawang seminar-workshop tungkol sa social media at and epekto
nito sa wikang Filipino. Askyon!

II. SEMINAR-WORKSHOP: SOCIAL MEDIA AT ANG EPEKTO NITO SA WIKANG


FILIPINO

Jyrah Delos Santos: Magandang Umaga sa inyong lahat! Marami sa atin ang gumagamit araw-
araw ng social media. Masasabi nga natin na sa panahon ngayon ay napakahalaga ng social
media sa atin at hindi nga ba ay marami sa atin lalo na ang mga kabataan ay hindi maiwasan ang
hindi gumamit ng social media. Ngunit ano nga ba ang epekto nito sa wikang Filipino? Masama
ba ang naidudulot ng social media sa wikang Filipino? Ngayon matutunghayan natin ang isang
seminar workshop patungkol sa Social Media at ang epekto nito sa wikang Filipino.
Para sa ating Seminar Workshop ngayong araw, inimbitahan namin sina Ginoong Revan
Reyes at Binibing Katrina Rañeses bilang ating mga punong tagapagsalita. Pero bago ang lahat
ay may laro muna tayong gahawin kung kaya’t hinihingkayat namin ang lahat na sumali.

Nicole Barboza: Magandang umaga! Halos lahat tayo ay gumagamit ng ng social media at
emojis hindi ba? Lalo na sa tuwing nakikipag-usap tayo sa Messenger, kaya may hinanda kaming
mga emojis na inyong huhulaan.

(Mga sagot na to.)


1. 4 sisters in a wedding
2. Marimar
3. Forevermore
4. Ina Kapatid Anak

Jyrah Delos Santos: Dumako naman tayo ngayon sa ating pormal na talakayan tungkol sa
epekto ng Social Media sa wikang Filipino. Aking ipakikilala ang unang punong tagapag-salita si
Ginoong Revan Reyes na isang Konisyoner sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Revan Reyes: (Maikling talakayan

Jyrah Delos Santos: Maraming salamat Ginoong Reyes sa inyong mga makabuluhang salita.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa at akin ng tatawagin ang isa pa nting punong tagapag-salita.
Siya ay isa ding Komisyoner sa Komisyon sa Wikang Filipino, walang iba kundi si Binibining
Katrina Rañeses

Katrina Raneses: (Maikling talakayan)

Jyrah Delos Santos: Maraming salamat Binibining Rañeses. Tunay ngang malaki ang epekto ng
Social Media sa wikang Filipino at ang pagbabago nito sa paglipas ng panahon. Ngayon ay
dumako na tayo sa pagtatapos ng ating workshop. Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa
aming Seminar Workshop at nawa’y may natutuhan kayo ngayong araw. Muli, ako si Jyrah
Delos Santos ang inyong emcee ngayon.
*Pagtatapos ng eksena*
Klyza: tunay ngang maraming gamit ang social media lalo na sa pagtuturo sa mga kabataan.

Loren: dumako na tayo sa nangyayari sa may Isabela kung saan nagkakaroom ngayon ng
simposyum tungkom sa kapaligiran at kalikasan. Balita, PASOK!
III. SIMPOSYUM-KUMPERENSYAP: KAPALIGIRAN AT KALIKASAN
Host: Jonah Allyssa Barakat, Tagpamuno: Camelle Anam, Tagapagsalita: Claude Marfori Cruz –
Transportasyon, Patrick Ryan Ramiento - Climate Change, Christine Mae Suplico - Waste
Management, Abigail Kaye Siruno - Overpopulation

Jonah Allyssa Barakat: Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat! Ako po ang inyong host sa
symposium na ito, Jonah Barakat, at nandito kayo ngayon, upang matunghayan ang pag-aaral at
isang talakayan hingil sa kapaligiran o kalikasan. Makakasama po natin ngayon ang iilang mga
eksperto na magbibigay kalinawan at kaalaman ukol sa mga isyu na nakakaharap natin ngayon sa
ating kalikasan.
Sa pagpapatuloy ng ating programa, aking ipinakikilala sa inyo ang isang propesora sa
University of the Philippines Diliman na ating magiging tagapamuno sa araw na ito. Siya ay
walang iba kundi si Bb. Camelle Anam!

Camelle Anam: Magandang Umaga sa inyong lahat. Ngayong araw na ito ay tatalakayin natin
ang iba’t ibang isyu na nakakaapekto sa ating kalikasan at kapaligitan. Marami tayong reklamo
sa ating araw-araw na buhay tulad na lang ng trapik pag papasok tayo sa eskwelahan at iba pa.
Tutulungan tayo ng iilang eksperto para sa talakayan natin. Ngayong araw, makakasama natin
sina Bb. Claude Cruz, MMDA Spokesperson, Bb. Christine Suplico, Solid Waste Management
Association of the Philippines Spokesperson, Bb. Abigail Siruno, Secretary of Philippine
Statistics Authority at si Ginoong Ryan Ramiento, DENR Spokesperson. Simulan natin ang
simposyum kay Bb. Cruz.

Claude Marfori Cruz:Maraming problema ang hinaharap sa ating bansa ngayon. Isa na rito ang
problema sa mga transportasyon. Ang trapiko. Trapiko ang isa sa pinakamalalang problema sa
pagtira sa lungsod, lalo na kung usad-pagong na ang daloy ng trapiko na nagpapasikip sa mga
kalsada at nagpaparumi sa hangin. Nakalulungkot, hindi nababawasan ang araw-araw na pahirap
na ito na dinaranas ng milyun-milyong naninirahan sa lungsod. Sinasabing dahil sa mabilis ang
pagbili ng sasakyan kesa sa paggawa ng mga haywey. Ayon sa isang ulat, gayon na lamang
katindi ang polusyon sa hangin, anupat ang maghapong paglanghap ng hangin sa mga kalsada ng
lungsod ay katumbas ng paghitit ng 15 sigarilyo. Dahilan din ng pagsisikip ng trapiko ay ang
kawalan ng sapat na pagpaparadahan. Anumang oras, maraming sasakyan ang nagpapaikot-ikot
sa kalsada sa paghahanap ng paradahan.
Namuhunan ng malaking halaga ang mga awtoridad ng lunsod para baguhin ang sistema
ng pampublikong transportasyon, ayusin ang mga haywey, at magpagawa ng mga kalsadang
paikot sa lunsod. Gumagamit sila ng mga computer upang kontrolin ang mga ilaw-trapiko at
abisuhan ang mga pulis para maayos kaagad ang pagkakabuhul-buhol ng trapiko dahil sa mga
aksidente. Nakatulong din sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko ang pagtatakda ng pantanging
mga linya para sa bus at mga linyang puwedeng baguhin ang direksiyon depende sa daloy ng
trapiko. Pero pangunahin pa ring nakasalalay ang tagumpay sa pakikipagtulungan ng mga
mamamayan.
Source: https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102007050#h=4
Camelle Anam: Maraming Salamat Bb. Cruz. Ngayon naman ay pakinggan natin si Ginoong
Ramiento, DENR Spokesperson.

Patrick Ryan R. Ramiento: Ang isa pa sa pinakamalubhang problema sa ating bansa ay ang
ating epekto sa pagpapalala ng climate change. Ang sakop ng climate change ay malawak
marahil ang kalikasan ay konektado sa lahat ng ating kapaligiran. Ang ating bansa ay humaharap
na sa totoong epekto ng climate change na nakakapaggambala ng ating pagunlad na hindi
limitado sa aspeto ng agrikulurang sektor, kung hindi na rin sa ating kaligtasan, lalo na sa mga
komunidad ng mahirap.
Sa mga pagbabagong nararanasan natin sa ating paligid tulad ng pabago-bagong klima na
hindi na natural katulad ng dati. Ang paglakas ng mga bagyo at pagdalas ng mga matinding
panahon ay dapat natin alalahanin na resulta ito ng tinatawag na climate change. Ang mga
pangunahing dahilan sa climate change ang ay pagsusunog ng mga fossil fuels tulad ng langis at
karbon na sa proseso ay naglalabas ng greenhouse gases na pumupunta sa atmosphere. Ang
resulta sa pagdagdag ng greenhouse gases ay ang pag-init ng karaniwan na temperatura ng
mundo. Isa pa sa mga nakakaapekto ay ang iresponsableng agrikultura at deporestasyon
nakakaapekto sa pagdami ng greenhouse gases.
Una sa lahat, hindi ito masosolusyonan ng mabilis, at dapat sinisimulan ito sa maliliit na
pagbabago. Mayroon pa rin na mga tao na hindi naniniwala o walang kamalayan sa climate
change at dito natin masisimulan ang paraan upang malutas ang problema. Mayroon din na
siyentipikong batayan kung saan maiaangkop natin kung pano harapin ang darating na mga
pagbabago sa climate at kung paano ito masosolusyonan ng ating bansa. Tayong mga Pilipino ay
biniyayaan ng mayaman na agrikultura at nararapat nating alagaan ito.
Source:
http://dilg.gov.ph/PDF_File/reports_resources/DILG-Resources-2012130-2ef223f591.pdf
http://www.takepart.com/flashcards/what-is-climate-change/index.html
Camelle Anam: Maraming Salamat Ginoong Ramineto dumako naman tayo kay Bb. Suplico

Spokesperson of Solid Waste Management Association of the Philippines


Christine Mae Suplico: Ang kapaligiran ay tumutukoy sa lahat ng kaganapan, ang bawat pag
galaw ng likas na yaman ay tinatawag na kapaligiran. Maituturing din na kasama sa kapaligiran
ang mga gusali, tao, bagay, hayop, mga halaman atbp. Ito rin ay maaring maging deskripsyon ng
panlabas na kaganapan sa ating buhay or bansa. Habang ang kalikasan naman ay ang
kababalaghan na nangyayari sa pisikal na mundo kasama na rito ang mga halaman, hayop at iba
pang mga tampok na produkto ng mundo. Ang kalikasan at kapaligiran ay konektado sa isat isa
sapagkat ito’y may sanhi at bunga na relasyon.
Isa sa mga pangunahin na sanghi ng pagsira ng kalikasan ay ang maling paraan ng pagtapon ng
basura na siyang tao ang responsable.
Ang paraan ng pagtapon ng basura ay may malaking epekto sa ating kalikasan. Hindi lang sapat
na tinatapon natin ito sa basurahan, nakakatulong din ang tamang pag segregate. Ayon sa scribid,
pwede itong ma paghiwahiwalay.
Ibat-ibang paraan ng pagtapon ng basura sa pamamagitan ng paghihiwalay nito:
*Masusunog na basura
*Recyclable Plastics
*Hindi nasusunog na basura
*Hazardous o Delikadong Basura
*Recyclable items

Camelle Anam: Maraming Salamat Bb. Suplico ngayon naman ay pakinggan natin si Bb.
Siruno ang Secretary of Philippine Statistics Authority

Abigail Kaye Siruno: Masasabi na ito ay isang problema ng madaming bansa. At isa sa mga
bansa na nararanasan ang problemang ito ay ang bansa natin Pilipinas. Ang Pilipinas ay isa sa
mga bansa sa Timog Silangan Asya na may pinakamabilis na pagdami ng populasyon, ayon sa
pananaliksik noong 1980 ay 50 milyon na ang naninirahan sa Pilipinas at sa kasalukuyan tayo
ngayon ay higit na 100 milyon na.
Ang pagkakaroon ng napakalaking populasyon ay nagbubunga ng napakaraming
problema tulad na lang ng kakulangan sa edukasyon, trabaho at higit sa lahat kahirapan. At sa
bawat segundo na lumilipas ang ating populasyon ay parami na ng parami.
Isa na nga sa mga problema ay ang kakulangan o kawalan ng edukasyon ng ating mga
kababayan, marahil ang karamihan sa atin ay sinisi ang gobyerno dahil sa kasalatan ng kanilang
pagsuporta sa ating mga kababayan pero sa tingin ko sa dami na talaga ng tao sa bansa ay di na
halos nararamdaman ng mga taong bayan ang pagtulong nila. Ang isa pa sa naging bunga ng
ating napakalaking populasyon ay ang underemployment o kawalan ng trabaho o pagkakakitahan
ang ating mga kababayan. Isa rin ito bunga ng kawalan ng edukasyon kasi wala sila alam na
ikakabuhay nila. At higit sa lahat ng mga naging bunga ng overpopulation sa Pilipinas ay ang
kahirapan. Masasabi natin na lahat ng mga problema na nabanggit ko ay isa lamang ang
patutunguhan at ito ay poverty o kahirapan.
Source:

https://filgeorgepalayad.wordpress.com/2015/08/31/mga-bunga-ng-kahirapan-at-
overpopulationsa-pilipinas/

Camelle Anam: Masasabi nga natin na madaming problemang pang kalikasan ang hinaharap ng
ating bansa. Bilang isang mamayang Pilipino ano ang mga hakbang na gagawin mo upang
mabawasan at maagapan ang mga ito? Nanganganib na ang ating kalikasan,Tandaan po natin na
ang ating Kalikasan ay bigay ng Diyos dapat ho natin itong alagaan ngunit sa pag lawak ng
modernasyon sa ating bansa paano natin ito masasalba? Hanggang sa muli ako po si Camelle
Anam Maraming salamat sa inyong pakikinig.
Jonah Allyssa Barakat: Tayo’y nagtatapos na sa ating maiksing talakayan. Sana ay mayroon
kaming naipabaong makabagong kaalaman sa inyo na magagamit sa ikabubuti ng ating
kapaligiran. Ako po muli ang inyong host sa araw na ito, Jonah Barakat, magandang umaga po sa
inyong lahat.
*Pagtatapos ng eksena*
Klyza: Nagkakaroom naman ngayong ng Round Table Discussion ang mga guro upang
pagusapan ang ‘di umanoy mahirap abutin na 75% na grado sa kolehiyo
Loren: Subaybayan natin ang pag memeeting ni Ginoong Lander.
Klyza: Pasok!

IV. ROUND TABLE DISCUSSION- MITING


Lander Javier: Magandang umaga sa inyong lahat!
Lahat: Magandang umaga rin po!
Lander Javier: Ngayong umaga ay pinatawag ko kayo sa pagpupulong na ito upang ating pag-
usapan ang tungkol sa mga aligata ng ating mga kapwa-guro pati na rin mga mag-aaral, ang 75%
passing rate ngayon sa kolehiyo. Ano ang masasabi niyo rito?
Marikit Admana:Sa aking palagay, ito ay mabuti at nararapat lamang isakatuparan at
ipagpatuloy. Sapagkat, ito ay sadyang makatutulong upang ang mga mag-aaral ay mas lalong
mahasa at masanay sa ganitong klase ng “pagtatrabaho”.
Fritze Cristobal: Sang-ayon din ako kay Bb. Marikit, Jiana
Bagacay: Hindi ba mataas masyado iyon?
Mica Talavera: Oo nga, hindi nga ba masyadong mataas? Sapagkat kung tutuusin, ay iba’t-iba
ang passing rates ng mga unibersidad at kolehiyo dito sa Maynila maging sa ibang lungsod at sa
mga probinysa.
Lander Javier: Sa katotohanan, ay mataas ito sapagkat walang ibang pinagkukuhanan ng marka
rito kundi ang mga pagsusulit, takdang-aralin, at mga eksamen. Hindi katulad ng mga Senior
High na sa 75% porsyento ng passing ay makukuha ang mga marka mula sa mga pagsusulit,
proyeko, eksamen, at ang maganda rito ay malaking porsyento ng pagmamarka ang nakukuha
mula sa mga performance tasks ng mga bata.
Marikit Admana: Sa aming Unibersidad, sa San Beda University ay maraming mga kolehiyo sa
departamento ng Sining at Agham ang nagrereklamo sa kadahilanang “masyado raw mataas ang
passing rate”. Paano ito masosolusyonan?
Jiana Bagacay: Sa Unibersidad ng Santo Tomas, ay ganyan din ang aligata ng mga mag-aaral at
guro. Para sa mga mag-aaral, ay ika nga mahirap matamo ito sapagkat “pure content” lamang
ang batayan. Para naman sa mga guro, nahihirapan din sila sa pag-gagrado sa mga estudyante.
Sapagkat, sino ba namang guro ang gugustuhing bumagsak ang kanilang mga estudyante hindi
ba?
Fritze Cristobal: Oo nga naman ngunit ang maganda rin dito ay nakapagdudulot ito sa salik ng
pagtaas pa ng “rating” sa mga kurso. Halimbawa na lang ang “Accountancy” at “Legal
Management”. Ngunit, ang malaking katanungan dito ay, PAANO ITO MASOSOLUSYONAN?
Mica Talavera: Siguro ay maaari tayong makipagtulungan sa student council. Imungkahi natin
sa kanila na mag- organisa ng mga "tutorials" nang sa gayon ay lalong maintindihan ng mga
estudyante ang kanilang mga tinatalakay sa klase. Maaaring makatulong ito sa pagtaas ng
kanilang marka.
Jiana Bagacay: Maaari din tayong magsagawa ng pagpupulong ng mga guro upang pag-usapan
ang mga bagong istratehiya sa pagtuturo na maaari nilang gawin at gamitin nang sa gayo'y mas
madaling matutuhan at maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paksang tinatalakay.
Fritze Cristobal: Pero alam nyo, kahit anong gawing tulong ng mga guro sa mga estudyante
kung sila mismo ay walang ginagawa para sa sarili nila ay wala din iyang saysay. Kailangan din
talaga matutuhan ng mga bata ang tamang paggamit ng oras.
Marikit Admana: May punto ka dyan Fritze. Marahil kaya di na nakakapagpokus sa pag-aaral
ang mga bata dahil sa mas inuuna nila ang ibang mga bagay,tulad na lamang ng paggamit ng
mga gadgets o kaya paglabas kasama ang barkada.
Jiana Bagacay: Wala na tayong magagawa dyan. Hindi natin makokontrol ang mga bata
pagdating dyan. Sila mismo sa sarili nila ang kailangang gumawa ng paraan ukol sa problemang
iyan. Pero nais ko din sanang imungkahi na pwede siguro tayong magsagawa ng mga gawain
para sa mga estudyante na magbubigay sa kanila ng karagdagang puntos,lalo na sa mga
mabababa ang marka.
Mica Talavera: Tama, at maaari din tayong mag organisa ng mga make up classes at special
classes upang lubos na maintindihihan ng mga estudyante ang mga paksang tinatalakay sa silid-
aralan. At sa tingin ko ay maaari ding ipasatupad na maging optional na lamang ang pagsali sa
mga extra-curricular activities at school organizations, upang mailagay ng mga estudyante ang
kanilang pokus sa pag-aaral.

Lander Javier: Maraming salamat sa inyong mga komento at mungkahi. Gagawin natin ang
lahat upang maisatupad ito at matulungan natin ang ating minamahal na mga estudyante.
*Pagtatapos ng eksena*
Klyza: Para sa ating susunod na balita. Isang asembleya ang nangyayari ngayon sa senado upang
pagusapan kung dapat nga bang ipatupad ang Federalismo sa ating bansa.
Loren: Mainit na debate ating pakinggan. Balita. PASOK!

V. ASEMBLEYA

Alejandro Glenn Macababbad Magandang umaga sa inyong lahat. Hindi linggid sa inyong
kaalaman na nais ng kongresong ito na palitan ang konstitusyon o Saligang Batas mula sa
pagiging demokrasya papunta sa pagiging Federalismo.Binibigyan namin kayo ng pagkakataong
ihayag at inyong pagsang-ayon gayundin ang inyong pagtututol dito. Simulan na natin ang
asemblyang ito.
Klyza Andrino: Ako’y sumasang-ayon sa pagpapalit ng Konstitusyon at sa ipinapangako nito sa
mamamayan — mas mahusay na demokrasya at mas mahusay na pamamahala. Sa
pamamagitang ng Federalismo nailalapit sa mamamayan ang demokrasyo kung saan nabibigayn
ng tinig at kapangyarihan ang mga lokal na komunidad. Ngunit kaakibat nito ang demokratikong
pananagutan kung saan ang ordinaryong mamamayan, mga partidong politikal at iba pang
personalidad ng demokrasya ay nakakapagbigay ng reaksyon, karangalan o maging parusa sa
mga opisyal na namumuno sa pagpapatupad ng pampublikong patakaran. Ako’y naniniwala na
may pag-asa at malaking tulong ito upang tuluyang makamit ng Pilipinas ang hinahangad nitong
pag-unlad.
Gabriel Tizon: Noon pa man, Federalismo ang nakikitang sagot ni President Rodrigo Duterte.
Naniniwala siya na ang paghihirap ng bansa ay nakaugat sa lumang sistema ng gobyerno. Lubos
kong sinasang-ayunan ang magpapatupad ng Federalism sapagkat makakatulong ito upang
macaroon ng masistema at organisadong pamumuno ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.Ito ay
dahil sa pagbigay ng mas malaking responsibilidad sa mga namumuno sa isang rehiyon o
siydudad at dahil dito, hindi na nila kailangan antayin ang utos mula sa mga mas nakakatataas
naopisyal sa kanila. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga sambayanan na magkaroon ng
representatib o kinatawan upang ihatid ang mga hinaing nila mismo sa mga nakatataas na
opisyal.
Carlston Doddo: Maaring iba ang pamamaraan ng pamamalakad ng pamahalaan depende sa
pangangailangan nila. Sa kasalukuyan, mas medaling magpatupad ng mga polisiya ang ating
bansa gamit ang Unitary Form of Movement, ngunit hindi nabibigyang pokus ang maliliit na
problemang hinharap ng bawat rehiyon. Sa Federal System, may autonomy ang bawat estado.
May kapangyarihan ang bawat estado na gumawa ng sariling batas, mangolekta ng sariling
buwis at gumawa ng mga proyektong mas alam nilang makakabuti sa kanila. Sa kasalukuyang
sistema, nakasentro sa Maynila ang buong kapangyarihan, kinokolekta nito ang malaking hati ng
buwis pero hindi naibabalik ng pantay sa mga rehiyon. Dito, makararanas ng kalayaan at
malawak na kapangyarihan ang isang state government sa anumang naisin nito para paunlarin
ang sariling estado. Kung kaya’t sang-ayon ako sa pagpapatupad ng Federalismo.
Ace Salut: Maraming salamat, Bb. Andrino, G. Tizon at Doddo. Pakinggan naman natin ang
panig ng oposisyon.
Francisco Santos: Hindi natin kailangan nito at kailanma’y hindi kakailanganin.Bagamat
napakaraming pakinabang ng Federalismo sa bansa, hindi ito kailangan ng Pilipinas. Magdudulot
lamang ito ng iba’t ibang suliranin tulad ng pagkakaroon ng kalituhan sa responsabilidad,
posibilidad ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pagkakaroon ng dinastiya at iba pa. Bigyan natin
ng pansin ang pagkakaroon ng dinastiya. Sa panahon ngayon kahit wala pang mga estado ay
kapansin-pansin na ang nabubuong dinastiya sa iba’t-ibang lungsod at lalawigan sa bansa tulad
ng pamumuno ng mga Oreta sa Malabon; Binay sa Makati; Gatchalian sa Valenzuela; Marcos sa
Ilocos; at Duterte sa Davao. Sa pagkakaroon ng mga federalismo ay mas lalaki ang posibilidad
ng pagkakaroon ng dinastiya sa bawat estado lalo pa’t nasa gobernador ang buong kapangyarihan
dito. Isa lamang yan sa mga maaring problemang kakaharapin ng Pilipinas kung tuluyan itong
maisasakatuparan.
Julian Marques: Noong naihalal na si Pang. Duterte bilang pangulo ng Pilipinas. “Change is
coming” yan ang katagang tumatak sa isipan ng mga Pilipino dahil simula pa lamang ng kanyang
pamumuno ay marami nang nagbago. Kasama sa pagbabagong ito ang pagpapahayag ni Pang.
Duterte na nais nyang palitan ang sistema ng pamahalaan ng sistemang Federalismo. Kung ako
ang inyong tatanungin, hindi ako pabor dito. Hihina ang pamumuno, kung maipapasa ang
federalismo sa bansa ay tinatayang magkakaroon tayo ng labing-isang estado sa buong bansa,
dahil ditto hindi kakayanin ng isang gobernador ang ilang lungsod at lalawigang mapapasailalam
sa kanyang pamumuno o sa iisang estado lamang. Sa aking paghihinuha, maari ring magdulot ito
ng tuluyang paglisan ng Mindanao sa bansa, tuluyang pag-alis nito sa poder ng Pilipinas.
Sinubukan na ng administrasyong Arroyo na palitan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng
pagpapatupa ng “Charter Change” o “Cha Cha,” ngunit nabigo din ito.
Geraldine Asinas: Hindi malinaw ang layunin ng pagpapalit ng konstitusyon o saligang-batas
dahil nahahaluan pa rin ito ng isyung pamumulitika. Kaya kung gayon ang ay mahirap sang
ayunan ang panukala. Malaking katanungan parin kung sino nga ba ang makikinabang dito, ang
mamamayan ba o ang mga pulitikong naghahangad ng kapangyarihan dahil sa posibilidad na
pagtatanggal ng limitasyon sa kanilang termino. Ibang kadahilanan ay ang pagsulong na
Federalismo na paghahatihati ng bansa sa iba’t ibang estado ay maaring magbunga ng
pagkakawatak-watak. Maaaring magkaroon ng kompetsiya sa bawat estado na magdu-dulot sa
hindi sabay na pagunlad. At hindi pa rin malinaw kung papaano nga ba hahatiin ang mga
lalawiganin ng bansa upang bumuo ng estado. Wala pang ganap na kalinawan sa kung ano nga
ba ang nakalapaloob sa pag-amyendang saligang-batas. At hindi pa rin tiyak kung ano ang
idudulot nito sa Pilipinas. Sa pagkakataong ito, dapat sumailalim pa ang amyenda sa masusing
pagaaral upang hindi ito maging negatibong resulta ng madalian desisyon.

Alejandro Glenn Macababbad: Hindi lamang sa pamahalaan nakasalalay at nakabatay ang


patutunguhan o ikauunlad ng isang bansa kung di sa mga mamamayang nakapaloob dito. Sa
sistemang Federal nakikita ni Pang. Duterte na may pag-asa o kakayahan pa ang Pilipinas upang
maging isang ganap na maunlad na bansa sa Asya, mahabang proseso ito.
Ace Salut: Ngunit wala namang pagbabago ang hindi nagsisimula sa pakikibaka. Matalinong
pagpapasya at disiplina sa sarili ang kailangang maintindihan ng maraming Pilipino dahil sa
kalooban ng isang tao nagmumula ang matuwid at tunay na pagbabago. Maraming salamat sa
inyong pagdalo.
*Pagtatapos ng eksena*
Klyza: Sa tingin mo partner, magiging mabuti at epektibo ba ang federalismo sa ating bansa?
Loren: Sa aking palagay ayon sa asembleyang napanuod natin, magiging matagumpay lamang
ito kung lahat tayo ay magtutulong-tulong.
KLyza: Dumako na tayo sa susunod nating balita. Isyu ng pagtaas ng presyo ng langis
pinaguusapan ng mga tsuper. Ating tutukan. Balita, pasok!

VI. PASALITANG PAGUULAT SA MALIIT NA PANGKAT : PAGTAAS NG PRESYO


NG LANGIS
*Malapit sa isang tambayan ng mga tsuper*
Clio Galang: Hayyyy! Buti at nakalimang-ikot na ako ngayong araw kahit na kalahati palang ng
araw. Makapagpahinga nga muna! (May pag-unat ng katawan)
*Papasok sina Joshua at Jelo*
Joshua Mascarina: Grabe! Umuulan kaninang madaling araw tapos ngayon sobrang init naman.
Napakagulo ng panahon! Ang hirap bumiyahe kapag ganito ang panahon.

Jelo de Lara: Oo nga pre! Madali tayong magkakasakit niyan kaya dapat lagi tayong protektado
mahirap na at marami pa naman nangangailangan sa atin.
Joshua Mascarina: Oo nga! Tara dun muna tayo sa pinagtatambayan natin! Magpahinga muna
tayo nang maka-biyahe ulit ng maayos mamaya.
Jelo de Lara: Uy Pre! Ayun pala si Clio oh! Tara lapitan natin kumustahin natin biyahe nya
ngayong araw.
*Umupo sa tabi ni clio*
Joshua Mascarina: Uy Pre! Kumusta biyahe natin ngayong araw? Mukhang nakadami ka na
kaagad ng biyahe ah!
Clio Galang: Maayos naman kahit na papaano yung biyahe pre! Naka-limang biyahe na kaagad
ngayong araw palang may biyahe pa mamaya para mabawi yung kita kasi di padin
sapat yung kinikita pang-uwi sa pamilya ko pre.
Jelo de Lara: Okay lang yan pre! Madami pa naming oras ngayong araw pre pahinga muna
tayo!
Clio Galang: Kayo kumusta biyahe ngayong araw pre?
Jelo de Lara: Nakakatatlong biyahe palang ako ngayong araw pre. Kulang na kulang pang-uwi
sa pamilya
Joshua Mascarina: Nakaka-anim na nga ako eh! Kulang pa din. hindi padin kasya,
Pang-gasolina palang ito. Ang hirap ng ganito imbis na pangkain ng pamilya napupunta
lang sa gasolina.
Jelo de Lara: Biruin mo ba naman yung 60 pesos na pangkain natin ng isang araw, isang litro
na ng gasolina ang katumbas.
*Papasok din si Cholo habang nagpupunas ng kamay at uupo sa tabi nila*
Cholo Torre: Ano ba yan? Ano bang problema ng jeepney ko? Maayos naman yung karburador!
Ewan ko ba? Mamaya ko na nga ayusin yun. Magpapahinga muna ako! kanina ko pa
gustong magpahinga.
: Uy! Nandyan pala kayo kumusta?
Clio Galang: Okay lang kami pre! Ikaw kumusta?
Cholo Torre: Hindi ko padin maayos yung jeep ko! Kailangan na kailangan na maayos yun e
nangangailangan na ng pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ang pamilya
ko. Magpapahinga lang sandali. Haha
Jelo de Lara: Oo pahinga muna tayo dito! Sobrang nakakapagod maging drayber kaso wala
naman tayong magagawa kailangan ng pamilya natin.
Cholo Torre: Tama tama! Kaso kahit na anong pilit nating magtrabaho ng sobra ay kakaunti
padin naiuuwi natin sa pamilya natin.
Joshua Mascarina: Antaas kasi ng presyo ng langis eh! Palagi nalang nagtataas ng presyo ng
langis pero minsanan lang magbawas-presyo. Nahihirapan tayo lalong kumita ng
malaki.
Clio Galang: Napipilitan pa nga akong magbawas ng bilihin sa araw-araw at hindi ko nadin
tuloy nabibigyan ng sapat na baon si Junjun. Kumusta kaya yung batang yun?
*Naglalakad lakad si Joseph kasama si Laus at makikita nilang dalawa sina Clio na nakaupo sa
isang tabi at nilapitan nila ito*
Joseph Gamboa: Uy mga pare! Kumusta naman kayo diyan? Kumusta biyahe ninyo ngayong
araw?
Cholo Torre: Kumusta po kayo Ginoong Joseph? Okay lang naman po kami ngayong araw.
Kumusta naman po ang pinaglalaban ninyo ngayon na pagtanggal ng buwis sa langis
para bumaba ang presyo ng langis?
Joshua Mascarina: Oo nga po sir! Kumusta na? Hirap kasi kami makauwi ng malaking kita sa
pamilya namin dahil sa presyo ng langis na yan.
Jelo de Lara: Apektado pa yung pang-araw-araw na bilihin ng pamilya natin. Nagmamahal lalo
ang mga gamit na kailangan natin katulad na lamang ng bigas.
Joseph Gamboa: Ayos naman! Dinidinig na ng Kongreso ang hiling nating ibaba ang presyo ng
langis ngunit mas kailangan natin ngayon pag-usapan kung paano pakikinggan ng
presidente natin na maitigil sandali ang paglagay ng buwis sa langis?
Maiba nga pala kasama ko nga pala yung isang miyembro ng samahan na si Justin na
aking katuwang kanina para sa pag-ayos ng mga dokumento. Magpakilala ka sa kanila,
Justin!
Justin de Lara: Hi nga pala sa inyo! Maayos natin itong problema na ito magtiwala lang kayo.
Clio Galang: Mag-Strike kaya tayo ng isang araw na pagbiyahe at mag-rally nadin sa Mendiola,
sir?
Joseph Gamboa: Napapag-isipan na nga ng partido yan pre nang sa gayon ay malaman at
marinig nila ang hinaing natin. Ang tanong ay sang-ayon ba kayo sa strike na gagawin
partido natin na Bagong Lupon ng Magigiting na Tsuper (1-BLMT) at makikiisa at
sasama din ba kayo sa gagawin ng ating samahan?
Clio Galang: Sasama ako nang sagayon ay maisakatuparan ito. Sobrang laking tulong sa
pamilya ko yun kapag naitigil ang pagbuwis sa langis. Malaki-laki maiuuwi ko sa
pamilya ko.
Joshua Mascarina: Isama mo nadin ako sir! Ang hirap ng sitwasyon ng mga drayber sa
panahong ito. Tayo ang nahihirapan dito dahil hirap na tayo sa pagtaas ng presyo ng
langis na kailangan natin tapos nahihirapan pa tayo sa pagbili ng mga gamit dahil
tumataas din ang presyo ng bilihin.
Jelo de Lara: Titignan ko muna sir kung makakasali ako dahil nangangailangan din ang isang
anak ko ng pera para sa proyekto nya sa eskwelahan mahirap tumigil ng pagbiyahe
baka magkaproblema.
Cholo Torre: Isali mo nadin ako sa rally ninyo sir! Aayusin ko na kaagad yung jeepney ko nang
magamit natin kung kinakailangan sa gagawin nating rally.
Joseph Gamboa: Sige sige Naiintindihan ko kayo mga kapwa ko mga tsuper! Kailangan na
kailangan natin maipababa ang presyo ng langis nang sa gayon ay Malaki-laki maiuwi
natin sa ating pamilya sa pang-araw araw. Aasahan ko kayo sa rally ha mga pre!
: Uy Justin, Kailan nga pala yung meeting natin sa kabilang samahan
para sa maayos na natin yung rally?
Justin de Lara: Maya-maya na yung meeting natin sa kabilang samahan sir, ngunit kailangan na
natin mauna para maaga tayo dun.
Joseph Gamboa: Sige mga pre! May aayusin pa kaming papeles, Mauna na kami ah. Ingat kayo
sa pagbiyahe mga pre. Kapag kailangan niyo ng tulong nandito ako at ang samahan
tutulungan namin kayo!
Cholo, Clio, Joshua, Jelo: Sige sige sir! Ingat din po kayo sir! Salamat po sa mga tulong ninyo!
*Pagtatapos ng eksena*

VII. PASALITANG PAGUULAT SA MALAKING PANGKAT (NEWS REPORTING):


ANTI-POLITICAL DYNASTY LAW
Loren Cruz: Mag-aama, mag-iina, magkakapatid, magpipinsan at hanggang sa kaapu-apuhan ay
namamayani ang paghahari sa pulitika. At dahil sa kalakarang ito, nakokontrol na rin pati nila
ang mga negosyo.
Ang ganitong sistema ang nais mawakasan kaya isinusulong ang Senate Bill No. 1765 o
ang Anti-Political Dynasty Act of 2018. Marami nang senador ang lumagda sa panukala. Pero
kahit na mayorya sa Senado ang pabor sa panukala, marami naman sa mga kongresista o mga
nasa House of Representatives ang tutol dito. Kasi’y 80 porsiyento ng mga kongresista ay
kabilang sa political dynasties. Pero sabi ni Senate President Koko Pimentel, sa ayaw at sa gusto
ng mga kongresista, malapit nang magwakas ang pamamayagpag ng political dynasties sa bansa.
Kahit pa raw maamyendahan ang Federal Constitution, hindi mapipigil ang anti-political dynasty
bill.

Ngunit suportado ng ilang senador ang Anti-political Dynasty bill o ang panukalang batas na
magbabawal sa magkakamang-anak na sabay-sabay o salit-salitang tatakbo sa lokal o national na
posisyon sa pamahalaan.
Nabatid na sa Senado, marami ang magkakamag-anak kabilang na dito ang magkapatid na sina
Sen. Pia at Alan Peter Cayetano, maging ang magkapatid sa ama na sina senators Jinggoy
Estrada at JV Ejercito na ang ama na si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada ay alkalde sa
lungsod ng Maynila.

Si Ejercito ay isa sa mga senador na may-akda ng Anti-political Dynasty bill sa


Senado. Si Sen. Nancy Binay naman ay ama ang kasalukuyang bise presidente na si
Jejomar Binay, habang alkalde at kongresista ang mga kapatid.
Tama lang na isabatas na ang panukala para matigil na ang pagsalin-salin ng kapangyarihan ng
mga magkakamag-anak. Hindi magkakaroon ng tunay na pag-unlad ang Pilipinas hangga’t
namamayani ang dynasties. Hindi magkakaroon ng kaunlaran hangga’t patuloy ang political
dynasties. Magkakaroon lamang ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino kung mawawasak ang
political dynasties.

Nararapat ma-reduced ang family clans para umunlad ang bansa at ang pagpapasa sa Senate
Bill No. 1765 ang solusyon dito. Dapat mawala na ang paghahari ng mga mag-aama,
magkakapatid, magpipinsan at iba pang malalapit na kamag-anak.

Klyza: Ang mahal na ng bilihin ngayon partner.


Loren: Oo nga partner ang dating 100 ko, pang buong araw na ngayon pang isang kainan nalang.
Klyza: tutukan ang isang small group discussion tungkol sa inflation o pagtaas ng bilihin. Balita.
Pasok!

VIII. SMALL GROUP DISCUSSION: INFLATION


Tim Balor: (Papasok sa klase habang nagbibilang ng barya at kumakamot sa ulo.)
Leica Amoroso: (Susunod na papasok sa classroom at mapapansin si Balor na abalang-abala.
Kukunin ang atensyon ni Balor) Uy!
Tim Balor: (Hindi lilingon kay amoroso pero sasagot) Oh?
Leica Amoroso: Ba't ba parang problemadong problemado ka dyan. Umagang-umaga ganyan
na istura mo. (Ilalagay na ang bag sa upuan at uupo.)
Tim Balor: Pano ba naman kasi! Napanood ko sa TV kanina, yung mga presyo ng bilihin pati
pamasahe sa jeep kasi nagtaas na.
Leica Amoroso: Ahh oo. Pero piso lang naman tinaas sa jeep fare ah.
Tim Balor: Magkano ba binibigay ng magulang mo sayo?
Leica Amoroso: 200
Tim Balor: Kaya naman pala e! Ikaw kasi malaki baon mo. Sakin naman binibigay saktong-
sakto. Kaya kapag tataas yung presyo ng pamasahe at mga pagkain, yung alawans ko hindi
magaadjust. Kailangan ko magbudget.
Rick Laggui: (Bigla susulpot sa likuran ni Balor) Uy pre, yung sinasabi ko pinaprint mo na ba?
Tim Balor: Ay! (Mapapafacepalm)
Rick Laggui: Hala! Di mo naprint? Pano yan pre, ngayon pasahan! Papagalitan tayo ni prof!
Michelle Paguio: Guys! Pakipasa na sakin yung nga assignments ng by pair. Kailangan
nakolekta ko na yun bago dumating si maam.
Hyacinth Domingo: Buti na lang may printer ka sa bahay, kat. Di na natin kailangan gumastos
sa pagpapaprint. Mahal pa naman colored.
Katrina Perez: Oo nga eh. Nasa limang piso isang kopya." (Ipapasa na yung assignment kay
Paguio) (Titingin kila Laggui at Balor) Asan yung sa inyo? Hinihingi na ni Prez. Ipasa niyo na
malapit na dumating si maam.
Tim Balor: Di ko na print e! Kaya wala ako maibibigay!(Problemado) Rick
Laggui: Bakit mo d na print, pre?
Tim Balor: Kasi wala ako pera! Zero!
Leica Amoroso: Sus! Ang sabihin mo nakalimutan mo!
Tim Balor: Kahit naman maalala ko wala parin ako pampaprint.
Leica Amoroso: (Titingin kay Paguio at magtatanong) Partner yung atin, oks na ba?
Michelle Paguio: Oo, wag mo na bayaran. May printer naman kasi kami sa bahay.
Leica Amoroso: uy ayos ah
Tim Balor: Buti pa kayo, d namromroblema sa ganyang bagay. Hays.
Rick Laggui: Pre, bakit? Ano nangyari?
Tim Balor: Dahil kasi sa inflation na yan, nahihirapan ako magbudget ng allowance ko.
Lahat: (Makikiupo sa circle)
Katrina Perez: Ah oo nga. Kamakailan lang pala nagtaas yung jeepney fare kasi nagtaas rin
yung presyo ng gasolina.
Hyacinth Domingo: Di lang yun. Pati bigas na rin. Kaya sa bahay grabe din magtipid si mama.
Binawasan baon ko ng bente.
Michelle Paguio: Bumaba yung halaga ng piso. Dati yung kanin sa Canteen 10 pesos. Ngayon
13 pesos na. Badtrip nga e
Rick Laggui: Ako kasi hinahatid ni papa kaya wala ako problema sa papunta. Pero
nagcocommute ako pabalik. Magastos at nakakapagod.
Leica Amoroso: Tiga-Tandang sora ka pala dba?
Rick Laggui: Oo
Katrina Perez: Ako nagdodorm pero mas magastos kapag mag-isa ka tumitira. Andami mo
gusto kainin. Nasa 300 nagagastos ko sa isang araw. Mas tataas pa gastusin ko lalo na't tumaas
na rin presyo ng pagkain.
Tim Balor: Mukhang hindi na ako kakakain ng tanghalian para makauwi.
Michelle Paguio: Uy wag! Delikado yan! Gugutumin mo sarili mo!
Leica Amoroso: Libre ka na daw ni Rick ng lunch. (pabiro) Rick
Laggui: Ngayon lang ah!
Tim Balor: Uy talaga pre?
Hyacinth Domingo: Oh, Okay na kayo? Dalian niyo na magpaprint na kayo habang wala pa si
maam. Ihabol niyo na lang.
Rick Laggui : tara pre! (Aalis sila ni balor)
Michelle Paguio: Kawawa naman si Tim. Di talaga maiiwasan yung Inflation na yan.
Katrina Perez: Oo. Kung may pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mapipilitan din na magtaas ng
presyo ng mga binebentang produkto at mga serbisyo sa mga business.
Hyacinth Domingo: Katulad dito sa school. Dati yung tapsilog, 50 pesos. Ngayon 60 na. Kaya
imbis na bumili ako iced coffee, nagbabaon na lang ako tumblr ko para irefill na lang pag
naubos.
Leica Amoroso: Pansin niyo rin yun? Yung napipilitan na lang kayo na gumastos at
nababawasan yung mga tinatago nating pera.
Perez: Yan yung gustong mangyari ng gobyerno. Para makabawi rin sila sa mga utang nila. Yun
ata yung tinatawag na National debt?
Hyacinth Domingo: May iba't ibang klase ng infation di ba? Napagaralan na natin dati noong
Grade 12?
Leica Amoroso: Oo. (Magbibigay ng tatlong klase ng inflation at ieexplain ang mga ito)
Hyacinth Domingo: Wow! Parehas kayo ni Kat, madaming alam sa Inflation!
Michelle Paguio: Hindi lang mga may trabaho at mga negosyo ang apektado sa inflation. Lahat
ng mamamayan sa bansa. Kasama na tayong mga estudyante. Pare-parehas lang tayo na bumibili
at gumagastos para sa mga pangangailangan natin.
KATULOY
Michelle Paguio: O siya. Nasaan na ba yung dalawang yun? Bakit hindi pa sila nakabalik?
Hyacinth Domingo: Baka pataas na sila.
Laggui at Balor: (Dadating ng pagod at uupo)
Leica Amoroso: Mukhang hinabol kayo ng aso ah.
Rick Laggui: Hindi, muntikan na kami maunahan ni maam.
Michelle Paguio: Asan na yung assignment niyo?
Tim Balor: Oh ayan. (Ibibigay assignment kay Paguio)
Hyacinth Domingo: Magkano nagastos niyo sa pagpapaprint?
Tim Balor: Dun kami sa piso print. Kaya imbis na 60 pesos paghahatian namin, naging trenta
lang gastos namin.
Hyacinth Domingo: Ayos din pala ah. Natututo rin tayo dumiskarte dahil sa inflation na yan.
Kahapon kasi, napagisip-isip ko na para tumagal din allowance ko ng isang linggo, iniiwasan ko
na mga luho tulad sobra-sobrang pagkain.
Katrina Perez: Ako kasi nagdo-dorm kaya ang paraan lang ng pagtitipid ko ay ang pagpili ng
mga ulam na gulay at minsan lang ako tumitikim ng karne.
Leica Amoroso: Ako, dati kasi nagshoshopping ako every week. Ngayon window shopping na
lang every week. Natutunan ko na kailangan ko magtabi oara sa mga pangunahing
pangangailangan ko.
Tim Balor: Ako naman, ayoko magreklamo sa mga magulang ko na kulang baon ko. Kaya pa to
siguro diskartehan. Hindi naman pang habang-buhay yang inflation na yan.
Lahat: (Sasang-ayon)
Leica Amoroso: At dito nagtatapos ang aming small group discussion. Salamat sa panonood!
*Pagtatapos ng eksena*
Loren: At ayan po ang isa nanamang araw na puno ng impormasyon
Klyza: At isang nanamang araw punong puno ng balita.
Loren: Muli Magandang umaga, Ako si Lourdes Loren Cruz
Klyza: At ako naman si Klyza Andrino at ito ang
Sabay: Balitang Laman!

IX. SPOKEN WORD POETRY (PANGHULING PRESENTASYON NG KLASE)


Loren Cruz: Isa, dalawa, tatlo, bakit ba ganito?
: Tanong sa isip ko, sana magkaintindihan tayo.
Klyza Andrino: Iminulat ko ang aking mga mata
: Kasabay ng aking pagtayo na galing sa kama.
Kimsey Devoma: Lumabas ako at tumingin sa kalangitan
: Tumingin sa paligid at aking pinagmasdan
Yvet Sy: Mga punong pinutol, na ang tao ang may kagagawan
: Mga nagbeberdihang dahong nagsisilagas at walang mapaglagyan
Jake Coronel: Mga ibong wala nang masilungan
: Mga taong nakakasalamuha mo tapos di kayo magkaintindihan
Jyrah Delos Santos: Gusto niyo ba ganito ang nangyayari sa mundo?
: Bakit ba ganito ang daming nagbago?
Katrina Raneses: Isa na dito ang mga salitang ginagamit mo.
: Itong pinupunto ko ang pambansang wikang totoo
Abigail Siruno: Kasabay ng pagbabago ng paligid ay ang pagbabago ng wikang pambansa,
: Na ginagamit ko, ginagamit mo, ginagamit nating lahat.
Marikit Admana: Sinuri ang pagbabago, maraming napalitan, maraming nahirapan at hindi
magkaintindihan
: Maraming mga salitang nadagdag, ibang tao’y naguguluhan
Fritze Cristobal: Dahil ba sa moderno, kailangan makisabay sa uso?
: Napapansin mo na ba ang pagbabago?
Jiana Bagacay: O Sadyang nagbubulag-bulagan ka lang
: Dahil gusto mo talaga makisabay sa uso.
Gian Macababbad: Sino nga ba nagpapabago?
: Hindi ba’t tayong mga tao?
Gabriel Tizon: “KUNG SA PAG-IBIG NGA GUMAGAWA KA NANG PARAAN PARA
MAHALIN KA NIYA O PARA MAHALIN MO SIYA”
: “BAKIT HINDI MO RIN MAGAWA SA WIKA, ANG PAGMAMAHAL NA
GINAGAWA MO SA KANYA?”
Julian Marques: Nandiyan si Facebook, Instagram at Twitter, Ang ka-jejemonan ay hindi
maiwasan
: Sa halip na ang salita ay kumpleto, Ngunit iyong binabawasan
Geraldine Asinas: Paano uunlad ang ating Bansa?
: Kung tayo mismo ang gumagawa ng paraan, Upang ito’y lumugpok sa kalupaan
Joseph Gamboa: Paano uunlad and ating Bansa?
: Kung Salita at Pagsasalita ay nagbago-bago ang ginagamit na wika
Clio Galang: “YUN NGANG PAGMAMAHAL MO SA KANYA KAYA MONG
IPAGLABAN”
: “SANA’Y SA WIKA’Y GANON DIN NA KAYA MONG PANINDIGAN”
Justin Laus: Wikang Filipino ang kailangan ng ating bansa
: Huwag kalimutan ang tamang salita at pagsasalita
Leica Amoroso: Salitang kanto, balbal at iba pa, Dapat ito’y balewalain na lamang
: Wikang Filipino, ang siyang dapat pag-aralan
Michelle Paguio: Gumising ka sa mahimbing mong pagkakatulog
: Huwag mong hayaang wikang pambansa’y makalimutan
Hyacinth Domingo: Dahil ito ang susi ng ating pagkakaunawaan
: Ang dilang pumapalit, sana’y unatin sa katotohanan
Cholo Torre: Wika ko, wika mo, wika nating lahat
: kung anong nakasanayan yun na dapat
Lahat: Kung ikaw ay tunay na Pilipino, Ang lahat ng ito’y magiging sapat.

You might also like