You are on page 1of 2

CASamahan: Matiwasay na Espasiyo

Ang presensiya ay may natatanging kakayahan na pagaanin at iparamdam sa


kahit na kaninong indibidwal ang pagpapahalaga’t pagmamahal. Hindi namamalayang
may mga sugat na naghihilom at luhang napapawi sa panahong iniaalay ang kaunting
oras, pagbubukas ng taenga at mahinang tapik sa balikat. Ninanais ng bawat tao na
magkaroon ng mga nilalang na makasasama sa kanilang paglalakbay, at
mapagbabahagian ng tagumpay man o pagkadihado. Ang mapayapang espasiyong nais
nating mapuntahan ay hindi lugar kundi mga nilalang na nariyan upang dumamay at
gumabay.
Sa layuning mapalakas ang kalusugan ng mentalidad, inilunsad ng Filamer
Christian University Psyche (FCU PSYCHE) at nang Filamer Christian University Student
Republic (FCUSR-CAS) ang CASamahan Peer Group nang ika-5 ng Nobyembre taon
kasalukuyan. Pinangunahan ng 3rd year Municipality Mayor na si Frenzy Earl Sydney
Batilaran na isa ring BS Psychology Student, siya ang punong tagapangasiwa ng
inisiyatibong ito.
“To having been listened by people I barely knew at first, being accepted and
belonged to, were the things I took inspiration from to form CASamahan. I earnestly
desire to spread it to my generation, however, I cannot do that entirely. Hence, I
started with the platform I have, in my own environment—the College of Arts of
Sciences department. I felt the need to tell my peers that there are people willing to
lend their time and ears for them; I want the youth to experience the warmth I felt and
create a space so safe to tell anything” naging dahilan ni Frenzy upang umpisahan ang
nasabing programa.
Ang CASamahan ay isang inisyatibo na may layuning makabuo ng mga grupong
may tatlo hanggang limang miyembro at magtitipon isang beses sa isang buwan.
Layunin nitong maging isang mapayapang espasyo, kung saan malaya silang
mapakikinggan at magkaroon ng kaalaman ukol sa kung paano mapapangalagan ang
mental na aspeto ng tao.
Ang bawat mag-aaral ng College of Arts and Sciences o CAS ay malayang
nakibahagi sa CASamahan. Nagkaroon ng iba’t-ibang promosyon ang dalawang
organisasyon upang mahikayat ang buong departamento na sumali sa nasabing
programa, sapamamagitan nito ay nagkaroon ng pitong grupo mula sa tatlongpu’t apat
na kabuuang kasapi na nagmula sa iba’t ibang kurso at taon. Sa bawat buwan ay
mayroong iba’t-ibant topiko mula sa Mental health PH at sa ilalim nga Kagawaran ng
Kalusugan o Department of health.
Ang pitong grupo ay mayroong dalawang tagapangasiwa na inihanda sa
pamamagitan ng Dab-ot: Mental Health responding training, isang pagsasanay na
naglalayon na maturuan kung paano ang tamang pag responde sa mga taong
nangangailangan ng emotional at mental na atensiyon. Dumaan sila din sila sa
masusing pagsala upang masigurado na magiging epektibo ang kanilang pakikinig at
pagbibigay kaalaman. May kabuuang 14 na mga tagapangasiwa na hinati para sa
pitong grupo. Ang nasabing programa ay nakatutulong din upang mahubog ang
kakayahan ng mga tagapangasiwa na maging epektibong pinuno sa mga nasasakop
nito. Ang bawat grupo ay may oportunidad na makapagbahagi ng kanilang sarili sa
lugar na malayo sa panghuhusga.
“I said yes to be one of the facilitators of CASamahan, simply because I wanted
to be there for someone struggling to share their challenges or experiences because
others might judge them for what they are going through. I want to be someone that
they can lean on, someone who can make them feel that they are heard, understood,
and cared for. I believe that becoming a facilitator could help others overcome feelings
of isolation and loneliness that often accompany mental health struggles by offering
support and compassion. Also, taking part in CASamahan can make a huge difference,
not just for others but also for myself. I can hear others' stories and journeys, from
which I can gain different perspectives, expand my knowledge, and become more
educated about various situations.” Pagbabahagi ni Dionnalyn Kaye Bayot, isa sa mga
tagapangasiwa ng CASamahan.

You might also like