You are on page 1of 1

1.

Among the three components of NSTP, which do you think is BEST to take by the
first-year students in order to help the country in the present crisis. Support your
answer by identifying and discussing some practical solutions

Para sa ‘kin po ay pinaka-mahalaga ngayon sa tatlong bahagi ng NSTP para sa freshmen ay ang
Civil Welfare Training Service (CWTS). Sa kasalukuyan, ang mga krisis na nararanasan ng mga
siyudad sa Pilipinas ay ang kagutuman, mababang sweldo, kalamidad, mga lumang pasilidad, at
mababang antas ng edukasyon. Ang mga nararanasang krisis sa bansa ay sakop ng aktibidades,
kontribusyon, at solusyon ng CWTS, gaya ng feeding programs, job
recommendations/consultations, post-calamity responses, renobasyon at pagpapalit ng bagong
kagamitan, at pagtuturo sa kabataan.

2. What is human right and how does it affect our daily living.

Ang human rights po ay mga karapatan ng lahat ng tao na hindi maaaring tanggalin sa kung sino
man, anuman ang kanilang nasyunalidad, pagkakakilanlan, relihiyon, antas ng pamumuhay, at
iba pang antas. Sa human rights na ito ay nagkakaroon ang tao ng buhay na mahalaga, malaya, at
natural. Ang halimbawa ng human rights ay ang karapatan sa pagkain, edukasyon, trabaho,
pulitika, pagkamamamayan, kalayaan, at kalusugan. Kung wala ito, maaaring walang kaayusan
sa kalayaan ng lahat ng tao.

3. What can you say on the human rights ssituation in the Philippines? Expand your
answer.

Sa palagay ko po ay hindi human rights ang mayroong pagkukulang, kundi sa pamamahala at


pagtupad sa responsibilidad ng tao. Bihira na ang magkaroon ng hustisya sa Pilipinas.
Karamihan na ay nagiging bulag sa katotohanan o ‘di kaya’y hindi nabibigyan ng pagkakataong
maintindihan ang katotohanan, kung kaya’t madalas nang hindi nasusunod ang ulat ng human
rights. Hindi lamang pagkakamali ng namamahala sa lipunan ang mga pinsalang nararanasan sa
kasalukuyan, sapagkat ang mamamayan din. Halimbawa na nito ay ang maling pagboto ng mga
mamamayan sa mahinang lider ng lipunan o bansa, kaya patuloy nang naghihirap ang mga
Pilipino sa pagkakaroon pa lamang ng simpleng pamumuhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay
tama ang pagkakaroon ng tamang pagkakamali bago makamit ang tamang solusyon para sa
iisang resulta.

You might also like