You are on page 1of 8

PANAYAM SA KOMUNIKASYON

AT PANANALIKSIK

Ipapasa ni,
Kojiro Yoko P. Castro

Ipapasa kay,
Romeo Lorido
Magandang hapon po sa inyo! Ano po ang pangalan
niyo?

- Jennilyn Peralta.

1) Maaari ninyo po ba na ilarawan ang sarili ninyo noong


ikaw ay maliit palang?

- Di naman sa pagmamayabang pero mabait, masipag


mag-aral, matiyaga kahit mahirap ang buhay, mataas
mangarap. Yung mga usual qualities na makikita mo sa
isang estudyante na gustong may marating.

2) Maaari po bang magbahagi kayo ng inyong karanasan


kung paano po kayo naging matagumpay sa buhay?

- Sipag at tiyaga lang talaga, kahit nahihirapan sa


trabaho at di mabait ang boss, tuloy pa rin. Sipag at
tiyaga talaga ang kailangan.

3) Ano po ang nakuha niyong kurso sa kolehiyo at bakit


po iyon ang inyong napili?
- Graduate ako ng Bachelor of Science in Chemical
Engineering sa Adamson University. Iyon ang napili ko
dahil gusto ko ang subject na Chemistry, at gusto ko ring
sundan ang yapak ng tito ko na Chemical Engineer din.
4) Posible po ba na magkaroon ng katuparan ang mga
pangarap ng isang tao?

- Oo naman. Walang di makukuha sa sipag at tiyaga.


Wala ring imposible kapag nangangarap ang isang tao.

5) Bakit ninyo po na maisipang tahakin ang inyong


propesyon?

- Dahil naging passion ko na ang Chemistry. Simula ng


college ay feeling ko paramg yan na talaga ang destiny
ko.

6) Maaari po ba kayong magbigay ng opinyon kay


Presidente Duterte?

- Di ako sang-ayon sa mga pamamalakad niya, especially


ang kanyang war on drugs o Oplan "Tokhang", sa
kadahilanan na suportado ako sa human rights. Di ko rin
gusto ang kaniyang public cursing, nagmumukha tuloy
na di sibilisado ang Pilipinas lalo na't walang profanity
ang Pangulo.

7) Sa tingin ninyo po, ano ang pinakamalaking suliranin


na kinakaharap ng ating mundo sa kasalukuyan?

- Sa tingin ko ay ang pinakamalaking problema ng


mundo ay ang pagiging ignorante. Di na sila nanonood
ng mga balita tungkol sa mga importanteng bagay o
kaya nama'y di binobroadcast yung mga bagay na dapat
malaman ng lahat, tulad ng Amazon Rainforest incident.

8) Sang-ayon po ba kayo sa pagbalik ng Mandatory


ROTC?

- Oo naman. Kung titingnan ng mabuti ipinatupad ang


K-12 program para makasabay ang Pilipinas sa sistema
ng academics sa ibang bansa. Ang Pilipinas lang ang
bansa na walang military training for male college
students kaya marapat lang na isulong yang ROTC. Dahil
din dyan ay maiinstill din ang pagiging disiplinado, lalo
na't nakapagulo ng ating bansa.

9) May maitutulong po ba ang "No Homework Policy"?


- I think wala itong maidudulot na mabuti sa mga
mag-aaral dahil homeworks teaches students on how to
be responsible with said homeworks. Dapat lang may
homeworks para mafreshen-up yung mga topics na
itinuro sa school at hindi agad kalimutan.

10) May masasabi po ba kayo sa mga kabataan ngayon?


- Ang masasabi ko lang ay masyado na ang focus nila sa
internet society. Whether it be social media or Google,
para talagang sineserve na lahat ng dapat ituro in a
silver platter. With powerful smartphones, masasabi ko
talagang mas madali ang buhay ng mga students ngayon
kaysa dati. Wala namang mga smartphones back then
kaya libro lang talaga. Pero ngayon, with one click or tap
maaaccess mo ang millions of sites and databases. I
really think na ang generation ng kabataan ngayon ay
"spoiled". The internet, even though it's so useful,
leaves much to be desired. Depresyon din ay isa sa mga
major issue ng mga kabataan ngayon. Gusto ko lang siya
imention para n rin magspread ng awareness, at mas
marami talaga ang mga depressed teens ngayon kaysa
back then.

11) May quote po ba kayo na sa tingin nyo ay


makakatulong sa aming mga kabataan ngayon?
- Work hard, strive harder. Life is hard and don't let that
deter you. Nothing is impossible when you believe.

Maraming salamat po sa inyong oras, talaga pong


ikinagagalak ko kayong maging kapanayam.

-Salamat din. Actually this is the first time na


nainterview ako kaya the pleasure is mine.

You might also like