You are on page 1of 2

Pangalan: Celeo Abel F.

Sacramento
Baitang & Antas: HUMSS 12 Y1-9
Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Guro: Joanna G. Barrio

Tekstong Agham Panlipunan


Pagbubuod at Pagsusuri sa Tampok na Tekstong Binasa

Buod ng “Ang Jeepney”


Ang jeepney ay isang pampublikong sasakyang pinapasada sa mga lansangan
ng buong Pilipinas. Itinuturing itong isang tatak Pilipino dahil sa kasaysayan nito
magmula pa noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ay natatangi dahil sa disenyo
nitong kayang magsakay ng labing-walo o higit pang pasahero; naging simbolo rin ito
ng araw-araw na sitwasyon ng bawat Pilipino sa kanilang nilalakbay na mga
destinasyon—mapa-trabaho, eskwela, o galaan man ito. Popular ang jeepney sa angkin
nitong naitutulong sa bawat Pilipinong sumusugal sa bawat hamon ng kanilang
pamumuhay, sinisimbolo nito ang katapatan, pagkamatiyaga, at pagkakaisa.
Ayon sa tekstong “Ang Jeepney,” naipapahiwatig nitong mayroon tayong aral na
napupulot sa epekto ng isang pampasaherong jeepney sa bawat mamamayan ng
bansang ito. Gumuguhit ang simbolo ng isang jeepney, hindi lamang sa angkin nitong
kagandahang pisikal ngunit sa kahalagahan nitong makatulong sa bawat Pilipinong
bumabyahe.

Buod ng “Pagbubuo ng Isang Malakas na Pamilya”


Ang isang pamilya raw ang pinaka-unang sasanggunian mo ng bawat hinaing,
saya, tagumpay, pighati, at kaguluhang darating sa buhay mo. Naipbigay ng tekstong
ito ang bawat kahalagahan at pundasyon sa pagkakaroon ng malakas at matibay na
pamilya. Naipakita nito ang bawat aral at alituntuning dapat na bigyang-pansin ng bawat
miyembro ng pamilya sa loob ng kanilang tahanan. Ginarantiya rin ang bawat
responsibilidad at ganap ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng bahay, at kung ano
ang epekto nito sa mga iba pang kasapi ng pamilya. Ipinahiwatig na ang pamilya at ang
kanilang mga pansarili, ekonomikal, pang-akademiko, pinansyal, at panlipunang aspeto
sa pagpanday ng pundasyon bilang tahanan. Mahalagang pinag-uusapan at iniintindi
ang bawat a emosyon at mga sanhi ng bagabag sa kanilang mga puso. Komunikasyon,
pagtanggap, at pagmamahal nang walang katumbas na kahit na anong halaga ang
dapat na manaig sa isang pamilya. At sa oras na mayroong mga pagkakamali,
matutong kilalanin ang mga ito, managot sa kasalanan at humingi ng kapatawaran sa
pamilyang nadadamay. Pinahahalagahan din dapat ng bawat isa ang kanilang pagiging
miyembro ng pamilya, tandaan, kayo-kayo na lamang ang magtutulungan at
magdadamayan sa oras na mayroong bagabag at unos ang mga damdamin. Kinilatis
din ang pag-agapay na responsibilidad ng bawat miyembro, ito ay dapat na isaalang
alang bilang susi sa pag-unlad ng bawat kapamilya sa loob ng tahanan. Komunikasyon
din ang isa sa susing magbibigay ng mga bukas na diskusyon, pagtuklas ng kaalaman
mula sa ibang miyembro, at madali rin nitong malulunasan ang mga bahid ng hindi
pagkakaintindihan. Samantala, ang oras ay isa rin sa aspetong titingnan ng bawat
miyembro bilang isa itong gabay sa pagkilala pa sa bawat gawi at pananaw ng iyong
kapatid, magulang, at sa iba pang mga miyembro ng pamilya.

Pagsusuri sa mga Tampok na Teksto


Ang mga babasahing natalakay ay hindi lamang nakapagbigay sa mga
mambabasa ng kaalaman ngunit nagbibigay ito ng kamulatang sosyal at panlipunan sa
mga tunay na kaganapan sa ating paligid at sa sarili. Ang mga halimbawang ito ay
napapaloob sa mga tekstong may kinalaman sa Agham Panlipunan. Sinusuri nito ang
kalagayan ng espisipikong aralin sa ating kapaligiran. Lumilinang ng bagong kaalaman
sa larangan ng komunikasyong magbigay kaalaman ukol sa kasaysayan at karanasan
ng mga mamamayan sa kaniyang kapaligiran. Sumasalamin ang mga tekstong ito
upang maging aral na isagawa ito para sa mga posibilidad at solusyong makakatulong
sa kanilang pag-unlad sa lipunan.

You might also like