You are on page 1of 1

TALUMPATING PANGHIHIKAYAT

Magandang araw po sa inyong lahat! Ako po si Mary Grace Gomez, at ako ay


naglalakas-loob na maging inyong lingkod. Kung ako ay inyong iboboto, aking ipinapangako
ang mga sumusunod:

Una, mahalaga para sa akin ang edukasyon. Ipinapangako ko ang pagsusulong ng


mas mataas na kalidad ng edukasyon sa ating komunidad. Ito ay maipamumuhay natin sa
pamamagitan ng mga scholarship programs para sa mga estudyante, suporta para sa ating
mga guro, at pamamahagi ng mga kagamitan sa mga paaralan.

Pangalawa, aking bibigyan ng prayoridad ang kalusugan. Maglalaan ako ng mas


maraming health centers at magbibigay abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa
bawat isa. Gusto kong masiguro na ang bawat mamamayan ay may access sa tamang
serbisyong pangkalusugan.

Ikatlo, aking nais na palakasin ang lokal na ekonomiya. Ito ay magdudulot ng mas
maraming oportunidad para sa negosyo at magbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.
Inaasahan ko na magkakaroon tayo ng mas matatag na ekonomiya.

At huli, ako ay nagsusumikap na maging bahagi ng pagsusulong ng kalikasan.


Ipinapangako ko na itataguyod natin ang kalikasan sa pamamagitan ng mga proyektong
pangkapaligiran, pagsuporta sa waste management, at pagtangkilik sa renewable energy
sources. Ang inyong boto ay may malalim na kahulugan, at nawa'y ako ay bigyan ninyo ng
pagkakataon na maging bahagi ng tunay na pagbabago. Magsama-sama tayo para sa
isang mas magandang hinaharap. Maraming salamat po sa inyong oras!

You might also like