You are on page 1of 1

Mandatory ROTC para sa Senior High School

Simula:

Inihayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na nais niyang ibalik ang
mandatory Reserved Officers' Training Corps (ROTC) na programa sa senior high school
students, na kabilang sa prayoridad ng kaniyang administrasyon. Sa talumpati, inihayag ng
ating pangulo na ipatutupad ang mandatory ROTC at National Service Training Program
(NSTP) program sa baitang labing-isa at labing dalawa na mga studyante sa mga pampubliko
at pribadong paaralan. Ngunit sa iyong pananaw bilang isang mag-aaral ay sang-ayon ka ba sa
pagpapatupad ng ROTC dito sa ating bansa?

Katawan:

Ang ROTC ay isang pag aaral ng studyante kung saan matutunan nila ang buhay bilang
isang sundalo at sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng disiplina ang isang kabataan. Ngunit
gusto kong ituon ang aking argumento sa mga epekto ng mandatoryong serbisyong militar sa
aming mga kabataan na makakaranas nito, dahil hindi ko magawang magtiwala pagkatapos ng
nangyari kay Mark Wilson na nasawi ng dahil sa ganitong programa. Isa pa bakit ko iaaksaya
ang aking oras sa programang mahinang pinondohan na maaring makalikha ng katiwalian at
pang-aabuso. Hindi na nga namin magawang mapagkasiya ang aming oras sa rami ng aming
gawain sa paaralan bilang isang senior high, lalo na yung mga working student na naghihirap
matustusan lang ang mga pangangailangan sa araw-araw. Tapos mas inuuna pa ang ganitong
programa kaysa lutasin ang mga problema na kinakaharap sa ating sektor ng edukasyon.

Pangwakas:

Alam ko na isa itong magandang programa na naglalayong tulungan hindi lamang ang
ating mga kabataan kundi kasali rin ang ating bansa. Ngunit sa tingin ko ay marami pa itong
kailangan na pag-aralan at mga isyu na kailangang resolbahin tulad ng malaking bilang ng mga
pasipista sa ating populasyon na hindi maaaring maglingkod sa militar, na sana ay sila’y
mabigyan ng pagtugon at atensyon ng kinauukulan.

You might also like