Professional Documents
Culture Documents
Journalistic Na Sulatin
Journalistic Na Sulatin
Patrick: Magandang hapon mga ka- heart. Itatampok ngayong araw ng ating
programa ang mga mag-aaral na nagsisikap sa kabila ng kahirapan ng buhay.
Edukasyon ang susi upang maka ahon sa kahirapan, katagang pinapaniwalaan ng
karamihan. Batay sa mga datos ang pilipinas ang nakakakuha ng pinaka mataas na
porsyento ng mga estyudyanteng tumigil sa pag aaral na kabilang sa Asean countries.
Lumalabas ho mga ka-heart na 6.38 na porsyento sa sekondarya ang tumigil sa pag
aaral dahil sa distansya sa eskwlehan, kagutuman, kakulangang pinansyal, at
problema sa pamilya. Gayunpaman mga ka-heart mas lalong tumaas ang bilang ng
mga mag-aaral na tumigil sa pag aaral simula ng pinatupad ang lock down taong
2019. malaki ang naging epekto ng lockdown sa sambayanang pilipino. Kabilang na
rito ang maliit na bayan sa davao oriental na nakakaranas ng kahirapan. Sa kawalan
ng pamasahe ng dr.beato macayra national highschool ang mahigit isang orasang
nilalakad makarating lang sa paaralan. Ito ang dahilan kung bakit madalas lumiban sa
klase ang mga mag-aaral ng dr.beato macayra national highschool . Paano kaya
nabago ng isang simpleng bisikleta ang buhay nila. Pakinggan ang kanilang kuwento
sa dokumentaryong ito ni howie severino.
Dwight: Kabilang ang Baganga, isang maliit na bayan sa davao oriental ang
nakakaranas ng kahirapan. Transportasyon at kahirapan ang makikitang suliranin ng
mga estyudyante ng Dr. Beato Macayra National high school sa baganga. Sa kawalan
ng pamasahe ng dr.beato macayra national highschool ang mahigit isang orasang
nilalakad makarating lang sa paaralan. Ito ang dahilan kung bakit madalas silang
lumiban ng klase.
Dwight; marami sa higit isang libong estyudyante ng Dr. Beato Macayra National
high school ay nakatira sa malayo. Ang mga walang perang pamasahe ay kailangang
maglakad. Mahigit isang oras na lakad sa ilalim ng araw ang kanilang kailangang
lakarin patungong paaralan. Mahigit bente pesos ang pamasahe kaya’t ang iba ay
nahihirapan ng hikayatin ang sariling pumasok pa. Ngunit isang araw may mabuting
balitang dala ang isang basita. Ang dayo na may solusyon daw sa problema na
madalas na pag liban ng mga mag-aral sa eskwelahan. Siya ay ang pinuno ng bike for
the philippines.
Dwight: Naging bahagi ang bikes for the philippines sa pagsulong ng mga
programang pang edukasyon na naglalayong mapadali ang transportasyon ng mga
mag- aaral papuntang paaralan, sa pamamagitang ng bisekleta.
Dwight: what is your really vision at the first place. Why are you doing this kind of
program?
Daniel; our vission is to lessen the drop out rate, as you can see the drop out rate still
increasing. Meron din kaming training katulad ng bike safety, bike maintenance,
hangang sa group riding. Para maensure yung safety ng mga bata.
Daniel; bigyan niyo ng importansya ang inyong bike dahil maraming naghirap para
mabigyan kayo ng libreng bike. Ang gusto lang namin ay makatapos kayo ng pag-
aaral at maging propesyonal, mabait, responsable at disiplinado.
Dwight; Naging bahagi ang Bikes for the Philippines sa pagsulong ng programa ng
Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education ang Pedals and Paddles Project
na naglalayong mapadali ang transportasyon ng mga mag-aaral papuntang paaralan,
sa pamamagitan ng biseklata o bangka.
Abie; tutulungan
Anne; tutulungan
Dwight; ilang taon ng nagdudusa ang tiga bagang. Ang inaasahan nilang kabuhayan
ay sinira ng bagyong pablo.
Risha; ngayon nakikita namin kahit pambili ng bond paper na nagkakahalaga ng isang
piso ay parang mahirap pa sa kanila. So sa baon naman dati yung kantina ay
napupuno yan ng mga estyudyante pero ngayon kahit yung ice water ay kailangang
hatiin pa. Yan po ang mga nakikita namin sa ngayon.
Dwight; si teacher rutchie ang nataasang maging bike councilor. Kwento niya’y
mahigit limang taon ang kaniyang hinintay bago mabiyayaan ng bisikleta ang
kanilang eskwelahan
Dwight; why do you still believe in those past year na mbibigyan ng bike ang inyong
paaralan?
Irish; I just keep believing for our students. Follow up ako ng follow up, at umiikot
talaga ko pero never akong nadiscourage.
Dwight; nasuklian ang limang taong pagpapa followup ni teacher rutchie. Sa ngayon
ay isang daang bisikleta ang nakalaan para sa eskwelahan. Ang unang bugso ng
pamimigay ay nitong hunyo. Apat na pung mag aaral ang nabigyan nito. isa na rito
sina nirfe at reynaldo na nakakaranas ng kahirapan sa transportasyon
Dwight; isa si nirfe sa nabiyayaan ng bike. Pang anim siya sa walong magkakapatid.
Dwight; apat na kilometri ang layo nina nirfe sa paaralan. Kung sila ay mamamasahe
ay kwarenta pesos ang kanilang magagastos. Kung sila ay mamamasahe
magkakapatid ay di na kakayanin pa. Ang kanilang ama ay nahinto sa pagtatrabaho
dahil ito ay nabubulag na samantalang ang ina nila ay may diabetes na. Umaasa ang
pamilya sa pag gawa ng walis ting ting. Aniya ng ina niya ay kung wala ang bisikleta
ay marahil tumigil na ito sa paaralan.
Dwight; ngunit bago sila mabiyayaan ng bisiklte ay nag karoon muna sila ng training
para sa kanilang kaligtasan. Lahat ng nabiyayaan ng bisikleta ay may sari-sariling
pinagdadaanan. Katulad ni reynaldo, Si reynaldo ay nakakaranas ng pang bubully.
Walang katapusang pangangantiyaw ang inabot nito. Pinanganak siyang kuba at tila
kinukutya siya dahil dito. Pero ngayon, matikas ang tayo ni reynaldo sakay ng
kaniyang bisikleta. Noong wala pang bisikleta ay lagi siyang nasa computer shop
dahil lagi siyang binubully at absent.
Dwight; ano?
Abie; kuba daw po, kuba
Dwight; tapos? Nung nag kabike ka? Nagbago na ba ang pakikitungo nila?
Abie; opo nagbago po ang pakikitungo nila kasi marami na po akong kaibigan, mga
bikers po. Tinuturing nila akong kaibigan.
Abie; marami na pong humahanga sakin dahil palagi na lang akong pumapasok sa
paraalan, kasi dati po binubully ako dahil kuba ako at laging absent. Humunga na
sikla sa akin na laging present.
Dwight; isa lang sa kompyansa sa sarili ang naibibigay ng bike. Masaya siyang
nagbabike, isa yon sa ikinasasaya ni reynaldo.
Abie; hindi po, kasi pag hindi ako naka bike malaki sila.
Abie; maraming salamat po sa bike for the philippines dahil sa inyo ay hindi na po
ako liliban sa klase at mas lalo pong tumaas ang kompyansa ko sa sarili. Salamat po.
Dwight; Malaki ang naging tulong ng mga bisikleta upang mas lumalim ang samahan
ng komunidad. Ang pagbangon mula sa kahirapan ay hindi mabilis na proseso. Ang
buhay ay parang bisikleta lamang, hindi ito mawawalan ng balanse kung tuloy lang sa
pagpidal, ganon din sa buhay, ituloy lang ang buhay at huwang mapanghinaan ng
loob.