You are on page 1of 5

I.

Panimula

Ang bisikleta ay isang uri ng transportasyun gamit sa paglalakbay patungo sa lugar na

gusto nating marating. Ito ay ginagamit din natin sa pakikipaglaro at sa kalaunan ay

naging isport. Nagsimula ang samahang Bikers Club nang dumami ang populasyon ng

Rizal Technological University ( RTU) kasama ang mga estudyanteng nagtiwala rito. Sa

kalaunan pinangalanan nila itong SWAT o Samahan ng mga Walang Pamasahe ito ay

inilunsad ni Direktor Dr. Elmer Martin, sa pakikipagtulungan ng Scholarship office nanay

Evecita P. Abeleda at Profesor Patrick Camacho Plandiano ng RTU-Pasig Alumni

President. Ito ay ginawa upang matulungan ang mga mahihirap na mag-aaral para

makamit ng libreng paggamit ng bisikleta, at sa kauna unahang pagkakataon sa

kasaysayan ng RTU nasaksihan ang paglunsad nito noong ika labing apat ng Pebrero

dalawang libu't labing siyam. Sa pamamagitan nang paggamit ng "Bisikleta" patungo sa

paaralan na inilungsad ng pamahalaan ng Rizal Technological University (RTU) para sa

mga mag-aaral na kapos palad, ang pagsasaliksik na ito ay nagnanais na. Masiguro na

makapagpapatuloy ang mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan para sa

kanilang kinabukasan. Matuklasan ang iba't ibang kahalagahan ng pagbibisikleta na

inilunsad ng SWAT kung marami nga bang estudyante ang makikinabang sa pagbuo

nito. Matukoy ang iba't ibang saklaw nang pagbibisikleta, kung ito man ay mabuti sa

kalusugan ng lahat na makikilahok dito. Ang paggamit ng bisikleta ay mahalaga sa

bawat estudyante lalo na sa mga mag aaral na kapus sa pinansyal.

II.Dulog at pamamaraan ng Pananaliksik


Nabuo ang pagaaral na ito mula sa pakikipagkwentuhan. Matatalakay kung ano ba ang

mga karanasan ng mga estudyante sa pagpapadyak patungong RTU . Sa

pagbibisikleta nagkakaroon ng mga karanasan ang mga estudyante nhanbang sila ay

nasa daan. Kasabay nito malalaman din kung ano ang mga benipisyo at kung paano ito

makakatulong sa mga estudyante maging sakapaligiran.

Sa pamamagitan ng mga datos mula sa pagsasagawa ng pakikipagkwentuhan ay

sumandig ang mga mananaliksik sa maka pilipinong metodo sa ananaliksik kayulad ng

pagtatanong at pakikilahok(Pe-Pua, 1989). Sa loob ng isang araw. Mula rito ay sinuri

ang mga karanasan ng mga estudyante sa pagpapadyak.

III. Resulta at Pagtalakay

Sa isang artikulo ng pahayangan ng( Manila Phippines, 2011). Hinihikayat ng

isang mambabatas ang pamahalaan at pribadong sektor na gumamit ng bisikleta bilang

alternatibong uri ng transportasyon. Ipinapanukala ni Rep. Carmelo Lazatin (1st District,

Pampanga) ang House Bill 5335. Ang layunin nito na mag-focus ang gobyerno at

Pribadong sektor sa isang seryosong programa para sa pagpo-promote ng paggmit ng

bisikleta. Iginiit din ni Lazatin walang seryosong programa ang gobyerno sa pag-

promote ng paggamit ng bisikleta sa kabila ng maraming benepisyong dulot nito hindi

lamang sa kalusugan kundi maging sa ekonomiya at kapaligiran ng bansa. Giit pa ni

Lazatin dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kayat

kailangan na ng seryosong paraan para humanap ng alternatibong paraan ng

transportasyon at isa umano dito ay ang paggamit ng bisikleta. Sa ilalim ng panukala

tatawagin itong “Bicycle Use Act of 2011,” kung saan lahat ng ahensya ng pamahalaan
at pribadong sektor ay kailangan bigyan ng 30 minuto palugit ang kanilang empleyado

na gumagamit ng bisikleta bago nila ikonsidera na late bunsod ng kanilang mahabang

biyahe.

Sa pasasaliksik din ng isang programang ("Reel Time,"2017) sa telebisyon

kabilang sa tinalakay ang pagbibisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon

ng mga istudyante patungo sa kani-kanilang paaralan. Ayon kay Zieg Tercias,

presidente at founder ng Bike to Work Pilipinas, sinabi niya na bilang mga estudyante,

gusto ng mga Pinoy na pumapasok sa kani-kanilang mga paaralan na malinis at

preskong tingnan. Subalit sa matinding trapiko at pakikipagsiksikan at unahan sa

jeepney, MRT at LRT, nagiging amoy mandirigma na umano ang mga estudyante

pagdating sa kanilang paaralan. Lumitaw din sa pag-aaral na kabilang ang Metro

Manila sa 10 pinaka-stressed na lungsod sa buong mundo, at isa sa mga dahilan nito

ay ang masikip na daloy ng trapiko. Sa ganitong sitwasyon, mabisang paraang ang

bisikleta upang makarating sa paaralan nang mas maaga. Bagama't mapapawisan ang

isang commuter na nagbisikleta, lulusog naman umano ang kaniyang katawan dahil isa

rin itong paraan ng ehersisyo. Kaya naman malaking halaga umano ang matitipid ng

mag aaral, o magagamit niya sa ibang mahalagang pangangailangan ang matitipid sa

kaniyang pamasahe. Kinikilala ng resolusyon ang kahalagahan ng bisikleta sa iba’t

ibang aspeto ng buhay ng tao. Ayon naman kay Councilor Allan B. Reyes na siyang

pangunahing may-akda ng resolusyon, may mga hakbang sa Quezon City para sa

pagtatalaga ng bicycle sharing system o community bicycle program katulad ng

ipinapatupad sa ibang mga siyudad sa ibang bansa. Hinihikayat din ni Reyes ang

paggamit ng bisikleta sa Quezon City na maging isang alternatibong paraan ng


transportasyon na upang makatulong na solusyunan ang lumalalang polusyon sa

mundo. “Biking is cost-effective, healthy and convenient to the users,” ani Reyes.

Sinusuportahan naman ito ng Quezon City government sa pangunguna ni Mayor

Herbert M. Bautista ang mga hakbang para sa pagpapalawig ng paggamit ng bisikleta.

Narito ang ilang impormasyon mula sa bagong pananaliksik na dapat mong malaman

na nagpapakita na mainam na gamitin ang bisikleta para mapanatili ang maayos na

kalusugan. Ayon sa isang pag-aaral sa Canada, nabatid na mainam ang pagbibisikleta.

Pagbibisikleta para sa pagpapahinga ng stress

Ang stress ay isang pangkaraniwang suliranin sa ating pang-araw-araw na

buhay at nakikipaglaban na ito ay mahalaga upang humantong sa isang malusog na

buhay. Gumagana ang regular na pagbibisikleta sa parehong paraan upang

mabawasan ang stress. Sa isang banda nagpapalakas ito ng iyong isip sa

pamamagitan ng paggawa ng magandang hormon sa pamamagitan ng pagtatrabaho

ng mga kalamnan at sa kabilang banda ang pakiramdam ng pagbibisikleta ay maaari

talagang mapalakas ang iyong kalooban. Kapag nakaramdam ka ng pagkabalisa, ang

paglabas ng bisikleta sa loob ng 30 minuto ay maaaring magrelaks sa iyong mga

pandama na naghahanda sa iyo upang makabalik sa mga problema sa pang-araw-araw

na buhay na may mas mahusay na diskarte. (paganmata.com)

Dahil sa maghapon na pagod sa pag-aaral nakatutulong ito mawala

ang stress at pagod ko kapag sa tuwing akoy nagbibisikletapatungong paaralan.


Sa bahaging ito makikita na sa pagbibisikleta ay maari rin palang makatulong sa

mga estudyante ang pagpapadyak upang bawan ang stress na nararamdaman

dahil sa maghapong pagaaral.

Pagbibisikleta bilang tulong sa kalikasan

Alam naman nating malala na ang kinakaharap ngayon ng ating kalikasan

partikular na sa malawakang pag-init ng mundo dulot ng ‘global warming’.Upang

masolusyunan at makatulong tayo sa paglutas ng problemang ito,

(pinasglobal.com/2017/08)

Kahit paano alam ko sa sarili ko na hindi lamang sa sarili ko pati na rin sa

kalikasan na nakatutulong ang pagbibisikleta kahit sa kunting sandali na akoy

nagpadyak.

Makikita sa bahaging ito na hindi lamang sa sarili pati na rin sa kalikasan na may

dulot ang pagpapadyak .

Pagbibisikleta bilang tulong pinansyal

Bilang isang estudyante na nais makatulong sa pamilya nanaisin na magpadyak

nalamang kung mayroon naman nito.

Kaya ako nag bibisikleta sa kadahilanang gusto ko makatipid sa pamasahe.

Makikita rito na isa rin sa kahalagahan ng pagpapadyak upang makatulong sa

pamilya lalo na sa pinansyal.

You might also like