You are on page 1of 3

Liceo de Cagayan University

Senior High School Department


RNP Boulevard, Kauswagan, Cagayan de Oro City

BILANG NG AKTIBIDAD NG MAG-AARAL: _1__

(Indibidwal na Gawain)

Asignatura:
Paksa: ____Pagbasa ng Talumpati at pagsagot sa mga gabay na
tanong__________________________________________________________________
___
Naibigay na Petsa: ___Marso 4, Takdang Petsa: Marso 6, 2024_
2024_____________________

Instruksyon:
Basahin ang maikling teksto. Sagutin ang mga tanong nang may tiyak at malinaw na
paliwanag. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Talumpati Tungkol sa Kabataan ng Makabagong Henerasyon


“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon.” Ito ang mga salitang halos araw-araw mong maririnig
mula sa mga matanda, sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos nakabibingi na nga ‘di ba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong henerasyon na maraming
alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa buhay, maraming nais maabot.

Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang hindi nakikita ang
bagay na iyon dahil inaasahan nating maging pareho sila ng kabataan noon. Hindi pa ipinapanganak
ang marami sa kanila ay marami nang inaasahang dapat na maging sila ayon sa pamantayan ng
marami sa lipunan. Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba puwedeng hayaan natin silang mamuhay sa
mundo na kinamulatan nila? Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa mundong ibang-iba na
rin.
Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang pag-asa. Hindi man sa
paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang araw, mas magiging maliwanag ang mundo dahil sa
kanila.

Sanggunian: Sandy Ghaz. Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang
Pag-Asa. 5 Halimbawang Talumpati Tungkol sa Kabataan. Philippine News. Nakuha sa
https://philnews.ph/2018/12/12/halimbawa-ng-talumpati-5-talumpati-kabataan/
Tanong 1:
Sino ang target na mambabasa ng teksto at ano ang layunin ng teksto para sa target nitong
mambabasa?

Ang kabataan ang pangunahing target na mambabasa. Sila ang pangunahing paksa ng teksto. Ang
pangkalahatang teksto ay nagsasabi na ang mga kabataan ngayon ay talagang nagbabago sa
pamumuhay ngayon na lubos kong sinasang-ayunan at iyon ay totoo. Marami na nga ang nagbago
ngayon dahil sa public demands ng mga kabataan sa henerasyon ngayon lalo na sa teknolohiya
ngayon. Tulad na lamang ng social media at iba pa. At pati na din sa wika na ginagamit ng mga
kabataan o mas kilala bilang Gen Z.

Tanong 2:
Anong mga katangian ng akademikong pagsulat ang taglay ng tekstong binasa, sa kabila ng
bahagi lamang ito ng kabuuang sulatin?

Ang teksto na ito ay mayroong paninindigan na katangian dahil ito ay nilalaman ng mahalagang
impormasyon na dapat ipaliwanag o pakinggan ang opinion at panig ng ibang tao. Katulad ng mga
Gen Z ngayon.

Tanong 3:
Ano ang mahalagang mensahe na nais ihatid ng teksto para sa mga mambabasa?

Ang mensahe ng teksto ay dapat natin pahalagahan ang henerasyon ngayon at henerasyon noon.
Siyempre, kailangan din natin pahalagahan ang mga kabataan ngayon at kung anong meron sa
panahon ngayon at ibagay ang bagong henerasyon na ating kinagisnan ngayon.

Tanong 4:
Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga ganitong uri at paksa ng akademikong
sulatin para sa iyong nais tahaking akademikong kurso sa kolehiyo?

Nakakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa akademikong sulatin sa kurso o pag-aaral dahil


madalas ay magagamit ang kakayahan sa pagsusulat lalo na sa pananaliksik, mga paligsahan
patungkol sa pagsusulat at paglipat sa ibang paaralan o unibersidad. Ang kaalaman sa pagsusulat ay
magiging malaking tulong upang maging matagumpay at makapagtapos, at ito ay magagamit pati sa
pagtapos ng pag-aaral kung saan mas mahahasa ang galing sa paghahanapbuhay.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

PAMANTAYAN PAGLALARAWAN Mungkahing Puntos

Sagot at Nilalaman Tama ang sagot. Malalim ang kaisipang


ng Paliwanag nakapaloob sa paliwanag. May mga
5 puntos pinagbatayan at hindi nakatuon lamang sa
pansariling opinyon.
Organisasyon ng Malinaw ang kabuuang paliwanag sa dahilang
Ideya organisado ang paglalahad ng mga ideya mula
3 puntos sa pinakasimpleng ideyang may pinagbatayan
hanggang sa pagbibigay ng pangunahing ideya
na nais bigyang-diin.
Paggamit ng Wika Mahusay ang pagpapaliwanag sa dahilang
2 puntos tama ang salitang pinili para sa ideya, tama
ang pagkakabuo ng mga pangungusap, at
masasabing may mataas na retorika at tamang
gramatika sa wikang Filipino.
Kabuuan
10 puntos

Tel. No. (088) 858-4086, 858-4093 to 95, (8822) 72-7044, 71-4253 PABX local (President) – 112 & 126, (Registrar) – 109

Tel. Fax No. (01163) (088) 858-3123 (8822) 72-7044, 71-4253 local 111 [email: inquiries@liceo.edu.ph [website: www.liceo.edu.ph)

You might also like