You are on page 1of 2

Grace D.

Tapia Pagsulat sa Piling Larangan


STEM 11-F Repleksiyong Sanaysay

KARIPAS PARA SA KAPWA AT PARA SA SARILI

Noong ika- 24 ng pebrero, naganap ang isang pagtakbo para isulong ang “11th Batangas Run for
Wellness”na ginanap sa Lima Park Hotel. Ito ay may temang, “Every Runner is a Hero”. Sa
ginawang aktibidad na ito, ako ay naghanda upang makalahok sa pagtakbo. Sa Limang kilometro
ako nagparegister dahil iyon lang ang abot ng aking makakaya. Marami akong natutunan sa
ginanap na aktibidad na nais kong ibahagi.

Ang disiplina sa sarili. Ito ang aking unang natutunan dahil kailangan mo ng sapat na lakas upang
makatakbo at ang aking ginawa ay nagpahinga bago sumapit ang takdang araw. Sapagkat alas-
singko ay dapat nasa may Lima na, ako ay gumising ng maaga upang makapunta sa aking
destinasyon sa tamang oras. Nang dahil sa aking disiplina sa sarili, nagawa kong makapunta roon
sa tamang oras.

Ang pakikibaka at pakikipagtulungan. Ito ang kaugaliang minamalas ng mga Pilipino noon at tila
nawawala na sa ngayon. Ngunit aking napatunayan na nabuhay na ito sa aming pagtakbo. Kasama
ko ang aking mga kaklase sa pagtakbo at kami ay nagtulong tulong at hindi nagiwanan.
Nagtulong-tulong kami sa pagbubuhat ng mga mabibigat na dalahin tulad ng “bag” dahil walang
mapaglagyan nito o mapagiwanan kaya’t dala dala namin ito sa pagtakbo. Isa ako sa mga
tinulungan ng aking kaklase dahil nakita nilang ako ay nahihirapan sa mabigat kong dala-dala
kaya’t ninais nilang ako’y tulungan.

Ang pakikipagkapwa tao. Aking natuklasan na ang pagtakbo naming iyon ay may kahalagahan din
pala. Hindi lang iyon basta bastang pagtakbo dahil ito ay maraming matutulungan. Natuklasan
kong ang mga binayad sa naganap na pagtakbo ay makakatulong sa mga benepesyaryo ng Bato
Balani Foundation at Mary Mediatrix Good Samaritan Foundation. Sa pagtakbo kong iyon, hindi
ko namamalayan na ako pala ay nakakatulong na sa iba at dahil doon labis akong nagalak at labis
ang aking pagpapasalamat sa Diyos dahil sa kakapurangot na halagang aking ibinayad sa fun run
ay makakapagpakain at makakatulong sa mga kabataang walang minulatang magulang.

Sa aking mga realisasyon, labis akong nagalak sapagkat marami pala akong natutunan sa naganap
na pagtakbo. Hindi na ito isa sa mga aktibidad na kailangan sa school kundi isa ito sa mga
nagpamulat sa isang estudyanteng katulad ko na ito ay isang aktibidad upang makatulong sa
kapwa. Ito ay magsisilbing aral sa akin sapagkat hindi lang ako ang nakatulong, kundi pati sa
pagtakbong iyon, natulungan nila akong mamulat sa mga kaugaliang minamalas ng mga Pilipino
noon. Totoo nga ang nais iparating ng tema na “EVERY RUNNER IS A HERO” dahil ang mga
tumakbo ay nakatulong sa kapwa tao at sa paghubog ng kanilang sarili.

You might also like