You are on page 1of 9

ARALIN 4

TEKNOLOHIYA AT TRADISYON SA PANITIKANG PILIPINO


NGAYON

Abot-Tanaw

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:
1. Naipakikilala ang layunin, gamit at katangian ng teknolohiya bilang daluyan
sa paglikha ng panitikan.
2. Makapagsusuri sa mga katangian ng mabisang dagli at iba pang anyo ng
panitikang gumagamit ng teknolohiya.
3. Nakasusulat ng sariling panitikan gamit ang isang makabagong teknolohiya at
pampublikong espasyo sa pagpapalaganap nito; at
4. Napapahalagahan ang makabagong teknolohiya at pampublikong espasyo sa
pagtatanghal ng akdang pampanitikan.

Balik-Tanaw
Text Tanaga
Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula. Ito ay binubuo ng apat na taludtod
na ang bawat taludtod ay may sukat na pitong pantig. Ang bawat taludtod din ay may
tugmang magkakatulad ang tunog sa huling pantig at punong-puno ng talinhaga.
Sumulat ng isang tanaga na ang paksa ay papel ng teknolohiya sa buhay ng mga
Pilipino. Itext ang nagawang tanaga sa mga kamag-aral at magpalitan ng reaksyon ukol
sa pagkakagawa nito.

recent Baby
shark
Lusong- Kaalaman
Istatus ng Panitikan ko

Kung gagamitin mo ang status bar ng iyong Facebook ngayon upang ipahayag
ang iyong obserbasyon ukol sa kalagayan ng panitikan ng Pilipinas. Ano ang masasabi
mo?

Gaod- Kaisipan

Teknolohiya Bilang Daluyan ng Kontemporanyong Panitikan


Sa panahong digital ay may bagong mukha ang panitikan, sa birtuwal na espayo
na nagpapakilala sa bagong kapangyarihan at ugnayang nabubuo dito. Sa bagong
yugto ng panahong digital na nalikha ng monopolyong kapitalismo ay binubuksan ang
makabagong daluyan, pamamaraan at kasangkapan sa produksyong pangkultura na
nagsusulong sa interes ng patuloy na akumulasyon ng kapital para sa iilang
makapangyarihang entidad sa lipunang Pilipino at kapitalismong global. Nalikha ang
panitikan sa ganitong kalagayan bilang bagong anyo ng kalakal at serbisyo na
pinatatakbo ng iilang korporasyon at pandaigdigang sentro ng kapitalismong
dumaranas ng krisis.
Sa ganitong mga pangyayari, mahalaga ang papel ng mga neokolonyang bansa
gaya ng Pilipinas at iba pang bansa sa ikatlong daigdig na magsilbing mga
tagapagsalba sa paghihikahos ng malalakas na bansa at mapagtatambakan ng
kanilang mga sarplas na produktong elektroniko at teknolohiya sa lahat ng posibleng
paraan ng mga bansang kapitalista at mapanatili ang pandaigdigang kontrol. Itinutulak
ng kalakarang ito ang lalong komodipikasyon sa panitikan at sining na ikinakampanya
sa loob ng mga industriya ng kulturang popular na isa sa matingkad na mekanismo
para isulong ang adyendang ito ng mga pandaigdigang kapitalista.
Parang kuryente ang teknolohiya na mabilisang tumutulay sa mga kawad para
magamit sa malawakan at mabilisang pagkonsumo. Ganito rin ang kalakaran ng
panitikan sa bingit ng digital na krisis- nakatali sa mga transnasyonal na kompanyang
may control sa mabilisang pagbabagong teknolohikal at nagbabagong kalakaran na
nagiging tuon sa pagpapalabnaw upang madaling mapagkakitaan ng mga kompanyang
lumilikha ng mga kasangkapan gaya ng cellphone, tablet, at iba pang katulad ng gadget
na madaling maipapasa at may matipid na distribusyon ng mga nilalaman sa
pamamagitan ng e-books at social media.
Nililimitahan ng kalakarang digital ang makabuluhang papel ng panitikan
magsilbing tulay para palakasin ang karaniwang mambabasa upang hindi maging
prebilehiyo ang pagbabasa na limitado lamang sa may kakayahan bumili ng produkto at
serbisyo ng mga kapitalista. Ang pagpasok ng digital at modernong panahon ay lumikha
rin ng espayo para sa nagpapanihubog ng kontemporanyong tradisyon ng panitikan sa
Pilipinas. Ibinunga ito ng malayang palitan ng impluwensiya sa ibang dayuhang kultura
at tradisyon, gayundin ng rekonstruksiyon ng lumang tradisyon na may kapuwa political
na potensiyal na magamit sa ano mang proyekto ng demokratisasyon—ang maibahagi
at mapalakas ang lahat ng sektor ng lipunan.
Textula at Ekonomiya ng Salita
Ang textula ay isang maikling tula na ipinapadala sa pamamagitan ng SMS or
Mobile at may kakayahang buhayin ang mga tradisyonal na anyo ng pagtula sa bansa
gaya ng Tanaga, Dalit, Diona, at malayang taludturan na maaaring pumaksa ng ibat-
bang isyung panglipunan, indibidwal, at kolektibong kalagayan na madaling
maibabahagi sa makabuluhang at malikhaing paraan. Halimbawa,

Kung anong linamnam, tamis ng armibal


Tumab-ang, nagluno ng baliw na asal
Bagong henerasyong nagtapos, nag-aral
Pabrika’t call center ang dasal at usal.

-Kalamay Buna
Joel Costa Malabanan
Ilang pang halimbawa;
Tanaga: Ang Tandang ngayong Pasko
may virus man ng bird flu
sa kawali diretso
gutom kase ang mundo

Diona: Tandang nang tumilaok


si Gloria ang lumunok
bugok lahat ng itlog.
-Frank G. Rivera
Panitikang Wattpad at Hamon sa Henerasyon
Tradisyon na sa internet ang mga panitikang Wattpad na isang online publishing
website na nakabase sa Canada at lumilikha ng komunidad ng mga manunulat at
mambabasa online. Ito ay mayroong mahigit 10 milyong tagatangkilik na nagbabahagi
ng kanilang mga kwento na karaniwan ay nakatuon sa genre ng fan fiction, pantasya,
romansa. Marami sa mga nobelang naisulat sa Wattpad ay tinangkilik ng maraming
mambabasa ang ipinalabas sa mga naglalakihang prodyuser ng pelikula sa Pilipinas.
Kabilang dito ay ang Diary ng Panget (VIVA Films 2014) at She’s Dating the Gangster
(Star Cinema 2014). May matinding impluwensyang kanluranin at mababaw na
pagpapakete sa maramihang akdang nailalathala sa Wattpad, may pangangailangang
mailubog ang mga ito sa mismong larangan ng lipunan labas sa kanilang gitnang uring
kalagayan upang ipaunawa na hindi lamang pag-ibig ang problema ng bayan at lalong
hindi pantasya ang daan sa palutas ng mga ito.

Fliptop: Modernong Balagtasan?


Ang tradisyon ng angas at maaanghang na salita sa paraang debate ang
tungtungan ng magkakatunggaling fliptoppers (tawag sa nagsasagawa ng fliptop) sa
paglulubid ng salita upang pabagsakin ang kalaban sa pamimintas at kahihiyan ay
tinatawag na Fliptop. Ito raw ang modernong balagtasan sa kabila ng pagtaliwas nito sa
tradisyon ng pagpaksa napapanahong isyung panlipunan at sining pananalinghaga.

Kalakaran ng Panitikang Iniluwal ng Pambansang Krisis


Dulot ng tumitinding krisis ng ekonomiya, hindi lamang plataporma kundi maging
ang gawi ng mga mambabasang Pilipino ay nagbago rin sa panahong digital. Iniluwal
ang konseptong instant at sistemang robotiko sa produksyong pangkultura upang
makatugon sa nagdudumaling uri at kalakaran ng mambabasa o awdyens na lagging
hinahagupit ng mababang sahod, mataas na bilihin, kawalang seguridad sa trabaho at
bulok na serbisyong panlipunan. Bilang pansamantalang tugon, naitanghal ang mga
pampublikong espasyo at lunan para ilapit ang panitikan at palaganapin ang kultura ng
pagbabasa sa karaniwang Pilipinong komyuter na sumasakay sa pambansang
transportasyon.
Muling nabuhay ang genre ng panitikang dagli o flash fiction na ipinapalagay ni
Rolando Tolentino (2009) na unang lumaganap sa unang dekada ng 1900 na ang
kalakhan o pumapaksa sa mga romantikong pag-alalay sa mga babae samantalang
naging daluyan ng makabayang at anti-kolokyal na kaisipan. Kung susuriin ang mga
antolohiya ng dagli na lumalabas nitong huling sampung taon, mapagninilayan ang
pormula sa pagsulat ng genreng na may element na paggamit ng bilis at limitado na
lalampas sa 300 salita at may sapat na ekonomiya ang mga salita.
Layag- Diwa
A. Ipakilala ang sumusunod na mga genre o kalakaran ng panitikan sa
kontemporanyong panahon ang mapa ng konsepto.

Panitikang Wattpad Daglit


Kontemporanyong genre at
Kalakaran ng Panitikan

Textula

Fliptop Tulaan sa Tren

B. Magsagawa ng pagtataya sa mga tinatalakay na kalakaran sa pagsulat ng


panitikan sa panahong digital. Itala ang mga napansing kalakasan at kahinaan
sa nakalaang talahanayan sa ibaba. Maaaring magdagdag ng mga sariling
obserbasyon at palagay bukod sa mga binanggit sa talakayan.

Panitikang Wattpad
Kalakasan Kahinaan

Fliptop
Kalakasan Kahinaan
C. Basahin at suriin ang dagling “Five-Six” ni Ersela M. Carillo sa tulong ng mga
gabay na tanong sa pagsusuri. Isulat ang maikling pagsusuri sa isang pahinang
papel na may pito hanggang sampung pangungusap na haba.

FIVE- SIX
Ersela M. Carillo

“Nay, kailangan ko na po raw magbayad ng tuition sabi ng prof ko, mage-exam na kami sa lunes”
“Nay baon ko po”
“Nay, si Liza po walang pang-gatas, natanggal sa trabaho asawa ko,”

Naghalo-halong himutok sa hangin at naiwang nakalutang. Bago naibagsak ang babasaging


pinggan. Isang taon ng patay ang asawa ni Flor ngunit may alinlangan parin siyang tanggapin
ang alok ni Abe.

“Nay, kailangan ko na daw po talagang magbayad”


“Nay hindi pwedeng umabsent talaga”
“Nay, maawa na kayo sa anak ko.”

Kahapon bumisita ulit ang bumbay, nag-alok ng utang. Umiling lang si Flor at ibinagsak ang
pinto. Minsan pang sumagi sa kanyang isip ang asawa ngunit paulit-ulit siyang binibingi ng
nakakarinding himutok ng mga anak.

“Nay yung pang-tuition ko! Kailangan na daw talaga!”


“Nay naman, ayokong bumagsak!”
“Nay maawa na kayo sa anak ko”

Manhid na napatitig si Flor sa nabasag na pinggan. Nasalamin ang sarili sa nabasag na mga
piraso. Nakarinig siya ng katok at bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Alam niyang babalik ang
bumbay, muling mag-aalok. Parang nakalimot siya sa matagal na alinlangan. Hindi na sumagi pa
sa kanyang isip ang yumaong asawa. Lalong lumakas ang mga nakakarinding himutok sa
kanyang utak. Mahina niyang tinapik-tapik ang kaba sa dibdib. Saglit siyang napangiwi, dahan-
dahang bumaba ang kanyang kamay at napalamas sa kanyang suso. Saka napangiti, mapait.

*five-six—kolokyal na tawag ukol sa kalakaran ng pangungutang na may mataas na patubo

Mga gabay na tanong sa pagsusuri:


1. Makabuluhan at napapanahon ba ang pinapaksa ng binasang dagli?
2. Nailapat ba ang mahahalagang element (bilis, krisis at kabig?) Paano inilapat
ang mga ito sa akda?
3. Ano ang pinakamatingkad na kaisipan ng akda? Matagumpay bang naihatid ito
sa iyo bilang mambabasa?
4. Ano-ano ang napansing kahinaan at kalakasan ng akda sa kabuuang anyo at
nilalaman? Ipaliwanag.

Lambat- Likha

Lumikha ng isang textual na gumagamit ng radisyonal na anyo ng tula na


tumatalakay sa kalagayan ng mga piling sektor ng lipunang Pilipino. Kailangang
taglayin ng textual ang sapat na ikli batay sa napiling any ng tradisyonal na pagtula,
bukas na pagtatalakay ng anumang anggulo sa isyung napili, at paglalarawan sa
kanilang kalagayan. Ilagay sa isang maikling bondpaper ang borador ng ginawang tula
para sa pagpapakinis ng guro. Matapos ang isinagawang rebisyon, kailangang
mapadala sa ilang piling kaibigan at kakilala ang ginawang tula gamit ang SMS.
Tatayain ang textula batay sa anyo, gamit ng wika, teknik at mensahe. Maaaring pumili
sa sumusunod na mga paksa at tradisyonal na anyo ng tula batay sa kakayahan at
daynamiks ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Tanaga na pumapaksa sa kalagayan ng mga magsasaka at manggagawang
Pilipino
b. Dalit na pumapaksa sa kalagayan ng mga guro at kawani ng edukasyon sa
Pilipinas
c. Haiku na pumapaksa sa pumapaksa sa kalagayan ng kabataang Pilipino

Pamantayan sa Pagmamarka ng Textula

Baguhan Umuunlad Naisakatuparan Bihasa


BATAYAN Iskor
(1) (2) (3) (4)
Anyo Hindi nailapat Hindi Nailapat ang Malikhaing
ang wastong masyadong wastong nailapat ang
panuntunan sa nailapat ang panuntunan sa panuntunan sa
napiling anyo ng wastong naipiling anyo ng napiling anyo ng
pagtula. Hindi panuntunan sa pagtula. Epektibo tula. Higit na
epektibong napiling tula. ang epektibo ang
nagamit ang Hindi gaanong pagkakagamit sa pagkakagamit ng
napiling anyo ng epektibo ang anyo ng tula napiling anyo sa
pagtula pagkakagamit pagtula
ng napiling anyo
ng tula.
Paksa Abstrak ang Panlahat ang Sapat na Kongkreto at
ginawang paglalarawan at nailarawan ang malinaw na
paglalarawan sa walang tiyak na tiyak na isyu ukol nailarawan ang
isyu ukol sa isyu ukol sa sa kalagayan ng tiyak na isyu sa
kalagayan ng kalagayan ng napilinhg sektor kalagayan ng
napiling sektor napiling sektor napiling sektor

Gamit ng Ang bokabularyo Ang Ang bokabularyo Ang bokabularyo


ay masyadong bokabularyo ay angkop at ay daynamiko at
Wika
karaniwan ang higit na mahusay napakahusay ng
nagsasalaysay nagamit paglalapat
kaysa
naglalarawan

Teknik Gumagamit ng Gumamit ng Gumamit ng mha Eoektibong


mga poetikong mga poetikong poetikong teknik gumamit nhg
teknik gaya ng teknik para na may bagong poetikong teknik
mga tayutay. matalinhagang pamamaraan ng na may bagong
maisalin ang mensahe makabuluhang
tema. pamamaraan ng
pahubog ng tema

Mensahe Masyadong Matalinong Makabuluhang Malalim ang


literal ang na pagtatanghal sa pagtatanghal sa pagtatanghal sa
pagtatangal sa tema ng tula na tema ng tula na tula na
tema ng tula nagbubukas ng nagbubukas ng nakaiimpluwensy
malikhaing diwa diskurso a sa kritikal at
pagninilay at
pananaw

Salok-Dunong

Bigyang kahulugan ang sumusunod na terminong ginamit alinsunod sa konteksto ng


tekstong tinalakay (3 puntos bawat isa)

1. Textula
2. Fliptop

3. Panitikang Digital

4. Teknolohiya

5. Daglit/ Flash Fiction

Daong-Kamalayan

Lumikha ng sariling Wattpad account at maglathala ng isang maikling kritika ukol


sa penomenong ito. Kailangang taglayin ng isusulat na kritika ang mga punto ng
pagsusri na nakatuon sa mga paksang tinatalakay sa nasabing online website, ang
kultura ng pagsusulat sa kalakaran nito, at ang mahahalagang pananaw/ insight kung
paano mapagbubuti ang umiiral na kultura at tradisyon dito. Limitahan lamang sa 700-
1,000 salita ang bubuuling kritika. Lumikha ng sariling makatawag-pansing pamagat at
mahahalagang bahagi gaya ng introduksyon, katawan, at kongklusyon.
Pamantayan Puntos Iskor
Makatawag-pansing pamagat 5
Introduksiyon 10
Katawan/ Diskusyon 13
Kongklusiyon 12
Kabuuan 40

You might also like