You are on page 1of 42

Aralin 1

Mga Karapatang
Pantao
Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


matatalakay ang …

● kahulugan, katangian, at uri ng karapatang pantao,


● Universal Declaration of Human Rights,
● karapatang pantao sa Pilipinas, at
● pagtugon sa responsibilidad tungo sa pagpapanatili ng isang
pamayanan at bansang kumikilala sa karapatang pantao.
Larawan ng mga kamay ng karapatang pantao, mula sa Lawnn
Paggawa ng Poster
Pagsusuri

1.Bakit kailangang pahalagahan ang


karapatang pantao?

2.Ano ang maaaring mangyari kung


hindi isusulong ang karapatang
pantao?
Aralin 1

Mga Karapatang
Pantao
• Karapatang tinatamasa ng tao sa
sandaling siya ay isilang;
• Karapatan para sa lahat ng nabubuhay
na tao sa mundo, sa kabila ng bansang
pinagmulan, kasarian, edad, relihiyon,
lengguwahe, katayuang sibil, o kulay ng
balat; at
• Kundamental na karapatang sadyang
bahagi ng pagiging tao o indibiduwal.
• Ang lahat ng tao ay saklaw
ng karapatang pantao, at
ipinatutupad ito nang walang
diskriminasyon.
• Ang mga karapatang pantao ay nasasabatas sa
pamamagitan ng mga international law at iba’t
ibang prinsipyo.
• Ang mga international law ay ipinatutupad sa
pamamagitan ng pambansang pamahalaan.
• Ipinahahayag din ng mga tagapagpatupad ng
international law na magpatupad rin ng mga lokal
na batas na naaayon sa mga karapatang pantao,
nang sa gayon ay tangkilikin din ito ng mga
mamamayan.
Universal at
Inalienable
Universal
 Ang pagiging universal ng karapatang pantao ay
isang mahalagang aspekto ng pandaigdigang batas.
 Ibig sabihin lamang ng mga katangiang ito na
tungkulin ng estado na tangkilikin at pangalagaan ang
karapatan at kalayaan ng lahat ng tao.
 Ang katangiang ito ay unang ipinahayag sa Universal
Declaration of Human Rights ng 1948 at patuloy na
ipinahahayag sa iba’t ibang kumperensiya.
Inalienable
 Sa pagkakaroon ng katangiang inalienable, hindi
maaaring alisin mula sa kahit sinong tao ang kaniyang
karapatan.
 Isang halimbawa nito ang mga taong nakagawa ng
krimen at hindi mabubuting gawain. Sa kabila ng
kanilang kaso o pagkakakulong, karapatan pa rin
nilang makapagtamasa ng kanilang mga karapatan.
Gayunpaman, tandaan na mayroon nang limitasyon
sa pagkakamit ng karapatan ang mga taong nasakdal
at nahatulan na.
Interdependent at
Indivisible
Interdependent
 Magkakaugnay ang lahat ng karapatan ng
tao.
 Ibig sabihin lamang nito, kung tatanggalan ng
karapatan ang tao sa isang aspekto, lubos
itong makaaapekto sa iba pang karapatan.
Interdependent
 Isang halimbawa nito ang kawalan ng respeto sa
karapatang pang-edukasyon ng mga bata.
 Maraming bata ang hindi nakapag-aaral.
Kaalinsabay nito, naaapektuhan din ang ibang
karapatan ng bata, tulad ng kaniyang karapatang
kultural at karapatan sa pag-unlad na sana ay mas
matututuhan niya kung siya ay nag-aaral o
nakapag-aaral.
Pantay at Walang
Diskriminasyon
 Sinasabi lamang ng mga katangiang ito na ang
karapatang pantao ay para sa lahat sa kabila ng kahit
anong pisikal o sikolohikal na salik.
 Ipinagkakaloob ang mga karapatan nang walang
diskriminasyon.
 Mayroon ding mga kumbensiyon at pagpupulong na
isinagawa sa pandaigidgang komunidad at mga
pagpupulong para isulong ang mga katangiang ito,
kagaya ng International Convention on the Elimination of
All Forms of Racial Discrimination at ang Convention on
the Elimination of All Forms of Discrimination against
Women.
Parehong Karapatan
at Obligasyon
 Inaasahan na ang lahat ng tao, pati na ang estado, ay
magsusulong, rerespeto, at pahahalagan ang mga
karapatang pantao.
 Malaki ang inaasahan mula sa estado sapagkat ito ang
pangunahing ahensiya at salik na siyang may obligasyon
na ipatupad ang mga karapatang pantao.
 Ibig sabihin lamang nito, ang estado ay inaasahang
mangunguna sa paggawa ng mga paraan upang lubos na
matamasa ng mga tao ang kanilang mga karapatan.
Gayundin, ang mga karapatang pantao ay lubos na
makakamit kung ito ay pahahalagan ng mga mamamayan
at lipunan.
Universal
Declaration of
Human Rights
 Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay
isang mahalagang dokumento para sa karapatang
pantao.
 Ang deklarasyon na ito ay iprinoklama sa United
Nations General Assembly sa Paris, France noong
Disyembre 10, 1948.
 Itinalaga nito, sa unang pagkakataon, ang lahat ng
karapatan na dapat ay tinatamasa ng lahat ng tao.
 Ang UDHR ay binubuo ng 30 artikulo. Sa kasalukuyan,
ang deklarasyong ito ay naisalin na sa mahigit 500
lengguwahe.
Mga Uri ng
Karapatang Pantao
Mga Karapatang
Pantao sa Pilipinas
● Pangunahing ahensiya
na nangangalaga sa
karapatan ng mga
Pilipino.
Mga programa ng CHR:

● Human Rights
Protection Services
● Human Rights
Promotion Program
● HR Policy Advisory
Services
Human Rights Protection
Services:
● Ito ay nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo na
sumasaklaw sa mga reklamo at kaso ng
mga tao na naging biktima ng mga
paglabag ng karapatang pantao.
● Nagsasagawa rin ito ng iba’t ibang misyon
upang palawakin ang kaalaman at pag-
aaral sa karapatang tao sa pambansa at
lokal na antas.
Human Rights Promotion
Program:
● Ang programang ito ay tumutukoy sa
kombinasyon ng mga estratehiya at paraan upang
turuan at ipakilala sa mga tao ang kani-kanilang
karapatan upang magamit ang mga ito sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
● Kasama sa layunin ng programa ang pagtuturo ng
karapatang pantao sa iba’t ibang antas ng pag-
aaral.
HR Policy Advisory Services:
● Ito ay nagbibigay ng iba’t ibang polisiya,
position paper, o komento ukol sa iba’t
ibang ordinansa at panukala ng mga
ahensiya ng pamahalaan tungkol sa mga
karapatang pantao.
Ano ang naiisip mong paraan bilang pagtugon sa responsibilidad
bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan
at bansang kumikilala sa mga karapatang pantao?
Pagtugon sa Responsibilidad
Tungo sa Pagpapanatili ng Isang
Pamayanan at Bansang
Kumikilala sa Karapatang Pantao
Pagkakaroon o pagdaraos ng symposia at
seminar
 Sa paaralan, maaari itong maging proyekto o inaasahang
pagganap ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan. Sa
pamayanan, isa itong mahusay na proyektong maaaring
gawin ng mga opisyales. Kailangan lamang ng masusing
pagpaplano at pag-anyaya ng mga taong bihasa sa paksa
at tagapagtaguyod rin ng karapatang pantao.
Paggamit ng media
 Mabilis at malawak ang naaabot ng media. Halos lahat
ng tao ay may TV, radyo, at access sa Internet. Mabisa at
epektibo pa rin ang paggamit ng print media tulad ng
diyaryo, magasin, at iba pang babasahin.
 Kung may maayos na ugnayan ang pamahalaan at sektor
ng media, mas maraming kaisipan ang mababago sa
lipunan at mas mabilis ang pagpapatupad ng mga batas
laban sa mga paglabag ng karapatang pantao.
Integrasyon ng paksang Karapatang Pantao
sa mga module
 Kung gagamitin ang paksa ng karapatang pantao hindi
lamang sa community level training kung hindi sa mas
mataas na antas, kagaya ng DSWD Pantawid Pamilyang
Pilipino Family Development Sessions, TESDA Courses, o
PNP/AFP Values Formation, sabay-sabay ang pagbabago
ng ating kamalayan tungo sa pagrespeto sa mga
karapatang pantao.
Pagbibigay pansin at parangal sa mga indibiduwal
at NGO/Foundations na may malaking kontribusyon
sa pagpapalaganap ng mga karapatang pantao

 Ang paggawad ng pagkilala at parangal ay magbibigay


inspirasyon sa mga indibidwal at grupo na ipagpatuloy at
pag-ibayuhin ang kanilang mga ginagawa sa larangang
ito. Ang kanilang mga ginagawa ay may malaking epekto
sa pagbabagong panlipunan
Pagpapahalaga

Paano mo pahahalagahan ang


iyong karapatan?
Inaasahang Pag-unawa

● Ang karapatang pantao ay ang payak na mga karapatan at


kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng tao.
● Mahalagang mamulat ang bawat tao sa kaniyang mga
karapatan upang hindi ito abusuhin ng iba.
● Ang pagdaraos ng symposia at seminar, media, pagkakaroon
ng integrasyon ng paksang karapatang pantao sa module, at
pagbibigay parangal ay ilan lamang sa paraan upang
mapanatili ang karapatang pantao.
Paglalagom

Ang lahat ng tao ay saklaw ng karapatang pantao, at


1 ipinatutupad ito nang walang diskriminasyon.

Ang karapatang pantao ay lubos na makakamit kung


2 ito ay pahahalagahan ng mga mamamayan at
lipunan.
Paglalagom

Ang Pilipinas, kagaya ng anumang bansa sa mundo,


3 ay kumikilala sa mga karapatang pantao.
“Ang bawat isa ay may
karapatan.”
Kasunduan

Sa kuwaderno, magbigay ng limang halimbawa ng


paglabag sa karapatang pantao.
Ipaliwanag ang mga ito.

You might also like