You are on page 1of 1

ARMASAN NG KAALAMAN

“Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ito ang pinakatanyag na


pahayag ni Jose Rizal.Paano magiging pag-asa ng bayan kung
salat naman sa kaalaman?Mahalagang tungkulin ang
ginagampanan ng kagawaran ng edukasyon sa pagpapaunlad
ng sistema ng edukasyon sa bansa.
Ang edukasyon na kailangan na magsisilbing armas ng
kaalaman sa buhay ng mga kabataan .Kabataan ay nararapat
lamang na magkaroon ng magandang kinabukasan sa
pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na edukasyon
na nakukuha sa paaralan.
Ito ang magiging armas sa isang maganda at matagumpay na
hinaharap.Kaya huwag ipagwalang-bahala , pagtuunan ng
pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon.
Sapat na kaalaman at karunungan ang magigng armas ng
kabataan upang magkaroon ng masagang buhay. Edukasyon na
siyang huhubog sa kabuoang pagkatao na handa sumuong
saano mang pagsubok na kahaharapin.
Tama lamang na isulong ng pamahalaan ang proramang
pang-edukasyon na siyang aakay sa mga kabataan sa
matagumpay a buhay.

You might also like