You are on page 1of 1

Posisyong Papel Ukol sa Pagbabalik ng ROTC sa Pilipinas

Ang ROTC ay isa sa tatlong pagpipilian ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa ilalim ng


National Service Training Program o NSTP; ang dalawang iba pa ay ang Literacy Training
Service at Civic Welfare Training Service. Noong Taong 2002 nang ipatupad ang NSTP
matapos gawing hindi na sapilitan o required ang ROTC.

Isa ako sa mga naniniwala na ang ROTC ay makapagdudulot ng mabuti sa mga


estudyante sapagkat naituturo ng ROTC sa mga kabataan ang pagmamahal sa bayan,
wastong pag-uugali, respeto sa karapatang pantao, at pagtalima sa ating Saligang Batas
sapagkat nararamdaman na ng karamihan ng mga matatanda na habang tumatagal ay
nawawalan na ng disiplina , pagmamahal sa bayan , at respeto sa kapwa ang karamihan sa
mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

Upang maibalik ang sapilitang pagsali ng mga mag-aaral sa ROTC, kailangan itong
maisabatas.Mayroon din namang malamig ang pagtanggap dito dahil dagdag gastos ito para
sa mga magulang. Matatandaang ginawang optional ang ROTC matapos matagpuang
walang buhay ang isang estudyante ng isang malaking unibersidad noong 2001 kaya dapat
na itoy baguhin ng kaunti sapagkat kung wala silang babaguhin sa ROTC ay masasabi rin
natin na magiging salungat ang programa sa mga prinsipyo ng panlipunang katuruan ng
Simbahan, lalo na ang may kinalaman sa pagpapalakas ng pakikilahok ng mga mamamayan
o people empowerment sapagkat ang tunay na demokrasya ay posible lamang kung ang
isang estado sumusunod at nagtataguyod ng batas at kung nakabatay ito sa wastong
pagtingin sa kabuuan at dignidad ng tao.

You might also like