You are on page 1of 5

ILOILO DOCTORS’ COLLEGE

West Avenue, Molo, Iloilo City

Senior High School Department

Konseptong Papel sa

Komunikasyon at Pananalisik

sa Wika at Kulturang Pilipino

Unang Pila, Unang Sakay sa Lungsod ng Iloilo: Mabuti o Masama?

Inihanda nina:

Justin Potato

Orlan Villaruel

Trisha Barredo

Maurene Marie Papilota

Shannah Jane Lumandas

Oktobre, 2019
ILOILO DOCTORS’ COLLEGE

West Avenue, Molo, Iloilo City

Senior High School Department

Rasyunal

Halos lahat ng tao sa bansa ay nagkakaroon ng transportasyon araw-araw. Karamihan

rin sa mga mamamayan ng ating bansa ay nararanasan kung gaano kabigat ang trapiko at

hirap na makahanap ng transportasyon lalo na sa oras ng rush hour. Jeep ang itinuturing kilala

pagdating sa pampublikong transportasyon na madaling matagpuan sa iba’t ibang lugar ng

Pilipinas at ito ay kinakailangan ng mga Pilipino sa paglalakbay; papunta man sa paaralan o

paghahanap-buhay. Ang jeep din ang uri ng transportasyon na may pinakamababang singil ng

pamasahe kaya ito ang pinipili ng marami. Pinakamataas ang demand ng jeep tuwing panahon

ng tag-ulan, pagpasok sa umaga at pag-uwi sa gabi.

Tuwing rush hour (5 pm – 8 pm), karamihan sa mga tao sa lungsod ay nahihirapang

makahanap ng transportsasyong masasakyan patungo sa kanilang mga bahay. Katulad ng Jaro

Plaza, mapapansin kadalasan ang malaking porsyento ng mga tao na naghihintay ng

masasakyang jeep. Ang pagpapatupad ng patakarang ito ay makakabawas ng pasanin sa mga

pasahero sa tuwing sila ay nagbabyahe. Magkakaroon rin sila ng kasiguraduhan na sila ay

makaka-uwi kapag sila ay maghihintay sa pila sa halip na mag-unahan at makipagsiksikan sa

tuwing may bakanteng jeep na darating. Mayroon ng ordinansa ang Baguio City sa mga piling

lugar patungkol din sa ganitong proyekto (. Napasimulan na rin natin ang ganitong proyekto sa

SM City Iloilo, at ang pagpapatupad nito sa mas malawak na lugar sa ating lungsod ay

magdudulot ng pagbabago sa mga mamamayan lalo na ang pagkakaroon ng disiplina.


ILOILO DOCTORS’ COLLEGE

West Avenue, Molo, Iloilo City

Senior High School Department

Layunin

Pangkalahatang Layuin:

i. Ang pagkakapantay-pantay ay isialang-alang sa patakarang “Unang Pila,

Unang Sakay”.

ii. Alamin ang mga kalamangan at kawalan ng patakarang ito.

iii.

Tiyak na Layunin:

i. Tulungang lumawak ang kaalaman ng mga pasahero, PUV Draybers at

mga operaytor sa tamang silbi ng mga pasibilidad ng transportasyon at

serbisyo.

ii. Masuri kung ilang porsyento ng mga pasahero ang pabor dito.

iii. Matutunan ng mga tao kung paano pahalagahan ang desiplina at respeto

sa kapwa tao.
ILOILO DOCTORS’ COLLEGE

West Avenue, Molo, Iloilo City

Senior High School Department

Metodolohiya

Hahatiin sa iba’t ibang tungkulin ang bawat miyembro ng aming grupo upang maging

matagumpay ito at magaan sa lahat ang mga gawain. Ang aming grupo ay magtatakda ng

sarbey para sa mga estudyanteng pasahero na palagiang nakakaranas ng kahirapan tuwing

nagbibiyahe gamit ang jeep. Sa pagbibigay ng mga katanungan kami ay may makakalap na

impormasyon sa bawat pasahero hinggil sa patakarang “Unang Pila, Unang Sakay”. Sa sarbey

na ito ay malalaman kung sila ay pabor o hindi sa itinakdang patakaran. Magkakaroon din kami

ng mga obserbasyon upang mas mapalawak ang kaalaman patakarang ito. Pagkatapos ng

sarbey at obserbasyon ay aming pagsasamahin ang mga nakalap na datos at impormasyon.


ILOILO DOCTORS’ COLLEGE

West Avenue, Molo, Iloilo City

Senior High School Department

Inaasahang Bunga

Ang papel na ito ay panimulang hakbang upang maging organisado at matagumpay ang

pagbabantay ng mga pasahero sa mga pampublikong lugar. Makakatulong ito sa kaligtasan ng

mga pasahero lalong lao na sa mga may kapansanan, buntis at matatanda dahil sa dagdag na

seguridad at mas organisadong pamamaraan upang makapagbiyahe. Maiiwasan din ang

pakikipagsiksikan tuwing sasakay na minsa’y nakakasakit sa iba pang pasahero. Makakatulong

din ito upang mabawasan ang trapik dulot ng maraming mga pasahero na kadalasang umaabot

na sa mapeligrong parte ng kalsada para lang makipag-unahan sa pagsakay. Higit sa lahat, ito

ay makatutulong sa pag disiplina sa mga Pilipino at maturuan silang obserbahan ang

kasabihang “First come, First ride”.

Sanggunian

You might also like